Professional Documents
Culture Documents
Filipino 8 Q3 Antas NG Wika
Filipino 8 Q3 Antas NG Wika
Filipino 8 Q3 Antas NG Wika
Mabuhay! Ako
si Gng. Salamia.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
A. PAMBANSA A. LALAWIGANIN
B. PAMPANITIKAN B. KOLOKYAL
C. BALBAL
D. BANYAGA
MGA SALITANG
GINAGAMIT SA
PORMAL NA
KOMUNIKASYON
PORMAL
Mag-aaral:
Ang hirap ng aralin sa Mathematics, buti na
lang may square root sa calculator at
cellphone na gamit ko!
Nasusundan ba
ang ating paksa?
03
PALABUOAN NG MGA
SALITANG BALBAL
HINANGO MULA SA MGA SALITANG KATUTUBO
HALIMBAWA:
Katutubong Salita Kahulugan
👉gurang (Bikol, Bisaya) matanda
👉buang (Bisaya) luko-luko/baliw
👉ayat (Ilocano) pag-ibig
👉utol (Bisaya) kapatid
👉balay (Ilocano) bahay
HINANGO SA WIKANG BANYAGA
HALIMBAWA:
👉 tisoy, tisay (Espanyol: mestizo, mestiza)
👉tsimay, tsimoy (Espanyol: muchacho,
muchacha
👉 kosa (Russian Mafia: Cosa Nostra)
👉 sikyo (Ingles: security guard)
👉 orig (Ingles: original)
👉 toma (Espanyol: toma) inom
BINALIKTAD (INVERTED OR REVERSED CATEGORY)
A. BUONG SALITA
HALIMBAWA: B. PAGPAPANTIG
👉atab (bata) HALIMBAWA:
👉sakalam (malakas) 👉gat-bi - bigat =heavy burden
👉arat (tara) 👉tsi-kot =kotse
👉etneb (bente) 👉lis-pu =pulis
👉igop (pogi)
👉lodi (idol)
NILIKHA (COINED WORDS)
HALIMBAWA:
NILIKHA KAHULUGAN
👉weh hindi nga
👉walwal nag-enjoy
👉hanep papuri
👉pabebe pacute/pababy
👉bae crush/babe
👉eme-eme kung ano-ano lang
👉awit sagwa
PINAGHALO-HALO (MIXED CATEGORY)
halimbawa:
👉in-na-in -uso
👉sana all -sana ako rin
👉gora -may lakad o aalis
👉kilig-to-the-bones -kinikilig (paghanga)
👉walang forever- maghihiwalay din kayo
👉bet na bet -gustong-gusto
ININGLES (ENGLISIZED CATEGORY)
HALIMBAWA:
👉 forever estado ng relasyon
👉 weak mahina
👉 receipt ebidensya
👉 ninja moves madiskarte
👉 struggle is real hirap na hirap
👉 beast mode galit
👉 basic madali lang
DINAGLAT (ABBREVIATED CATEGORY)
HALIMBAWA:
👉 LOL - Laughing-Out-Loud
👉 GTG - Got-to-go
👉 GC- Group Chat
👉 SS - Stay Strong
👉 IDK- I Don’t Know
👉 PM- Personal Message
PAGSASALARAWAN O PAGSASAKATANGIAN NG ISANG BAGAY
o PANGALAN NG TAO
HALIMBAWA:
👉Hiyas (gem) - Virginity
👉Ube (purple) - Isang Daang Piso (₱100.00)
👉Tom Jones -gutom
👉Gardo Versoza - pagod (Haggardo
Versoza)
👉Luz Valdez- talo
👉Carmi Martin - karma
PAGPAPALIT NG PANTIG
HALIMBAWA:
👉ganern (ganoon)
👉tsokla (bakla)
👉yarn (iyan)
👉yorn (iyon)
👉acoe, aq (ako)
PAGPAPAIKLI O REDUKSYON
HALIMBAWA:
👉wa (wala)
👉sis (sister)
👉geh (sige)
👉pre (pare)
👉luh (hala)
PAGGAMIT NG BILANG
HALIMBAWA:
👉Isputing (puti)
👉mamshie (mommy)
👉anakshie (anak)
👉ayown (hayun)
👉ghorl/gurla
Naunawaan ba
ang ating paksa?
Panuto: Tukuyin kung anong antas ng wika ang mga
ginamit na salita sa kanta.
Di ba't sabi mo, napaka-olats ko… BALBAL
Sa kapal ng kilay, Pwedeng hide-out
BANYAGA
Sa itim ng balat, yari pag nagbrown-out
Lumipas ang ilang taon,
Humanda kang ngumanga PAMBANSA
Pag nakita mo ako ngayon,
Anong ma-sesay
Havey na havey! BALBAL
Di na ko waley,
Hindi na ko chaka face!
Hindi ba't sabi mo, Ilong ko ay pango KOLOKYAL
02
ANTAS NG WIKA
TANDAAN!
Mahalagang maunawaan ang mga
antas ng wika upang magamit natin ito
ng tama at angkop sa
pakikipagtalastasan natin sa ating
kapwa.
Ngayon, dumako na tayo
sa ating mga pagsasanay!
04
Mga pagsasanay
Sagutan ang TAYAIN NATIN.
Pagsasanay 1
PANUTO: Tukuyin kung anong antas ng wika ang mga salitang nasa loob ng panaklong sa bawat
pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
A. BALBAL
B. BANYAGA
C. KOLOKYAL
D. LALAWIGANIN
E. PAMBANSA
F. PAMPANITIKAN
1. (In-na-in) talaga ang pagkuha ng kursong may kinalaman sa teknolohiya sa ngayon.
2. (Ewan) ko ba sa mga taong ayaw tumanggap ng pagbabago.
3. (Hanep) ang saya pala talagang mag-aral gamit ang kompyuter.
4. Ang pagdaraos ng (pista) ay ipinagbabawal muna dahil sa nararanasang pandemya.
5. Masarap ang (spaghetti) kaya paborito ng mga bata.
6. (“Agyaman kami!”), wika ng mga mamamayan ng Cagayan sa mga nagbigay ng tulong sa kanila.
7. (Naghihikahos) ang maraming Pilipinong walang hanapbuhay ngayon.
8. (“Ambot sa imo”), tugon ni Lira sa kanyang kapatid.
9. (Tila binagyo) ang Luneta Park matapos umalis ang mga turista.
10. (Ayuda) ang sigaw ng masa upang malampasan ang kinakaharap na pandemya.
Sagutan ang TAYAIN NATIN.
Pagsasanay 2
PANUTO: Piliin sa loob ng kahon ang mga kahulugan ng mga salitang nasa loob ng panaklong.
A. HANDAAN F. PERA K. USO
B. MATANDA G. SIGARILYO L. KWARTA
C. KOTSE H. MADALI
D. BATA I. HINDI
E. PULIS J. PARTI
1. Masaya ang mga (tipar) noong walang pang sakuna.
2. Maraming (lespu) ang makikita sa mga kalsada dahil sa ipinatupad na ordinansa.
3. Bawal lumabas ng bahay, (dehins) ako makakapunta sa Tagaytay.
4. Delikadong sumakay sa mga pampublikong sasakyan sa ngayon, kailangang bumili ng sariling
(tsekot).
5. Gustong kong marating ang iba’t ibang bansa bago ako maging (gurang).
6. (Bagets) ka pa, mag-aral ka muna bago makipagrelasyon.
7. (Basic) lang daw ang pagsusulit, siguradong mataas ang iskor mo mamaya.
8. Kailangang kumayod para magkaroon ng (datung).
9. Masama ang epekto ng (yosi), iwasan ito upang ang buhay ay hindi umiksi.
10. (In-na-in) ang online business ngayon, sumasabay rin sa panahon.
Sagutan ang TAYAIN NATIN.
PAGSASANAY 3
Panuto: Isipin kung ano ang iyong sasabihin sa mga sitwasyong nakatala sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
loob ng kahon. Gamitin ang mga antas ng wikang natutunan.
1. Gusto mong makakuwentuhan ang isa mong kaklase na galing na inyong probinsya .
(lalawiganin)
2. Namasyal kayo ng lola mong galing sa America at may gusto kang ipabili sa kanya.
(kolokyal)
3. May bago kang kaibigan sa facebook at gusto mong maging palagay ang loob mo sa kanya
pinadalhan mo siya sa mensahe o private message sa kanyang facebook account. (Balbal)
4. Pupuntahan mo ang bahay ng iyong kaibigan ngunit parang naliligaw ka. Paano ka magtatanong
sa mga taong pwede mong hingan ng tulong sa daan? ( kolokyal)
Panuto: Subukin mo ang iyong kakayahan na gumawa ng isang komiks istrip. Gamit ang mga
salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon, lagyan ito ng angkop na diyalogo (salitaan)
batay sa larawang iyong iginuhit. Ilagay sa loob kwadrado upang makabuo ng isang kwento.
Guhit/Larawan 25
Kaangkupan sa Paksa 25
Tauhan at Diyalogo 25