Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 34

FILIPINO

Baitang 10 Yunit 15
Ang Awit ng Ina sa
Kaniyang Panganay

Talaan ng Nilalaman
Introduksyon 3
Basahin Natin 4
Sagutin Natin 6

Aralin 1: Mga Uri at Elemento ng Tula…….……………………………….......... 7


Layunin Natin 7
Pag-aralan Natin 7
Sagutin Natin 11
Subukan Natin 11
Isaisip Natin 12
Pag-isipan Natin 12

Aralin 2: Kahulugan ng Salita:


Simbolismo at Matatalinghagang Pahayag………………………….. 13
Layunin Natin 13
Pag-aralan Natin 13
Sagutin Natin 16
Subukan Natin 16
Isaisip Natin 16
Pag-isipan Natin 16

Aralin 3: Pagsusuri sa mga Simbolismo at


Matatalinghagang Pahayag……………………………………………… 18
Layunin Natin 18
Pag-aralan Natin 18
Sagutin Natin 22
Subukan Natin 22
Isaisip Natin 23

1
Copyright © 2017 Quipper Limited
Pag-isipan Natin 23

Aralin 4: Pagsulat ng Sariling Tula……………………….………………………… 24


Layunin Natin 24
Pag-aralan Natin 24
Sagutin Natin 26
Subukan Natin 27
Isaisip Natin 27
Pag-isipan Natin 27

Gawin Natin 28
Rubrik sa Pagtataya 29
Paglalagom 30
Dapat Tandaan 31
Payamanin Natin 32
Susi sa Pagwawasto 32
Sanggunian 34

2
Copyright © 2017 Quipper Limited
Pindutin ang Home icon para bumalik

BAITANG 10 | YUNIT 15
sa Talaan ng Nilalaman

Ang Awit ng Ina sa Kaniyang Panganay


Mahilig ka bang umawit? Nasubukan mo na bang magsulat ng isang awit? Paano mo
inuunawa ang mensahe ng isang awit? Kaya mo bang tukuyin ang mga simbolismong
ginamit sa isang awitin? Alam mo bang ang tula ay maituturing na awit kung ito ay
nilapatan ng tunog at itinanghal?

Sa yunit na ito, pag-aaralan at susuriin natin ang isang tula mula sa bansang matatagpuan
sa kontinente ng Africa ang Uganda. Ayon sa kasaysayan, lumilikha ang kababaihan ng
Africa ng mga awit para sa iba‟t ibang okasyon upang magtanghal at panatilihin ang alaala
ng kanilang mga karanasan. Naglalaman ito ng iba‟t ibang emosyon na kaangkop ng mga
natatanging piging o pagtitipon-tipon gaya ng kasal, kapanganakan, kamatayan, at iba pa.

Isa sa mga ito ang pag-aalay ng mga awit ng mga ina sa kanilang mga anak bilang tanda
ng kanilang pagmamahal. Nagsisilbi itong oyayi o lullaby upang mapaamo at mapatulog
nang mahimbing ang mga sanggol. Naniniwala rin sila na nagtataglay ng mga kaluluwa ng
mga yumaong mahal sa buhay ang mga bagong silang na sanggol kaya iniingatan nila ang
pagpili sa mga pangalan nito upang magayak nila ang kapalaran nito kahit pa sanggol pa
lamang ang mga ito.

Pinakamatandang anyo ng panitikan sa kasaysayan ang panulaan o poetry. Nilalapatan ng


mga ritmo at tunog ang ilan sa mga ito upang maging isang awit. Mula pa sa sinaunang
panahon, isinasagawa ang pagsasalin-dila ng mga ito ukol bilang bahagi ng komunikasyon
ng isang pamayanan at tradisyon at pananampalataya ng mga nabibilang dito. Maituturing
na malaki ang bahaging ginagampanan ng mga awit sa preserbasyon ng pagkakakilanlan ng
isang bayan.

Sa yunit na ito ay malalaman ang mga uri at elemento ng tula, gayundin ang mga
simbolismo at matatalinghagang salita; ang kanilang kahulugan at kung paano ito sinusuri,
at panghuli ay malalaman din sa yunit na ito kung paano magsulat ng isang tula.

Narito ang isang tula o awit na nagmula sa Uganda. Isa itong awit ng ina para sa kaniyang
panganay na anak. Basahin at suriin ang nilalaman nito.

3
Copyright © 2017 Quipper Limited
Basahin Natin

Ang Awit ng Ina sa Kaniyang Panganay


Song of a Mother to Her Firstborn: A Didinga or Lango Cradle Song
Salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Salin sa Filipino ni Kristine Mae N. Cabales

Mangusap ka, aking mahal na anak.


Mangusap, gamit ang iyong mga mata,
Mga matang nakangiti sa tuwina
Na „sing ningning ng mga mata ng toro ni Lupeyo.

Kausapin mo ako, o anak ko.


Damhin ang aking dibdib ng maliliit mong mga kamay
Na kay lakas at kay tatag kahit pa mumunti.
Kamay na balang araw ay makikidigma, anak
At magpapagalak sa iyong ama.
Tingnan mo kung gaano ka kasabik na hawakan ako
Tila nais nang humawak ng sibat-pandigma.
O anak, bibigyan ka ng ngalang pangmandirigma,
At magiging pinuno ka ng iyong mga kasama.
At ang iyong anak, at ang anak ng iyong mga anak,
Ay maaalala at aalalahanin ka sa iyong paglisan.
Ngunit ako, lagi‟t lagi kong maaalaala
Ang iyong mga kamay na kay higpit
Kumapit sa akin.
Maaalala ko kung paano kang sumandig sa aking
balikat
Tititigan ako‟t paglalaruan ang aking dibdib
Ng mumunti mong mga bisig.
At „pag pinangalanan ka na bilang dakilang
mandirigma,
Luluha ako kasabay ng pag-alaala sa iyo.
Ngunit paano ka ba namin pangangalanan, munting
mandirigma?
Halika‟t tingnan natin kung ano ang magandang
ngalan.
Hindi maaaring kahiya-kahiyang pangalan, sapagkat
Ikaw ang una kong anak.
4
Copyright © 2017 Quipper Limited
Hindi gaya ng pagpapangalan sa anak ni Nawal,
Kalulugdan ka ng Diyos natin kaysa sa kanila.
Pangangalanan ka ba naming “Hibang” o
“Walang Halaga”?
Dapat ka bang pangalanan, gaya ng mga anak
ng kamalasan,
O wari‟y ngalang katumbas ng dumi ng hayop?
Ang poo‟y „di nangangailangan ng panlilinlang,
anak:
Para sa iyo‟y kasaganahan ang nais.
Huhugasan ang iyong kamay at dadamtan ng
kariktan.
Mag-aalab ang iyong mga mata,
Maging ang mumunting sibol sa kumukunot
mong kilay–
Hindi ba‟t ito ang palatandaan na ika‟y kanilang
pinanday?
Binigyan ka nila ng kagandahan at lakas, anak.
At ang karunungan ay unti-unti nang
mababakas sa iyong mga mata,
At sa iyong pagtawa.

Kaya paano ka nga ba namin pangangalanan?


Ikaw ba‟y ama ng iyong ama, o ng kaniyang
kapatid, o ng ibang tao man?
Kaninong kaluluwa ang iyong taglay, munting
mandirigma?

Na ang kamay na may tangan-tangan ng sibat


ay nangungunyapit sa aking dibdib.
Na nananahan sa iyo at nagmamadali sa
pagsibol, gaya ng mga binhi ng nagdaang taon.
Tahimik ka, ngunit ang iyong mga mata‟y nag-iisip,

Nag-iisip at nangniningning gaya ng mga mata ng nakamasid na


Leopardo sa kasukalan ng gubat.
Kung magkagayon, hayaan na lamang na ang araw ng pagpapangalan sa iyo
Ang magsabi sa amin.

O anak ko, ngayon higit kailanman ang kagalakan ko‟y lubos.


Isa na akong ganap na asawa–
Hindi lang pinakasalan, kundi isa nang Ina.
5
Copyright © 2017 Quipper Limited
Maging mayabong ka at marikit, anak kong pinakananais.
Ika‟y magbunyi, gaya ng aking pagbubunyi.
Maging masaya, tulad ng aking kagalakan.
Magmahal, sapagkat tayo‟y minamahal.
Anak, may pagmamahal na mula sa aking irog.
Ngunit ngayon, ngayo‟y napagtanto ko, buo na ang aking pagmamahal.
Ngayon, at ngayon lamang, ako ay kaniya nang asawa, at ina ng kaniyang panganay na
anak.

Ang kaniyang kalul‟wa‟y panatag sa iyo anak, at ako,


Sa akin, sa akin ka nagmula, anak.
Kung gayon, ako pala‟y minamahal din.
Ako‟y dapat na magalak.
Ako‟y kaniyang kabiyak.
Kung gayon, isa itong karangalan sa akin.

Ingatan mo ang kaniyang dambana kung siya‟y lumisan na


Tuwinang gugunitain nang may sakripisyo‟t pag-aalay
Aking anak, lagi mong alalahanin ang kaniyang ngalan.
Mabubuhay siya sa iyong panalangin, anak.
At pagkakalooban na siya ng buhay na walang hanggan
Ikaw ang kaniyang panangga, ang sibat, at kaniyang pag-asa
Bilang pagtubos sa kaniyang kamatayan.
Sa pamamagitan mo, siya‟y mabubuhay nang muli,
Sa batis ng buhay.
At ako, na ina ng kaniyang panganay.
Humimbing ka anak, ikaw na anak ng kariktan, tapang,
At kasaganahan, humimbing ka.

Sagutin Natin
1. Sino ang nagpapahayag ng awit?
2. Kanino inuukol ang awitin?
3. Ano ang paksa ng awit?

6
Copyright © 2017 Quipper Limited
Aralin 1
Mga Uri at Elemento ng Tula

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaaasahang nauuri ang iba‟t ibang
tula at mga elemento nito.

Pag-aralan Natin
Isang uri ng panitikan ang tula o poetry na nasa anyong patula. Binubuo ng mga saknong
at binubuo ang bawat saknong ng mga taludtod. Kaiba ito mga panitikang nasa anyong
tuluyan.

Taludtod Saknong Tula


Tumutukoy ang sukat ng tula sa bilang ng pantig na matatagpuan sa bawat taludtod nito.
Maaari itong pipituhin, wawaluhin, lalabindalawahin, o di kaya‟y malayang sukat.

Samantala, tumutukoy naman ang tugma sa magkakatulad na tunog sa bawat taludtod.


Nakadaragdag sa karikitan ng tula at sa masining na pagbigkas dito ang tugmaan ng mga
pantig.

7
Copyright © 2017 Quipper Limited
MGA URI NG TULA BATAY SA TALUDTURAN

Tradisyonal Blangko Malayang


 mga tulang berso taludturan
nagtataglay ng
istriktong sukat at
may sukat itong
tugma tulang walang
karaniwang
 magkakasintunog lalabindalawahin
hinihinging sukat at
tugma sa pagbuo
ang mga huling pantig, ngunit walang
pantig sa bawat tugma
taludtod at may
tiyak na bilang
ang bawat pantig

Gumagamit din ng mga talinghaga ang tula, nagbibigay ito ng tagong kahulugan sa
nilalaman ng tula. Kaugnay ito ng mga simbolismong inilalangkap sa pagbuo ng tula.
Gamit ang mga sagisag o simbolo, binibigyan ng pagkakataon ang mga mambabasa o
mga manonood na pag-isipan ang tula sa malikhaing paraan na nagiging dahilan ng
pagkakaroon ng iba‟t ibang interpretasyon sa tula.

Taglay ng mga sinaunang tula ang indayog, aliw-iw, at himig na higit pang nagbibigay ng
kasiningan sa isang tula. Tumutukoy ang indayog galaw ng bawat taludtod sa pagbigkas
ng isang tula. Mahalaga ang paglalangkap ng angkop na emosyon sa bahaging ito.
Tumutukoy naman ang kariktan sa elemento ng tula na lalong nagbibigay-kagandahan
dito. Ginagamit ang mga natatanging salita tulad ng talinghaga at tayutay upang
mapalutang ang sining at kagandahan ng isang tula, nakasulat o binibigkas man ito.

Matapos maging pamilyar sa iba‟t ibang elemento ng tula, magiging mas madali na ang
pagtukoy sa iba‟t ibang uri nito. Pag-aralan ang iba‟t ibang uri ng tula batay sa mga
kategorya nito: tulang pasalaysay, katutubong tula, tulang liriko, tulang patnigan, tula sa
anyong tuluyan, at modernong tula.

8
Copyright © 2017 Quipper Limited
Mga Uri ng Tula
1. Tulang naratibo – tinatawag din itong tulang pasalaysay. Naglalarawan at
nagsasalaysay ito ng mga karanasan ng manunulat at ng pamayanang kaniyang
kinabibilangan. Maaaring itong patungkol sa buhay ng isang tao, bayani, diyos, at
diyosa.

a. Epiko – Uri ng tulang naratibo na tumatalakay sa pakikipagsapalaran ng


pangunahing tauhan na karaniwang kinikilala bilang bayani ng isang bayan

Halimbawa:
Biag ni Lam-ang, epikong mula sa Ilocos

b. Awit – pinalulutang ang kuwento ng pag-iibigan at pakikipagsapalaran ng


magsing-irog; itinatampok ang kabayanihan at/o kapangyarihan ng mga hari,
reyna, prinsipe, at prinsesa, binubuo ng lalabindalawahing pantig sa bawat
taludtod

Halimbawa: Sintahang Romeo at Juliet

c. Korido –nagsasalaysay ng isang kasaysayan na nagbibigay ng mabuting-aral ;


binubuo ng wawaluhing pantig sa bawat taludtod

Halimbawa: Ibong Adarna

2. Katutubong tula – mga tulang pinaniniwalaang nilikha ng ating mga ninuno bago
pa man dumating ang mga mananakop. Malimit na patungkol sa kapaligiran, mga
diyos na sinasamba, at iba pang tradisyon

a. Tanaga – may apat na taludtod at pipituhing pantig; ang mga naunang tanaga
ay patungkol sa pagpapahalaga ng mga ninuno sa kabutihang-asal na mula sa
pamayanan at may tema mula sa kalikasan

b. Dalit – may apat na taludtod sa bawat saknong at may sukat na wawaluhing


pantig; nagsilbing awit sa simbahan at pagluluksa noong pananakop ng mga
Espanyol

c. Diona – binubuo ng tatlong taludtod na may pipituhing pantig at madalas inaawit


sa kasal

9
Copyright © 2017 Quipper Limited
3. Tulang Liriko – maiikling tula na nagpapahayag ng damdamin at may malalalim na
ideya at kaisipan; kalimitang nilalapatan ito ng himig at itinatanghal sa harap ng
maraming tao.

a. Oda – tulang pumupuri at dumadakila sa isang indibiduwal o isang bagay

b. Elehiya – tumatalakay sa pamimighati at kamatayan, karaniwang binibigkas


bilang pagpaparangal sa naging buhay ng yumao

c. Haiku – katutubong tula ng mga Hapon na binubuo ng tatlong taludtod at may


lima, pito, at limang (5-7-5) pantigan sa bawat taludtod

4. Tulang patnigan – mga tulang itinatanghal sa entablado; karaniwang nasa anyo ng


pangangatuwiran at pagpapalitan ng matatalinong ideya ng mga tauhan.

a. Balagtasan – tagisan ng talino at pakikipagdebate gamit ang pagbigkas ng tula

b. Karagatan – akto sa pagtula na ang kuwento ay patungkol sa singsing ng isang


dalaga na nahulog sa dagat

c. Duplo – isang akto ng pagtatanghal na hango sa pangangatuwiran sa Bibliya,


mga salawikain, at mga kasabihan

5. Tula sa anyong tuluyan – tinatawag ding tulang prosa; nasa anyong tuluyan o
hindi nahahati sa mga taludtod; may pagkakahawid sa estruktura ng sanaysay o
kuwento ngunit katulad ng tula ang ideya at salitaan nito

Halimbawa:
“Tuluyan nating wakasan ang mga agam-agam. Halika‟t samahan mo akong
unawain ang nakaraan. Nang sa gayon, kapuwa tayo lumaya sa pangungulila.”

6. Tulang moderno – kakikitaan ng malaya at malawak na damdamin ng manunulat;


walang sukat at tugma; iniiwasan ang romantisismo; gumagamit din ito ng mga
modernong salita gaya ng pinaghalong Tagalog at Ingles.

Halimbawa:
“Minsan akong naglagay ng pulang lipstick
At tinawag nila akong pokpok.
Minsan akong nagtali ng buhok
At binangsagan naman akong Manang.

10
Copyright © 2017 Quipper Limited
Minsan akong tumahimik
At sinabi nilang wala akong pakisama.
Minsan akong napahiyaw
Pinaratangan naman akong taklesa.”

Sagutin Natin
1. Ano-ano ang tatlong uri ng tula batay sa taludturan?
2. Ano ang simbolismo sa isang tula?
3. Ano ang iba‟t ibang kategorya ng tula?

Subukan Natin

1. Paano matutukoy ang sukat ng isang tula?


2. Paano malalaman kung nasa tradisyonal na taludturan ang isang tula?
3. Bakit itinuturing na tulang pasalaysay ang mga epiko, awit, at korido?

Isaisip Natin
Paano nakatutulong ang tula sa pagpapanatili ng kultura?

11
Copyright © 2017 Quipper Limited
Pag-isipan Natin
A. Tukuyin ang elemento ng tula na inilalarawan sa ibaba. Gamiting gabay ang bilang ng
patlang na katumbas ng mga titik sa salitang tinutukoy nito.

1. Bilang ng pantig sa isang taludtod (__ __ __ __ __)

2. Pagkakapareho ng mga tunog ng mga salita sa tula (__ __ __ __ __)

3. Mga sagisag na ginagamit sa pagbuo ng isang tula


(__ __ __ __ __ __ __ __ __ __)

4. Ginagamit upang makapagbigay ng tagong kahulugan sa isang tula


(__ __ __ __ __ __ __ __ __ __)

5. Binubuo ng mga taludtod sa isang tula (__ __ __ __ __ __ __)

B. Tukuyin ang uri ng tula batay sa kategorya na inilalarawan sa ibaba.

1. Binubuo ng wawaluhing pantig sa bawat taludtod at


tumatalakay sa kasaysayang nagbibigay ng mabuting-aral
2. Tulang naglalahad ng pamimighati sa kamatayan ng isang
mahal sa buhay
3. Tagisan ng talino at pagdedebate sa pamamagitan ng pagtula
4. Tulang inaawit sa kasal na binubuo ng pipituhing pantig sa
bawat taludtod
5. Tulang may malayang taludturan at gumagamit ng mga
modernong salita

12
Copyright © 2017 Quipper Limited
Aralin 2
Kahulugan ng Salita:
Simbolismo at Matatalinghagang
Pahayag

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaaasahang nabibigyang-
kahulugan ang iba‟t ibang simbolismo at matatalinhagang pahayag sa tula.

Pag-aralan Natin
Kinakailangang pag-isipan at tayain nang mabuti ang mga salitang gagamitin sa pagsulat ng
isang tula upang matamo ang tugma at indayog nito. Maliban pa rito, mahalagang elemento
rin ang pagtataglay nito ng talinghaga at simbolismo o mga sagisag upang pag-isipin
ang mga nagbabasa ng isang tula sa mensaheng nais iparating ng akda.

Ginagamit ang matatalinghagang pananalita upang mapalutang ang kasiningang


taglay ng isang akda. Nagtataglay ito ng malalalim o hindi lantad na kahulugan.
Sinasalamin din ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng anumang wika.

Nangangailangan ng kaalaman sa kulturang


pinagmulan ng isang akda ang pag-unawa sa
matatalinghagang pahayag o salita. Nangangailangan
ito ng malalim na pagbasa at kaalaman sa konotasyon
ng mga salita lalo na ng mga ginagamit bilang
simbolismo.

13
Copyright © 2017 Quipper Limited
Mga Uri ng Matalinghagang Pahayag
Ilan sa uri ng matatalinghagang pahayag ay ang idyoma, kasabihan, salawikain, at mga
tayutay.

1. Idyoma –nagpapahayag ng mga saloobin at kaisipan sa di-tuwiran paraan at nasa


pagitan ng mga salita ang kahulugan ng pahayag.

Halimbawa:
 ‘Di mahapayang gatang – ayaw magpatalo
‟Di mahapayang gatang ang mga mambabatas noong nakaraang sesyon
kaya ang walang napagkasunduang batas nang araw na iyon.

 Makabasang kampana – malaking handaan


Makabasang kampana ang handa sa kasal nina Samuel at Tina.

 Sising-alipin – labis na pagsisisi


Sising-alipin si Georgia nang malaman niyang hindi pala nagtaksil ang
kaniyang kasintahan.

2. Salawikain – nasa anyong patula, may sukat, tugma, at talinghaga kaya kaiga-
igayang pakinggan ang mga salawikain. Naglalaman ang mga ito ng mga paalaala at
pilosopiya sa buhay.

Halimbawa:
 „Pag may itinanim  Huli ma‟t magaling
May aanihin. Maihahabol din.

 Ang taong nagigipit  Kung ano ang puno


Kahit sa patalim ay Siya ring bunga.
kumakapit.

3. Kasabihan – naiiba ang kasabihan sa mga salawikain sapagkat ito‟y gumagamit ng


mga talinghaga at may himig ng panunudyo. May payak itong kahulugan at
nasasalamin dito ang kilos o gawi ng isang tao.

Halimbawa:
 Utos sa pusa  Kuwalta na
Utos sa daga. Naging bato pa.

 Malakas ang loob  Ang taong duling


Mahina ang tuhod. Walang gawang magalin

14
Copyright © 2017 Quipper Limited
4. Kawikaan – tulad ng mga salawikan, nagsisilbing tagapagpaalaala rin ang mga
kawikaan sa dapat ugaliin at maging asal ng kabataan. Mapapansin na may sukat,
tugma, at kariktan din ang mga kawikaan tulad ng salawikain at kasabihan. Ito rin ay
malimit na hango sa mga aral mula sa Bibliya.

Halimbawa:
 Ang tapat na kasagutan
Ay tanda ng mabuting pagkakaibigan.

 Ang karunungan ay higit na


Mabuti kaysa kalakasan.

 Ang dila na matuwid


Ay tulad ng pilak na mahalaga.

 Walang halaga ang yaman


Sa araw ng kamatayan.

5. Tayutay – Ito ay karaniwang sangkap ng retorika o mabisang pagpapahayag. Sa


pamamagitan ng paggamit ng mga tayutay, nagkakaroon ng kasiningan at kabisaan
ang pahayag na karaniwang nakaaakit ng mga nakikinig o nagbabasa. Isa itong
paraan ng paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita.

Halimbawa:
 Pagtutulad – Gumagamit ng mga salitang panghambing
Halimbawa: Wari‟y mapuputing perlas ang mga ngipin ni Aby.

 Pagwawangis – Direktang paghahambing ngunit hindi gumagamit ng mga


salitang naghahambing
Halimbawa: Bato ang puso ni Eugene sa pakiusap ni Sarah.

 Pagmamalabis – Nagpapahayag ng sitwasyong labis sa katotohanan


Halimbawa: Umulan ng dolyar sa tahanan nina Anton nang dumating galing
Amerika si Tacha.

 Pauyam – mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay


Halimbawa: Napakabuti mong ina, natiis mong di makita ang iyong anak.

15
Copyright © 2018 Quipper Limited
Sagutin Natin
1. Ano ang simbolismo?
2. Ano ang matatalinhagang pananalita?
3. Ano-ano ang mga uri ng matatalinghagang pahayag?

Subukan Natin
1. Bakit mahalaga ang salawikain sa panitikang Pilipino?
2. Bakit may malaking impluwensiya ang kawikaan sa kulturang Pilipino?
3. Paano nakatutulong ang paggamit ng simbolismo at matatalinhagang pahayag sa
pagsulat ng tula?

Isaisip Natin
Paano nakatutulong ang paggamit ng mga talinhaga sa karikitan ng isang pahayag?

Pag-isipan Natin
A. Tukuyin ang uri ng matatalinhagang pahayag na ginamit sa bawat pangungusap.

1. Hindi mahulugang karayom ang Luneta matapos magtipon-tipon ang mga mag-aaral
doon para sa isang programa.

2. Ang hipong tulog, tinatangay ng agos.


16
Copyright © 2018 Quipper Limited
3. Kasing bait niya ang kanyang ina noong nabubuhay pa ito.

4. Kung may isinuksok, may madudukot.

5. Ang kamay na tamad ay tiyak na magdarahop, ngunit magbubunton ng yaman ang


kamay na masinop.

B. Tukuyin ang uri ng tayutay ang ginamit sa sumusunod na pangungusap.

1. Tulad ng isang diyamante ang batang iyan sa pag-iingat kanyang mga magulang
dahil nag-iisang anak siya.

2. Nawasak ang puso ng kanyang ama nang malamang mayroon na siyang kasintahan.

3. Siya ang kayamanan ng kanilang pamilya.

4. Kahanga-hanga kang anak sa paglayas sa inyong tahanan matapos kang busugin sa


pagmamahal ng iyong mga magulang.

5. Kasing tigas ng bato ang puso ng ama para sa mga nanunuyo sa kanyang nag-
iisang anak na babae.

17
Copyright © 2018 Quipper Limited
Aralin 3
Pagsusuri sa mga Simbolismo at
Matatalinghagang Pahayag

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaaasahang nasusuri ang
kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan.

Pag-aralan Natin
Nagiging katanggap-tanggap ang paggamit ng mga simbolismo at mga talinghaga batay sa
layunin ng isang akda. Naitatago ang tunay na diwa ng isang piyesa sa pamamagitan ng
iba‟t ibang matatalinghagang pahayag gaya ng kasabihan, salawikain, kawikaan, idyoma, at
tayutay na napag-aralan sa naunang aralin.

Sa puntong ito, tatayain naman natin ang iyong kakayahan sa pag-unawa at pagsusuri ng
matatalinghagang pahayag at ng mga simbolismong kaugnay nito.

Suriin ang ilang bahagi ng tulang “Ang Awit ng Ina sa Kaniyang Panganay” na mula sa
Uganda.

Ano ang ipinahihiwatig ng saknong na ito?

“Kausapin mo ako, o anak ko.


Damhin ang aking dibdib ng maliliit mong mga kamay
Na kaylakas at kaytatag kahit pa mumunti.
Kamay na balang araw ay makikidigma, anak
At magpapagalak sa iyong ama.”

18
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pansinin ang mga salitang may salungguhit. Kapuwa ito naglalarawan sa katangian ng
“kamay,” kamay na mumunti at kamay na makikidigma. Sa bahaging ito, inilalahad ng
nagsasalita sa tula (persona) ang kaniyang pangitain na balang araw magiging isang
mandirigma ang kaniyang munting anak. Kaugnay rin ito ng kasaysayan sa Uganda, o
maging sa kabuuang kontinenteng Africa, kung saan pinaniniwalaan na mayroon nang
buong kapalaran ang bagong silang na sanggol na kaugnay sa kapalaran ng kanilang
pamilya.

Sinasang-ayunan din ito ng mga taludtod na:

“Tingnan mo kung gaano ka kasabik na hawakan ako


Tila nais nang humawak ng sibat-pandigma.”

Binanggit naman dito ang pagnanais o pagkasabik ng mumunting kamay ng bata sa


paghawak ng sibat. Ito ang mensaheng nais sabihin ng manunulat. Iniuugnay ang “sibat-
pandigma” sa kapalaran ng bata. Maaari itong simbolo ng pagiging matapang. At marahil,
simbolo ito ng kanilang buong pamilyang mandirigma.

Tingnan ang sumunod na taludtod. Pansinin ang mga pariralang may salungguhit sa
naunang dalawang taludtod. Naglalahad ito ng tiyak na “kapalaran” ng sanggol ayon sa
kaniyang ina. Sumisimbolo ang mga salitang “pinuno” at “mandirigma” sa antas ng
katayuan sa buhay. Higit na kinikilala noong sinaunang panahon ang antas ng pamumuhay
ng isang pamilya, na may pinuno at mayroong mga tagasunod. Nangangahulugan lamang
ito na nakaaangat sa buhay ang pinagmulang angkan ng sanggol sapagkat nakatakda
siyang mamuno balang araw.

Samantala, mahalaga rin ang inihahayag ng bahagi ng awit sa ibaba:

“O anak, bibigyan ka ng ngalang pangmandirigma,


At magiging pinuno ka sa iyong mga kasama.
At ang iyong anak, at ang anak ng iyong mga anak,
Ay maalaala at aalalahanin ka sa iyong paglisan.
Ngunit ako, lagi‟t laging kong maaalaala
Ang iyong mga kamay na kay higpit
Kumapit sa akin.”

19
Copyright © 2018 Quipper Limited
Tumatalakay ang kabuuang ng bahaging ito sa pag-alaala sa isang bayani o mandirigma.
Kung paanong inaalaala siya ng kaniyang nasasakupan at kung paanong aalalahanin siya ng
kaniyang sariling ina.

Pinatunayan din ito ng sumunod na pahayag sa tula. Hindi matatawaran ang pagtatangi ng
ina sa kaniyang bagong silang na sanggol.

“At „pag pinangalanan ka na bilang dakilang mandirigma,


Luluha ako kasabay ng pag-alaala sa iyo.”

“Hindi maaaring kahiya-kahiyang pangalan, sapagkat


Ikaw ang una kong anak.”

Suriin naman ang mensaheng nais palutangin gamit ang simbolismo ng “mata.”

“Mag-aalab ang iyong mga mata”

“At ang karunungan ay unti-unti nang mababakas sa iyong mga mata,


At sa iyong pagtawa.”

“Tahimik ka, ngunit ang iyong mga mata‟y nag-iisip”

“Nag-iisip at nangniningning gaya ng mga mata ng nakamasid na


Leopardo sa kasukalan ng gubat.”

Mayroon tayong kasabihang: “Ang mata ay bintana ng kaluluwa.” Sa bahaging ito ng tula,
ginamit ang simbolismo ng “mata” bilang salamin o repleksiyon ng kabuuang pagkatao ng
isang nilalang. “Mag-aalab” ang kaniyang mata sapagkat mapupuno siya ng tapang para sa
pakikipaglaban. Gayundin, nasasalamin sa mata ang karunungan, sapagkat kaugnay pa rin
ito ng emosyon ng isang tao. Maaari itong mangahulugang “higit na nakauunawa ang taong
may karunungan”

20
Copyright © 2018 Quipper Limited
Sa tula, hindi lang itinuon ang mensahe sa katangian at kapalaran ng kaniyang panganay
na anak, inilahad din dito ang kaniyang kagalakan bilang isang ina. Bilang babae, nagiging
responsiblidad ng isang ina ang pagkakaroon ng anak na mula sa kaniyang sinapupunan.
Nagiging ganap lamang ang kaniyang pagiging maybahay o asawa kung nakapagtataguyod
na siya ng isang buong pamilya na may asawa at mga anak. Isa itong paniniwalang sa iba‟t
ibang bansa sa daigdig, maging sa Pilipinas.

“O anak ko, ngayon higit kailanman ang kagalakan ko‟y lubos.


Isa na akong ganap na asawa–
Hindi lang pinakasalan, kundi isang nang Ina.”

Sa huling bahagi ng tula, inilahad ang pag-alaala sa “yumaong ama,” kung bakit nasabing
yumao o patay na ang kaniyang ama, ito ay dahil sa salitang “dambana.” Sumisimbolo
naman ito sa mga lugar kung saan dinadakila ang isang tao o bagay. Kadalasan, tumutukoy
ito sa mga bahay-sambahan na kaugnay din ng huling taludtod, “mabubuhay siya sa iyong
panalangin.” Hindi literal na mabubuhay bagkus mananatili sa kanilang mga alaala dahil
palagi nilang ginugunita ang alaala nito noong siya ay nabubuhay pa. Gaya rin sa tradisyon
nating mga Pilipino, taunan nating ipinagdiriwang ang Araw ng mga Kaluluwa bilang pag-
alaala sa mga mahal sa buhay na pumanaw na. Nagpapakita lamang ito ng kanilang
pagpapahalaga sa buhay at sa relasyon nila sa kanilang pamilya.

“Ingatan mo ang kaniyang dambana kung siya‟y lumisan na


Tuwinang gugunitain nang may sakripisyo‟t pag-aalay
Aking anak, lagi mong alalahanin ang kaniyang ngalan.
Mabubuhay siya sa iyong panalangin, anak.”

Ngayon, gamit ang mga halimbawang ibinigay, maaari mo nang suriin ang iba pang bahagi
ng tulang “Ang Awit ng Ina sa Kaniyang Panganay” upang lubos na maunawaan ang nais
nitong sabihin.

Pagsusuri ng mga Simbolismo sa Akda

Tandaan na mahalaga sa pagsusuri at pag-unawa sa mga simbolismo at matatalinghagang


pahayag ang pag-uugat sa kasaysayan at kultura ng bansang pinagmulan ng isang akdang
pampanitikan. Karaniwang ikinakabit sa mga karanasan ng isang bayan ang mga akda

21
Copyright © 2018 Quipper Limited
isinisilang dito, kaya mahalaga sa pag-unawa ang pagkilala sa kanilang malalim na kultura
at paniniwala.

Simbolismo Kasaysayan
matatalinghagang = at
pahayag kultura
Maraming simbolismo ang ginagamit sa akdang pampanitikan, lalo na sa tula kaya
mahalagang matukoy ito at ipagpalagay nanakatago ang mensahe at dapat unawain sa
mas malalim na aspekto. Kung magiging pamilyar ka sa paggamit ng matatalinghagang
pahayag na ito at simbolismo, mas magiging madali ang pagsulat ng tula.

Sagutin Natin
1. Ano ang mensahe ng tulang “Ang Awit ng Ina sa Kanyang Panganay?”
2. Ano ang persona ng isang tula?
3. Ano ang dapat tandaan sa pagsusuri ng simbolismo ng isang akda?

Subukan Natin

1. Bakit mahalagang tukuyin ang persona ng isang tula?


2. Paano nagkakaroon ng ugnayan ang matatalinhagang pahayag at mga simbolo?
3. Paano isinasagawa ang pagsusuri sa mensahe ng isang tula?

22
Copyright © 2018 Quipper Limited
Isaisip Natin

Bakit mahalagang malaman ang kulturang pinagmulan ng panitikang sinusuri?

Pag-isipan Natin
A. Tukuyin kung simbolismo o talinhaga ang ginamit sa sumusunod na pangungusap.
Ilagay ang S kung simbolismo at T naman kung matalinhagang pahayag.

1. Para sa kanyang pamilya, ang pagsilang niya ang kanilang panibagong araw.

2. Kawangis niya ang agilang namumuhay sa kagubatan.

3. Binasag niya ang salamin dahil hindi niya maintindihan ang nangyayari sa kanyang
buhay.

4. Hatid ng kamay na iyon ang pag-asa na matatapos na ang lahat ng suliranin.

5. Bukas na aklat ang kaniyang buhay sa komunidad na kanyang tinitirahan.

B. Salungguhitan sa panaklong ang kahulugan ng simbolismong nakadiin sa mga


pangungusap sa ibaba.

1. Binigyan niya ng bulaklak ang kanyang kasintahang nagngangalang, Ezra.


(pag-ibig, puso)

2. Puno ng aklat ang kanyang tahanan. Hindi katakataka na isa siyang pantas.
(palamuti, karunungan)

3. Matapos ang ilang araw na digmaan, iwinagayway ng mga terorista ang puting
bandila. (pagsuko, paglaban)

4. Tiyak na may krus ang bawat tahanan sa bayang iyon. (pananampalataya,


pakikipamuhay)

23
Copyright © 2018 Quipper Limited
5. Parati niyang suot ang singsing na bigay ng kanyang kabiyak saanman siya
magpunta. (kayamanan, pangako)

Aralin 4
Pagsulat ng Sariling Tula

Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaaasahang naisusulat ang sariling
tulang lalapatan din ng himig.

Pag-aralan Natin
Ngayong pamilyar ka na sa mga uri at elemento ng isang tula, tiyak na handa ka na sa
pagkatha ng sarili mong piyesa.

May mga tiyak na pamantayan na susukat sa pagiging masining ng isang tula. Sa


kasalukuyang panahon kung saan lubos na tinatangkilik ng kabataan ang makabagong
paraan ng panulaan na tinatawag ding spoken word poetry, hindi maitatatwa na naabot ng
sining na ito ang kaisipan at damdamin ng mga manonood. Nagsisimula rin ang mga awitin
sa isang tula. Nilalapatan lamang ito ng himig upang maawit at maitanghal o maiparinig sa
mga tumatangkilik dito.

Sang-ayon sa kasaysayan, itinatanghal sa paraang pasalita ng sinaunang mga pamayanan


ang kanilang mga libangan na kinabibilangan ng pag-awit ng mga epiko, pagbigkas ng
tanaga at diona, at marami pang iba na sumasalamin sa mayamang tradisyon at kultura ng
mga Pilipino bago pa man tayo masakop ng mga kanluraning bansa.

Ngunit paano nga ba sumulat ng tula?

Lagi‟t laging binabanggit na sa pagsulat ng anumang akdang pampanitikan, mahalaga ang


pagkakaroon ng inspirasyon. Dito tinataya o tinitimbang kung ano nga ba ang nais mong
24
Copyright © 2018 Quipper Limited
isulat, at kung para kanino o para saan ang pagsusulat. Ano ang layunin mo sa pagsulat?
Saan ka ba maaaring kumuha ng inspirasyon?

inspirasyon

Tao sa iyong paligid Mga nababasa,


napanonood, at
Sariling karanasan napakikinggan
 karanasang
makapagpapalawak
ng imahinasyon.  nagdudulot ng nagdudulot ng
kabatiran na malaking impluwensiya
 mga aral sa buhay
maaaring ang pagtatanghal ng
makaimpluwensiya sa mga sining
iyong pananaw
 tumatak na
kamalayan

Tandaan, ikaw lang ang nakaaalam kung ano ba ang gusto mong sabihin, kung ano ang
nais mong isulat. Kung sa tingin mo nakahanap ka ng inspirasyon sa iyong pagsusulat,
dapat mo namang intindihin ang mensahe na iyong isusulat. Ano ba ang dapat taglayin
nito?

MGA DAPAT TAGLAYIN NG MENSAHE NG TULA

Nais sabihin sa iyong sarili


 paglalahad ng sariling karanasan
 pagsanga-sanga ng iba‟t ibang perspektiba na magpapaunlad sa kakanyahan sa
pag-iisip ng isang tao
 paglalahad ng sariling opinyon ay mahalagang puhunan sa pagsusulat.

25
Copyright © 2018 Quipper Limited
Nais sabihin sa mga tagapagtangkilik
 alamin ang pananaw ng mga mambabasa o makikinig ng iyong piyesang inihanda
 kailangang buo ang mensaheng nais sabihin sa kanila.
 kailangang maging maingat sapagkat makaapekto o makaimpluwensiya sa pag-iisip,
maging sa pamumuhay ng iyong mga tagapagtangkilik ang anumang isusulat

Nais sabihin sa lipunan


 mga layunin ng manunulat: (1) dahil gusto niya lamang sumikat, (2) dahil gusto
niyang yumaman, (3) dahil nais niyang makaimpluwensiya sa iba
 kinakailangan na makapagpapakilos ito o makapagpapabago sa kaisipang
namamayani sa isang partikular na lipunan

Ngayong mayroon ka nang paunang balangkas para sa iyong pagsulat ng tula (layunin at
mensahe), piliin mo naman kung anong uri ng panulaan ang nais mong sulatin. Mahalaga
rin ang bahaging ito dahil ito ang magdidikta sa kabuuang pagpapahayag mo sa pagsulat.
Mayroong mga tinatawag na “dagliang tula” na binubuo lamang ng ilang taludtod ngunit
may malalim na nilalaman. May ilan namang “mahahabang tula” na itinatanghal gaya ng
Spoken Word at mga awitin. Maaari kang pumili kung tradisyonal, blangko berso, o
malayang taludturan ang isusulat na tula.

Dapat tandaan na ang pagsulat ng tula ay laging nakadepende sa iyong layunin sa pagsulat.
Kailangang tayain ang mensaheng nais mong sabihin sa makababasa o makaririnig sa iyong
piyesa. Nagdudulot ang mga akdang pampanitikang ito ng impluwensiya sa mga
tagapagtangkilik kaya naman nagiging responsibilidad ng manunulat ang damdamin at
perspektibang lalamanin ng kaniyang isusulat.

Sagutin Natin
1. Ano-ano ang mahalagang salik na dapat isaaalang-alang sa pagsulat ng
tula?
2. Ano-anong mensahe ang dapat taglayin ng isang tula?
3. Saan-saan makakukuha ng inspirasyon para sa pagsulat ng tula?

26
Copyright © 2018 Quipper Limited
Subukan Natin
1. Paano nagiging magkaugnay ang layunin at mensahe ng isusulat na tula?
2. Paano makahahanap ng inspirasyon sa pagsulat ng tula?
3. Bakit itinuturing ang tula bilang isa sa pinakamatandang uri ng panitikan?

Isaisip Natin
Bakit mahalagang maging maingat sa mensaheng ihahayag sa isang akdang
pampanitikan?

Pag-isipan Natin
Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang.

1. Isang makabagong paraan ng pagtula sa harap ng madla na nagpapahayag ng


masidhing damdamin kaugnay sa mga paksang nakatuon sa pag-ibig.

2. Itinuturing bilang isa sa pinakamatandang uri ng panitikan.

3. Mapagkukunan ng inspirasyon sa pamamagitan ng pakikipagkuwentuhan o


pagsubaybay sa kanilang buhay.

27
Copyright © 2018 Quipper Limited
4. Tumutukoy sa nais sabihin ng manunulat sa kanyang mga mambabasa.

5. Iba pang tawag sa maiikling tula.

6. Sinasalamin ng mga sinaunang panitikan.

7. Mga mensaheng dapat taglayin ng isang tula.

Gawin Natin
Magsulat ng tula kaugnay sa alinmang kultura na mahahanap sa Asya maliban sa
bansang Pilipinas. Gawin itong isang mahabang tula. Malayang mamili sa alinmang
taludturan. Lapatan ito ng himig at maghandang ibahagi sa klase.

28
Copyright © 2018 Quipper Limited
Rubrik sa Pagtataya
Itiman ang angkop na bilang. (5 ang pinakamataas, 1 ang pinakamababa)

Pamantayan sa Pagsulat ng Tulang may Himig 1 2 3 4 5


1. Kalinawan ng layunin at mensahe ng tula
2. Nasunod ang pamantayan ng napiling uri ng taludturan
3. Panghikayat sa mambabasa at orihinalidad ng pagsasalaysay
4. Kawastuang gramatikal at pagsunod sa panuto at mekaniks sa
pagsulat (gamit ng salita, pagbabantas, at pagbabaybay)
Kabuuang puntos:

Interpretasyon:
16 – 20 : Napakahusay
11 – 15 : Mahusay
6 – 10 : Katamtaman
1–5 : Nangangailangan pa ng pagsasanay

29
Copyright © 2018 Quipper Limited
Paglalagom

Panulaan o Tula

Mga Elemento:
sukat, tugma, talinghaga,
indayog, karikitan

Mga Uri ng Tula Pagsulat ng Tula


 Tulang naratibo  inspirasyon
 Katutubong tula Pagpapakahulugan  mensahe
 Tulang liriko  simbolismo  uri ng tula
 Tulang patnigan  matatalinhagang
 Tula sa anyong pananalita
tuluyan
 Modernong Tula

30
Copyright © 2018 Quipper Limited
Dapat Tandaan
 May iba‟t ibang kategorya ang panulaan o poetry. Ito ang
sumususnod: tulang naratibo, katutubong tula, tulang liriko,
tulang patnigan, tulang tuluyan, at modernong tula.
Nakapailalim ang bawat isang kategorya sa iba‟t ibang uri ayon sa
elemento at layunin ng mga tula.

 Mahalaga na maging pamilyar sa mga elemento ng tula gaya ng sukat


at tugma, talinghaga, indayog, at kariktan dahil ito ang nagbibigay ng
sining sa isang tula.

 Sa pagbibigay-kahulugan at pagsusuri sa mga simbolismo at


talinghagang nilalaman ng isang tula kinakailangag nauunawaan din
ang tradisyon at kultura ng pinagmulan nito upang ganap na
maunawaan ang mensaheng nais ipahayag sa tula.

 Sa pagsulat ng tula, kinakailangan munang alamin sa sarili kung ano


ba ang nais isulat at kung sino ang nais magbasa o makinig nito
upang maiangkop sa kanila ang nilalaman ng akda.

31
Copyright © 2018 Quipper Limited
Pagyamanin Natin

Ang sumusunod na mga video links ay maaaring panoorin para sa karagdagang


impormasyon at malalim na talakayan.
 “Naniniwala ako”: Spoken Word Poetry by Juan Miguel Severo
https://www.youtube.com/watch?v=nlOjLxm_4dc
 Kapuso Mo, Jessica Soho: Lolo Makata
https://www.youtube.com/watch?v=Ovx0s18C_Dc
 Panulaang Pilipino
https://www.youtube.com/watch?v=l0I_ujjSo9s

Susi sa Pagwawasto
Aralin 1: Mga Uri at Elemento ng Tula
Subukan Natin
1. Matutukoy ang sukat ng isang tula sa pamamagitan ng bilang ng pantig sa bawat
taludtod nito.
2. Kung tradisyonal ang isang tula mayroon itong tiyak na sukat at tugma.
3. Itinuturing ang mga ito bilang tulang pasalaysay dahil naglalahad ito ng mga
kuwentong naghahatid ng mga aral sa mga mambabasa sa paraang patula

Isaisip Natin
Nakatutulong ang tula bilang isa sa mga matatandang panitikan sa pagpapanatili ng kultura
sapagkat madali itong naipapasa sa iba‟t ibang saling lahi. Ito rin ay umaangkop sa
panahon kaya masasalamin sa nilalaman at estruktura nito ang paraan ng pamumuhay sa
panahon kung kailan ito naisulat o binigkas.

32
Copyright © 2018 Quipper Limited
Aralin 2: Kahulugan ng Salita: Simbolismo at Matatalinghagang Pahayag
Subukan Natin
1. Mahalaga ang mga salawikain sa panitikang Pilipino sapagkat sinasalamin nito ang
mga paalala at pilosopiyang taglay ng ating kultura.
2. Malaki ang impluwensiya ng mga kawikaan sa kulturang Pilipino sapagkat kadalasang
nagmumula ito sa Bibliya na sandigan ng pananampalatayang Katoliko at ginagamit
sa pangangaral sa mga kabataan.
3. Nakatutulong ang paggamit ng simbolismo at matatalinhagang pahayag sa pagiging
masining at mabisa ng pagpapahayag. Hinayaan nitong mag-isip ang mga
mambabasa tungkol sa kahulugan ng akda na nagdaragdag ng kapanabikan sa
pagbasa nito.

Isaisip Natin
Nagiging marikit ang isang pahayag sa tulong ng talinhaga sapagkat nagbubukas ito sa iba‟t
ibang interpretasyon at ginagawang pag-isipin ang mambabasa o nakikinig. Gayundin,
madalas may mga tugma itong kaakit-akit sa pandinig.

Aralin 3: Pagsusuri sa mga Simbolismo at Matatalinghagang Pahayag

Subukan Natin
1. Mahalagang tukuyin ang persona ng tula sapagkat nagbibigay ito ng impresyon sa
pananaw, karanasan, damdamin at kaisipang nais ibahagi ng tula.
2. Nagkakaroon ng ugnayan ang matatalinghagang pahayag at mga simbolismo
sapagkat karaniwang ginagamit ang mga ito upang bigyan ng mas malalim na
pagpapakahulugan ang isang akda. May mga pagkakataon gumagamit ang
matatalinghagang pahayag ng simbolismo upang katawanin ang diwa o mensahe ng
akda.
3. Isinasagawa ang pagsusuri sa tula sa pamamagitan ng pag-alam sa kahulugan ng
matatalinhagang pahayag at simbolismong ginamit dito batay sa kasaysayan at
kultura ng sumulat o pinagmulan nito.

Isaisip Natin
Mahalagang malaman ang kulturang pinagmulan ng isang panitikang sinusuri sapagkat
kakabit ng mga salita, talinhaga, at simbolismong ginamit dito ang kultura, tradisyon, at
paniniwalang magbibigay linaw sakabuuang mensahe ng panitikang sinusuri.

33
Copyright © 2018 Quipper Limited
Aralin 4: Pagsulat ng Sariling Tula

Subukan Natin
1. Nagiging magkaugnay ang layunin at mensahe ng isusulat sapagkat nabatay sa
layunin kung ano ang mensaheng inihahayag ng tula. Kinakailangang tiyakin kung
sino at ano ang layunin sa pagsusulat, gayundin, tiyakin ang mensaheng dapat ilahad
nito.
2. Maaaring makahanap ng inspirasyon sa mga tao sa kanyang paligid, sariling
karanasan, at mula sa mga nababasa, napanonood, at napakikinggan. Kinakailangan
lamang maging mapanuri ang mga pandama ng manunulat upang matukoy ito.
3. Tinuturing ang tula bilang isa sa pinakamatandang akdang pampanitikan sa dahil
sang-ayon sa kasaysayan, itinatanghal ito sa paraang pasalita ng sinaunang mga
pamayanan bilang mga libangan na kinabibilangan ng pag-awit ng mga epiko,
pagbigkas ng tanaga at diona, at marami pang iba na sumasalamin sa mayamang
tradisyon at kultura ng mga Pilipino bago pa man tayo masakop ng mga kanluraning
bansa.

Isaisip Natin
Mahalagang maging maingat sa mensaheng ihahayag sa isang akdang pampanitikan dahil
nagdudulot ang mga akdang pampanitikang ito ng impluwensiya sa mga tagapagtangkilik
kaya naman nagiging responsibilidad ng manunulat ang damdamin at perspektibang
lalamanin ng kaniyang isusulat.

Sanggunian
Adaya, Jomar G. et. al. “Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Unang Edisyon)”.
Jimcyzville Publications. Malabon City. 2012

Gonzaga, Marina at Dimaguila, Cristina. “Bulwagan: Kamalayan sa Gramatika at Panitikan”.


Abiva Publishing House, Inc. Quezon City. 2016.

Tolentino, Rolando B. Tatlong Tesis sa Pagsulat. Pag-aklas, Pagbaklas, Pagbagtas: Politikal


na Kritisismong Pampanitikan. University of the Philippines Press. Quezon, City. 2009.

Kagawaran ng Edukasyon. “Panitikang Pandaigdig: Modyul para sa Mag-aaral.” Vibal Group


Inc. Pasig City. 2015.
34
Copyright © 2018 Quipper Limited

You might also like