Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Subject: Filipino sa Piling Larangan

Teacher: Cristel Vine A.Clapero, LPT


Lesson No. 1

AKADEMIKONG PAGSULAT

Layunin:
 Matalakay ang batayang kaalaman sa pagsulat.
 Malaman ang kahulugan at kalikasan ng akademikong pagsulat.

Akademikong Pagsulat

 Ito ay nangangailangan ng mas mataas na antas ng kasanayan. Ito ay isang makabuluhang


pagsasalaysay na sumasailalaim sa kultura, reaksyon at opinyon base sa manunulat, gayundin
ay tinatawag din na intelektwal na pagsusulat.
 Ang akademikong pagsulat ay meron ding layunin na mailahad ng maayos ang mga sulatin at
ang tema upang maayos itong maipabataid o maiparating sa mga makakakita o makababasa.

BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT

 Kahulugan at Kalikasan

- Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o anumang kasangkapang magagamit na mapagsasalinan ng


mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng tao, o mga tao sa layuning maipahayag ang isipan.

- Ito ay kapwa pisikal at mental na activity na ginagawa para sa isang layunin.

-Ayon kina Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay isang komprehensiv na kakayahang naglalaman ng
wastong gamit, talasalitaan, pagb ubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento.

- Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang
kaligayahan ng nagsasagawa nito.

-Ito ay isang proseso ng imbensyon.

-Isang Prosesong Panlipunan na maaaring bunga ng mga sumusunod :


A. Bilang reaksyon ng isang tao sa kanyang nabasa, nara nasan o namasdan upang maipaabot ang
kanyang pa nanaw at panuntunan sa buhay;
B. Sa layuning makapagbigay lugod o kasiyahan lalo’t ito ay malikhaing sulatin na nagpapasigla ng
imahina syon at tumutugon sa damdamin.

-Isang pansariling pagtuklas.

- Isang proseso sa intelektwal “inquiry”.

- Isang paghuhunos ng damdaming bumubukal at nagpapahinog sa diwa’t kaisipan.

- Isang malikhaing gawaing binubuo sa papel.

-Pagbibigay ng sustansya sa mga bagay na para sa iba ay walang kahulugan.


- Isang pakikipag-usap sa kapwa

- Ayon kay White at Strunk ito ay matrabaho at mabagal na proseso dahil sa ugnayan at koneksyon
ng pag-iisip.

- Pagbibigay ng sustansya sa mga bagay na para sa iba ay walang kahulugan.

- Isang pakikipag-usap sa kapwa

SOSYO- KOGNITIB NA PANANAW SA PAGSULAT

Isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat. Sa pananaw na ito, ang pagsulat ay kapwa isang
mental at sosyal na aktibiti.

Mga Layunin sa Pagsulat


•Impormatib na pagsulat o expository writing- naghahangad na makapagbigay ng impormasyon
•Mapanghiyakat na pagsulat- naglalayon na makumbinsi ang mga mambabasa
•Malikhaing pagsulat- pagpapahayag ng mga kathang- isip, imahinasyon, ideya, damdamin o
kombinasyon ng mga iyo

Elemento ng Pagsulat
1. Paksa
2. Layunin
3. Pagsasawika ng Ideya
4. Mambabasa

Proseso ng Pagsulat

1. (Prewriting) Bago Sumulat


2. (Drafting) Pagsulat ng Burador
3. (Editing) Pag-eedit
4. (Revising) Pagrerebisa
5. (Final Document) Paglalathala

You might also like