Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Ang buod ng Noli Me Tangere

Ang nobelang Noli Me Tangere o Touch Me Not sa wikang Ingles ay isinulat ng ating
pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Ipinamumulat ng nobelang ito sa mga Pilipino ang
pang-aabusong ginagawa ng mga pari noong panahon ng mga Kastila, gayon din ang mga
pang-aabusong nagaganap sa lipunan noong panahong sakop pa tayo ng mga dayuhan.
Pagkatapos ng pitong taong pag-aaral sa Europa ay bumalik sa Pilipinas ang binatang si Juan
Crisostomo Ibarra. Dahil dito’y naghandog ng piging si Kapitan Tiyago kung saan inanyayahan
niya ang ilang kilalang tao sa kanilang lugar.
Sa piging ay hinamak ni Padre Damaso si Ibarra ngunit sa halip na patulan ay magalang na
lamang itong nagpaalam sa kadahilanang siya ay may mahalaga pang lalakarin.
Si Ibarra ay may magandang kasintahan, siya si Maria Clara na anak-anakan ni Kapitan Tiyago.
Dinalaw ni Ibarra ang dalaga kinabukasan pagkatapos ng piging.
Inalala nila ang kanilang pagmamahalan at maging ang mga lumang liham bago pa mag-aral sa
Europa si Ibarra ay muling binasa ni Maria Clara.
Sa daan bago umuwi si Ibarra ay inilahad ni Tinyente Guevarra ang sinapit ng ama ng binata na
si Don Rafael Ibarra na noon ay isang taon nang namayapa.
Ayon sa Tinyente, pinaratangan ni Padre Damaso si Don Rafael na isang Erehe at Pilibustero
dahil hindi umano ito nagsisimba at nangungumpisal. Nangyari ang lahat ng ito matapos
ipagtanggol ni Don Rafael ang isang bata sa kamay ng isang kubrador na aksidenteng nabagok
ang ulo kaya namatay.
Dahil sa pangyayaring iyon ay nagkaroon ng imbestigasyon habang nakakulong ang Don.
Nagsilabas din ang ilan sa mga lihim na kaaway ni Don Rafael at pinaratangan pa ng kung anu-
ano.
Labis na naapektuhan ang kanyang ama sa mga pangyayaring iyon kaya naman habang
nakakulong, siya ay nagkasakit at iyon ang naging dahilan ng kanyang kamatayan.
Di pa nakuntento si Padre Damaso at ipinahukay ang labi ni Don Rafael upang ipalipat sa
libingan ng mga Instik. Dahil sa malakas na ulan ng panahong iyon, sa halip na mapalipat ay
itinapon n lamang ang bangkay sa lawa.
Imbes na maghiganti, ipinagpatuloy ni Ibarra ang nasimulan ng kanyang ama. Nagpatayo siya ng
paaralan sa tulong ni Nol Juan.
Noong babasbasan na ang paaralan ay muntikan ng mapatay si Ibarra kung hindi lamang siya
nailigtas ni Elias.
Sa halip na si Ibarra ay ang taong binayaran ng lihim na kaaway ng binata ang siyang namatay.
Muling pinasaringan ni Padre Damaso ang binata. Hindi na sana ito papansinin ni Ibarra ngunit
ng kanyang ama na ang hinahamak nito ay ‘di siya nakapagpigil at tinangkang sasaksakin ang
pari. Napigilan lamang siya ng kasintahang si Maria Clara.
Dahil sa pangyayaring iyon ay itiniwalag ng Arsobispo sa simbahang katoliko si Ibarra.
Sinamantala ni Padre Damaso ang pangyayaring iyon at iniutos sa ama-amahan ni Maria Clara
na huwag ituloy ang pagpapakasal ng dalaga kay Ibarra. Sa halip ay kay Linares na isang
binatang Kastila umano ipakasal ang dalaga.
Dahil sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa ang pagka-eskomulgado ni Ibarra at
muli siyang tinanggap sa simbahan.
Ngunit, sa di naasahang pagkakataon ay muli siyang hinuli at ikinulong dahil naparatangan
siyang nanguna umano sa pagsalakay sa kuwartel.

Habang ginaganap ang handaan sa bahay ni Kapitan Tiyago para sa kasunduang pagpapakasal
nina Linares at Maria Clara ay nakatakas si Ibarra sa tulong ng kanyang kaibigan na si Elias.
Bago tuluyang tumakas ay nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap ng lihim sina Ibarra at
Maria. Isinumbat niya sa dalaga ang liham na ginamit ng hukuman laban sa kanya ngunit mariin
itong itinanggi ni Maria.
Aniya’y inagaw lang umano sa kanya ang liham ng binata kapalit ng liham ng kanyang ina na
nagsasabi na si Padre Damaso ang tunay niyang ama.
Dagdag pa ng dalaga, kaya daw umano siya magpapakasal kay Linares ay para sa dangal ng
kanyang ina. Ngunit ang pagmamahal niya kay Ibarra ay di magbabago kailanman.
Pagkatapos nito’y tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila sa bangka at tinunton
ang Ilog Pasig hanggang makarating sa Lawa ng Bay. Pinahiga ni Elias si Ibarra at tinabunan ng
damo.
Ngunit naabutan sila ng tumutugis sa kanila. Naisip ni Elias na iligaw ang mga humahabol sa
kanila. Pagkaraan ay lumundag siya sa tubig at inakala ng mga humahabol sa kanila na ang
lumundag ay si Ibarra. Pinagbabaril si Elias hanggang sa ang tubig ay magkulay dugo.
Nabatid ni Maria Clara ang diumano’y pagkamatay ni Ibarra. Nalungkot siya at nawalan ng pag-
asa kaya hiniling niya kay Padre Damaso na ipasok na lang siya sa kumbento dahil kung hindi ay
wawakasan na lamang niya ang kanyang buhay.
Natunton ni Elias ang maalamat na gubat ng mga Ibarra. Dito ay nakita niya si Basilio at ang
kanyang walang buhay na ina na si Sisa. Noche Buena na noon samantalang si Elias ay sugatan
at hinang-hina.
Bago pa siya nalagutan ng hininga ay nasabi niya na kung hindi man daw niya makita ang
bukang-liwayway sa sariling bayan, sa mga mapalad, huwag lamang daw limutin nang ganap
ang mga nasawi sa dilim ng gabi. Iyon ang huling mga salitang lumabas sa bibig ni Elias.
Mga Tauhan sa Noli Me Tangere at kanilang mga katangian
Sadyang napakaraming mga tauhan sa nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Ang bawat
karakter sa kwento ay may mga sinisimbulo sa lipunang ginagalawan ng ating pambansang
bayani. Alamin kung sinu-sino ang mga tauhan sa kwento at kung anu-anong mga papel ang
kanilang ginampanan.
Crisostomo Ibarra
Si Ibarra ay isa sa mga pangunahing tauhan sa nobela. Siya ang nag-iisang anak at tagapag-mana
ni Don Rafael Ibarra. Dahil siya ay nagmula sa mayamang pamilya, nagkaroon siya ng
pagkakataon na makapag-aral sa Europa. Matapos ang kanyang pamamalagi sa Europa, siya ay
nagpasyang umuwi.
Matagal na niyang pangarap na makapag-patayo ng isang iskwelahan upang mapaunlad ang
kinabukasan ng mga bata sa kanilang bayan.
Siya ay itinuring na eskumulgado matapos niyang tangkain na saksakin ang Pransiskanong
prayle na si Padre Damaso. Bagamat siya ay pinalusot sa unang pagkakataong, nadawit siya sa
isang pag-aalsa kaya tuluyan siyang tinugis ng mga kinauukulan.

Maria Clara
Si Maria Clara ay ang pinakamamahal na babae ni Ibarra. Siya ay itinuturing na pinakaganda sa
buong bayan. Kilala rin ang dalaga sa kanyang angking kayumian. Sa mga unang kabanata,
ipinakita na si Maria Clara ay ang nag-iisang anak ni Kapitan Tiago at Donya Pia Alba. Ngunit
nang naglaon, ibinunyag niya kay Ibarra na siya ay anak ni Padre Damaso.

Elias
Si Elias ang magsasakang nagpakita kay Ibarra ng tunay na sitwasyon sa kanilang bayan.
Bagamat siya ay kabilang sa angkan na kaaway ng mga Ibarra, isinakripisyo niya ang kanyang
buhay para mailigtas si Crisostomo nang sinubukan nilang tumakas papalabas sa lawa ng Bay.
Nang siya ay nakarating sa kagubatan ng mga Ibarra at nag-aagaw buhay, sinabi niyang hindi
man lang niya.

Kapitan Tiago
Si Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago ay isang kilalang Pilipinong elitista. Dahil sa
kanyang mataas na posisyon sa lipunan, malapit siya sa mga Pransiskanong prayle na sina Padre
Salvi at Padre Damaso.
Wala siyang ibang gusto para sa kanyang nag-iisang anak na si Maria Clara kundi makapag-
asawa ng mayaman at maimpluwensyang binata. Kaya ganun na lamang niya kabilis talikuran
ang napagkasunduang pagpapakasal ni Maria Clara kay Ibarra matapos itong itiwalag ng
simbahan.

Padre Salvi
Si Padre Salvi ay isa mga Pransiskanong prayle na namumuno sa San Diego. Siya ay kilala
bilang isang mapaglinlang na pari na ginagamit ang kanyang posisyon sa lipunan upang
mapalakas ang kanyang impluwensya sa buong bayan. Mayroon siyang lihim na pagtingin kay
Maria Clara kaya gumawa siya ng paraan upang masira ang reputasyon ni Ibarra. Si Padre Salvi
ang nag-organisa ng rebelyon laban sa mga Gwardya Sibil at pinaniwala ang mga kinauukulan
na si Ibarra ang nasa likod nito.
Padre Damaso
Kilala si Padre Damaso na isang arroganteng at malupit pari na hindi marunong magsalita ng
Filipino kahit pa matagal na siyang naninirahan at nakikinig sa mga kumpisal ng mga taga San
Diego.
Tuwing may kumakalaban sa kanya, ginagamit niya ang kanyang mataas na posisyon sa
simbahan upang magpataw ng parusa gaya na lamang ng ekskomunikayon. Siya ang tunay na
ama ni Maria Clara matapos maki-apid sa kanya si Donya Pia Alba. Nakalaban siya ng ama ni
Ibarra na si Don Rafael. Dahil dito ay nakulong si Don Rafael at namatay habang nasa kulungan.
Siya ang naging mortal na kalaban ni Ibarra sa buong nobela.
Pilosopong Tasyo
Si Tandang Tasyo o Don Anastasio ay isa sa mga karakter na kumakampi kay Ibarra. Kilala siya
sa kanyang kakaibang pananaw sa mundo. Siya ang sumisimbolo sa mga taong walang pakialam
sa iniisip ng iba. Sa kasamaang palad, dahil mas gusto niyang mapag-isa, namatay siyang walang
kasama.
Crispin
Si Crispin ay anak ni Sisa na isang sakristan sa simbahan ng San Diego. Kasama ang kanyang
kuya na si Basilio, nagtratrabaho siya upang makapagbigay ng pera sa kanilang ina na si Sisa. Sa
kasamaang palad, napagbintangan siyang nagnakaw ng pera sa simbahan kaya napilitan siyang
magtrabaho upang mabayadan ang kanyang utang.
Isang gabi, plinano nilang magkapatid na bumisita sa kanilang ina, ngunit pinigilan sila ng
punong maestro ng mga sakristan. Nang sinagot ni Crispin ang punong maestro, pinalo siya ng
paulit-ulit. Wala ng nakakita pa sa binata matapos ang naturang pagmamaltrato sa kanya ng
simbahan.
Basilio
Siya ang nakakatandang kapatid ni Crispin. Tulad ng kanyang kapatid, nagsasanay rin siya upang
maging sakristan. Sinubukan niyang hanapin ang kanyang kapatid matapos iton kaladkarin ng
punong maestro ng mga sakristan.
Sa kasawiang palad, hindi na niya nahanap ito. Tumakas na lang siya at nagtungo sa tahanan ng
kanyang ina. Nagpaalam siya na magtratrabaho na lamang kay Crisostomo Ibarra.

Don Tiburcio
Si Doctor Tiburcio de Espadaña ay isang Espanyol na nang-gagamot ng mga tao kahit hindi
naman isang tunay na doctor. Bagamat walang sapat na kaalaman sa medisina, sinisingil niya ang
kanyang mga pasyenteng ng napakataas na bayad. Akala ng maraming tao na tunay siyang
doctor dahil sa kanyang mataas na singil.
Sa kalaunan, nalaman ng mga tao na isa siyang pekeng doktor, kaya napilitan siyang humanap ng
ibang pangkabuhayan.

Donya Victorina
Si Donya Victorina ay isang pilipinong babae na nakapangasawa ng isang Espanyol na nag-
ngangalang Don Tiburcio.
Walang ibang bagay na pinapahalagahan si Donya Victorina kundi ang pag-ingatan ang kanyang
imahe bilang isang elitista. Siya ang nagsuhestiyon na ipakasal si Maria Clara sa kanyang
pamangking si Linares.
Tinyente Guevarra
Siya ay isang nakakatandang Gwardya Sibil na lubos na rumerespeto sa pamilya ng mga Ibarra.
Ibinunyag niya kay Crisostomo kung paano nakulong ang kanyang ama na si Don Rafael dahil
siya ay nabansagang erehe at pilibustero.
Idinetalye niya kung paano ipinahukay ang mga labi ni Don Rafael at pinalipat sa libingan ng
mga Instik ng kalaban nitong si Padre Damaso.

Linares
Ipinagkasundo siyang ipakasal kay Maria Clara matapos itakwil ng simbahan si Ibarra. Si
Linares ay pamangkin ni Don Tiburcio. Siya ay nagtapos ng abogasya sa Espanya at itinuturing
na pinakamatalino sa angkan ng mga de Espadaña.
Pumayag si Padre Damaso na makasal si Linares sa kanyang anak na si Maria Clara upang hindi
makatuluyan ng dalaga ang kalaban niyang si Crisostomo Ibarra.
Ang kwento ng Noli Me Tangere ay isa sa mga pinaka-importanteng nobela na nailimbag sa
panahon ng mga Kastila. Ngayon ito ay parte ng kurikulum ng mga mag-aaral sa hayskul.

Other Reference:
Crisostomo Ibarra
Si Juan Crisostomó Ibárra y Magsálin (o Crisostomo o Ibarra), ay isang binatang nag-aral sa
Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng
mga kabataan ng San Diego. Siya ay kababata at kasintahan ni Maria Clara. Siya ay sagisag ng
mga Pilipinong nakapag-aral na maituturing na may maunlad at makabagong kaisipan.
Maria Clara
Si Mariá Clara de los Santos y Alba (o Maria Clara), ay ang mayuming kasintahan ni
Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kaniyang ina na si Doña Pia Alba kay
Padre Damaso. Siya ang kumakatawan sa uri ng Pilipinang lumaki sa kumbento at nagkaroon ng
edukasyong nakasalig sa doktrina ng relihiyon. Siya ay inilarawan bilang maganda, relihiyosa,
masunurin, matapat, at mapagpasakit.
Padre Damaso
Si Dámaso Verdolagas (o Padre Damaso), ay isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang
parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego. Siya ang tunay na ama ni
Maria Clara.
Kapitan Tiago
Si Don Santiago de los Santos (o Kapitan Tiago), ay isang mangangalakal na tiga-Binondo na
asawa ni Pia Alba at ama-amahan ni Maria Clara. Siya ay mapagpanggap at laging masunurin sa
nakatataas sa kaniya.
Elias
Si Elias ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kaniyang
bayan at ang mga suliranin nito.
Sisa, Crispin, at Basilio
Si Narcisa (o Sisa), ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng
asawang pabaya at malupit.
Sina Basilio at Crispin ay mga magkapatid na anak ni Sisa; sila ang sakristan at tagatugtog ng
kampana sa simbahan ng San Diego.
Pilosopo Tasyo
Si Don Anastasio o Pilosopo Tasyo, ay isang pantas at maalam na matandang tagapayo ng
marurunong na mamamayan ng San Diego. Kadalasan siyang tinatawag na baliw dahil hindi
maunawaan ng mga mangmang ang katalinuhan niya.
Donya Victorina
Si Donya Victorina de los Reyes de Espadaña o Donya Victorina, ay isang babaing
nagpapanggap na mestisang Kastila kung kayâ abot-abot ang kolorete sa mukha at maling
pangangastila. Mahilig niyang lagyan ng isa pang “de” ang pangalan niya dahil nagdudulot ito
ng “kalidad” sa pangalan niya.
Ibang Tauhan
Padre Salvi o Bernardo Salvi– kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na
pagtatangi kay Maria Clara.
Alperes – matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego (itinuring ni Rizal na Hari
ng Italya ng San Diego habang ang kura ang Papa ng Estado Pontipikal)
Donya Consolacion – napangasawa ng alperes; dáting abandera na may malaswang bibig at pag-
uugali.
Don Tiburcio de Espadaña – isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa
paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.
Alfonso Linares – malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso
na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.
Don Filipo – tenyente mayor na mahilig magbasá ng Latin
Señor Nyor Juan – namahala ng mga gawain sa pagpapatayô ng paaralan.
Lucas – kapatid ng táong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay
Ibarra.
Tarsilo at Bruno – magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
Tiya Isabel – hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
Donya Pia Alba – masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya’y
maisilang.
Inday, Sinang, Victoria, at Andeng – mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
Kapitan-Heneral – pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-
ekskomunyon si Ibarra.
Don Rafael Ibarra – ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa
yaman kung kaya nataguriang erehe.
Don Saturnino – lolo ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.
Balat – nuno ni Elias na naging isang tulisan
Don Pedro Eibarramendia – ama ni Don Saturnino; nuno ni Crisostomo
Mang Pablo – pinúnò ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.
Kapitan Basilio – ilan sa mga kapitán ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan
Valentin; ama ni Sinang
Tenyente Guevarra – isang matapat na tenyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay
Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kaniyang ama.
Kapitana Maria – tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala
ng ama.
Padre Sibyla – paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
Albino – dáting seminarista na nakasáma sa piknik sa lawa.

You might also like