Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ANG ALAMAT NG MAIS

Ni: Rojen Pearl F. Becodo BEED 3B

Sa isang nayon na malapit sa bukirin, doon may naninirahan na pamilyang Cielo. Ang mag-asawa ay
mayroong tatlong anak na sina Maria, Maris at Mario. Sa kanilang tatlo si Maris ang labis na siyang may
pinaka kaakit-akit na ganda. Siya ay may mukhang kay bilog at matang nakaka-akit sinamahan pa ng
buhok na kay kulot at kaygandang tingnan. Na siyang labis na kinainggit ng kanyang nakakatandang
kapatid na si Maria.
Sa labis na ganda ni Maris, maraming mga kalalakihan sa kanilang nayon ang labis na nahulog ang
loob sa kaniyang kagandahan at kabutihang asal. Isang araw habang siya ay naglalakad papuntang bayan,
siya ay may nakasalubong na isang matipuno at kaygandang lalaki na si Marcos. Si Marcos ay isang
masipag at mabuting binata sa kanilang nayon. Sa pagkikita at pagtagpo ng dalawa sila ay nagkatitigan at
nahulog ang loob sa unang pagkikita.
Simula noon si Marcos at Maris ay patagong nagkikita sa bayan. Sa paglipas ng mga araw at buwan
sa pagsusuyo at panliligaw ni Marcos ay sinagot na siya ng dalaga. Di kalaunan si Marcos ay ipinakilala ni
Maris sa kanyang pamilya. Doon nakita ni Maria ang kasintahan ng kapatid at nahulog ang loob dito. Sa
pagtatanong at pag-usisa ng mga magulang ni Maris kay Marcos ay kanila na itong tinanggap na maging
kasintahan ng kanilang anak na si Maris. Pero sa kabilang banda labis naman ang galit at selos ng kaniyang
ate at kanilang panganay.

Isang gabe ng dumalo ang magkapatid na si Maria at Maris sa isang kaarawan, ay sinamantala na ni Maria
ang pagkakataon na ipalayo at patayin si Maris. Sa isang damuhan doon na si Maria gumawa ng hakbang,
dahan dahan siya pumalikod kay Maris at mabilis niya itong hinagkan ng sobrang higpit sa leeg.
“Acck..ackkk.. ate

a…nnoo. bah in..di ako makahinga bi.ti..wan ma ko…” saad ni Maris na nagpupumilit na makawala.
“ Hindi papatayin kita Maris, lahat lahat nalang nasa iyo na, pano ako ha, hindi nako gusto ng inay at itay
pati din si Marcos hindi ako gusto. Bakit ikaw nalang lagi? Ha! Bakit ikaw!” pasigaw at galit na galit na
saad ni Maria. “ Hin..dii ko a..alam ang sinasabiii mo ate”. “Hindi? ,anong hindi ikaw ang umagaw ng
lahat lahat sa akin kaya papatayin kita” sa sobrang galit ni Maria, hindi niya namalayan ay napasobrang
higpit ang pag kahagkan nito sa kapatid na siya binawian ng buhay. Sa sobrang takot at kaba ni Maria
kaniyang ibinaon ang labi ng kapatid sa damuhan at pumunta sa kaarawan na dadaluhan na parang walang
nangyari.
Sa paglipas ng mga araw labis ang pagtataka ng kanilang mga magulang at kasintahan nitong si
Marcos sila ay naghanap at naghanap sa kanilang bayan. Pero wala silang makita ni maski anino ni Maris.
Dumaan ang mga buwang habang ang inang Cielo ay naglalakad sa may damuhan siya ay may nakitang
isang halaman na siyang bago sa kaniyang paningin at ang buhok nito ay kasing-tulad ng buhok ng
kanilang nawawalang anak na si Maris. Sa ala-ala ng kanilang pumanaw na anak kanila nalang itong
inalaagan, binibisitahan araw-araw at dinidiligan ito para maging malusog at maganda. Sa pag-aalaga sila
ay nag-isip ng maaaring ipangalan sa halamang iyon pero kalaunan tinawag na lamang nil ana MAIS
hango sa pangalan ng kanilang nawawalang anak na si Maris na kung saan ito ay may kasing-tulad ng
kaniyang buhok. At doon na nagsimula ang prutas at halamang mais.

You might also like