Idealism

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

What is Idealism?

- Ang idealism ay isang proseso ng pag-aaral na nagbibigay diin sa importansya ng ideya, prinsipyo, at ng
pagpapahalaga. Ang pinaka-sentro ng mga pag-aaral dito ay hindi lamang basta mag bigay ng kasanayan
at kaalaman sa mga mag-aaral kundi ang mapaunlad din ang intelektwal at moral na kalidad na mga
mag-aaral.

- Isa sa mga paniniwala sa idealism na ang pag-aaral ay dapat na holistiko o holistic, kabilang rito ang
pagpapaunlad ng intelektwal, emotional, at espirtual ng mga mag-aaral dahil naniniwala ang mga
idealist educators na ang mahusay na edukasyon ay mahalaga sa mga mag-aaral upang maabot nila ang
kanilang buong potensyal bilang tao.

Sa kabuohan, ang idealism sa edukasyon ay isang pilosopiya na nagtuturo ng kahalagahan sa


pagpapaunlad ng itektwal at moral na kalidad na mga mag-aaral. At binibigyang diin rin ditto ang
tungkulin ng guro bilang isang modelo ng kahusayan na ibinibigay ang isang mahusay at holistikong
edukasyon.

What are the Teaching of Idealism?

- Ang tinuturo ng Idealism ay ang paunlarin ang itelektwal at moral na mga mag-aaral. Kabilang rito ang
pagbibigay diin sa Humanidad gaya ng Literatura, Pilosopiya, at Kasaysayan dahil ang mga ito ay
nagbibigay ng malalim na pagkaunawa sa eksperyensya at natural na reyalidad ng mga tao.

- Kasama rin sa itinuturo ng Idealism ang values, ethics, at ideals. Ang mga mag-aaral ay hinihikayat na
bulayin ang kanilang sariling paniniwala at pagpapahalaga. At paunlarin ang kamalayan sa moralidad at
personal na responsibilidad dahil ang mga idealist educators ay naniniwala na ang edukasyon ay dapat
nakatuon sa pagpapaunlad ng boung pagkatao, kabilang ditto ang paglinang sa bertud ng tao gaya ng
honesty, courage, and compassion.

Sa kabuohan, ang mga itinuturo sa idealism ay patungkol sa pagpapaunlad ng intelektwal at moral ng


mga mag-aaral at ito ay nakabalangkas sa prensipyo ng katotohanan at kabutihan. Binibigyang diin rin
ditto ang kahalagahan ng humanities, values, ethics, at mga birtud sa edukasyon, at layon nitong
makapagbigay sa mga mag-aaral ng malalim na pagkaunawa sa eksperyensya at reyalidad ng tao.

Teaching Method of Idealism:

Lectures and Discussions – Ito ang common na teaching method ng pagtuturo sa Idealism. Ang mga
mag-aaral ay natuto sa kanilang mga guro sa paraan ng mga lektura at diskusyon. Ang mga guro ay
natutulungan ang mga mag-aaral na mapaunlad ang kritikal nap ag-iisip at nahihikayat ang mga ito na
maging mapagtanong at maglakabay pa sa mga bagong idea at perspectives.

Socratic Method – Ito ang primary o mahalagang paraan ng pagtuturo sa Idealism. Ang method na ito ay
ang paggamit ng mga tanong upang maistimulate ang critical thinking at intilectual inquiry ng mga mag-
aaral. Magtatanong ang guro ng mga magkakasunod na tanong upang subukin ang kanilang mga palagay
at pag-isipan ng husto ang isang bagay.
Reflection and Self-Examination – Dito mabibigyang diin ang pagpapaunlad ng isang buong pagkatao
dahil kabilang ditto ang paglinang ng self-awareness at reflection sa sarili. Ang mga mag-aaral ay
hinihikayat na bulayin ang kanilang sariling paniniwala at pagpapahalaga para malinang din ng mga mag-
aaral ang kanilang personal na reponsibilidad.

Role Modeling – Ang mga guro ay magsisilbing ehemplo sa kanyang mga mag-aaral. Ang guro ay
inaasahang magiging isang mahusay, matalino, at mabait. At para makapagbigay gabay at suporta sa
kanyang mga mag-aaral ay kinakailangan na ang guro ay nakikitaan ng itelektwal at may magandang
moral at inaasahang makakapagbigay inspirasyon sa kanyang mga mag-aaral.

Experential Learning – Dito nabibiyang diin ang kahalagahan ng karanasan sa pag-aaral. Ang mga mag-
aaral ay hinihikayat na makiisa sa mga on-hand learning experience. Gaya ng projects, experiments, at
field trips. Ang mga karanasan na natutunan nila sa mga ganitong gawain sa labas o loob man ng
paaralan ay maaari nilang magamit sa totoong buhay upang mapaunlad rin ang kanilang problem-
solving at critical thinking skills.

Sa kabuohan, ang mga paraan ng pagtuturo sa Idealism ay idinisenyo upang pagyamanin ang intelektwal
at mapaunlad ang moral ng mga mag-aaral. At binibigyang diin din ng kanilang paraan ng pagtuturo ang
kahalagahan ng isang guro bilang isang modelo o magandang ehemplo sa mga mag-aaral.

Why is Idealism taught?

Cultivation of Intelect – Binibigyang diin ng Idealism ang pagpapaunlad sa intelekt ng tao bilang
pangunahing layunin ng edukasyon. Kabilang rito ang paglinang sa kritikal at analitikal na pag-iisip at
abilidad upang makapag-isip sa paraang malikhain at Malaya. Ang layunin nito ay upang mapaunalad ng
mga mag-aaral ang kanilang intellectual potential.

Promotion of Moral and Spiritual growth – Sa Idealism, ang edukasyon ang nakikita bilang isang paraan
ng pagtataguyod ng moral at ispiritual na pagpapalago ng mga magk-aaral. Kabilang ditto ang paglinang
sa birtud gaya ng honesty, integrity, compassion, at empathy. Ang mga idealist educator ay naniniwala
na ang edukasyon ay kailangan tulungan ang mga mag-aaral na paunlarin ang kanilang kamalayan sa
personal na responsibilidad at kamalayan sa kabutihang panlahat.

Development of Aesthetic Appreciation - Ang Idealism ay bibigay diin sa pagbuo ng aesthetic na


pagpapahalaga. Kabilang dito ang pag-aaral ng sining, musika, at panitikan. Pati na rin ang
pagpapahalaga sa kagandahan ng kalikasan. Ang layunin nito ay tulungan ang mga mag-aaral na
magkaroon ng pagkamangha at pagpapahalaga sa mundo sa kanilang paligid.

Preperation for Active Citizenship – Ang idealism ay nakikita ang edukasyon bilang paraan maihanda
ang mga mag-aaral bilang isang aktibong mamamayan ng lipunan. Kabilang dito ang pagpapaunlad ng
kaalaman sa sibiko, kasanayan, at pagpapahalaga. Pati na rin ang pagtataguyod ng responsibilidad sa
lipunan at sa katarungang panlipunan.
Preperation for lifelong learning – Para sa idealism, ang edukasyon ay isang liflong process kaya ang
layunin nito ay tulungan ang mga mag-aaral na umunlad ang pagmamahal sa pag-aaral na mananatili sa
kanila sa buong buhay nila. Kabilang dito ang pagpapaunlad ng mga kasanayan sa pag-aaral, mga
kasanayan sa pananaliksik, at ang kakayahang matuto mag-isa.

-Sa kabuuan ang mga layunin ng edukasyon sa idealism ay nakabatay sa paniniwala. Dapat isulong ng
edukasyon ang pag-unlad ng buong pagkatao at ihanda ang mga mag-aaral para sa aktibo at
makabuluhang pakikilahok sa lipunan. Naniniwala ang mga idealistang tagapagturo na ang edukasyon ay
dapat makatulong sa mga mag-aaral na paunlarin ang kanilang intelektwal, moral, at espirituwal na
potensyal hanggang sa abot ng makakaya, at upang habang buhay maging aktibong mamamayan na
nakatuon sa kabutihang panlahat.

You might also like