Group 1 Posisyong Papel

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS


Ang Pambansang Pamantasan sa Inhinyeriya
Kampus ng JPLPC – Malvar
Malvar, Batangas

Pagtatanggal ng Classroom Decorations: Epektibo nga ba o Kimi lang?

Nina:

Arceo, Mary Grace M.


Mendoza, Angel Maribeth B.
Pacleta, Michaela
Piol, Khim C.
Romero, Janna Paolene M.
Villanueva, Drew Dhiren G.

Batsilyer ng Edukasyong Pansekundarya


Medyor sa Araling Panlipunan

Disyembre 2023
Pagtatanggal ng Classroom Decorations: Epektibo nga ba o Kimi lang?

PANATILIHIN MGA TRADISYONAL NA DEKORASYONG BISWAL AT


MAKULAY NA DINGDING NG SILID ARALAN TUNGO SA PAGKATUTO NG
MGA MAG - AARAL

Posisyong Papel ukol sa DepEd Order No. 21, Series 2023 na isang direktiba ng
Kagawaran ng Edukasyon o kilala rin na Brigada Eskwela Implementing Guidelines na
inilabas noong Agosto 3, 2023 na naglalayong tanggalin ang mga dekorasyon sa dingding
sa loob ng mga silid -aralan.

Paninindigan ng Pambansang Pamantasan ng Batangas - Ang Pambansang


Pamantasan sa Inhenyeriya, Kampus ng JPLPC Malvar, guro at mga mag-aaral sa
ilalim ng Batsilyer ng Edukasyong Pang Sekundarya Medyor sa Araling
Panlipunan

Isang panibagong paksang nagdudulot ng matinding kontrobersiya ang DepEd Order


21, serye ng 2023 na inilabas ng Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon Sara Duterte-
Carpio sa ilalim ng MATATAG Kurikulum na nagnanais na matukoy ang mga totoong
pangangailangan ng mga Pilipinong mag-aaral partikular na ang pagsukat sa halaga ng
mga dekorasyong naoobserba ng mata. Sa larangan ng edukasyon na saklaw nito,
bagaman patuloy ang pagtangkilik ng mga paaralan sa paggamit ng mga representasyon o
simbolo, umusbong pa din ang kakaiba at hindi nakagawiang konsepto. Ito ay ang
pananaw na may mabigat at nakalilitong obserbasyon na nagdudulot ng
nagugulumihanan na reaksyon at hating opinyon, ito nga ay ang pagbabawal sa mga
animo’y sagabal na disenyo sa klasrum. Ayon kay Garcia (2023), ang disenyo sa silid -
aralan ay maituturing bilang isang mahalagang salik sa paghubog ng karanasan at
paglinang ng kaalaman ng mga mag-aaral.Ito ay higit pa sa isang paraan upang
magdagdag ng kulay at personalidad (Teacher, 2023).

Ang mga dekorasyon sa silid-aralan ay naging mahalagang elemento na ng pang-


edukasyong kapaligiran sa mahabang panahon hanggang sa kasalukuyan. Ayon sa
Resources (2021) ang kasaysayan ng disenyo ng silid aralan ay nagsimula pa noong ika-
19 na siglo nang magkaroon ng libreng primaryang edukasyon ang Pilipinas at itinatag
ang paaralan para sa mga gurong Filipino. Kung ating pagninilayan, tiyak namang hindi
hahayaan ang paggamit ng mga nakapaskil na dekorasyong biswal ng pangmatagalan
kung ito ay hindi makabuluhan at walang batayan.Kailangan lamang masigurado na ang
mga angkop na illustrasyon ang mailalapat upang maging mabisa ang mga ito sa
pagbibigay ng mga tagubilin at impormasyon.
Ang mga estilo ng pagkatuto ang nagbibigay daan upang mapadali ang pagtukoy
ng mga epektibong estratehiyang maaaring gamitin sa bawat indibidwal na mayroong
kani-kaniyang mga pamamaraan ng pagkatuto. Ang bawat indibidwal ay mayroong sari-
sariling kakayahan at pamamaraan ng pagtanggap at pag-unawa sa mga impormasyon.
Higit na ninanais ng iba ang makita, mahawakan o mapakinggan ang kanilang pinag-
aaralan.

Ayon sa konsepto ni Gardner (1983) na tumutukoy sa “multiple intelligence” ito


ay itinuturing bilang estilo ng pagkatuto. Ayon sa kanya ay mayroong tatlong (3) estilo
ng pagkatuto, ang una ay ang awditori ang indibidwal ay mas natututo batay sa kaniyang
naririnig o napakikinggan katulad na lamang ng mga leksyur o diskasyon sa klase, ang
pangalawa naman ay ang biswal, ang mga indibidwal naman ay mas natututo batay sa
kaniyang nakikita katulad ng mga imahe at representasyon at ang huli naman ay ang
kinesthetic kung saan ang mga indibidwal ay natututo batay sa kaniyang nahahawakan o
sa pamamagitan ng pisikal na interaksyon o gawain.

Ayon sa pananaliksik, lumabas na ang paggamit ng biswal na kagamitan ay mas


nakakahikayat para sa mga mag-aaral dahil napupukaw nito ang interes ng mga ito. Ang
biswal na kagamitan ay nakakatulong sa mga mag-aaral upang maintindihan ang mga
abstrak na konsepto at mga komplikadong datos na maayos at bawasan para ang paksa ay
maging malinaw at mas maikli, katulad na lang ng paggamit ng mga graphic organizer.
Ang biswal na estilo ng pagkatuto ay sadyang nakakatulong sa pagpapalago ng kaalaman
at pagdidiskubre ng mga talento ng mga estudyante, ang mga biswal na kagamitan ay
nagpapalawak ng imahinasyon at nagpapaunlad ng pagkamalikhain ng isang estudyante,
ito ang nagsisilbing instrumento tungo sa pagpapalawak at pagpapadali ng mga
impormasyong natatanggap ng dahil sa mga imahe st representasyon ng mga ito.

Bilang karagdagan, batay sa isang pahayag, ang pagpapatupad ng DepEd Order


No. 1 ay nagsasaad na panatilihing maayos at malinis ang bawat silid-aralan pati na rin
ang mga dingding nito sa pagtatanggal ng lahat ng dekorasyon sa loob ng silid-aralan na
pawang lamesa at upuan lamang ang tanging nasa loob nito upang makapagtuon lamang
sa klase ang mga estudyante, ngunit binigyang diin rin na hindi lahat ng mga visual aids
at dekorasyon sa mga dingding ay sagabal, katulad na lamang ng ABAKADA at English
Alphabet, ang mga ganitong klase ng dekorasyon sa silid aralan ay sadyang nakakatulong
para sa mga mag-aaral na nagsisimula pa lamang bumasa.

Ayon sa isang pahayag ng isang Senior High School teacher na si Jeric Olay,
hindi maikakaila na puno ng surpresa at mga bagong ipinatupad ang ngayo’y Kalihim ng
Kagawaran ng Edukasyon Sara Duterte- Carpio ukol sa pag-implimenta nito ng
pagtanggal ng mga dekorasyon sa loob ng mga silid-aralan na nag-ani ng iba’t ibang
batikos at opinyon ng mga taong bayan kasama na ang mga estudyante, magulang at
maging ang mga guro. Nakasaad dito na ang bawat tao ay may iba’t ibang opinyon at
panig sa kontrobersiyang ito, ngunit ayon sa isang balita na may headline na “Baklas
Backlash” Ibang iba ang hangin ngayon kumpara sa mga nagdaang taong ating
nakasanayan na mayroong mga iba’t ibang dekorasyon sa loob ng silid-aralan. Noong
mga nakaraang taon ay palaging pinaghahandaan at inaabangan ng mga kaguruan ang
unang araw ng pasukan. Noon ay nagkakaroon pa ng paligsahan upang maipakita ng mga
kaguruan ang kanilang pagkamalikhain sa pamamagitan ng pagdidisenyo ng kani-
kanilang mga silid-aralan, ngunit ngayon lahat ng kanilang mga pinaghirapan ay napunta
lamang sa basurahan. Habang ang ilang guro ay nalulungkot sa pag-implementa nito na
parang nabasura na ang kanilang pinaghirapan ng ilang taon, kalakip na dito ang
panghihinayang ng mga perang kanilang nagastos mula sa kanilang mga bulsa. Sa
kabilang dako, ang iba namang kaguruan ay natutuwa sa balitang ito, dahil na rin sa
kanilang iba’t ibang persepsyon at opinyon hinggil sa usaping ito nang dahil sa kautusang
ito mababawasan na ang karagdagang gastusin na inilalaan ng mga kaguruan sa kanilang
mga silid-aralan, ngunit lahat ng bagay ay may kapalit. Batay sa pahayag ng Kalihim ng
Kagawaran ng Edukasyon na ngayo’y si VP Sara Duterte-Carpio, ang kautusang ito ay
naglalayong makapag-pokus ang mga mag-aaral sa kanilang aralin at hindi sa mga
makukulay na dekorasyong kanilang nakikita sa mga pader, ngunit ang iba’t ibang mag-
aaral ay may kani-kaniyang mga estratehiya ng pagkatuto na dapat isaalang-alang ng
Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon. At nang dahil sa pagbaklas o pagtanggal ng mga
dekorasyon sa mga dingding ng silid-aralan ay marapat na maglaan ng pondo ang
Kagawaran ng Edukasyon upang mapapinturahan ulit ang mga dingding sa mga paaralan.

Iginiit naman ng samahan ng mga guro na ang kahalagahan ng mga materyales


at ibang mga dekorasyon sa silid aralan ay nakakatulong. Ayon kay Ruby Bernardo,
Union President ng Alliance of Concern Teachers Act National Capital Region ay
nagpapahayag na malinaw sa mga guro na ang mga materyales o mga dekorasyon sa loob
ng silid aralan ay nakakatulong sa visual learning, nakakatulong ito upang maging kaaya-
aya ang mga silid aralan at para ganahan na rin sa pag aaral ang mga estudyante. Batay
kay Bernardo ay hindi alam ng mga kalihim ang educational process. Ayon naman kay
Benjo Basas ang National Chairman ng Teachers Dignity Coalition (TDC) ay marapat na
linawin ng DepEd ang kautusan sa DepEd Order na ito, sapagkat literal ang pagkaunawa
at pagtanggap dito ng mga guro o maraming guro, kung saan lahat ng mga nakadikit sa
dingding ay kanilang pinagtatanggal, lalong pinagtuunan ng pansin ni Basas na ang batay
kamo sa kautusan ay ang mga itinuturing na mga "unnecessary" o mga hindi
kinakailangan o makabuluhang artworks, tarpaulin at posters.

Isa sa mga katibayang nagsasabi kung gaano kalaki ang naging epekto ng
pagkakaroon ng dekorasyon sa silid-aralan ay mula sa isang artikulo ng Ascendens Asia,
kung saan naglalahad na malaki ang nagiging tulong ng paglalagay ng dekorasyon sa
silid kung saan ang mga mag-aaral ay natututo. Isa na nga ay napalalawak ang
imahinasyon ng mga mag aaral sa sining at sa gayon ay mas nahuhubog pa ang kaalaman
at talento ng mga mag-aaral sa iba’t ibang aspeto ng pag- aaral. Batay sa isang artikulo,
inihahayag na maaaring gawing dekorasyon ang tuyong dahon sa pagpapaganda ng silid.
Bukod sa pagpapayabong ng kaisipan ng mga mag aaral ay malaking kontribusyon ang
nagagawa nito sa kapaligiran sapagkat imbis na ito ay maging karagdagan sa polusyong
hangin, magkakaroon na ito ng mistulang silbi kaysa itapon at sunugin. Malaking bagay
na ito ay maituturing na nagmimistulang ang mga tao ay gumagawa ng mga paraan na
kung saan hindi lamang ito nakakatulong sa pagpapaunlad ng kaalaman at imahinasyon
sa nga pag-aaral ngunit kung hindi pati narin sa pangkapaligiran.

Ayon kay Michael Poa, ang DepEd spokesperson – direktibang ipinahayag ng


kalihim ng edukasyon at bise presidente Sara Duterte-Carpio na tanggalin na ang mga
dekorasyon sa pasilidad ng paaralan at anumang palamuti sa dingding ng silid- aralan. Ito
ay matapos himukin ng isang grupo ng guro ang DepEd na linawin kung anong mga
dekorasyon sa silid-aralan ang hindi kailangan pagkatapos ng no-decor policy nito.
Pagdagdag pa niya ay ang mga poster na mga ito ay nagsisilbi lamang na animong
distraction sa mga mag- aaral, na imbes na matuto ay lalo lamang nitong hindi
mauunawaan ang naturang klase. Kaugnay nito ay opisyal ng inilunsad ng DepEd ang
revised Kindergarten to Grade- 10 (K-10) curriculum sa basic education.

Ang DepEd Order No. 21 ay naglalayon na mapabuti ang sistema ng edukasyon


sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay-prayoridad sa edukasyong nakasentro sa mag-
aaral, propesyonal na pag-unlad, pagsasama-sama ng teknolohiya at pakikipagtulungan.
Nilalayon nitong lumikha ng pinagsama-sama at unibersal na pananaw sa edukasyon, na
nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na Pilipino na nagtagumpay at naitayo ang kanilang
bansa. Hinihikayat nito ang indibidwal na pagtuturo, iba't ibang mga diskarte sa
pagtuturo, at pagsasama-sama ng teknolohiya upang lumikha ng isang inklusibong
kapaligiran para sa lahat ng mga mag-aaral.

Hindi ba’t mas maisasakatuparan ang epektibong edukasyon kung panatilihin ang
mga tradisyunal na dekorasyong biswal at makulay na dingding ng silid aralan tungo sa
pagkatuto ng mga mag-aaral? Sapagkat hindi maitatanggi na ang isa sa pinaka mabisang
sangkap sa pagtuturo ay ang paggamit ng Iba’t ibang dekorasyong biswal at lubos na mas
nauunawaan ng mga mag aaral. Ang paglalagay ng mga dekorasyong biswal sa dingding
ay mas nakasanayang gawin ng mga guro. Ang tradisyunal na dekorasyon biswal at
makulay na dingding ng silid aralan ay hindi lamang patungkol sa mga disenyo ng isang
paaralan bagkus tulay rin ito upang mas maintindihan ng mga bata ang nais sabihin ng
isang guro. Kung kaya naman, ang pagtatanggal ng mga dekorasyong biswal sa dingding
ay maaaring humadlang sa ilang mga mag aaral na may kahusayan sa paggamit nito na
mas maintindihan ang mga pinapahiwatig nito. Ipinaliwanag rin ni Basas na mayroong
pag-aaral na nagpapakita na mas mabilis na matuto ang mga bata sa tulong ng mga
visually stimulating learning materials, gaya ng posters at mga charts, na dapat aniyang
maging sapat na basehan sa mga school heads at mga guro upang hindi gawing literal ang
kautusan ng bise presidente.
Sa kabila ng dumaraming hamon na kinakaharap ng mga pampublikong
paaralan, mas nakatuon ang DepEd sa mga dekorasyong inihanda at binayaran ng mga
guro. Ang kakulangan ng mga silid-aralan, palikuran, at iba pang pasilidad ay naging
problema taun-taon. Kasama sa iba pang problema ang mga sira-sirang upuan, hindi sapat
na bentilasyon, hindi sapat na mga libro, at mga silid-aralan na bumabaha tuwing
umuulan. Kung ganito ang kalagayan ng daan-daang libong estudyante sa maraming
pampublikong paaralan na may mas malaking epekto sa kakayahan ng mga mag-aaral na
mag-concentrate: mga dekorasyon sa dingding o kakulangan ng tamang kagamitan at
serbisyong pang-edukasyon?

Sa datos ng DepEd, umabot sa 18.8 milyon ang kabuuang enrollment para sa


bagong academic year na nagsimula ngayong araw. At may kakulangan ng 159,000
silid-aralan para sa mga mag-aaral na pumapasok sa mga pampublikong paaralan. Laging
nangangako ang ating gobyerno na lulutasin ang kakulangan sa silid-aralan, ngunit hindi
natin kayang itayo ang lahat ng mga paaralan at silid-aralan na kailangan natin dahil hindi
sapat ang badyet para sa pagpapatayo ng mga silid-aralan na kailangan natin. Taun-taon,
nahihirapan ang mga guro at estudyante sa mga kakulangan sa silid-aralan. Sa
kasamaang palad, nagpapatuloy ang problemang ito kahit na tumataas ang budget ng
DepEd bawat taon.

Pahayag naman ng ilang magulang sa Dagupan City, “Mas maganda pa rin


kung ang mga silid-aralan ay may mga makukulay ngunit educational na mga larawan
at mga dekorasyon, dahil ito raw ay nakakabawas sa stress ng mga bata.” Mabuti rin
aniya na makulay pa rin ang loob ng silid-aralan. Ito ay idinisenyo upang mapanatili ang
isang kapaligirang pang-bata. Sa kabila ng inilabas na memo ng DEPED, dapat walang
laman at bukas ang mga silid-aralan upang mas makapag-concentrate ang mga bata at
magkaroon ng mas maraming espasyong magagamit. Ayon sa kinatawan ng Alliance of
Concern Teachers (ACT) na si France Castro, sa halip na tanggalin ang mga dekorasyon
at karatula, dapat ay binigyang pansin ang paggalang sa laki ng klase at bentilasyon sa
mga silid-aralan. Samantala, sinimulan na ng mga guro ang pagtanggal ng mga
dekorasyon sa mga pampublikong paaralan at pagtiyak sa pagsunod sa mga abiso na
inilabas ng DEPED.
Mga Sanggunian:

Aguillon, E. (2020, April 1). Effects of using dry leaves in creating classroom Decoration as

Anti-Stress activity of Grade 12 ABM strand students at Bestlink College of the

Philippines. https://www.ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/

2576

Olay, J. (2023, August 26). Baklas backlash. Philstar.com.

https://www.philstar.com/opinion/2023/08/27/2291629/baklas-backlash

Bautista, J. (2023, August 21). ACT to DepEd: Remove extra tasks instead of visual aids |

Inquirer News. INQUIRER.net. https://newsinfo.inquirer.net/1819325/act-to-deped-

remove-extra-tasks-instead-of-visual-aids

Besa, D. P. O. S. a. D. a. S. (2017). ESTILO SA PAGKATUTO: AKADEMIKONG

PAGGANAP NG MGA MAG- AARAL SA SENIOR HIGH SCHOOL.

www.academia.edu.

https://www.academia.edu/34923175/ESTILO_SA_PAGKATUTO_AKADEMIKONG_

PAGGANAP_NG_MGA_MAG_AARAL_SA_SENIOR_HIGH_SCHOOL?

fbclid=IwAR3fVhw9Q7YkIUAoZWvkfCUliLCOnS5SawQc67nrh1XLQ1LU569leRLbs

G8

Biswal na kagamitan. (n.d.). Scribd. https://www.scribd.com/document/360844768/Biswal-Na-

Kagamitan?

fbclid=IwAR2nQVWUFrU9Ub0grFBGqSv73phGD9sz49RLPpqBYsRsXDR8Z4HVQof

uczE
Chi, C. (2023, August 22). It’s final: DepEd requires schools to remove everything on classroom

walls. Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2023/08/21/2290296/its-final-

deped-requires-schools-remo%20e-everything-classroom-walls

EDITORYAL — Nahubaran ang mga silid-aralan. (2023, August 22). Philstar.com.

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2023/08/23/2290611/editoryal-

nahubaran-ang-mga-silid-aralan

Layson, M. (2023, August 20). Classroom decors dapat tukuyin ng DepEd. Philstar.com.

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2023/08/21/2290219/classroom-

decors-dapat-tukuyin-ng-deped

Team, I. D. (2023b, August 21). ILANG MGA MAGULANG SA DAGUPAN CITY, HINDI SANG

AYON SA PAGPAPATANGGAL NG MGA DEKORASYON SA LOOB NG PUBLIC

SCHOOLS. RMN Networks. https://rmn.ph/ilang-mga-magulang-sa-dagupan-city-hindi-

sang-ayon-sa-pagpapatanggal-ng-mga-dekorasyon-sa-loob-ng-public-schools/?

fbclid=IwAR122zHGvVk_biXKEP83FVKpqoH94idQG-kVFgnE-

Q6dFqlQ7zvdmpBL8V0#google_vignette

You might also like