Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Learner’s Activity Sheet

Assessment Checklist

EDUKASYONG PANTAHANAN
AT PANGKABUHAYAN (EPP)

Unang Markahan – Ika- 9 Linggo

Ang Drawing Tool


at ang Basic Photo Editing Tool
________________________________________________
Mag-aaral

________________________________________________
Pangkat

________________________________________________
Guro

________________________________________________
Magulang o Tagapangalaga

________________________________________________
Paaralan

________________________
Petsa ng Pagpasa
4
TEACHER'S REFERENCE GUIDE (TRG)
Paaralan: Baitang: 4
Guro: Asignatura: EPP
Petsa ng pagtuturo: Markahan: Unang Markahan (Linggo 9)

LAYUNIN:

1. Natutukoy ang mga command buttons sa drawing tools o graphic


software
2. Nakakaguhit gamit ang drawing tool o graphics software
3. Natutukoy ang gamit ng iba’t ibang command editing tool
4. Nakapag-e-edit ng larawan gamit ang basic photo-editing tool
A. Batayang Pangnilalaman:
Naipakikita ang kaalaman at kakayahan sa paggamit ng
productivity tools upang lumikha ng mga knowledge product.
B. Pamantayan sa Pagganap:
Nakagagamit ng productivity tools sa paggawa ng mga knowledge
products .
C. Pinakamahalagang kasanayan sa Pagkatuto (MELC):
1. Nakaguguhit gamit ang drawing tool o graphics software
2. Nakakapag-edit ng photo gamit ang basic photo editing tool
II. PAKSANG ARALIN: ANG DRAWING TOOL AT ANG BASIC PHOTO
EDITING TOOL
a. Sanggunian:
Learning modules in EPP 4,
https://youtu.be/0hyvr93rPxk
https://youtu.be/1y_RqEY-GqU,
b. Kagamitan
Kompyuter, Learners Activity Sheet (LAS), Assessment Checklist
(AC), Study Guides, lapis at krayola.
c. Integrasyon: Arts

III. PAMAMARAAN: Ipagawa sa mag-aaral ang sumusunod na mga


gawain
GAWAIN
Tukuyin ang mga command buttons sa drawing tools o
graphic software.
PAGSUSURI
Patnubay na tanong para sa Gawain 1:
1. Ano ang drawing tools o graphic software?
2. Ano ang mga command buttons na mayroon ang drawing tools?
3. Paano gumuhit ng larawan gamit drawing tools o graphic
software?
PAGHAHALAW
Paglalahad at pagtatalakay ng kaisipan.
PAGLALAPAT
Tukuyin ang gamit ng iba’t ibang command editing tool.

PAGTATASA
Suriin at lutasin ang mga sumusunod na suliranin gamit ang
tamang paraan.
PAGNINILAY SA SARILI
Mga gabay na tanong sa pagninilay.
1. Alin sa mga gawain ang nakapukaw ng iyong interes?
2. Anong pinakamahalagang aralin ang natutunan mo sa paksang ito?
3. Gaano kahalaga na matutunan mo ang gumuhit gamit ang drawing
tool o graphics software at makapag-e-edit ng larawan gamit ang
basic photo-editing tool?
LEARNER’S ACTIVITY SHEET (LAS)

Mahal kong mag-aaral,


Magandang Araw!
Nasa ibaba ang iyong mga kasanayan para sa ikatlong lingo ng pag-aaral. Sa
lingong ito iyonmg pag-aaralan ang mga DRAWING TOOL AT ANG BASIC
PHOTO EDITING TOOL. Ang mga gawaing ito ay sadyang binuo para sa
iyo kaya’t basahin, unawain at sundin ang mga panuto sa bawat gawain.
Maaring humingi ng gabay sa sinumang makatutulong sa iyong mga gawain.
Maging malikhain sa paggawa ng mga aktibidad ngunit tiyakin ang kaligtasan
sa lahat ng oras. Masayang pag-aaral!
Nagmamahal,
Ang iyong Guro

Ang Drawing Tool at ang Basic Photo Editing Tool

Basahin at unawain ang mga sumusunod.


Ang Drawing Tools o Graphic Software

Maaari kang gumuhit ng larawan gamit ang computer sa


pamamagitan ng drawing tools o graphic software. Malilinang ang iyong
pagiging malikhain dahil nagtataglay ito ng mga tools na gaya ng ginagamit
ng mga propesyonal na pintor.

Gaya ng nakagawiang paraan ng pagguhit at pagpipinta na di


gumagamit ng computer, ang graphic software ay mayroong drawing area
na nagsisilbing canvas o papel sa isang pintor.
Sundan ang sumusunod upang masiyasat ang paggamit nito:

1. Buksan ang MS Paint. Tingnan ang interface nito.


a. Paint tool – naglalaman ng mga command tools na gagamitin sa
paggawa ng bago, pagbukas at pag-save ng file.
b. Quick access toolbar – naglalaman ng mga tool shortcuts
para sa mabilisang pag-access dito.
c. Ribbon- naglalaman ng iba’t ibang tools na maaaring gamitin sa
pagguhit, pagkulay, pag-edit ng larawan at iba pa.
d. Drawing area- canvas kung saan maaaring gumuhit o mag-
edit ng larawan
2. I-click ang pencil tool at color 1. Pumili ng kulay sa color pallete
sa pamamagitan ng pag-click nito.

3. I-click at drag ang mouse sa bahagi ng drawing canvas kung saan mo


gustong gumuhit.
4. Maari kang magset ng dalawang kulay gamit ang Color 1 at Color 2. I-
click ang Color 2 at pumili ng kulay gamit ang color palette.

I-right click at i-drag ang mouse kung nais gamitin ang Color 2.
6. Subukin mong magpalit ng brush at kulay. Mapapansin na may iba’t
ibang uri ng brush na maaaring gamitin. Ang bawat brush ay
nakagagawa ng iba’t ibang effects gaya ng mga artistic brush na gamit
ng mga pintor.
7. I-click ang eraser tool at itapat ang cursor sa drawing area na
may larawan. I-click at i-drag ang mouse sa bahaging may larawan.
Pagmasdan kung ano ang mangyayari rito.

8. Patuloy na i-explore ang graphic software.

Hali na at Sagutin Natin!

Ihanay ang mga command buttons sa Hanay B sa pangalan nito sa Hanay


A. Isulat ang letra ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

___ 1. Brush

a.

___ 2. Eraser
b.

___ 3. Quick Access toolbar

c.

___ 4. Pencil Tool

d.

___ 5. Color Palette


e.
Basahin ang mga sumusunod.
Bukod sa pagguhit ng larawan, ang isang graphic software ay
maaari ding gamitin sa pag-edit ng larawan. Maaari mong paliitin, putulin,
burahin at itago ang ilang bagay sa isang orihinal na larawan. Maaari mo
ring dagdagan ang larawan upang lalo pa itong mapaganda. Sundan ang
sumusunod na hakbang.

1. Buksan ang Paint. Kumuha ng larawan na naka-save sa picture


folder.

2. Magbukas ng bagong larawan sa pamamagitan ng pag-click sa


(Paint Button) (Open). Piliin ang gagamiting larawan
sa inyong folder.

3. May iba pang paraan upang kumuha ng larawan, maglaan ng ilang


minuto para gawin ito.

4. I-click ang eraser, pencil, at iba pang tools. Tingnan ang mangyayari
sa paggamit ng iba’t ibang tools.

5. I-click ang select at pumili sa selection shape. I-click at hilahin sa


canvas ang selection shape hanggang sa lumabas ang “broken lines.”
I-click ang gitnang bahagi na pinalilibutan ng selection shape. Igalaw
ito at tingnan ang mangyayari sa larawan.

6. Patuloy na diskubrehin ang pagbabagong maaaring gawin sa larawan


Hali na at Sagutin Natin!

Ihanay ang mga command buttons sa Hanay B sa pangalan nito sa Hanay


A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa nakalaang patlang.
Hanay A Hanay B
___ 1. Pencil Tool

a.

___ 2. Paste Button b.

___ 3. Selection Shape

c.
___ 4. Open Button

d.
___ 5. Paint Button

e.
Gamit ang lapis at mga krayola, iguhit mo ang iyong mga
mahal sa buhay o mahal sa buhay sa drawing area ng
Photo editing tool.

PANSARILING PAGSUSURI: (Self Assessment)

PANSARILING PAGSUSURI: (Self Assessment)


What I did?
Alin sa mga gawain ang nakapukaw ng iyong interes?

What I learned?
Anong pinakamahalagang aralin ang natutunan mo sa paksang ito?

What I earned?
Gaano kahalaga na matutunan mo ang gumuhit gamit ang drawing tool o
graphics software at makapag-e-edit ng larawan gamit ang basic photo-
editing tool?
______Napakahalaga
______Hindi gaanong mahalaga
______Hindi mahalaga
ASSESSMENT CHECKLIST (AC)
(Para sa Magulang o Tagapangalaga)

Ang Drawing Tool at ang Basic Photo Editing Tool

Panuto:
Lagyan ng tsek ( ) ang kolum na naaayon sa iyong obserbasyon. Kung
may mga komento o suhestiyon, mangyari lamang pong isulat sa nakalaang
puwang sa dakong kanan.

OBSERBASYON

Hindi Nagawa

Lahat Nagawa
Komento o

Bahagyang
BATAYAN NG PAGTATASA

Nagawa
Suhestiyon ng
Magulang

Gawain 1: Nabasa at naunawaan


ang drawing tool at ang basic photo
editing tool.
Gawain 2: Nabasa at naunawaan
ang tungkol sa pagguhit ng larawan
gamit ang isang graphic software.

Gawain 3: Naiguhit ng mag-aaral


ang mga mahal sa buhay gamit ang
Photo editing tool.

__________________________________________________
Pangalan ng Magulang o Tagapangalaga

You might also like