Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
MAHABANG DAHILIG ELEMENTARY SCHOOL

Hunyo 5, 2023 / Lunes


MOTHER TONGUE 2

I. Layunin
A.Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)
Identify synonyms and antonyms of adjectives

B. Pampaganang Kasanayan
Natutukoy ang magkasingkahulugan na pang-uri (MT2GA-IVb-c-2.4.2)

II. Nilalaman
A. Paksa : Mga Salitang Magkasingkahulugan
B. Sanggunian: MELC pahina 372
Learners’ Materials pp. 3-16
C. Kagamitan: TV, PowerPoint, chalk
D. Pagpapahalaga: paggalang
Integrasyon: Filipino , ESP

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Panuto: Tukuyin at bilugan ang kasingkahulugan ng salitang nasa unahan
1. kaunti
marami Iilan sobra
2. mabuti
masama mainam magulo
3. panatag
magulo kumportable nag-aalala
4. kakampi
kalaban kaaway kasama
5. busilak
dalisay marumi maitim

2.Pagganyak
Awitin ang awit.
https://www.youtube.com/watch?v=hufTawHMdeg

B. Panlinang na G awain
1. Paglalahad/Pagmomodelo
Panuto: Basahin at unawain ang tula.

Ang Aking mga Kaibigan

School Name : MAHABANG DAHILIG ELEMENTARY SCHOOL


Address : Mahabang Dahilig , Batangas City, Batangas 4200
Contact# : 0927 343 7910
Email Address : mahabangdahiligelementaryschoo@gmail.com
Facebook Page: DepEd Tayo Mahabang Dahilig ES
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
MAHABANG DAHILIG ELEMENTARY SCHOOL
ni Lizel G. Arico

Heto na, heto na


ang maamong si Muning;
Palaging sa akin
ay tunay na malambing.

Aw!Aw! tahol naman


ng mabagsik na si Tagpi;
Matapang naming bantay
sa paligid ng aming bahay.

Sa umaga, tumitilaok
ang maagap na si Mat Manok
Upang ang batang makupad
ay mawala ang antok.

Hayun naman si Kally Kalabaw,


masipag na tunay;
Hindi kailanman naging tamad
na kasama ni tatay.

2. Pagtalakay
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
a.Ano-anong mga hayop ang nabanggit sa tula?
b.Mula sa tula, piliin ang mga katangiang ginamit sa mga sumusunod na
hayop.

Kally Kalabaw- _____________, ______________


Mat Manok- _____________, ______________
Muning - _____________, ______________
Tagpi- _____________, ______________
c. Bakit itinuturing na ang hayop ay isang kaibigan?

Basahin ang mga linya mula sa tulang Ang Aking mga Kaibigan.

1. Heto na, heto na ang maamong si Muning


Palaging sa akin ay tunay na malambing.
2. Aw!Aw! tahol naman ng mabagsik na si Tagpi
Matapang naming bantay sa madilim na gabi;

School Name : MAHABANG DAHILIG ELEMENTARY SCHOOL


Address : Mahabang Dahilig , Batangas City, Batangas 4200
Contact# : 0927 343 7910
Email Address : mahabangdahiligelementaryschoo@gmail.com
Facebook Page: DepEd Tayo Mahabang Dahilig ES
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
MAHABANG DAHILIG ELEMENTARY SCHOOL

3.Sa umaga, tumitilaok ang maagap na si Mat Manok


Upang ang batang makupad ay mawala ang antok

4.Hayun naman si Kally Kalabaw, masipag na tunay


Hindi kailanman naging tamad na kasama ni tatay.

(talakayin ang mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat sa


ibinigay na pangungusap)

Hayaang magbigay ang mga bata ng mga salitang magkasingkahulugan

3. Paglalahat
Ang kahulugan ng mga salita ay maaaring magkasingkahulugan o
magkasalungat. Magkasingkahulugan ang dalawang salita kung ito ay
magkapareho ng kahulugan o ibig sabihin. Magkasalungat naman kung ito ay
magkabaligtad ang kahulugan o ibig sabihin.

4. Paglalapat
Panuto: Pag-aralan ang mga pares ng pang-uri. Iguhit sa sagutang papel ang
kung ito ay magkasingkahulugan at kung magkasalungat.

1. mababaw - malalim
2. maginaw - malamig
3. mahaba - maikli
4. malakas - mahina
5. mataas - matarik

IV. Pagtataya
Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga pang-uri
na nasa araw. Piliin ang sagot sa kahon

School Name : MAHABANG DAHILIG ELEMENTARY SCHOOL


Address : Mahabang Dahilig , Batangas City, Batangas 4200
Contact# : 0927 343 7910
Email Address : mahabangdahiligelementaryschoo@gmail.com
Facebook Page: DepEd Tayo Mahabang Dahilig ES
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
MAHABANG DAHILIG ELEMENTARY SCHOOL

V. Takdang Aralin:
Panuto: Isulat ang mga salitang magkasingkahulugan sa binasang tula.

VI. Pagninilay
A.Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya ___________________
B.Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin______________________________
C.Bilang ng mag-aara na nangangailangan ng remediation ____________________

School Name : MAHABANG DAHILIG ELEMENTARY SCHOOL


Address : Mahabang Dahilig , Batangas City, Batangas 4200
Contact# : 0927 343 7910
Email Address : mahabangdahiligelementaryschoo@gmail.com
Facebook Page: DepEd Tayo Mahabang Dahilig ES

You might also like