Quarter G10

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Department of Education

Private Education Assisstance Committee


Diocesan Association of Parochial Schools
Diocese of Bacolod
ST. MICHAEL ACADEMY OF PONTEVEDRA, INC.
“Virtus et Prudencia”
ARALING PANLIPUNAN
FIRST PERIODICAL EXAM
Panuto: basahin at unawain ng mabuti ang bawat katanungan at piliin tamang sagot.
1.Alin sa sumusunod ang isang halimbawa ng kontemporaryung isyu?
A. paggamit sa pribadong impormasyon ng mga mamamayan sa internet
B. paghahanap ng bagong kolonya para sa pangangalakal
C. pagpapakulong sa mga taong pinaniniwalaang taksil sa simbahan
D. pag-uusap tungkol sa kahalagahan ng gamot para sa kalusuguan
2. Bakit mahalaga na magkaroon ng bukas na isipan sa pagsuri ng mga kontemporaryong isyu?
A. dahil ikaw ay maaaring maloko ng ibang tao
B. dahil ang mga nalalaman ay maaaring totoo o maaaring mali
C. dahil maraming isyu sa mundo ay hindi kailangan pag-usapan
D. dahil mayroong mga isyu na walang kinalaman sa iyong buhay
3. Sino-sino ang hayag na may kamulatan sa mga kontemporaryong isyu?
A. Hindi maunawaan ni Richard kung bakit tila walang silbi para sa mga Pilipino ang desisyon ng UN Arbitral Tribunal
kaugnay ng usapin sa South China Sea.
B. May pagdududa si Anton sa ikinikilos ng USA na tila pagsuporta nito sa Pilipinas gayong napakalaki ng utang nito
sa China.
C. Patuloy ang pagtatangkang mangisda ni Ryan sa Bajo de Masinloc kahit lagi siyang itinataboy ng mga Chinese.
D. Alam ni Kyle na ang West Philippine Sea ay ang bagong opisyal na pangalan ng South China Sea ayon sa United
Nations Arbitral Tribunal.
4. Alin sa sumusunod ang kailangang alalahanin tungkol sa ating edukasyon at sa pagharap sa mga kontemporaryung
isyu?
A. Ang edukasyon ay makatutulong sa pagharap sa mga kontemporaryong.
B. Ang edukasyon ay hindi kailangan upang maging mapanuri sa mga kontemporaryong isyu.
C. Ang edukasyon ay ang kailangan iwaksi sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu.
D. Ang edukasyon ay walang kaalaman na naibibigay sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu.
5. Ito ay halimbawa ng kontemporaryong isyu MALIBAN SA?
A. krisis pampinansiyal ng USA C. taggutom sa Venezuela
B. pagpatay sa mga drug lord sa Pilipinas D. kolonyalismo sa Africa
6. Ano ang mangyayari kapag hindi nagiging bahagi ng masusing pag-aaral sa mga paaralan ang mga kontemporaryong
isyu?
A. wala, kulang, o huli sa kaalaman C. walang malayuang pagtingin
B. walang epektibong pagtugo D. walang sariling pagkakakilanlan
7. Ang lahat ng talata ay tama tungkol sa bakit mahalaga na pag-aralan ang kontemporayong isyu, maliban sa?
A. lumalawak ang kaalaman at napabibilis ang pagdedesisyon
B. mas madaling nakaaangkop sa paligid
C. nagigng mapagsiyasat sa mga usapin
D. nababalikan at napahahalagahan ang kasaysayan
8. Anong kontemporaryong isyu ang ipinahihiwatig?
Hindi maaari ang “puwede na ‘yan at siguro,” dapat “sigurado.” Mahigpit ang kompetisyon sa panahon ng
internasyonalismo.
A. pangkalakalan B. pangkalusugan C. pampulitika D. panlipunan
9. Sa paanong paraan malilinang ng tao ang kaniyang kaisipan sa mga kontemporaryong isyu?
A. aktibong pakikipagtalakayan o debate
B. pagbabasa ng print media at iba pang katulad nito
C. pakikisalamuha sa mga tao
D. Wala sa nabanggit.
10. Ano ang kailangan sa pagtalakay sa mga kontemporaryong isyu?
A. bukas at kritikal na pag-iisip C. pagsang-ayon ng maraming tao
B. mataas na pinag-aralan D. paglaban sa mga pinaniniwalaan
11. Kumpletuhin ang pangungusap:
Sa pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu, mahalagang malaman hindi lamang ang mga positibong aspekto kundi
maging ang mga negatibo at ______________.
A. iba pang pananaw patungkol sa mga ito
B. bakit nga ba natin pinag-aaksayahan ng oras ang mga ito
C. saan mapupunta ang pag-uusap patungkol sa mga ito
D. kailan matatapos ang pag-aaral ng mga isyu
12. Alin sa sumusunod na punto ang pinakawastong dahilan kung bakit kailangan din maging mulat ang mga guro sa mga
kontemporaryong isyu?
A. Nalalaman ng mga guro ang kuro-kuro at perspektiba ng kanilang mga mag-aaral.
B. Natuturuan ng mga guro ang mga mag-aaral ukol sa mga tama at maling perspektibo.
C. Nanggagaling sa mga guro ang pinakamainam na pananaw.
D. Natutukoy ng mga guro kung nagbabasa tungkol sa mga kontemporaryong isyu ang kanilang mga mag-aaral.
13. Mayroon kang isang kaibigan na mayroong salungat na pananaw sa iyong tindig sa isang kontemporaryong isyu. Ano
ang isang maayos na paraan upang inyong mapag-usapan ito nang maayos?
A. Makinig at suriin nang maayos ang inyong mga pananaw.
B. Ipaglaban ang iyong pananaw.
C. Pagsabihan na walang alam ang iyong kaibigan
D.Sabihan na kailangan niyang magbasa para maging mas maalam.
14. Ano ang maaaring mangyari kung mas pinagtutuunan ng pansin ang pag-aaral tungkol sa mga kontemporaryong isyu?
A. Higit na mauunawaan ang mga pangyayari sa ating bansa at mundo.
B. Mas magkakaroon ng lakas ng loob kuwestiyonin ang bagay-bagay.
C. Makikita ng iyong mga magulang na ikaw ay masipag.
D. Masasayang ang oras sa pag-aaral sa walang katuturang mga bagay.
15. Anong hakbang ang nagpapakita ng pagiging handa ng guro sa pagtalakay ng kontemporaryong isyu?
A. Bago pag-usapan ang isyu ng same sex union sa klase, nagtanong si Bb. Reyes kung ano
ang relihiyon ng kaniyang mga estudyante upang kaniyang malaman ang perspektibang maaaring
pinanggagalingan nila.
B. Tinatalakay ng klase ang terorismo at napansin ni G. Santos na naluluha ang isa sa
kaniyang mga estudyante. Hindi pinansin ni G. Santos ang emosyon ng bata at
nagpatuloy sa diskusyon.
C. Nagtanong si Kyle kay Gng. Cruz kung nabalitaan ba niya ang balak ng China at Pilipinas sa
West Philippine Sea. Nagkibit-balikat lamang si Gng. Cruz at hindi sinagot si Kyle.
D. Hindi tumatanggap ng katanungan si G. Sioco sa kaniyang klase dahil sayang lamang sa
oras ang pagsagot sa mga tanong ng kaniyang mga estudyante.
16. Si Sarah ay magbabahagi sa mga bata hinggilsa global warming at climate change. Ano ang hindi niya dapat gawin na
magiging dahilan upang hindi maintindihan ng mga bata ang kaniyang lektura?
A. Ipaliwanag ang mga sanhi at bunga ng global warming at climate change.
B. Sabihin na mahalagang pag-usapan ang mga ito dahil lahat tayo ay apektado.
C. Sabihin na mahirap itong intindihin at hindi nila ito kailangang malaman.
D. Magbigay ng mga praktikal at simpleng halimbawa ng mga epekto ng global warming at global change.
17. Sa anong paraan nagpapakita ng pagbibigay-importansiya sa pagtalakay sa mga kontemporaryong isyu?
A. pagmamalaki sa mga kaibigan kung bakit ang pananaw mo sa death penalty ang tama
B. pagsali sa isang makabuluhang debate o usapin tungkol sa rehiyonalisasyon
C. pagbabahagi ng fake news at/o alternatibong katotohanan sa social media
D. pagtawasa mga biro hinggil sa maseselang usapin gaya ng rape
18. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kaalaman at kamulatan sa kontemporaryong isyu,maliban sa?
A. Narinig ni Jack na sinabi ng kaniyang nakababatang kapatid na naibalik na ang death
penalty sa Pilipinas. Hindi niya tinama ang kaniyang kapatid at tinawanan lang.
B. May nakita si Luisa na maling pahayag sa Facebook tungkol sa gobyerno. Kinausap niya sa
pribadong mensahe ang kaibigan upang mas mapag-usapan ang isyu nang mas
maayos.
C. Pagkatapos ng pagtalakay sa hacking at iba pang isyu sa internet, naging mas maingat si
Juan sa kaniyang mga pinupuntahang website at kini-click online.
D. Pinili ni Joan na paksa sa kaniyang sanaysay ang globalisasyon dahil nakikita niyang
importante ang usaping ito.
19. Ano ang tawag sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng malaking kapinsalaan at kabagabagan sa mga tao at
komunidad na tinatamaan nito?
A. kalamidad B. delubyo C. aksidente D. kapahamakan
20. Anong uri ng kalamidad ang nararanasan sa isang tiyak na lugar kung ito ay marahas na binabayo at hinahampas ng
malalakas na hangin at ulan?
A. paglindol B. pagdaluyong-bagyo C. pagbagyo D. pagbaha
21. Ano ang isang resulta ng pagbagyo na nakadaragdag ng kapinsalaan sa mga tao?
A. pagbaha B. pag-ulan C. pag-iral ng habagat D. paglaki ng alon
22. Alin ang halimbawa ng kalamidad?
A. Sinalanta ng malakas na buhawi ang Washington D.C.
B. Binihag at pinatay ng mga bandido ang mga dayuhan.
C. Nagpadala ng tulong-pinansiyal ang USA sa Pilipinas.
D. Bumagsak ang pampasaherong eroplano sa Indian Ocean.
23. Anong uri ng kalamidad ang inilalarawan?
Parang winalis ang nayon sa baybayin ng San Jose. Walang makikitang nakatayong estruktura at mga halaman maliban
sa malaking barkong nakataob sa dating kinatatayuan ng simbahan.
A. pagdaluyong-bagyo B. pagbagyo C. pagbaha D. pagputok ng bulkan
24. Ilan to sa maaaring nagdudulot ng pagbaha sa mga siyudad,maliban sa?
A. Kawalan ng kaalaman tungkol sa tamang pangangalaga ng kapaligiran
B. Pag-abuso ng mga tao sa kalikasan gaya ng pagpuputol ng mga puno
C. Hindi maayos na pagtatayo ng mga bahay o gusali
D. WALA SA NABANGGIT
25. Sa kabila ng makabagong kaalaman at teknolohiya, bakit mas marami ang napipinsala ng pagbagyo ngayon?
A. Humihina na ang pisikal na kapasidad ng mga tao para labanan ang pagbagyo.
B. Walang kinalaman ang makabagong teknolohiya sa mga kalamidad dahil ito ay natural na proseso.
C. Maliban sa pagbagyo, sumasabay na rin ang pagbaha at pagdaluyong-bagyo.
D. Biglaan ang pagdating ng pagbagyo, pagbaha, at pagdaluyong kaya hindi napaghahandaan.
26. Bakit matitindi ang kalamidad sa kasalukuyang panahon?
A. Nasisira na ang sistema ng kalikasan.
B. Sumasabay ang kalamidad sa kakayahang makibaka at sumalag ng mga tao.
A. Tama ang A; mali ang B. C. Parehong tama ang A at B.
B. Tama ang B; mali ang A. D. Parehong mali ang A at B.
27. Ano ang positibong bunga o epekto ng pagbagyo, pagbaha, at pagdaluyong-bagyo?
A. May mataas na kamalayan at kamulatan sa mga kalamidad na kagaya nito.
B. Nababawasan ang patuloy na lumulobong populasyon ng Pilipinas.
A. Tama ang A; mali ang B. C. Parehong tama ang A at B.
B. Tama ang B; mali ang A. D. Parehong mali ang A at B.
28. Paano napahahalagahan ang buhay mula sa mga tumitinding kalamidad?
A. Manirahan sa ligtas na lugar, magarang bahay, at maraming kasambahay.
B. Maging disiplinado, handa, at matulungin.
A. Tama ang A; mali ang B. C. Parehong mali ang A at B.
B. Parehong tama ang A at B. D. Tama ang B; mali ang A.
29. Anong kalamidad ang tinutukoy?
Biglaan at mabilis na pagyanig ng lupa dulot ng paggalaw ng mga bato sa ilalim.
A. Tsunami B. Bagyo C. lindol D. baha
30. Ano ang maaaring epekto ng pagyanig ng lupa sa ilalim ng dagat?
A. Storm Surge B. Tsunami C. Baha D. Bagyo
31. Saan tumama ang malakas na paglindol sa Pilipinas noong 2013?
A. Luzon B. Visayas C. Mindanao D. Metro Manila
32. Ayon sa PHILVOCS, may kakaibang aktibidad sa ilalim ng lupa kung kaya pinghahanda ang mga residente. Nakatira
kayo malapit sa fault line. Ano ang pinakamainam na desisyon?
A. Mag-impake kaagad at lumikas sa mas ligtas na lugar.
B. Mag-abang muna ng iba pang anunsiyo at makiramdam.
C. Patuloy na mag-abang ng mga balita at ipagsabi ito.
D. Ipagwalang-bahala muna ang balita at saka na lumikas kapag dumating na.
33. Isa sina Mang Brando sa mga mga pamilyang nakatira sa malapit sa sea wall. Sa kalagitnaan ng gabi, naramdaman
nila ang napakalakas na pagyanig. Mula sa hindi kalayuan, malakas na dagundong ang naririnig. Ano ang dapat gawin ng
pamilya ni Mang Brando?
A. Magbukas ng radyo upang makibalita sa nangyayari.
B. Mag-impake ng ilang kagamitan at hintayin ang pagsikat ng araw.
C. Alamin kung ano ang lumilikha ng ingay.
D. Tumakbo agad patungo sa direksiyong kasalungat ng dagat.
34. Biglang lumindol habang ikaw ay nasa paaralan. Ano ang mga dapat gawin?
A. Sundin ang “duck, cover, hold” at ang sinasabi ng mga guro o marshall. Humanap ng lugar
na maluwag at malayo sa mga estrukturang maaaring gumuho.
B. Magtago sa ilalim ng lamesa habang hinihintay ang pagbagsak ng mga bagay. Kung walang saklolo,
sundin ang “duck, cover, hold”.
C. Makipag-unahan sa mga kaklase sa paglabas sa silid-aralan. Dahil mahalaga ang buhay,
makipagtulakan para hindi maipit sa loob bago pa gumuho ang gusali.
D. Magmadaling tumakbo palabas ng silid-aralan. Subukang makauwi ng bahay para maging
ligtas at makasama ang pamilya.
35. Ano ang maaaring gawin upang hindi gaanong malaki ang pinsala ng mga natural na kalamidad gaya ng paglindol at
pagtama ng at tsunami?
A. Mag-imbento ng pinakamahuhusay na detector.
B. Umasa sa magagawa ng pamahalaan.
C. Lumipat sa pinakaligtas na tirahan.
D. Palawakin pa ang kaalaman.
36. Anong ahensiya/departamento ng pamahalaan ang nagbibigay ng ulat-panahon, nagmo-monitor ng paparating na
bagyo, at nagbibigay ng mga signal at paala-ala sa mga tao?
A. PAGASA B. PHIVOLCS C. DOTC D. NDRRMC
37. Bakit madalas na magkaroon ng kalamidad sa Pilipinas gaya ng pagbagyo, paglindol, at pagputok ng mga bulkan?
A. dahil sa lokasyon nito C. dahil maraming tao rito
B. dahil ito ay archipelago D. dahil bahagi ito ng Asya
38. Kung gusto mong makibalita sa mga kamag-anak na nasa lugar na sinasalanta ng bagyo ngunit putol na ang linya ng
komunikasyon, sa anong ahensiya pinakamanam na lumapit?
A. Philippine Information Agency
B. National Disaster Risk Reduction Management Council
C. Department of Transportation and Communications
D. Metro Manila Development Authority
39. Ito ay tungkulin ng mga ahensiya ng gobyerno sa mga mamamayan lalo na tuwing may kalamidad, MALIBAN SA?
A. tumutulong sa mga biktima at nangangailangan
B. nagbabantay sa kalagayan ng mga mamamayan
C. naninigurong nalilimitahan ang mga pinsala
D. nagtutuos ng mga nagastos ng pamahalaan
40. Aling partikular na aplikasyon ang nakapokus sa mga polisiya at estratehiya ng bawat komunidad sa bansa pagdating
sa pagharap at pag-iwas sa mga peligrong dala ng mga kalamidad?
A. Community-Outreach Disaster Risk Reduction and Management
B. Community-Based Disaster Readiness and Management
C. Community-Biased Disaster Risk Reduction and Management
D. Community-Based Disaster Risk Reduction and Management
41. Hindi inaasahan ang biglaang pagtaas ng tubig-baha sa bayan ng San Felipe dahil ang anunsiyo lamang ng PAGASA
ay signal no. 2 ang kanilang bayan mula sa bagyo. Agad na rumesponde ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad
ng Coast Guard, PNP, at AFP upang tulungan ang bayan ng San Felipe sa rescue operations sa mga mamamayan na na-
trap sa pagbaha.
Aling saklaw ng National Disaster Risk Reduction and Management Plan (NDRMMP) ang tinutukoy ng pangyayari?
A. Disaster Response C. Disaster Prevention and Mitigation
B. Disaster Preparedness D. Rehabilitation and Recovery
42. Nais ni Peter na siguruhing laging handa ang kaniyang pamilya kung sakaling may dumating na sakuna. Alin sa
sumusunod ang hindi kabilang sa mga mahahalagang kailangan para sa paghahanda tuwing may sakuna?
A. pagpaplano ng bakasyon matapos pag-aanunsiyo ng PHIVOLCS sa maaaring pagputok ng
Bulkang Mayon
B. pagpapaskil ng mga emergency contact number ng mga ahensyang katuwang sa
pagpapahalaga sa kaligtasan ng mga mamamayan
C. pag-aayos at paghahanda ng isang survival kit para sa pamilya sa oras ng pagdating ng
kalamidad
D. pagtiyak na ligtas at matibay ang buong bahay laban sa lakas ng kalamidad na maaaring
tumama sa komunidad
43. Ano ang pinakaangkop na dahilan kung bakit mahalaga ang pagiging handa sa mga paparating na kalamidad?
A. Ang pagiging handa ay magiging daan upang tayo at ang ating pamilya ay maging ligtas sa
anumang dulot ng mga kalamidad.
B. Ang pagiging handa ay makatutulong na maiwasan ang gastusin ng pamilya pagkatapos ng
kalamidad.
C. Ang pagiging handa ay makatutulong na madisiplina ang mga bata upang alam na nila ang
kanilang gagawin kapag may kalamidad.
D. Ang pagiging handa ay makatutulong upang maabutan ng karagdagang tulong mula sa
gobyerno.
44. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kahulugan ng rehabilitation and recovery na isa sa mga saklaw ng
pamantayan ng NDRRMP (National Disaster Risk Reduction and Management Plan)?
A. Pagbubuo ng mga mas matibay na impraestraktura na layong protektahan ang mga mamamayan at mga dagdag
na angkop na materyales sa pagbabantay sa mga kalamidad.
B. Pagbili ng mga groseri para sa mga nasalanta ng mga pamilya dahil sa kalamidad.
C. Pagpapatayo ng mga pader sa gilid ng mga ilog upang maiwasan ang mga pagbaha.
D. Pagbabawal sa mga mamamayang magtrabaho sa labas ng siyudad upang makaiwas sa mga peligrong dulot ng
kalamidad.
45. Alin sa mga sumusunod ang hindi mahalagang layunin ng CBDRRM (Community-Based Disaster Risk Reduction and
Management)?
A. Nagkakaroon ng limitadong impormasyon ang mga mamamayan sa mga dapat gawin sa mga paparating na
kalamidad.
B. Naghihikayat na magkaroon ng partisipasyon ang mga mamamayan sa pagpaplano sa seguridad ng komunidad
sa mga kalamidad.
C. Nabibigyan ng babala ang mga mamamayan sakaling matindi ang epekto na maaaring idulot ng paparating na
kalamidad.
D. Napaghahandaan ng komunidad ang kanilang sarili at pamilya sa anumang epekto ng kalamidad na maaaring
maranasan ng komunidad.
46. Paano maiiwasan ang malawakang pinsalang dulot ng mga kalamidad?
A. Dapat ay may disiplina at makikipagtulungan ang mga mamamayan sa pamahalaan.
B. Dapat ay may sariling plano ang mga mamamayan para mailigtas nila ang kanilang mga sarili.
C. Manatili sa kung anong mga nakagawian lalo na kung ang mga ito ay napatunayang subok na.
D. Manatiling nakikipag-ugnayan sa mga kagawaran at mga ahensiya ng pamahalaan.
47. Bilang isang estudyante, paano ka makatutulong bago, sa oras, at pagkatapos ng kalamidad?
A. Tumulong sa mga relief operation kagaya ng pagbabalot at pamimigay ng relief goods.
B. Manatili sa bahay para hindi na makadagdag sa maaaring maging biktima.
C. Mag-ulat sa baranggay o sa mga ahensiya kung may mga biktima at nangangailangan.
D. Maglinis ng kalsada kahit malakas ang hangin upang ligtas na makadaan ang mga sasakyan.
48. Bakit mahalaga ang disiplina at kooperasyon?
A. Susi at daan sa pag-unlad
B. Nakapagliligtas ng buhay
A. Parehong tama ang A at B.
B. Parehong mali ang A at B.
C. Tama ang A; mali ang B.
D. Tama ang B; mali ang A.
49. Gusto mong magdaos ng seminar sa inyong baranggay upang ang lahat ay matuto kung paano mapaghahandaan ang
paparating na tag-ulan. Kanino ka maaaring makipag-ugnayan para dito?
A. National Disaster Risk Reduction Management Council
B. Department of Transportation and Communications
C. Philippine Coast Guard
D. Metro Manila Development Authority
50. Nagising kang napakalakas ng ulan at walang suplay ng koryente sa inyong bahay. Gusto mong makibalita kung ano
na ang signal ng bagyo at kung may pasok ba sa paaralan. Alin/anong ahensiya ang maaari mong pagtanungan?
A. Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration
B. Philippine Coast Guard
C. Metro Manila Development Authority
D. Project NOAH

You might also like