Professional Documents
Culture Documents
RPC Book 1 Filipino
RPC Book 1 Filipino
BINAGONG
KODIGO PENAL
NG
PILIPINAS
PANIMULANG TITULO
ARTIKULO 1. Kung kalian magkakabisa ang batas- ang kodigong ito ay magkakabisa sa unang
araw ng Enero, sa taong isanglibo siyam na raan tatlumpu’t dalawa.
Art. 2. Ang paglalappat ng mga tadhana nito- Matangi kung hindi maillapat ang mga tadhana
ng kodigong ito dahil sa mga natatadhana sa mga kasunduan ng mga bansa at mga batas na nararapat
na siyang unang dapat ipatupad, ang mga tadhana ng kodigong ito ay ipasusunod hindi lamang sa loob
ng Arkepelago ng Pilipinas, kasama na ang atmospera, mga panloobna tubig at nasasakupag sonang
pangkaragatan, kundi gayon din sa labas ng kanyang hurisdiksyon laban doon sa mga:
1. Gagawa ng paglabag samantalang nakasakay sa barko o eroplanong ari ng Pilipinas;
2. Huhuwad o papalsipika ng alin mang uri ng salapi o papel de bangko ng Pilipinas o mga
obligasyon o panagot na pinalabas ng pamahalaan ng Pilipinas;
3. Dapat managot sa mga kagagawang nakakaugnay sa pagdadala at pagpapairial sa mga
Kapuluaang ito ng mga obligasyon at panagot na binabanggit sa sinusundang bilang;
4. Gagawa ng paglabag sa pagtupad ng kanilang tungkulin bilang mga pinuno o kawani ng
bayan; o
5. Gagawa ng ano mang krimen laban sa katiwasayan ng Bansa at sa mga batas ng mga
bansa, na ipinaliliwanag sa Unang Pamagat ng Ikalawang Aklat ng Kodigong ito.
UNANG KABANATA
MGA DELITO
Art. 3. Kahulugan- Ang mga gawa at mga pagkukulang na pinarurusahan ng batas ay tinatawag na
krimen.
Ang mga krimen1 ay nagaganap hindi lamang sa pamamagitan ng panlilinlang2 kundi sa
pamamagitan din ng pagkakamali.3
Nagkaroon ng panlilinlang kung ang kagagawan ay ginanap na may pananadya4 at nagkakaroon ng
pagkakamali kung ang malinng kagagawan ay bunga ng kawalang-ingat,5 kapabayaan,6 walang panginginita,7 o
kawalang-kasanayan.8
IKALAWANG KABANATA
Art. 11. Mga pangyayaring makatarungan- Ang mga sumusunod ay hindi nakakaron ng
saguting criminal:
1. Sinumang taong nagtatanggol ng sarili o sa kanyang mga karapatan, sa pasubaling ang
mga sumusunod na pangyayari ay naroroon:
Una: Labag sa batas na pagsalakay;
Ikalawa: Makatuwirang pangagailngan sa paglalapat ng mga pamamaraan upang
pigilin at hadlangan ito;
Ikatlo: Kakulangan sa sapat na paninikis22 sa panig ng taong natatanggol sa sarili.
2. Sino mang kumilos upang ipagtanggolang pagkatao o mga karapatan ng kanyang asawa,
mga ninuno, mga inapo, o ng kanyang kamag-anakan sa kasamyento23 na nasa katulad na antas, at ng
mga kamag-anak sa dugo24 sa loob ng ikaapat na antas ng pagkakamag-anakan na itinakda sa
sinusundang pangyayari ay naroroon, at ang karagdagang kailangan, sakaling ang paninikis ay ginawa
ng taong sinalakay, ang taong nagtatanggol ay walang anumang partisipasyon doon.
3. Sino mang kumilos upang ipagtanggol ang pagkatao o mga karapatan ng ibang tao sa
pasubaling ang una at pangalawang hinihinging kailangan na binabanggit sa unang pangyayari ng
artikulong ito ay naroroon at ang taong nagtatanggol ay hindi mahikayat sa paghihiganti, kasuklaman,
o ibang masamang layon.
4. Sino mang tao, na upang iwasan ang isang sakuna o kapinsalaan ay nakagawa ng isang
kagagawang nakapagdulot ng pinsala sa ibang tao sa pasubaling ang mga kasunod na hinihingin
kailangan ay naroroon.
ART. 12
Una: Ang sakunang iniiwasan ay umiiral
Ikalawa: ang kapinsalaang kinatakutan ay higit na Malaki kaysa pinsalang naganap upang
iwasan ito;
Ikatlo: Walang ibang praktikal at di gaanong makaakit na paraan upang iwasan ito.
1. Ang isang kulang-kulang o isang baliw, maliban kung nang kumilos ang huli ay nasa
panahong malinaw ang isipan.
Kung ang kulang-kulang o isang baliw ay nakaganap ng isang kagagawang inilarawan ng atas
na isang krimen, ipag-uutos ng hukuman na siya ay malgay sa isa sa mga pagamutan o asilo na itinatag
para sa mga taong may gayong karamdaman, at hindi siya papayagang lumabas doon ng walang
pahintulot sa hukuman ding iyon.
2. sino mang kulang sa siyam na taong gulang.
3. sino mang mahigit sa siyam na taong gulang nguni’t kulang sa labinlimang taon, maliban
kung may katalinuhan s apagkilos, na sa ganitong pangyayari, ang menor na ito ay ipagsasakdal
alinsunod sa mga tadhana ng artikulo 80 ng Kodigong ito.
Kung ang nasabing menor ay napasiyahang hindi mapananagot na kriminal, alinsunod sa
mga tadhana ng talataang ito at ng sinusundang talataaan, ihahabilin siya ng hukuman sa pagaaruga at
pagsubaybay ng kanyang pamilya na siyang tutulong sa pagsubaybay at pagpapaaral sakanya; kung di
gayon, ilalagay siya sa pagaaruga ng institusyon o taong binanggi s anasabing artikulo 80.
4. Sino mang tao, samantalang nagsasagawa ng legal na kilos na may pag-iingat na upang
makaiwas sa masama o pananakit, ay kumikilos na nakapinsala sa iba, sa pasubaling ang sumusunod na
pangangailangan ay naroroon:
Una: Na ang hinahanap na masam upang iwasan ay tunay na umiiral;
Ikalawa: Na ang pinanganagmbahang pinsala ay mas Malaki kaysa roon sa naganap upang
iwasan ito;
IKatlo: Na walang ibang paraang praktikal at di-gaanong mapaminsalang paraan upang
ito’y maiwasan.
IKATLONG KABANATA
IKAAPAT NA KABANATA
Art. 14. Mga ligid-pangyayaring nagpapabigat- Ang mga sumusunod ay mga ligid-
pangyayaring nagpapabigat:
1. Na sinamantala nng lumabag ang kanyang katungkulan sa bayan:
2. Na ang krimen ay ginanap bilang pag-allipusta o may paghamak sa mga
maykapangyarihan sa bayan;
3. Na ang kilos ay ginanap na may paghamak o walang pagsasaalang alang sa pitagang
nauukol sa panig ng nilabag ng dahil sa katayuan, gulang o kasarian o kaya’y ginanap ito sa tahanan ng
pinagkasalahan, kung hindi nagbigay ng ano mang ikagagalit ang huli;
4. Na ang kilos ay ginanap upang abusuhin ang pagtitiwala o isang malinaw na kaalang-
utang na loob.
5. Na ang krimen ay ginanap sa Palasyo ng Punong Tagapagpaganap, o sa kanyang harap, o
sa lugar na pinagganapan ng mga tungkulin ng mga may kapangyarihan sa bayan, o sa isang lugar na
inuukol sa pagsamba;
6. Na ang krimen ay ginanap ng gabi, o sa isang ilang na lugar na hindi tinatahanan o ng
isang pangkat, kailanman at ng gayong mga pangyayari ay maaaring makapagpadali sa pagsasagawa ng
krimen.
Kailanma’t mahigit sa tatlong sandatahang mga kriminal ang sabay-sabay na nagsikilos sa
pagsasagawa ng isang krimen, mangangahulugang ito ay ginawa ng isanng pangkat;
7. Na ang krimen ay ginawa sa panahon ng pagkasunog, pagkawasakng barko, lindol,
epidemiya o ibang kalamidad o kasawiang-palad.
8. Na ang krmen ay ginawa sa tulong ng sandatahang mga tao o ng mga taong tumitiyak o
naninigurong hindi maparurusahan.
9. Na ang nasasakdal ay isang residibista.29
Ang isang resibidista ay isang taong samantalang mililitis sa isang krimen, ay nahatulan nang
may sala sa pangwakas na pasiya sa paggawa ng ibang krimen na nasasaklawan ng isang pamagat ng
Kodigong ito.
10. Na ang lumabag ay naparusahan na noong una pa dahil sa pagkagawa ng isang krimeng
nilapatan ng batas ng kasimbigat o lalong mabigat na parusa o sa paggawa ng dalawa o higit pang
krimeng nilalapatan ng magagaang parusa.
11. Na ang krimen ay ginawa nang dahil sa isang halaga, gantimpala o pangako.
12. Na ang krimen ay ginawa sa pamamaraan ng pagpapaanod, apoy, lasaon, pagpapasabog,
pagkakabalaho sa isangbarko o sinasadyang pamiminsala ditto, padiskaril sa tren, o sa paggamit ng
anumang artipisyong sinasangkutan ng malaking pag-aksaya at paninira.
13. Na ang akta ay ginawang may kalakip na malinaw na pagkukuro-kuro. 30
14. Na ang artipisyo,31 panlilinlang, o pagbabalatkayo ay ginamit.
15. Na pinagsamantalaha ang higit na lakas, o gumamit ng kapamaraanan upang pahinain
ang pagtatanggol.
16. Na sa pagkagawa ay ginanap na may kalakip na kataksilan
Nagkakaron ng kataksilan kung ang lumabag ay gumawa ng anumang krimen laban sa tao,
na ginamitan ng mga paraan, kapamaraanan o mga anyo sa pagsasaganap ng mga ito ng tuwiran at
tanging nakapagbibigay ng tagumpay sa pagsasagawa nang walang pagtatanggol sa panig na nilabag.
17. Na ginamitan ng kaparaanan o lumikha ng mga pangyayaring nakaragdag sa kahihiyan 23
ng likas na bias ng akta.
18. Na anng krimen ay ginawa pagkatapos ng illegal na pagpasok.
Nagkakaron ng illegal na pagpasok kung ang pagpasok ay ginawa sa isang paraan na hindi
inilaan para roon.
19. Na ginmit bilang paraan sa pagsasaganap ng isang krimen ang pagsira ng isang pader,
bubungan, sahig, pinto o bintana.
20. Na kinatulong sa pagsasaganap ng krimen ang mga taong kulang sa labinlimang taong
gulang o sa pamamagitan ng sasakyang may motor, pantubig, eroplano, o ibang katulad na nga
sasakyan.
21. Na ang kamaliang ginawa sa pagganp nng krimen ay sinasadyang pinalaki sa
pamamagitan ng ibang kasalanang hindi kailangn sa pagganp nito.
IKALIMANG KABANATA*
Art. 15. Kahulugan ng mga ito- Ang mapamimiliang mga ligid pangyayari ay iyong mga dapat
isaalang alang na pampabigat o pampagaan ayon sa kalikasan at mga epekto ng krimen at iba pang
mga pasubalian kalakip nang mga ito ay maganap. Ang mga ito ay ang pagiging kamaganak, pagkalasing
at ang antas ng pinag-aralan at edukasyon ng lumabag.
Ang mapamimiliang ligid-pangyayari inggil sa pagkakamag-anakan ay isasaalang-alang kung
ang panig na nilabag ay asaw, ninuno, inapo,lehitimo, natural, o ampong kapatid, (lalaki o babae), o
kamag-anak sa asawa na nasa katulad na antas ng lumabag.
Ang pagkalasing ng lumabag ay isasaalng-alang bilang nagpapagaan ligid-pangyayari
sakanilang nakagawa ng isang krimen ang lumabag saantalang asing, kung hindi niya ito nakaugalian o
ang pagiging lasing ay ugali na o sinasadya, ito ay ipalalagay na isanng nagpapabigat na ligi-pangyayari.
IKALAWANG TITULO
Art. 16. Sinu-sino ang may saguting kriminal- Ang mg sumusunoday may saguting kriminal
sa malubhaga at di-gaanong malubhang krimen:
1. Maga pasimuno
2. mga kasabwat
3. Mga kasangkot o aksesorya
Ang mga sumusunod ay may saguting kriminal sa mga magagaang krimen:
1. Mga pasimuno
2. Mga kasabwat
Art. 17. Mga pasimuno34- Ang mga sumusunod ay itinuturing na pasimuno:
1. Iyong mga tuwirang gumanap sa pagsasagawa ng krimen;
2. iyong tuwirang namilit o humikayat sa iba upang ito ay isagawa;
3. Iyong nagsisitulong sa pagsasaganap ng isang krimen sa pagsasagawa ng ibang
kagagaawang dahil ditto angkrimen ay hindi magaganap.
Art. 18. Mga kasabwat35- Ang mga kasabwat ay iyong mga taong nakapaloob sa Artikulo 17,
na tumulong sa pagsassagawa ng krimen.
Art. 19. Mga kasangkot36- Ang mga kasangkot ay iyong mga may kaalaman sa pagsasagawa
ng isang krimen, at nang hindi nagsiganap ng papel sa pagsasagawa ng krimen, maging pasimuno o
kasabwat, ay lumahok makaraang maganap ito sa alinmang sumusunod na paraan:
1. Sa kanilang pakikinabang o pagtulong sa mga manlalabag upang pakinabangan nila ang
epekto ng krimen.
2. Sa pagsira sa katawan ng krimen, o ng mga epekto o mga kasangkapan nito, upang hindi
ito matuklasan.
3. Sa pagkalinga, pagttago, o pagtulong s pagtakas ng pasiuno ng krimen, sa pagsubaling ang
mga nasasangkot na kilos sa pagsamantala sa kanyang ktungkulan sa bayan o kailnman at ang may
kagagawan ng krimen ay nagkasala sa kataksilan sa bayan, parasidiyo, asasinato o pagtatangka sa
pagpatay sa Punong Tagapagpaganap, o kaya’y kilaa sa pagiging bantog sa paulit-ulit na pagkakasala sa
ibang krimen.
Art. 20. Mga kasangkot na hindi sa saguting kriminal- Ang mga parusang itinakda para sa
mga kasangkot ay hindi ilalapat doon sa nagging mga kadangkot kaugnay ng kanilang asawa, ninuno,
inapo, lehitimo, natural, at ampong kapatid, lalaki, o babae, o mga kamag-anak ng asawa sa loob ng
katulad na antas. (With the single exception of accessories) Kasama ang kaisa-isang eksemsiyon ng
pagkakasangkot na nagpapailalim sa mga tadhana nng unang talataan ng kagya’t na sinusundang
artikulo.
IKATLONG TITULO
MGA PARUSA
UNANG KABANATA
Art. 21. Mga parusang maaaring ilapat- Walng krimen na maaaring lapatan ng alinmang
parusang hindi itinakda ng batas bago ito Magana.
Art. 22. Saklaw-bisa37 ng mga pamarusang-batas- Ang mga pamarusang-batas ay may
saklaw-bisa hanggang nasa kapaburan ng taong nagkasala ng isang peloniya, na hindi isang kilalang
kriminal, ayon sa kahuligan ng kataagang ito binabanggit sa allituntuning 5 ng artikulo 62 ng Kodigong
ito, bagama’t nang ipalathala ang nasabing batas ang isang pangwakas na pasiya ay naigawad na at ang
maysala ay nagsisilbi na ng parusa.
Art. 23. Bisa ng pagpapatawad ng napinsalang panig- Ang pagpapatawad ng napinsalang
panig ay hndi nag-aalis ng kriminal na habla matangi sa itinadhana sa artikulo 344 ng kodigong ito;
datapwa’t ang kapanagutang sibil hinggil sa interes ng napinsalang panig ay natatapos sa pamamagitan
ng ipinahayag niyang pagtalikod.
Art. 24. Mga hakbangin sa pag-iwas o sa ikaliligtas na hindi ipinalalagay na kaparusahan. Ang
mga sumusunod ay hindi ipalalagay na parusa:
1. Ang pagdakip at pansamantalang pagpipilit sa mga naparatangang tao, gayon din ang
kanilang pagkapit dahil sa pagkabaliw o pagkukulang-kulang o sa sakit na nanngangailangan ng
pananatili sa ospital.
2. Ang pagsasailalim ng isang minor sa alinmang institusyong binabanggit sa artikulo 80
ayon sa mga layuning itinakda roon.
3. Ang suspensiyon sa empleo o sa pamamasukan ng tanggapang bayan sa panahon ng
pagllilitis o upang makapaghabla.
4. Mga multa at ibang hakbanging nagwawasto na, sa paggamit ng kanilang
pampangasiwaang kapangyarihang magparusa, ay maipapataw ng mga naksasakop sa kanilang mga
tauhan.
5. Ang pag-aalis ng mga karapatan at ang mga pagwawastong maaaring itakda ng mga batas
ng sibil sa anyo ng isang parusa.
IKALAWANG KABANATA
Art. 25. Mga parusang maaaring ipataw- Ang mga parusang maaaring ipataw alinsunod sa
Kodigong ito, at ang iba’t ibang uri ng mga ito, ay iyong napapaloob sa mga sumusunod:
Antas
MGA PRINSIPAL NA PARUSA
Parusang capital:-
Kamatayn
Mabibigat na parusa:
Reklusyon perpetwa- bilanggong pang habang-buhay
Reklusyon temporal- bilanggong pansamantala
Hambang-buhay o pansamantalang lubusang
Diskwalipikassyon
Habang-buhay o pansamantalang tanging
Diskwalipikasyon
Prisyon mayor
Mga pamarusang pangwasto:
Prisyong koreksiyonal- may-aral na pagkabilnggo
Aresto mayor- may katagalang pagkapiit
Ssuspensiyon- pagpigil
Destiyero- destiyero
Magaang parusa
Aresto menor
Pagkamuhi ng bayan
Mga parusang karaniwang kasama ng tatlong sinusundang uri:
Multa
Piyansa upang maging payapa.
IKATLONG KABANATA
Art. 27. Reklusyon perpetua o bilanggong habang-buhay- Sino mang taong nilapatan ng
alinman sa mga parusang habang-buhay ay patatawarin makaraang paglingkuran ang parusa ng
tatlumpung taon, maliban kung dahil sap ag-uugali o ibang mabigat na dahilan ay ipalalagay ng Punong
Tagapagpaganap na hindi karapatdapat patawarin.
“Reklusyon temporal” o pansamantalang pagkabilanggo- Ang pansamantalang
pagkabilanggo ay mula sa labindalawang taon at isang araw hanggang dalawampung taon.
Mahabang pagkapiit- Prisyon Mayor at pansamantalang diskualipikasyon- Ang taning na
panahon sa parusang mahabang pagkapiit (prisyon mayor) at pansamantalang diskuwalipikasyon
(temporary disqualification) ay nagsisimula sa anim na taon at isang araw hanggang labindalawang
taon, matangi kung ang parusa, na sa ganitong pangyayari ito ay tatagal din katulad ng principal na
parusa.
Prisyon koreksiyonal, suspension at ditiyero
Pagbibigay-aral sa bilanggo- pagpipigil at destiyero- Ang taning na panahon ng pagbibigay-
aral sa bilanggo (prisyong koreksiyonla) pagpipigil at destiyero ay magsisimula sa anim na buwan at
isang arw hanggang anim na taon, matangi kung inilapat ang susensyon bualang isang parusang
asesorya, na sa ganitong pangyayari tatgal ito katulad ng principal na parusa.
Aresto Mayor- ang ytaning na panahon ng parusaang aresto menor ay nagsisimula sa isang
araw hanggang tatlumpung araw.
Panagot upang maging payapa- Ang panagot upang maging payapa ay kakailanaganin upang
saklawan ang panahong itinakda ng hukuman.
Art. 28 Pagtutuos ng mga parusa- Kung ang lumabag ay nasa bilangguan, tutuusin ang
taning na panahon ng pansamantalang parusa mula sa araw nang hatol ay maging pangwakas.
Kung ang luamabag ay hindi nakabilanggo, ang parusang binubuo ng taning na panahon ng
parusa sa pag-alis ng kalayaan ay tutuusin mula sa araw nang siay ay ilagay sa kapasiiyahan ng
maykapangyarihang hudisyal upang ipatupad ang parusa. Ang itatagal ng ibang parusa ay tutuusin
lamang simula sa araw nang paglingkuran niya ang hatol o parusa.
Art. 29. Panahong itinagal sa pamigil nna pagkabilanggo ay bibigyan ng kredito sa pagtupad
ng kanilang parusa sa pamamagitan ng pagkakait ng kalayaan nang buong panahong itinagal nila sa
piitan dahil sa pagsasailalim sa pamigil na pagkabilanggo, kung ang anpipiit na bilanggo ay sumulat na
kusang-loob na sumang-ayon siya sa katulad na mga alituntuning pandisiplina na ipinataw sa mga
nahatulang bilanggo maliban sa mga sumusunod na kaso:
1. kung sila ay residibista o dati nang nahatulan nang makalaya o higit pa sa alinmang
krimen; at
2. Kung sa pagpapatawag upng ipatupad ang sentensiya, sila ay nagpabaya upang kusang-
loob na sumuko;
Kung ang nakabilanggo ay hindi sumang-ayon sa mga tuntuning pandisiplina sa ipinataw sa
mga bilanggong nahatulan, bibigyan sya ng kredito sa pagkakasilbe ng kanyang sentensiya nang apat-
na-kalima (4/5) ngang panahong siya ay sumailalim ng pamigil na pagkabilanggo.
(ayon sa pakakasusog ng S. No. 47 at H. NO. 49.)
IKAAPAT NA KABANATA
Unang seksiyon- MGA ALITUNTUNIN PARA SA PAGLALAPAT NG MGA PARUSA SA MGA TAONG
MAY SASAGUTING KRIMINAL AT PARA SA PAGBIBIGAY TANING NA PANAHON SA PARUSA.
Art. 46. Parusang ipapataw sa mga pasimuno sa pangkalahatan- Ang parusang itinakda ng
batas sa pagganap ng isang krimen ay ipapataw sa mga pasimuno sa pagganap ng gayong krimen.
Kalianman at ipinataw ng batas ang isang parusa sa isang krimeng naganap.
Art. 47. Sa anong mga usapin hindi maaring ilapat ang parusang kamatayan- Ang parusang
kamatayan ay ipapataw sa lahat ng usaping dapat patawan nito ayon sa mga umiiral na batas sa lahat
ng usaping dapat patawan nito ayon sa mga umiiral na batas, matangi sa mga sumusunod:
1. kung ang nagkasalang tao a mahigit sa pitumpung taong gulang.
2. Kung sa paghahabol o muling pagsusuri ng usapin ng kataastaasang hukuman, ang lahat ng
mga kagawad nito ay hindi magkaisa sa pagpataw ng parusang kamatayan. Upang maipataw ang
nasabing parusa o para sa pagpapatibay ng isang hatol ng mababang hukumang nagpataw ng parusang
kamatayan, itatakda ng kataastaasang hukuman ang hatol nito na lalagdaan ng lahat ng mga
mahistrado ng nasabing hukuman, maliban kung ang isa o ilang kagawad nito ay maging
diskuwalipikadong lumahok sa pagsasaalang-alang ng nasabing usapin at sa gayong pangyayari ang
buong pagkakaisang boto at lagda ng mga nalalabing mahistrado ay kakailanganin.
Art. 48. Parusa para sa mga krimeng masalimuot- Kung ang isang gawa ay binubuo ng dalawa o
ilang mga malulubha o di kalubhaang krimen, o kung ang isang krimen ay kailangan maging daan sa
pagsasaganap ng iba pang krimen, ang parusa sa pinakalalong malubhang krimen ang siyang ipapataw,
at ilalapat ito sa pinakamataas na taning. (Ayon sa pagkasusog ng Akta Blg. 4000)
Art. 49. Parusang ipapataw sa mga principal kung ang krimeng naganap ay kaiba roon sa
nilalayon- Sa mga usaping ang krimeng naganap ay kaiba roon sa nilalayong ganapin ng lumabag, ang
mga sumusunod na tuntunin ang ilalapat:
1. Kung ang parusang itinakda para sa krimeng ginanap ay mataas kaysa nilalayong ganapin ng
ipinagsakdal, ang parusang nauukol sa huli ang ilalapat sa pinakamataas na taning.
2. Kung ang parusang itinakda para sa krimeng ginanap ay mababa kaysa krimeng nailalayong
ganapin ng nasasakdal, ang parusang nauukol sa una ang ipapataw na taning.
3. Ang tuntuning itinatag sa sinundang talataan ay hindi mailalapat kapag ang aktang ginanap
ng nagkasalang tao ay isa ring pagbabalak o pagkabigo sa pagganap ng ibang krimen, kung nagtatakda
ang batas ng lalong mataas na parusa para sa alin man sa mga huling krimen na sa gayong pangyayari
ang parusang nakatadhana para sa pagkabanta o sa nabigong krimen ang siyang ipapataw sa
pinakamataas na taning.
Art. 50. Parusang ipapataw sa mga pasimuno ng krimeng nabigo- Ang parusang sumusunod sa
mababang antas kaysa itinakda ng batas para sa isang naganap na krimen ang ipapataw sa prinsipal ng
isang nabigong krimen.
Art. 51. Parusang ipapataw sa mga prinsipal ng krimeng tinangka- Ang isang parusang may
kababaan ng dalawang antas kaysa roon sa itinakda ng batas para sa isang krimeng naganap ang siyang
ipapataw sa mga prinsipal sa pagtatangkang gumanap ng isang krimen.
Art. 52. Parusang ipapataw sa mga kasabwat sa isang naganap na krimen- Ang parusang
kasunod ng babang antas parasa isang krimeng nagana pang siyang ipapataw sa mga katulong sa
pagkaganap ng isang krimen.
Art. 53. Parusang ipapataw sa mga kasangkot sa paggawa ng isang krimeng naganap- Ang
parusang mababa nang dalawang antas kaysa itinakda ng batas para sa naganap na krimen ang siyang
ipapataw sa mga kasangkot sa paggawa ng isang naganap na krimen.
Art. 54. Parusang ipapataw sa mga kasabwat sa isang krimeng nabigo-Ang parusang sumusunod
sa baba ng antas kay sa itinakda ng batas para sa krimeng nabigo ay ipapattaw sa mga kasangkot sa
paggawa ng isang krimeng nabigo.
Art. 55. Parusang ipapataw sa mga kasangkot sa krimeng nabigo-Ang parusang nang dalawang
antas kaysa itinakda ng batas para sa krimeng nabigo ay ipapataw sa mga kasangkot sa paggawa ng
isang krimeng nabigo.
Art. 56. Parusang ipapataw sa mga kasangkot sa tinangkang krimen-Ang parusang sumusunod
sa baba kaysa itinakda ng batas para sa tinangkang isagawa ang krimen ay ipapataw sa mga kasangjit sa
tinangkang krimen.
Art.57. Ang mga parusang ipapataw sa mga kasangkot sa isang krimen-Ang parusang mababa
nang dalawang antas kaysa parusang itinakda ng batas para sa tinangkang krimen ay ipapataw sa mga
kasangkot sa nagtangkang gawin ang krimen.
Art.58. Karagdagang parusang ipapataw sa ilang mga kasangkot-Iyong mga kasangkot na
napapaloob sa mga tadhana ng talataang 3, artikulo19 ng kodigong ito na gagawa ng pagmamalabis sas
kanilang tungkulin sa bayan ay magdurusa ng karagdagang parusang lubusang diskuwalipikasyon kung
ang prinsipal na lumabag ay magkasala sa isang malubhang krimen, at ng lubusang pansamantalang
diskuwalipikasyon kung siya ay mahatulang nagkasalang gumawa ng isang di kalubhaang krimen.
Art.59. Parusang ipapataw sakaling mabigo ang pagsasagawa ng krimen dahil sa ang ginamit na
pamamaraan o ang mga adhikain ay imposible-kung isang tao na nagnanais magsagawa ng isang
krimen ay nagawa ang lahat ng mga aktang kailangan upang ito ay maganap datapwa’t ang krimen ay
hindi natupad ng dahil sa pangyayaring ang aktang nilalayon sa kalikasan nito ay imposibleng maganap
o sapagkat ang mga pamamarang ginamit ng nasabing tao ay sadyang kapos upang matupad ang
inaasahan niyang bunga, ang hukuman, na nagsasaalang-alang ng panganib sa lipunan at ang antas ng
pagiging kriminal ng lumabag ay magpapataw sa kanya ang parusang aresto mayor o multa mula sa
200 hanggang 500 piso.
Art.60. Eksepsiyon sa mga tuntuning itinatag mula sa mga Art. 50 hanggang 57- Ang lahat ng
mga tadhanang napapaloob mula sa artikulo 50 hanggang 57 ng kodigong ito ay hindi mailalapat sa
mga usaping ang batas ay hayagang nag tatakda ng parusa para sa krimeng nabigo o tinangkang
isagawa, o kaya ay ipapataw sa mga kasabwat o mga nasangkot.
Art.61. Mga tuntunin sa pag-aantas-antas ng parusa-Sa layuning malagyan ng pag-aantas-antas
ang mga parusa, na ayon sa mga tadhana mula sa artikulo 50 hanggang 57 ng kodigong ito ay ipapataw
sa mga taong nagkasala biling prinsipal ng alinman sa mga nabigo o tinangkang isagawang krimen, o
bilang kasabwat o kasangkot, ang mga sumusunonod na tuntunin ang tutuparin:
1. Kung ang parusang nakatakda para sa isang krimen ay iisa at hindi maaring hatiin, ang
parusang sumusunod nah aba ng antas ay iyong kagya’t na sumusunod sa di-mahahating parusa ayon
sa kaukulang pag-aantas-antas na itinakda sa artikulo 71 ng kodigong ito.
2. Kung ang parusang itinakda para sa krimen ay binubuo ng dalawang hindi mahahating
parursa, o ng isa o higit pang nahahating mga parusa na ipapataw sa kabuuang saklaw ng mga ito ang
parusang sumusunod na baba ng antas ay iyong kagya’t na sumusunod sa gaan ng parusang itinakda sa
kinauukulang pagkakaantas-antas na panukatan.
3. Kung ang parusang itinakda para sa krimen ay bbinubuo ng isa o dalawang di-mahahating
mga parusa at ang pinakamataas na taning ng isa pang nahahating parusa, ang parusang sumusunod sa
baba ng antas ay bubuuin ng panggitna at pinaka mababang taning na panahon ng nararapat na
mahahatng parusa at ng pinaka mataas na taning ng kagya’t na kasunod sa nasabing pag-aantas-antas
sa panukatan.38
4. Kung ang parusang itinakda para sa krimen ay nabubuo ng ilang taning na panahon, na
nauukol sa ibatibang nahahating parusa, ang parusang kasunod na may kababaan ang antas ay
bubuuin ng taning na panahong kagya’t na sumusunod sas pinaka mababang itinakda at ng dalawang
parusang kagya’t na kasunod, na kukunin sa parusang kagya’t na sumusunod na binanggit sa itaas na
kauukulang pag-aantas-antas na panukatan.
5. Kung itinakda ng batas ang parusa para sa isang krimen sa ibang kaanyuan tanging-tadhana
sa apat na sinusundang mga tuntunin, ang hukuman, sa pamamagitan ng pagtutulad-tulad ay
magpapataw ng nauukol na mga parusa sa mga nagkasala sa mga nag kasala bilang prinsipal sas
nabigong krimen o ng isang pagtatangka sa pagganap nito, at gayon din sass mga kasaabwat at mga
kasangkot*
* (Ayon sa pagkakasusog ng batas ng Komonweakth blg 217, Seksiyon 1, pinagtibay
Nobyembre 24, 1936)
Seksyon 2-MGA TUNTUNIN PARA S PAGLALAPAT NG MGA PARUSA HINGGIL SAS MGA
PANGYAYARING NAGPAPAGAAN O NAGPAPABIGAT SA PAGKAKASALA AT PANAGKAUGALIANG
PAGLABAG
IKALIMANG KABANATA
Art. 78. Kailan at paano ipapatupad ang parusa – Walang parusang maipatutupad matangi sa
bisa ng isang pasiyang pang-wakas.
Ang isang parusa ay hindi ipatutupad sa ano mang anyong kakaiba sa itinakda ng batas, ni sa
ano mang ibang mga pangyayari o mga insidenteng naiiba sa hayagang ipinahihintulot doon.
Bilang karagdagan sa mga itinatadhana ng batas, ang tanging mga tuntuning itinatakda sa
pamamahala ng mga institusyong pagdurusahan ng mga parusa ang masusunod hinggil sa uri ng
gawaing ipagagawa, ang oras ng pagganap, at iba pang mga insidenteng kaugnay nito, ang pag-
uugnayan ng mga bilangggo sa isa’t isa at sa kanilang karaniwang pagkain.
Ang mga tuntunin ay magtatadhana para sa paghihiwalay ng mga babae at lalaki sa iba’t ibang
mga institusyon, o kahit man lamang sa iba’t ibang kagawaran at gayon din sa pagwawasto at
pagpapabuti sa mga bilanggo.
Art. 79. Suspensiyon sa mga pagpapatupad atpagsasagawa ng parusa nang dahil sa pagiging
baliw- Kung ang isang bilanggo ay magiging baliw o isang kulang-kulang makaraang maigawad ang
pangwakas na pasiya, ipatitigil ang pagpapatupad ng pasiya hinggil lamang sa parusang personal, na
susundin sa kinauukulang pangyayari ang ga tadhana sa pangawang talataan ng unang bilang ng
artikilo 12.
Kung sa ano mang oras ay manunumbalik ang bilanggo sa malinaw na isipan, ipatutupad sa
kanya ang parusa, maliban kung ang parusa ay makalipas na ayon sa mga tashana ng kodigong ito.
Ang kaukulang mga tadhana ng seksiyong ito ay alalapat din kapag ang pagkabaliw o
pagkakulang-kulang ay nangyari samantalang tinutupad ng bilanggo ang kanyang parusa.
Art. 80. Suspensiyonsa pagpatupad ng pasiya sa mga menor na nagkasala- Kailanman at ang
isang menor, maging baba o lalaki, ay kulang sa labing-anim na taong gulang nang siya ay paratangang
nakagawa ng isang mabigat o mabigat-bigat na pagkakasala, ang hukuman pagkatapos dinngin ang
ebidensiya sa nararapat na paglilitis, sa halip na igawad ang pasiya ay ipatitigil ang karagdagang
paglilitis at ipagkakatiwala ang nasabing menor sap ag-iingat o pag-aaruga ng mga ulila, walang
tahanan,may kapansanan at mapagkasalang mga bata, o sa pag-aandukha o pag-iingat ng sinumang
may pananagutang tao saanmang lugar na sasailalim ng pagdalaw at superbisyon ng director ng
kagalingang pangmadla o ng kanyang mga kinatawan, kung mayroon, odili kaya ay ng superintendente
ng paaralana bayan o nang kanyang mga kinatawan na sasailalim sa mga pasubaling itinatakda sa ibaba
nito hanggang ang nasabing menor ay dumating sa wastong gulang o kulang nang kaunti sa gayong
gulang na inaakalang sapat ng hukuman. (Ayon sa pagkakasusog ng Batas ng Republika Blg.47.)
Ang hukuman, sa pagpapasiya sa nasabing menor, gaya ng itinatakda sa iataas ay
magsasaalang-alang sa relihiyon ng gayong menor, ang kanyang mga magulang o ng pinakamalapit na
kamag-anak, upang iwasan ang paglalagay ng nasabing menor sa isang institusyong wala sa
kapangyarihan at superbisyon ng sekta, ng pangrelihiyon o denominasyong kanyang kinaaaniban.
Ang Direktor ng Kagalingang Pangmadla o ng kanyang binibigyang-kapangyarihang mga
kinatawan o katulong, ang superintandente ng mga paaralang-bayan, ay maghaharap sa hukuman sa
bawat apat na buwan o sa kasindalas na hinihingi ng mga tanging panyayari, ng isang nakasulat na ulat
hinggil sa mabuti o masamang-asal ng nasabing menor at ang pag-unlad na nagawa niya sa talino at
moralidad.
Ang suspensiyon sa paglilitis laban sa isang menor ay maaaring pahabain o paikliin ng hukuman
ayon sa rekomendasyon ng direktor ng kagaligan pangmadla o ng mga kinatawan binigyan niya ng
kapangyarihan o ng tagapamanihala ng mga paaralang-bayan o ng mga kinatawan niya ayon sa kung
ang inasal ng nasabing menor ay nagging mabuti o hindi at kung siya ay sumunod o hindi sa mga
kapasubaliang ipinataw sa kanya. Datapwat ang mga itinatadhana sa mga napapaloob dito
Kung ang pag-aanduka at pag-aaruga sa menor ay ipinagkatiwala sa alinman sa mga
institusyong binanggit sa unang talataan ng artikulong ito, na may pagsang-ayon ng direktor ng
kagalingang pangmadla at sumailalim sa gayong mga kapasubaliang maaaring ipataw ng opisyal na ito
nang ayon sa batas, ang gayong menor ay maaring pahintulutang manatili sa ibang lugar sa ilalim ng
pag-aaruga ng isang taong mapagkakatiwalaan.
Kung ang menor ay nag-asal nang nararapat at siya ay nakasunod sa mga kapasubaliang
ipinataw sa panahon ng kanyang pagkakabilanggo, alinsunod sa itininadhana ng artikulong ito, ibabalik
siya sa hukuman upang ipag-utos nito ang tuluyang pagpapalaya sakanya.
Kung sakali’t hindi nagpakita mabuting asal ang menor o tumupad sa mga tuntunin
pinagbilihan o sa mga kondisyong ipapataw sa kanya nang siya ay ipagkatiwala sap ag-iinngat ng isang
taong may pananagutan o kung sakal g matuklasang siya’y hindi na mapabubuti ang kanyang
pamamahagi go sa gayong institusyon ay hindi na marapat, ibabalk siya sa hukuman upang ito ay
manggawad ng hatol na nababagay sa krimen na kanyang ginawa.
Ang mga gastos sa pagmamantine ng isang delingkwenteng nakulongg sa insitusyong
pinagbilhan sa kanya, ay babalikatin sa kabuuan so bahagi ng kannyang mga magulang o mga kamag-
anak o noonf mga taong maaaring magtataguyod sa kanya, kung maaari nilang magawa ito, sa
mabuting pagpapasiya ng hukuman:
Sa pasubali: Na kung ang kanyang mga magulang o mga kamag-anak o iyong mga taong
magtataguyod sa kanya ay hindi naaatasang magbayad sa gayong gastos o natuklasang maralita at
hindi makakabayad ng isang-katlong bahagi ng nasabig mga gastos; ang lalawigang sumakop sa
munisipyo ay magbabayad ng isang-katlong bahagi; at ang nalalabi pang isang-katlo ay babalikatin ng
Pamahalaang Pambansa: Sa pasubali, gayon pa man Na kainlanma’t patibayin ng kalihim ng Pananalapi
na ang isang munisipyo ay walang kakayahangng mag bayad ng bahagi nito sa gastos na binabanggit sa
itaas, ang gayong bahagi na hindi mabayaran ng gayong munisipyo ay babayaran ng Pamahalaang
Pambansa. Ang mga lungsod na may karta ay magbabayad ng dalawang –katlo ng nasabing gastos; at
kung sakaling hindi makabayad ang lungsod na may karta, ang nakalaang pondo ng rentas internas
pagkakautang ayon sa seksyon 588 ng Kodigo Admenistratibo. (Ayon sa pagkakasugsog ng Batas
Komonwelt Blg. 99)
Art. 81. Kung kailangan at kung paano maipatutupad ang parusang kamatayan- Ang parusang
kamatayan ay ipapatupad nang may preperensya kaysa iba at bubuuin ng paglalagay ng tao sa hatol na
kamatayan sa pamamagitan ng pagbitay sa silya elektrika. Ang parusang kamatayan ay ipapatupad sa
kapangyarihan ng Patnugot ng Bilangguan na magsisikap pagaanin hanggang maaari ang mga
pagdurusa ng taong sumasailalim ng hatol samantalang kinukuryente at gayon din sa mga panahon ng
paglilitis bago Ipaganap ang parusa.
Kung ninanais ng taong nahatulan, maaari siyang patulugin sa pamamagitan ng gamot sa
samantalang kinukuryente
Art. 82. Pagbibigay alam at pagpapatupad sa pasiya at tulong sa salarin- Itatakda ng
hukuman ang isang araw na may pasok upang ipatupad ang hatol nguni’t hindi ang oras nito; at ang
nasabing araw, at ang pagtupad ay hindi isasagawa hanggang hindi nakalilipas ang walong oras na
sumusunod sa pagkakapagbigay-ala nguni’t bago lumubog ang araw. Sa pagitan ng pagkakapagbigay-
alam at pagbitay, ang nagkasala, hanggang maaari ay bibigyan ng tulong na kanyang hihilingin upang
makapiling niya sa mga huling sandali ang pari o ministro ng relihiyong kanyang kinaaaniban at upang
sumangguni siya sa kanyang mga manananggol, gayon din naman upang gumawa ng isang huling
habilin at makausap ang mga miyembro ng kanyang pamilya o mga taong namamahala sa
pagpapalakad ng kanyang negosyo, ng pangangasiwa sa kanyang mga ari-arian, o ang pag-aaruga ng
kanyang mga inapo.
Art. 83. Suspensiyon sa pagpapatupad ng parusang kamatayan- Ang parusang kamatayan ay
hindi ipapataw sa isang babae sa loob ng tatlong taong sumusunod pagkatapos ng petsa ng pagkahatol
sa kanya o samantalang siya ay nagdadalang-tao, ni sa isang taong mahigit pitumpung taong gulang. Sa
huling pangyayari, ang parusang pangkamatayan ay pabababain sa reklusyon perpetwa na may kalakip
na mga karagdagang parus na itinatadhana sa artikulo 40.
Art. 84. Lugar na pagbibitayan at mga taong maaaring sumaksi roon- Ang pagbitay ay
isasagawa sa loob ng bilangguan ng bilibid sa isang lugar na hindi nakikita ng madla at masasaksihan
lamang ng mga paring tumutulong sa maysala at ng kanyang manananggol, at ng kanyang mga kamag-
anak, na hindi hihigit sa anim, kung kanyang hinihiling, ng manggagamot at mga kinakailangang tauhan
ng establisimyentong parusahan at mga taong binigyan ng pahintulot ng patnugot ng mga bilangguan.
Art. 85. Mga tadhana hinggil sa bangkay ng taong binitay at ang paglilibing nito- Maliban kung
may hatol ang kanyang pamilya, ang bangkay ng maysalang tao, pagkatapos ng legal na pagsusuri
makaraan ang pagkaganap ng parusa, ay ibibigay sa institusyong pampaaralan, o pananaliksik pang-
agham na siyang unang humihiling nito, sa layuning masuri at masiyasat sa pasubaling ang nasabing
institusyon ang siyang mamamahala sa mahusay na libing ng bangkay. Kung hindi, ang patnugot ng
mga bilangguan ang magpapalibing sa bangkay ng maysala sa gugol ng pamahalaan, na bibigyan ng
pahintulot na makaharap ang mga miyembro ng pamilyang maysala, at mga kaibigan ng huli. Ang libing
ng isang napatawan ng parusang kamatayan sa ano mang pangyayari ay hindi dapat maganap nagn
marangya.
Art. 86. Reluksyon perpetwa, reluksyon temporal, prisyon mayor, prisyon koreksiyonal at
aresto mayor- Ang mga parusang reluksyon perpetwa, reluksyon temporal, prisyon mayor at aresto
mayor, ay ipagaganap at pagsisilbihan sa mga lugar at establisimiyentong parusahang itinadhana ng
kodigong pampangasiwaan na umiiral o maaring itadhana ng batas sa darating na panahon.
Art. 87. Destiyero – Ang sinumang taong pinarusahan ng destiyero ay hindi pahihintulutang
pumasok sa lugar o mga lugar na itinakda ng parusa, ni sa paligid ng lugar na itinakda, na hindi
maaaring humigit sa 250 at hindi kukulangin sa 25 kilometro mula sa lugar na itinakda.
Art. 88. Aresto menor- Ang parusang aresto menor ay paglilingkuran sa bilangguan ng
munisipyo, o sa bahay ng ipinagsasakdal sa ilalim ng pagbabantay ng isang pinuno ng batas, kung
itinakda ng hukuman sa pasiya nito, na nagsaalang-alang ng kalusugan ng nagkasala at ibang sanhing
maaring kasiya-siya.
IKAAPAT NA TITULO
UNANG KABANATA
ART. 89. Kung papaano nawawakasang lubusan ang saguting kriminal- ang saguting kriminal
ay lubusang nagwawakas:
1. Sa pagkamatay ng maysala, hinggil sa mga parusang personal,, at tungkol sa mga parusa sa
pananalapi, matatapos lamang ito kung ang pagkamatay ng nagkasala ay nangyari bago lagdaan ang
pangwakas na pasiya;
2. Sa pamamagitan ng pagtupad ng pasiya;
3. Sa pamamagitan ng amnestiya na lubusang nakapagwawakas sa parusa pati lahat ng mga
bisa nito;
4. Sa lubusang pagpapatawad;
5. Sa kalaunan o preskripsyon ng krimen;
6. Sa kalaunan o preskripsyon ng parusa;
7. Sa pagpapakasal ng nilapastangang babae, katulad ng itinadhana sa artikulo 344 ng
kodigong ito;
Art. 90. Ang kalaunan o preskripsyon ng krimen- Ang mga krimeng pinarurusahan ng
kamatayan, reklusyon perpetwa o reklusyon temporal ay lumilipas makaraan ang dalawampung taon.
Ang mga krimeng pinarurusahan ng ibang mga parusang taob mapaniil 43 ay lilipas makaraan
ang labinlimang taon; iyong mga pinairal na pangwastong pamarusa ay lilipas makaraan ang sampung
taon, matanggi roon sa pinarurusahan ng aresto mayor, na lilipas makaraan ang limang taon.
Ang krimeng libelo o iba pang katulad na mga krimen ay lilipas makaraan ang isang taon.
Ang krimeng paninirang puri44 at panlilibak45 ay lilipas makaraan ang anim na buwan.
Ang mga krimeng magagaan ay lilipas ang dalawang buwan.
Kung ang parusang itinakda ng batas ay makatambal, ang pinakamataas na parusa ang
pagbabantay sa paglalapat ng mga tuntuning napapaloob sa una, pangalawa, at pangatlong talataan ng
artikulong ito. (ayon sa pagkakasusog ng batas ng republika Blg. 4461, na pinagtibay – Hunyo 19, 1966)
Art. 91. Pagtutuos sa kalaunan o preskripsyon ng mga krimen- Ang taning na panahon sa
kalaunan ay magsisimula sa araw nan gang krimen ay matutuklasan ng panig na pinagkasalanan, ng
mga may kapangyarihan, o ng kanilang mga kinatawan, at ititigil sa pamamagitan ng pagsasampa ng
habla, at muling magsisimula kung ang nasabing paglilitis ay natapos nang hindi napagpapasiyahang
maysala o pinawawalang sala ang ipinagsasakdal, o hindi makatarungang ipinatigil ito sa anumang
hindi ibinibintang sa kanya.
Ang taning n panahon para sa kalaunan ay hindi bibilangin kung ang lumalabag ay wala sa
pilipinas.
Art. 92.Kung kalian at kung papaano lumilipasang mga parusa
Ang mga parusang ipinataw sa pangwakas na pasiya ay lumilipas ayon sa mga sumusunod:
1.Kamatayan sa reklusyon perpetwa, makaraan ang dalawangpung taon;
2. Iba pang parusang mapaniil, makaraan ang labinglimang taon;
3.Mga pang watong parusa, makaraan ang sampung taon; matangi ang parusang aresto
mayor, na lilipas makaraan ang limang taon taon;
4.Mga magagandang parusa, makaran ang isang taon.
Art .93.pagtutuos sa kalaunan ng mga parusa- Ang taning na panahon sa kalaunan ng
mga parusa ay tutuusin mula sa petsa nan gang nagkasala ay umiwas sa pagtupad ng kanyangparusa,
at ito ay titigil kung ang ipinagsasakdal ay ay sumuko, madakip o magtungo sa ibang bansang ang
pamahalaang ito ay walang pakikipag-ugnayan sa kasunduang ekstradisyon o makagawa ng ibang
krimen bago lumipas ang taning na panahon ng kalaunan.
IKALAWANG KABANATA
IKALIMANG TITULO
PANANAGUTANG SIBIL47
UANG KABANATA
Art. 100.Pananagutang sibil ng isang kriminal – Ang bawat taong may pananagutang
kriminal mayroon ding pananagutang sibil
Art. 101.Mga tuntunin hinggil sa pananagutang sibil sa ilang tiyak na pangyayari – Ang
eksemisyon sa saguting kriminal na itinatag sa mga subdibisyon 1 , 2 , 3 , 4 , 5 , at 6 ng artikulo 12 at sa
subdibisyon 4 ng artikulo 11 ng kodigong ito ay hindi naglalakip ng eksemisyon sa pananagutan sibil,
na ipatutupad batay sa mga sumusunod na tutunin:
Una .Sa mga pangyayariing binabanggit sa subseksiyon 1 , 2, at 3 ng artikulo 12, ang
panagutang sibil para sa mga aktang ginaganap ng isang kulang-kulang o baliw na tao, at ng isang taong
kulang sa siyam na taong kulang sa siyam na taong gulang na kumilos nang walang pang-Unawa, ay
pananagutan ng mga taong may legal na autoidad o kontrol sa kanila, maliban kung lumitaw na sila ay
wlang pagkakasala o kapabayaan
Kung sakali’t walang taon may gayong baliw, kulang-kulang o menor sa ilalim ng kanyang
kapangyarinhan, o walang tagasubaybay o tagapangalaga ang legal na tagapag-alaga o kontrol o kung
ang nagsasabing tao ay nawalan ng puhunan, ang nasabing kulang-kulang, baliw, o menor ang siyang
magbabayad mula sa sarilinilang ari-arian, na hindi isasama ang ari-ariang hindi maaaring samsamin sa
pagpa-patupad n pasiya , alinsunod sa batas sibil.
Pangalawa.Sa mga usaping napapaloob sa subdibisyon 4 ng artikulo 11, iyong mga taong
nakinabang dahil sa pagkakapigil sa karahasan ang siyang magkakaroon ng pananagutang sibil n aka-
proposiyon ng pakinabang na maaring tinggap nila.
Ang hukman ang magtatakda , ayon sa kanilang makataru-ngan diskresyon48 sa kaukulang
kantidad na dapat panagutan ng bawat isa.
Kung ang kani-kanilang kaparte sa mga sagutin ay hindi ma-tiyak nang makatarungan 49,
kahit na humigit kumulang, o kung ngkakaroon din ng sagutin ang pagmahalaan, o sa nakakarami sa
mga mamamayan ng isang bayan, at, sa kahat ng mga pangyayari, kailanman at ang kapinsalaan ay
naging bunga nang may pagsangayon ng mga maykapang o ng kanilang kinatawan, ang bayad-pinsala
ay ipapaganap alinsunodsa itinakda ng tanging batas o mga tuntunin.
Pangatlo.Sa mga pangyayari ng napapaloob sa subdibisyon 5 at 6 ng artikulo 12, ang mga
taong gumagamit ng dahas o nagdudulot ng takot ang siyang unang-unang mananagot at
pumapangalawa, o kung wala ng gayong mga tao, iyong nagsisiganap ang siyang mananagot, maliban
ng ililigtas ang bahagi ng ari-ariang libre o di- saklaw ng huli sa pagpapaganap ng pasiya
Art. 102.Ang pangalawang saguting50 sibil ng mga may –ari ng bahay –panuluyan, taberna
at mga may-ari ng establisimyento sa Kawalan ng mga taong may pananagutang kriminal, ang mga
may-ari o tagapangasiwa ng mga buhay-panaluyurn, tabema at alinmang ibang mga tao o ko
korporasyon ng pananagutang sibil para sa mga krimeng ginaganap sa loob ng kanilang
establisimyento, sa lahat ng pangyayaring magkaroon ng paglabag sa mga ordenansa municipal o ng
ilang oangkalahatan o tanging o tuntuning pampulisya na nilabag nila o ng kanilang mga kawani o
empleado.
Nagkakaroon din ng pangalawang pananagutan ang mga tagapangasiwa ng bahay-
panuluyan, taberna at alin mang ibang mga tao o korporasyon ay magkakaroon ng pananagutan sibil
para sa mga krimeng ginaganap sa loob ng kanilang establisimyento, sa lahat ng pangyayaring
magkakaron ng paglabag sa mga ordenansa munisipal o ng ilang pangkalahatan o tanging pampulisya
na nilabag nila o ng kanilang mga kwani o empleado
Nagkaroon din ng pangalawang pananagutan ang mga tagapangasiwa ng bahay-panuluyan
sa pagpapanumbalik ng mga kalakal na kinuha sa pamamagitan ng pagnanakaw o pang-uumit sa loob
ng kanlang bahay mula sa mga pangunahing nanunuluyan doon, o sa pagbabayad sa halaga ng mga ito,
sa pagsubaling ipinagbigay-alam agad ng gayongmga panauhing sa tagapangasiwao may-ari ng bahay-
panuluyan, o sa taong kumakatawansa kanya, ninggil sa pagkalagak ng nasabingmga kalakal sa loob ng
bahay-panuluyanat tinupad ang mga payong ibinigay sa kanya ng nasabing tagapa-ngasiwa o may-ari
ng otel o kanynag kinatawan hinggil sas pag- iingat at pangangalaga sa gayong mga kalakal. Hindi
nagkakaroon ng pananagutan kung sakali’t magkaroon ng nakagawang may kalakip na dahas o
pananakot sa mga tao maliban kung ito’y kagagawan ng mga empleado ng tagapangasiwa o may-ari ng
bahay-panunuluyan.
IKALAWANG KABANATA
Art. 112. Pagtatapos ng saguting sibil – Ang saguting sibil na itinatag sa artikulo 100, 101, 102, at
103 ng kodigong ito ay nawa-wakasan ayon sa pamraan sa pagwawakas ng mga obligasyon, alinsunod
sa mga tadhana ng kodigo sibil.
UNANG AKLAT
Art. 113.Obligasyon upang makatugon sa pananagutang sibil – Matangi sa pangyayaring
nawakasanang kanyaang pananagutang sibil gaya itinadhana sa sinusundang artikulo, ang lumabag ay
patuloy na magkakasagutin upang tagunan ang pananagutan ang panangutan sibil na ibinunga ng
krimen ginawa niya, bagama’t napagsilbihan niya ang parusng binubuo ng pag-aalis ng kanyang
kalayaan o ibang mga karapatan,o hindi hinihinging paglingkuran niya ito nang dahil sa amnestiya,
pagkabago ng parusa o alinmang ibang dahilan.