Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SUMMATIVE TEST

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
S.Y. 2020 – 2021

Pangalan:_____________________________________________ Baitang: ________ Iskor: _____________

I. Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sa paggawa ng pasiya, dapat_____________.
a. sinusunod ang sariling kagustuhan
b. ginagawa ang hinahangad ng mga kakilala at awtoridad
c. hinahayaan ang ibang mga miyembro na magpasiya para sa lahat
d. nagpapakita ng pagkamakatwiran sa mga maapektuhan ng pasiya
2. Tumutukoy sa _______________ ang mapanuring pag-iisip
a. pagtatago ng detalye ng isang suliranin
b. pagtatanong sa iyong guro ng kaniyang opinyon
c. pagpapaliwanag ng sariling punto at pagpipilit nito sa iba
d. pag-aaral nang mabuti sa mga patunay bago gumawa ng isang pasiya
3. Sa pagbuo ng pasiya, kailangan mong ____________
a. Magkaroon ng patunay
b. Ipilit ang iyong opinyon
c. Hingin lang ang opinion ng mga kaibigan
d. Magbigay ng labis na pansin sa mga patunay na susuporta sa iyong personal na pananw
4. Ang pasiya na dapat gawin ay para sa kabutihang ______________.
a. panlahat c. para sa mga lider
b. pangmarami d. para sa hindi miyembro ng pangkat
5. Naipapakita ang pakikipagtulungan sa pamamagitan ng ___________________.
a. hindi paggawa sa napagkasunduan
b. pagtatrabaho kasama ang mga iba tungo sa isang layunin.
c. hindi pagsasabi ng kahit ano ngunit makikimkim ng sama ng loob sa ibang miyembro ng pangkat
d. pagpipilit gawin kung ano ang tama sa kanyang isip kahit hindi sang-ayon ang iba pang miyembro
Para sa bilang 6-10, balikan ang kwentong “ Isang Dakilang Anak” at sagutin ang sumusunod na katanungan.
6. Paano mo mailalarawan si Albert ayon sa kwentong binasa?
a. isang dakilang anak c. isang mapagkunwaring anak
b. isang pabayang anak d. isang tamad na anak
7. Ano ang ginawa ni Albert para matulungan ang kaniyang ina?
a. Tumutulong siya sa pag-aayos ng kakanin
b. Tumutulong siya sa pamamasada ng dyip.
c. Nagtatrabaho siya bilang isang construction worker
d. Hindi siya tumutulong dahil parati lan siyang naglalaro
8. Kung ikaw si Albert, gagawin mo rin ba ang ginagawa niya?
a. Oo, upang maging sikat.
b. Hindi, dahil bata pa ako,
c. Oo, upang matulungan ko ang ina.
d. Hindi, dahil mag-aaral lang ako.
9. Bakit ipinatawag si Albert sa opisina ng kanilang punongguro?
a. Dahil nagkasala siya.
b. Dahil may iuutos ang kanilang punongguro sa kaniya.
c. Dahil tuturuan siya ng kanilang punongguro na magbasa.
d. Dahil may magandang balitang sinabi ng punongguro
10. Ano kaya ang naramdaman ng ina ni Albert ng sinabi nya rito ang magandang balita?
a. masaya b. nagalit c. natakot d. nadismaya
II. Punan ng mga salita ang patlang upang mabuo ang konsepto ng aralin. Piliin ang sagot sa kahon.

Ang mapanuring (11)___________________ay nangangailangan ng kaalaman sa (12)__________________,


pagtitimbang ng maaaring (13)_____________ at (14)__________________ ng pinakamabuti bago bumubuo ng isang
(15)___________________.

pasiya pagpili gawin pag-iisip sitwasyon

III. Isulat kung TAMA o MALI ang mga sumusunod na pahayag.

___________1. Magagalit ako sa aking kamag-aral kapag hindi siya sumasang-ayon sa aking mga sinasabi.
___________2. Magagalit ako kapag tinatapakan ang aking paa kahit hindi sinasadya.
___________3. Ibibigay ko ang aking upuan sa matatanda o may kapansanan.
___________4. Hindi ko pagatatawanan ang aking kamag-aral na nahihirapang una wain ang aralin.
___________5. Maglalaro ako nang patas kahit mayroong pagkakataon na Manalo ng may pandaraya.
___________6. Pagtatawanan ko ang mga manlalaro ng basketbol kapag hindi sila nakakabuslo ng bola.
___________7. Ako ang gagawa ng mga gawaing bahay ng ina kapag may sakit siya.
___________8. Tama ang lahat ng aking sinasabi at ginagawa dahil palagi akong nakakakuha ng mataas na marka sa mga
pagsusulit.
___________9. Nag-iisip muna ako ng mga paraan bago ako gumagawa ng desisyon.
___________10. Magsusumikap akong sagutin ang mga aralin kahit ako’y nahihirapan.

You might also like