Filipino 6 ST#2-Q4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Division of City Schools

School District VI
Pres. Corazon C. Aquino Elementary School
IBP RD. Batasan Hills, Quezon City

Abril 22, 2024 - Lunes

I. Layunin:

Nasasagutan ang 75% ng mga katanungan sa Lagumang Pagsusulit nang wasto.


II. Paksang – aralin:

Pagsagot tungkol sa REAKSYON/OPINYON, KATHANGISIP/DI-KATHANG ISIP MGA URI


NG PELIKULA
- nakaimprintang papel
- bolpen
- Lagumang Pagsusulit Booklet
 Pagkamatapat
III. Pamaran:
A. Pagbabalik-aral
Paano natutukoy ang reaksyon, opinion, piksyon, di-piksyon at mga uri ng pelikula?
B. Pamantayan sa pagsagot sa lagumang pagsusulit
Ipaisa-isa sa mga bata

C. Paglalahad

Lagumang Pagsusulit sa FILIPINO VI

I. Kilalanin ang bawat uri ng pelikula na hinihingi ng bawat pahayag. Piliin sa


kahon ang tamang sagot.

II. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI kung ang pahayag
ay mali.
III. Suriin ang pagkakaiba ng kathang-isip at di-kathang-isip na teksto sa mga
sumusunod. Kilalanin kung ito’y piksyon o di-piksyon.

IV. Piliin ang letra ng tamang sagot.

V. Basahing mabuti ang mga sumusunod na usapan, isyu o balita at piliin ang
angkop na opinyon o reaksyon at isulat ang letra ng tamang sagot.

D. Pagsasagawa ng Pagsusulit
Ang guro ay lumilibot sa pwesto ng mga bata upang makita kung tama
ang kanilang ginagawa.

E. Pagwawasto
Matapos ang itinakdang oras ang pagsusulit ay iwawasto.
PRES. CORAZON C. AQUINO ELEMENTARY SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills Quezon City
Filipino 6
IKA-APAT na Markahan
Lagumang Pagsusulit Blg. 2
Pangalan: _______________________________ Marka: __________________
Baiting at Seksyon : _______________________ Petsa: ___________________

I. Kilalanin ang bawat uri ng pelikula na hinihingi ng bawat pahayag. Piliin ang letra
ng tamang sagot sa kahon.

A. Aksyon B. Animasyon C. Dokumentaryo

D. Drama E. Katatakutan
_E__ 1. Ang layunin ng mga pelikulang ito ay takutin o sindakin ang mannood gamit
ang mga multo, bangkay o mga kakaibang nilalang.
_B__ 2. Ito ay tumutukoy sa uri ng mga pelikulang gumagamit ng mga larawan o
pagguhit upang magmukhang buhay ang mga bagay na walang buhay.
_A__ 3. Ito ay nagpopokus sa mga bakbakang pisikal na maaaring hango sa tunay na
buhay o suliranin sa lipunan.
_D__ 4. Ang mga pelikulang nagpopokus sa mga personal na suliranin o tunggalian at
pinipukaw ang emosyon ng mga manonood.
_C__ 5. Pag-uulat sa mga balita, realidad ng buhay at may halaga sa kasaysayan,
pulitika o lipunan ang kadalasang paksa ng pelikulang ito.

II. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI kung ang pahayag ay mali.
_T__ 6. Ang animasyon ay pelikulang gumagamit ng larawan upang magmukhang buhay
ang mga bagay na walang buhay samantalang ang aksyon naman ay nakapokus
sa bakbakang pisikal.
_M__ 7. Tungkol naman sa kasaysayan ng bansa ang pantasya habang ang historikal ay
nagdadala sa manonood sa mundo ng imahinasyon.
_M__ 8. Ang katatakutan ay naghahatid ng ngiti sa mga manonood samantalang ang
komedya ay umaantig sa takot ng manonood.
_T__ 9. Nagpapaiyak sa mga manonood ang drama at pag-iibigan ng mga tauhan naman
ang Pag-ibig o romansa.
_T__ 10. Ang komedya ay nagsasaad ng kasiyahan habang ang drama ay nagpapaiyak.
_T__ 11. Pelikulang pantasya ang nagdadala sa mga manonood sa mundo ng
imahinasyon at historikal ang tungkol sa kasaysayan.
_T__ 12. Nagdadala sa mga manonood sa isang mundong gawa ng imahinasyon, ang
pelikulang pantasya habang ang katatakutan naman ay umaantig sa takot ng
manonood.
_T__ 13. Pelikulang askyon ay nakapokus sa personal na suliranin o tunggalian
samantalang drama naman ay sa pag-iibigan ng tauhan.
_M__ 14. Panonood ng banyagang pelikula kaysa sa pelikulang gawang Pinoy.
_T__ 15. Pagtangkilik sa mga pelikulang gawang Pinoy.
III. Suriin ang pagkakaiba ng kathang-isip at di-kathang-isip na teksto sa mga sumusunod.
Kilalanin kung ito’y piksyon o di-piksyon.
_C__ 16. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng di-piksyong teksto.
A. Alamat ng Mangga
B. Ang Langgam at Tipaklong
C. Si Hen. Gregorio del Pilar
D. Ang mga Nawawalang Sapatos ni Kulas
_A__ 17. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng di-piksyon na teksto?
A. Ang Makasaysayang Pook ng Cebu
B. Alamat ng Araw, Buwan at Bituin
C. Si Maymay at ang Kanyang Aso at Pusa
D. Ang Pagong at ang Kalabaw
_B__ 18. Tukuyin ang uri ng tekstong “Ang Buhay ni Jose Rizal sa Dapitan”
A. piksyon B. di-piksyon
_A__ 19. Tukuyin ang uri ng tekstong “Bakit Dala-dala ni Pagong ang Kanyang Bahay”
A. piksyon B. di-piksyon
_B__ 20. Tukuyin ang uri ng tekstong “Tula para kay Ina”
A. piksyon B. di-piksyon
_B__ 21. Tukuyin ang uri ng tekstong “Ang Mensahe ng Sto. Papa sa mga Tao ngayong
Panahon ng Pandemya”
A. piksyon B. di-piksyon
_A__ 22. Alin sa mga sumusunod ang naiiba sa pangkat ng mga teksto?
A. Ang Alamat ng Puno ng Pino
B. Ang Buhay ni Luis Antonio Tagle
C. Ang Sulat mula sa Sto. Papa
D. Ang Talambuhay ni San Juan Bosco
_B__ 23. Ito ay tekstong naglalayong magbigay ng totoo at tunay na impormasyon o
pangyayari sa buhay ng isang tao.
A. Piksyon B. Di-piksyon
_A__ 24. Ito ay kwentong kathang isip lamang o imbento ng manunulat
A. Piksyon B. Di-piksyon
_A__ 25. Tukuyin ang uri ng tekstong “Ang Alamat ng Bulkang Taal”
A. Piksyon B. Di-piksyon

IV. Piliin ang letra ng tamang sagot.


_A__ 26. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan tungkol sa pelikulang kababalaghan
o Fantasy?
A. Ito ay nagdadala sa manonood sa isang mundong gawa ng imahinasyon,
tulad ng mga prinsipe/prinsesa.
B. Ito ay mga pelikulang nag-uulat sa mga balita o mga bagay na may halaga
sa kasaysayan, pulitika o lipunan.
C. Ito ay tungkol sa pag-iibigan ng mga tauhan
D. Ito ay mga pelikulang katatawanan.
_A__ 27. Alin sa mga sumusunod na pelikula ang hindi tumatalakay sa kasaysayan ng
ating bansa?
A. Heneral Luna
B. Praybeyt Benjamin
C. Bonifacio: Ang Unang Pangulo
D. Tirad Pass: The Last Stand of Gen. Gregorio del Pilar
_D__ 28. Ang mga pelikulang tulad ng Shake, Rattle and Roll, Quija at The Hunted
Mansion ay ilan lamang sa pelikulang katatakutan. Ano ang layunin ng ganitong
uri ng pelikula.
A. Magbigay ng kasiyahan
B. Paiyakin ang manonood
C. Pakiligin ang manonood
D. Sindakin o takutin ang manonood
_A__ 29. Ang pelikulang A Mother’s Story ay tumutukoy sa ginawang pagtitiis sa hirap ng
isang ina na magtrabaho sa ibang bansa upang matustusan ang pangangailangan
ng anak. Anong uri ng pelikula ito.
A. Drama B. Aksyon C. Pag-ibig D. Katatakutan
_D__ 30. Ang pelikulang Dayo: Sa Mundo ng Elementalia na may mensaheng
pagpapahalaga sa kalikasan, pagmamahal sa pamilya at paniniwala sa kakayahan
ng isang tao ay isang pelikula na gumagamit ng larawan o pagguhit. Anong uri ito
ng pelikula?
A. Drama B. Aksyon C. Komedya D. Animasyon
_C__ 31. Anong uri ng pelikula ang Goyo: Ang Batang Heneral na hinggil sa buhay at
pakikipagsapalaran ng batang si Gregorio del Pilar noong panahon ng pagsiklab
ng Digmaang Pilipino-Amerikano?
A. Drama B. Musikal C. Historikal D. Pantasya
_A__ 32. Anong uri ng pelikula ang gumagamit ng kathang-isip na mga paglalarawan na
batay sa agham tulad ng extraterrestial lifeforms, alien worlds, extrasensory
perception at time travel at mga futuristic na mga elemento tulad ng spacecraft,
robot, cyborgs, interstellar travel o iba pang mga teknolohiya?
A. Sci-fi B. Musikal C. Historikal D. Katatakutan
_A__ 33. Anong uri ng pelikula ang nakapokus sa mga bakbakang pisikal at maaaring
hango sa tunay na tao o pangyayari?
A. Aksyon B. Historikal C. Katatakutan D. Kababalaghan
_C__ 34. Kung ang katatakutan ay ginawa upang sindakin ang mga manonood, ano
naman sa katatawanan?
A. gulatin ang manonood C. pasayahin ang manonood
B. paiyakin ang manonood D. pakabahin ang manonood
_B__ 35. Si Ana ay mahilig sa mga pelikulang may nakakakilig na mga eksena. Anong uri
ng pelikula ang nais niya?
A. Aksyon B. Pag-ibig C. Komedya D. Pantasya

V. Basahing mabuti ang mga sumusunod na usapan, isyu o balita at piliin ang angkop na
opinyon o reaksyon at isulat ang letra ng tamang sagot.
_A__ 36. Pinayagan na muling magbukas ang mga dine-in restawran sa bansa.
A. Kailangan nilang sundin ang mga patakaran ng gobyerno.
B. Hayaan nila ang mga tao na kumain hangga’t gusto nila.
C. Maglagay ng maraming pagkaing pagpipilian upang madaming kostumer ang
kumain doon.
D. Hayaan magdagsaan ang mga tao doon.

_A__ 37. Malaking isyu ngayon ang pagkasira ng kapaligiran dahil sa lumulubhang polusyon
sa lupa, tubig at hangin. May mga batas na dapat sundin at may mga kautusang
ipinatutupad ang ating pamahalaan.
A. Malulutas ang suliraning ito kung makikipagtulungan ang bawat tao.
B. Hayaan ang pamahalaang gumawa ng paraan.
C. Gawin na lang pabahay ang mga lugar na maraming polusyon.
D. Sasabihin kong tama lang ang ginagawa natin.

_A__ 38. Madalas ay ubod ng taas ang ating lipad at nalilimutan nating tayo ay nakayapak
sa lupa.
A. Iwasang maging mapagmataas sa pagsasalita, tingnan muna ang sarili.
B. Mahilig makipagkwentuhan sa ilan.
C. Gustong lumipad paitaas.
D. May napapatunayan na kaya dapat lamang na magmalaki.

_C__ 39. May inilunsad na proyektong Pera sa Basura ang paaralan upang maging malinis
ang kapaligiran at kumita ng pera buhat sa basurang itinatapon ng mga mag-
aaral.
A. Lalong darami ang basurang dadalhin sa paaralan sanhi upang ito ay pumangit.
B. Hindi rin mababawasan ang basura dahil ang ilan ay bibili na lang ng kalakal sa
mismong junk shop.
C. Malulutasan ang suliranin sa maruming kapaligiran at kumita pa ng salapi.
D. Hindi rin iintindihin ng ilan ang programang ito sapagkat alam nilang ang
namumuno sa paaralan ang siya naming tunay na kikita.

_D__ 40. Maraming kabataan ngayon ay nalululong na sa paglalaro ng Mobile Legend o ML


na kinakabahala na ng mga magulang sapagkat ito na ang umuubos sa oras nila sa
halip na pag-aaral atupagin nila.
A. Nakakatulong din naman kasi ang ML sa mga kabataan na puwede rin nilang
pagkakitaan habang naglalaro sila.
B. Tanggapin na lamang kasi natin na iba na ang panahon ngayon suportahan na
lamang ang anak.
C. Ireport sa kinauukulan upang alisin ang Mobile Legends o MLi na iyan.
D. Pagsabihan ang anak sa tamang paraan, tamang paggabay lamang ang
kailangan.
_B__ 6. Kaso ng rape sa bansa walong tao naitala araw-araw sa kabila ng community
quarantine.
A. Marami pa ring ang masasamang loob ng bansa.
B. Kailangan maging alerto ang mga tao sa kanilang bahay upang maiwasan ang
ganitong kaso.
C. Marahil karamihan sa mga ito ay nangyari sa bahay kung saan pwedeng ang
magulang, kapatid o kamag-anak ang may gawa.
D. Hahayaan ko na lang sila magpasya ukol dito.
__C__ 7. Ayon sa mga ilang haka-haka ang pagsuob daw ng mainit na tubig na may asin ay
nakagagamot at nakamamatay ng virus sa katawan ng isang pasyenteng may
Covid.
A. Baka lalong lumala ang sakit nila dahil sa pagsuob.
B. Susundin ito kasi napatunayan na ng matatanda.
C. Wala namang masama kung subukan ito siguraduhin lamang na tama ang
pagkakasunod sa gagawin.
D. Ipagpapatuloy ang gawaing ito dahil sinabi ng matatanda.
_C__ 8. Kaso ng Covid-19 sa Pilipinas lalong tumataas ang bilang ayon saDOH.
A. Naging maingat kasi ang mga tao ngayon.
B. Baka ibalik muli ang ECQ sa mga lugar na may mataas na kaso.
C. Dahil sa pagtanggal ng ECQ maraming tao na ang lumalabas kaya mas malaki
ang tsansang mahawa ang iba.
D. Hayaan na lang ang ibang lumabas nang lumabas.
_A__ 9. Galing sa mahirap na pamilya si dating Pangulong Diosdado Macapagal.
Nagsumikap siya sa kanyang pag-aaral hanggang sa maabot niya ang kanyang
pangarap na maging isang abogado bago siya naging pangulo ng ating bansa.
A. Walang imposible kung mag-aaral kang mabuti.
B. Sinuwerte lamang siya kaya naiba ang landas niya.
C. Kung mahirap ka huwag ka ng mangarap na makapgtapos ka pa ng pag-aaral.
D. Maraming nakapagtapos ng pag-aaral pero mahirap pa rin.
_ B__ 10. Upang lumusog at lumakas, mag-eehersisyo tayo. Ngunit sa pagmamadali,
kulang naman tayo sa tulog at pahinga. Kaya sa halip na lumakas tayo ay
nanghihina’t nagkakasakit.
A. Hindi nakabubuti sa katawan ang pag-eehersisyo.
B. Minsan, hindi natin iniintindi ang sarili nating kakayahan.
C. Sa lahat ng panahon, ang ehersisyo ay nakabubuti sa tao.
D. Hindi ibig sabihin na nag-eehersisyo ka na ay malusog ka na.

You might also like