Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

7

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 4:
Mga Karanasan at Bahaging
Ginagampanan ng mga
Kababaihan sa Silangan at
Timog-Silangang Asya
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Mga Karanasan at Bahaging Ginagampanan ng mga
Samahang Kababaihan sa Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: April Joey R. Lacumba


Editor:
Tagasuri: Jeovani Unabia Amolata, Angel Rose Suansing
Tagaguhit:
Tagalapat: Wedzmer B. Munjilul
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena
Jinky B. Firman
Marilyn V. Deduyo
Alma C. Cifra
Aris B. Juanillo
Amelia Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Davao City


Office Address: DepEd Davao City Division, Elpidio Quirino Ave., Davao City
Telefax: 224-3274
E-mail Address: davaocity.division@deped.gov.ph
7

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 4:
Mga Karanasan at Bahaging
Ginagampanan ng mga
Kababaihan sa Silangan at
Timog-Silangang Asya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat
pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga kasagutan
mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan ang Subukin Natin bago dumako sa susunod na
gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga gawain.
4. Inaasahanang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa, pagsagot at
pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa susunod
na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos ng mga
gawain.
Kung meron kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang gawain,
huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o tagapagdaloy. Tandaan
na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan naming nasa pamamagitan ng
modyul na ito, ay mararanasan mo ang isang makabuluhan, masining at
malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya
mo yan!

to

ii
Alamin Natin

Binabati kita! Isang panibagong araw na naman upang ikaw ay


makatuklas ng bagong aralin. Ngayong ikaw ay nasa ika-apat na bahagi na,
dito ay matututunan mo ang tungkol sa buhay katapangan ng mga
kababaihan tungo sa pagkakapantay-patay.

Matututunan mo sa modyul na ito ang kasaysayan at kalagayan ng


mga kababaihan noon tungo sa pagkakapantay-pantay na kanilang inaasam.
Gayunpaman, nauunawaan mo sa nakaraang aralin sa naunang modyul ang
mga ideolohiyang sinusunod ng mga bansa sa Asya at paano umusbong ang
kilusang nasyonalismo.

Ito ang paksang tatalakayin sa modyul na ito. Ang mga aralin ay


nakabatay sa Most Essential Learning Competency ng baitang 7 na: Nasusuri
ang karanasan at bahaging ginagampanan ng mga kababaihan tungo sa
pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang
pampolitika.
Mula sa nabanggit na kasanayan ay pag-aaralan mo ang sumusunod na
paksa:

a. Mga Karanasan at bahaging Ginagampanan ng mga Kababaihan


Tungo sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang – ekonomiya,
at karapatang pampulitika.

Pagkatapos mong mapag-aralan ang mga nabanggit na aralin,


inaasahang magagawa mo ang sumusunod:

1. naiisa-isa ang mga karanasan upang makamit ang pagkakapantay-


pantay, pagkakataong pang-ekonomiya, at karapatang pampolitika;

2. naipapaliwanag ang bahaging ginagampanan ng mga kababaihan sa


pagkamit ng pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya,
at karapatang pampolitika; at

3. napapahalagahan ang mga mahalagang papel na ginagampanan ng


mga kababaihan sa lipunan.

1
Subukin Natin
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang mga pahayag. Isulat sa iyong
sagutang papel ang letra ng tamang sagot. Huwag kang mangamba sa
pagsagot dahil may mga tulong sa pag-aaral ang inihanda para sa iyo.

1. Ang sumusunod ay layunin ng samahang Asociacion Feminista


Filipina ni Concepcion Felix maliban sa isa.
A. Karapatang makapili ng mapapangasawa.
B. Ipaglaban ang karapatan ng kababaihang Pilipino.
C. Ipaglaban ang karapatang at pagtatamo ng edukasyon.
D. Pagbibigay ng pantay na sahod sa magkatulad na uri ng trabaho.

2. Ano ang ibig sabihin ng sawikaing “good wife, wise mother” na


isinulong ng First Wave Feminist sa bansang Japan?

A. Kailangang maging mabuting ina.


B. Ang mga kababaihang Hapones ay kailangang maging mabait.
C. Ang mga kababaihang Hapones ay kinakailangang maging wais.
D. Ang mga kababaihang Hapones ay kinakailangang maging edukada
upang maging isang mabuting mamamayan.

3. Anong ang nais ipahiwatig ng propagandang: “Women Hold Up Half


the Sky” ni Mao ng China?

A. Magkaroong ng karapatan na mangibang bansa.


B. Ang maging malaya mula sa pagkakakulong sa bahay.
C. Pantay na karapatan at katayuan ang mga sa mga kalalakihan.
D. Mas maraming karapatan at tungkulin kumpara sa mga kalalakihan.

4. Ano-ano ang mga ipinagkait na mga karapatan noon sa kababaihan


na siyang dahilan ng kanilang pakikibaka tungo sa pantay-pantay na
karapatan?

A. Makipag kwentuhan sa mga kaibigan.


B. Makapag-asawa, makapasyal, at makakain ng masarap.
C. Makabuto, makapag-asawa, at makapaglibang sa kaibigan.
D. Makabuto, makapag-aral, at makibahagi sa kalagayang lipunan at
pang – ekonomiko.

2
5. Ang sumusunod ay ang mga nakasanayan at tanging tungkulin ng
mga kababaihan noon maliban sa isa.
A. Alagaan ang asawa at mga anak.
B. Makipag-inuman sa mga kaibigan.
C. Gawin ang lahat ng mga gawaing bahay.
D. Pagsilbihan ang asawa sa kaniyang pangangailangan.

6. Ang sumusunod ay ang mga kababaihang sa Asya na naging aktibo sa


politika sa makabagong panahon maliban sa isa.
A. Mao ng China
B. Aung San Suu Kyi ng Myanmar
C. Park Geun – hye ng South Korea
D. Park Min – young ng South Korea

7. Ang sumusunod ay mga resulta ng pakikibaka ng mga kababaihan sa


kanilang karapatan tungo sa pagkakapantay-pantay maliban sa isa.

A. Lotus feet ng Tsina


B. Karapatang makabuto
C. Nagkaroon ng pagkakapantay-pantay na karapatan
D. Nakapag-aral at nabigyan ng pantay na sahod sa magkatulad na
uri ng trabaho.

8. Ang sumusunod ay mga babae sa Asya na kinilala bilang magagaling


na lider at nagpakita ng kakayahan sa larangan ng pulitika. Sino sa kanila
na naging unang babaeng Pangulo sa ating bansa?
A. Aung San Suu Kyi
B. Corazon Cojuanco Aquino
C. Indira Priyadarshini Gandhi
D. Meriam Defensor Santiago

9. Isa sa mga kilusang kababihan noon ay ang Kilusang Suffragist. Ano


ang isinusulong ng grupong ito?
A. Isinusulong na marinig ang boses ng kababaihan at lumaya.
B. Karapatang pumili ng mapapangasawa na naaayon sa kagustuhan.
C. Karapatang bumuto sa eleksiyon o reperendum at mahalal sa
pamahalaan.
D. Nais nilang makapag–aral upang magkaroon ng boses sa
pamahalaan.

3
10. May mga mahahalagang papel na ginampanan ang mga kababaihan sa
iba’t-ibang larangan. Paano nila nabigyan ng karangalan ang kanilang
bansa?
A. Nagpairal ng bagong uri ng pamahalaan.
B. Nagtaguyod ng demokrasya sa kanilang bansa.
C. Nakipaglaban para sa karapatan ng mga babae sa kanilang bansa.
D.Nanungkulan sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan ng
kanilang bansa.

Aralin Natin

Mga Karanasan at Bahaging Ginagampanan ng mga


Kababaihan Tungo sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong
pang – ekonomiya, at karapatang pampulitika.
Tunay na malaki ang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa
lipunan. Sa katunayan, hindi lamang sila ilaw ng tahanan kundi ilaw din ng
lipunan. Subalit hindi naging madali para sa mga kababaihan ang
magkaroon ng kalagayan sa lipunan. Naging mahirap ang buhay ng
kababaihan noon at mayroong mga diskriminasyon. Bago paman nakamit
ang pagkakapantay-pantay at karapatan na inaasam ay dumaan muna sa
maraming pakikibaka at pagsulong ang mga samahang kababaihan sa Asya.

Mga Samahan at Mga Karanasan at Bahaging Ginagampanan


kilalang mga Tungo sa Pagkakapantay-pantay, Pagkakataong
Kababaihan sa pang-ekonomiya at Pampulitika
Silangan atTimog-
Silangang Asya
1. Corazon C. Aquino v Ang kauna-unang babaeng naging pangulo
(Pilipinas) ng Pilipinas at binansagan din siyang “Mother
of Philippine Democracy” at ang “Joan of Arc”
modernong panahon.
v Itinatag niya ang rebolusyonaryong
gobyerno, habang hinihintay na
maratipikahan ang 1987 Constitution.
v Iniutos niyang lisanin ng mga Amerikano ang
military bases nila sa Zambales at Pampanga
dahil nakita niya bilang banta sa
pambansang kasarinlan ang pananatili ng
base military ng mga Amerikano.

4
v Binuwag ang mga cartel at monopolya.
Ibinukas din ang merkado sa mga nais mag-
negosyo, banyaga man o lokal na
negosyante.Upang mapunan ang lumobong
kakulangan sa pondo ng bansa, isina-
pribado ang ilang korporasyon na pag-aari ng
gobyerno.
v Naging tatak ng kanyang administrasyon ang
pagrereporma sa Family Code of the
Philippines at ang pagbabago ng istraktura ng
Ehekutibong sangay ng Gobyerno sa
pamamagitan ng Administrative Code of
1987.

v Noong 1988, ipinasa ng Kongreso ang


Republic Act No. 6657 o ang Comprehensive
Agrarian Reform Law na nagbibigay-daan sa
pamamahagi ng mga lupaing agrikultura sa
mga “tenant - farmers” mula sa mga may-ari
nito.
v Noong Agosto 1, 2009, binawian ng buhay
ang dating Pangulo ng Pilipinas sa edad na
76.

2. Concepcion Felix- v Unang pangulo ng samahang Feminista ng


Rodriguez (Pilipinas) Pilipinas na itinatag sa Maynila, 30 Hunyo
1905.
v Ipinaglaban niya ang karapatang
kababaihang Pilipino tulad ng pagtatamo ng
edukasyon.
v Isinulong din niya ang pagbibigay ng pantay
na sahod sa magkatulad na uri ng trabaho.
v Ang kanyang kakaibang kontribusyon sa
ikauunlad ng pamumuhay at pagpapabuti sa
kalagayan ng Pilipinas.
v Siya ay ginawaran ng mga parangal na
karapat-dapat sa kanya.
v Noong Hulyo 4, 1948, ipinagkaloob sa kanya
ang Medalya ng Kagalingan ng Republika at
diploma ng karangalan bilang kauna-

5
unahang “natatanging Peminista ng
Pilipinas.
v Unang nagpasimula ng kilusan sa
pagkakamit ng kanilang mga karapatan.
v Noong taong 1949 nang siya ay tinuring
bilang isa sa mga “Bayaning Pilipino para sa
pakikipaglaban para sa karapatang pantao.”
v Si Donya Concha ay binawian ng buhay
noong Enero 27, 1967.

3. Pura Villanueva v kilalang ng mamay-ari ng titulo para sa mga


Kalaw (Plipinas) paligsahan sa pagandahan at aktibong
tagapaglingkod ng lipunan.
v Inorganisa niya ang Asociacion Feminista
Ilongga, isang grupo ng mga suffragetes na
mayroong sawikain na "What a man can do, a
woman can do as well."
v Naging instrumento rin si Gng. Kalaw sa
pagpapatupad ng panukalang batas ukol sa
karapatan ng mga kababaihan upang
makibahagi sa proseso ng halalan.
v Ipinaglaban nila ang karapatang makaboto
hanggang taong 1937 at sila ay
nagtagumpay.
v Naging pangulo ng League of Women Voters
nang ito ay matatag at nagpatuloy sa
kanyang aktibong pakikibahagi hanggang
siya sumapit sa gulang na 65.

4. Aung San Suu Kyi v Isang maka-demokrasyang aktibista at


(Myanmar) pinuno ng Pambansang Liga para sa
Demokrasiya (National League for
Democracy) sa Burma.
v Kinikilala siya sa buong mundo bilang
simbolo ng demokrasya dahil sa kanyang
pakikipaglaban upang mapanatili ang
kalayaan at demokrasya ng kanilang bansa.
v kilala sa bilanggo ng konsensiya at
tagataguyod ng hindi marahas na paglaban.
v Hinango ang kanyang pangalan mula sa
tatlong kamag-anak; "Aung San" mula sa

6
kanyang tatay, "Kyi" mula sa kanya ina at
"Suu" mula sa kanyang lola.
v Mula 1989 hanggang 2010 ay ay paulit-ulit
siyang ikinulong dahil sa kaniyang
pakikipaglaban para sa karapatang pantao
ng mamamayan at sa pagbabalik ng
demokrasya sa bansang Myanmar.
v Sa kasalukuyan ay siya ang state counsellor
na may tungkuling tulad ng isang punong
ministro.
v Nagawaran si Aung San Suu Kyi ng Nobel
Peace Prize noong 1991 dahil sa kanyang
nagawa, International Simón Bolívar Prize
(1992) at ang Jawaharlal Nehru Award
(1993).
v Noong 2012, si Suu Kyi ay pinarangalan ng
Elie Wiesel Award ng US Holocaust Memorial
Museum.

5. Mao (China) v Ang nagpasimula ng kampanya para sa


pagbabagong-buhay ng mga kababaihang
Tsino.
v Pinasimulan niya ang pagpapalabas sa mga
kababaihan sa kani-kanilang tahanan upang
maging kabilang sa lakas-manggagawa ng
China sa pamamagitan ng propagandang:
“Women Hold Up Half the Sky”.
v Ipinahiwatig ng propaganda nila na
magkaroon ng pantay na karapatan at
katayuan ang mga kababaihan sa mga
kalalakihan.

6. First Wave v Naging pangunahing lakas at pwersa noong


Feminist ng panahon ng nasyonalismo, reporma at
Japan kilusang rebolusyon sa Asya ng mga
kababaihan ang kaisipang pagpapalaya.
v Ang First Wave Feminist ay sinubukang
iangat ang mga kababaihang Hapones
tungkol sa kanilang kalagayan sa lipunan at
inilantad sa publiko ang sawikaing “good
wife, wise mother”.

7
v Ang mga kababaihang Hapones ay
kinakailangang maging edukada upang
maging isang mabuting mamamayan.
v Noong 1860 sa pagbagsak ng piyudalismo ay
napagkalooban ang mga kababaihan ng
pantay na karapatan sa pag-aasawa,
edukasyon, at pag-aari.
v Hindi naglaon ay napagkalooban din ang
mga kababaihan ng karapatang bomoto,
makiisa sa parlamento, at maging edukado
batay sa Saligang Batas ng 1947 ng bansang
Japan.

7. Ichikawa Fusae v Pinangunahan niya ang Women’s Suffrage


(Japan) Leauge dahil sa walang karapatang bomoto
ang mga kababaihan noon maliban sa
diskriminasyon sa kakayahan nila.
v Nag-umpisang makilahok sa mga pulong-
pulitikal si Fusae at pinalakas ang kanilang
samahan.
v Ngunit hindi naging madali para sa kanila
ang lahat dahil ninais ng mga militar na
iantala ang mga layunin nila at kontrolin sila
kasabay sa bagbuwag sa asosasyon.
v Nagpursigi at nakibaka sila at ipinaglaban
ang kanilang karapatan tungo sa
pagkakapantay-pantay at sa wakas ay
nakamit rin nila ang karapatang makaboto
noong taong 1947.

Sa kasalukuyan ay malayo na ang narating ng mga kababaihan at


malaki na rin ang papel na ginagampanan nila sa lipunan. Marami nang
kababaihan ang nakikilahok sa halos lahat ng kilusan at usaping may
kinalaman sa lipunan at bansa.

8
Gawin Natin
Triple Girl Power Journal!

Panuto: Kompletuhin ang triple-entry journal sa pamamagitan ng pagsagot sa


mga hinihingi ng bawat kolum mula sa nabanggit na samahan at kilalang
kababaihan sa unang kolum.

Mga Kilalang Ilarawan ang Ibigay ang mga Isa-isahin ang


Kababaihan ng mga karanasan layunin at mga mahahalagang
Silangan at ng mga nagawa ng mga papel na
Timog- kababaihan sa kababaihan at ginagampanan
Silangang Asya pagsulong ng ng kanilang ng kababaihan
kanilang samahan. sa lipunan sa
samahan. panahong ito.

1. Aung San Suu


Kyi (Myanmar)

2. Ichikawa
Fusae (Japan)
3. Pura
Villanueva Kalaw
(Pilipinas)

RUBRIK PARA SA PAGMAMARKA


15 12 9 6 3
Naipaliwanag Naipaliwanag Naipaliwanag Naipaliwanag Hindi
ng may ng may ng may ng may naipaliwanag
Nilalaman

kaangkupan, kaangkupan at kaangkupan saysay ang ang paksa


kritikal, makabuluhan ang opinyon opinyon subalit
makabuluhan ang opinyon hinggil sa hinggil sa nagbigay ng
ang opinyon hinggil sa paksa paksa kaunting
hinggil sa paksa opinyon
paksa
Nailalahad Nailalahad Nailalahad Nailalahad Hindi
Organisasyon ng

nang buong nangmaka nang maayos ideya at gaanong


husay ang buluhan ang ang ideya at nagsasaad ng nailahad ang
ideya

ideya at ideya at nagsasaad ng kaugnayan sa ideya ngunit


nagsasaad ng nagsasaad ng kaugnayan sa paksa nagsasaad
kaugnayan sa kaugnayan sa paksa ng
paksa paksa kaugnayan
sa paksa

9
Sanayin Natin
Panuto: Gumawa ng isang tula kung saan ay naipapaliwanag ang bahaging
ginagampanan ng mga kababaihan para makamit ang pagkakapantay-
pantay, pagkakataong pang-ekonomiya, at karapatang pampolitika sa Asya.
Ang tula ay maaaring may sukat at tugma o di kaya’y malaya ang taludturan.

RUBRIK PARA SA PAGMAMARKA SA PAGSULAT NG TULA


15 12 9 6 3
Nasusulat ng Nasusulat ng Nasusulat ng Nasusulat ng Hindi
may may may may saysay nasusulat
Nilalaman

kaangkupan, kaangkupan kaangkupan ang opinyon ang paksa


kritikal, at ang opinyon hinggil sa subalit
makabuluhan makabuluhan hinggil sa paksa nagbigay ng
ang opinyon ang opinyon paksa kaunting
hinggil sa hinggil sa opinyon
paksa paksa
Nailalahad Nailalahad Nailalahad Nailalahad Hindi
Organisasyon

nang buong nangmaka nang maayos ideya at gaanong


ng ideya

husay ang buluhan ang ang ideya at nagsasaad ng nailahad ang


ideya at ideya at nagsasaad ng kaugnayan sa ideya ngunit
nagsasaad ng nagsasaad ng kaugnayan sa paksa nagsasaad ng
kaugnayan sa kaugnayan sa paksa kaugnayan
paksa paksa sa paksa

10
Tandaan Natin
Huwag mong kalimutan ang mahahalagang aral na iyong natutunan. Ang
mga sumusunod ay pangunahing kaisipan na dapat mong tandaan tungkol
sa modyul na ito:

• Hindi naging madali para sa mga kababaihan ang magkaroon ng


kalagayan sa lipunan. Bago paman nakamit ang pagkakapantay-
pantay at karapatan na inaasam ay dumaan muna sa maraming
pakikibaka at pagsulong ang mga samahang kababaihan sa Asya.

• Ilan sa mga kilalang kababaihan sa Pilipinas na hinangaan dahil sa


nagawa niya sa politika at pang-ekonomiya tungo sa pagkakapantay-
pantay ay sina Pangulong Corazon Aquino, Concepcion Felix at Pura
Villlanueva Kalaw.

• Pinangunahan ni Mao na China ang kampanya para sa


pagbabagong-buhay ng mga kababaihang Tsino na may sawikaing,
“Women Hold Up Half the Sky”. Ipinahiwatig ng propaganda nila na
magkaroon ng pantay na karapatan at katayuan ang mga
kababaihan sa mga kalalakihan.

• Isa sa mga isinulong ng samahang kababaihan ay ang karapatang


makabuto at ito ay napagtagumpayan nina Ichikawa Fusae ng
Japan,
at Pura Villanueva Kalaw ng Pilipinas.

• Pagkatapos ng pakikibaka ng mga samahang kababaihan sa iba’t-


ibang panig ng Silangan at Timog-Silangang Asya ay nakamit din nila
sa wakas ang pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-
ekonomiya, at karapatang pampolitika.

11
Suriin Natin

Panuto: Matapos mong mabasa ang buong modyul at nasagot ang mga
gawain, subukan mo ang iyong natutunan sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga sumusunod na tanong. Isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng
tamang sagot.

1. Ano ang ibig sabihin ng sawikaing “good wife, wise mother” na


isinulong ng First Wave Feminist sa bansang Japan?
A. Kailangang maging mabuting ina at wais sa lahat ng bagay.
B. Ang mga kababaihang Hapones ay kailangang maging mabait.
C. Ang mga kababaihang Hapones ay kinakailangang maging wais na
misis.
D.Ang mga kababaihang Hapones ay kinakailangang maging edukada
upang maging isang mabuting mamamayan.

2. Ano-ano ang mga ginawa ng mga kababaihan bago paman nakamit ang
pagkakapantay-pantay at karapatan na inaasam nila?
A. Nakibaka at nagkaroon ng samahan upang isulong ang karapatan.
B. Nanatiling tahimik lamang sapagkat dilikado pa noong unang
panahon.
C. Nag-alaga ng mga anak, naglinis ng bahay at pinagsilbihan ang
asawa at pamilya nito.
D. Naging mabait na mamamayan at nanatiling mag silbi sa mga
sugatang sundalo at maysakit.

3. Bakit kailangang makibaka at ipaglaban ng mga kababaihan ang


pagkakapantay-pantay?
A. Dahil pagod na silang mag alaga ng mga anak.
B. Nais nilang makapasyal sa labas at magliwaliw.
C. Gusto nilang mapakinggan ang kanilang mga hinaing.
D. Nais ng mga kababaihan na magkaroon ng kalayaan, makapag-aral,
makaboto ng gusto nilang lider, at marinig ang kanilang opinyon at
boses.

4. Ano ang nagawa ni Aung San Suu Kyi sa kasaysayan?


A. Ipinaglaban niya ang karapatan na makaboto.
B. Naging bayani siya dahil sa kanyang katalinuhan.
C. Kinalaban niya ang lahat ng mga terorista sa Myanmar.
D. Pinaglalaban ang karapatang pantao ng mamamayan at sa
pagbabalik ng demokrasya sa bansang Myanmar.

12
5. Ang sumusunod ay mga samahan ng mga kababihan noon na nagsulong
ng pagkakapantay-pantay sa karapatan maliban sa isa.
A. Gabriela C. Feminista Ilonga
B. Feminista Filipina D. Women’s Suffrage Leauge

6. Ang sumusunod ay mga epekto o resulta ng samahang nabuo ng mga


kababaihan sa Asya maliban sa isa.
A. Magkakaroon ng sahod mula sa paninilbihan sa asawa.
B. Makakapag-aral na ang mga kababaihan at mayroon ng kalayaan.
C. Maaari ng magkaroon ng posisyon sa pulitika ang mga kababaihan.
D. Nagkaroon ng karapatang makaboto ang mga kababaihan sa
eleksyon.

7. Ano ang nais ipahiwatig ng propagandang: “Women Hold Up Half the


Sky” ni Mao ng China?

A. Magkaroong ng karapatan na mangibang bansa.


B. Ang maging malaya mula sa pagkakakulong sa bahay.
C.Magkaroon ng pantay na karapatan at katayuan ang mga
kababaihan sa mga kalalakihan.
D.Magkaroon ng mas maraming karapatan ang mga kababaihan kaysa
mga kalalakihan sa larangan ng politika.

8. Ang mga sumusunod ay mga babae sa Asya na kinilala bilang


magagaling na lider at nagpakita ng kakayahan sa larangan ng
pulitika. Sino ang unang babaing naging Pangulo ng Pilipinas?
A. Aung San Suu Kyi C. Indira Priyadarshini Gandhi
B. Corazon Cojuanco Aquino D. Meriam Defensor Santiago

9. Ano ang mga ipinag-kait na mga karapatan noon sa kababaihan na


siyang dahilan ng kanilang pakikibaka tungo sa pantay-pantay ng
karapatan.
A. Makipag kwentuhan sa mga kaibigan.
B. Makapag-asawa, makapasyal, at makakain ng masarap.
C. Makapaglibang sa kaibigan, at magkaroon ng mga anak.
D.Makabuto, makapag-aral, at makibahagi sa kalagayang lipunan at
pang – ekonomiko.

10. May mga mahahalagang papel na ginampanan ang mga kababaihan


sa iba’t-ibang larangan. Paano nila nabigyan ng karangalan ang
kanilang bansa?
A. Nagpairal ngbagong uring pamahalaan.
B. Nagtaguyod ng demokrasya sa kanilang bansa.

13
C. Nakilaban para sa karapatan ng mga babae sa kanilang bansa.
D. Nanungkulan sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan ng
kanilang bansa.

Payabungin Natin
Women’s Empowerment Art

PANUTO: Gumuhit ng poster tungkol sa Women’s Empowerment na


nagpapakita ng kahalagahan ng mga karanasan at bahaging ginagampanan
ng mga kababaihan upang makamit ang pagkakapantay-pantay,
pagkakataong pang-ekonomiya, at karapatang pampolitika sa Asya.

RUBRIK PARA SA PAGMAMARKA SA POSTER


20 18 16 14 5
Naipakita at Naipakita at Naipakita at Naipakita at Hindi
naipaliwanag naipaliwanag naipaliwanag naipaliwanag napakita at
ng may ng may ng may ng may saysay naipaliwanag
Nilalaman

kaangkupan, kaangkupan at kaangkupan ang opinyon ang paksa


kritikal, makabuluhan ang opinyon hinggil sa subalit
makabuluhan ang opinyon hinggil sa paksa nagbigay ng
ang opinyon hinggil sa paksa kaunting
hinggil sa paksa opinyon
paksa
Nailalahad Nailalahad Nailalahad Nailalahad Hindi gaanong
Organisasyon

nang buong nangmaka nang maayos ideya at nailahad ang


ng ideya

husay ang buluhan ang ang ideya at nagsasaad ng ideya ngunit


ideya at ideya at nagsasaad ng kaugnayan sa nagsasaad ng
nagsasaad ng nagsasaad ng kaugnayan sa paksa kaugnayan sa
kaugnayan sa kaugnayan sa paksa paksa
paksa paksa

14
Pagnilayan Natin

Sa modyul na ito ay natutunan at nakilala mo ang ilan sa mga tanyag


na babaeng nagsulong ng reporma para sa kaunlaran at kapayapaan sa
kanilang bansa at para makamit ang kalayaan at karapatang
pagkakapantay-pantay. Malaki ang gampanin ng kababaihan sa isang
lipunan kaya naman marapat lamang na sila ay pahalagahan sa lipunan at
huwag itratong mas mababa sa kalalakihan.

Ikaw, bilang isang anak ng iyong ina, kapatid ng isang babae, kaklase
ng isang babae o di kaya’y kaibigan ng isang babae ay higit na mas mainam
na matutunan mong ipakita ang pagmamahal, paggalang at respeto sa
kanila. At para sa mga kababaihan, huwag kalimutang pahalagahan at
irespeto ang sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mga makabuluhang
bagay kesa sa ikakasira nito. Maging matatag at pahalagahan ang
edukasyon upang maging handa sa hamon ng panahon.

Mahusay! Matagumpay mong natapos at naisakatuparan ang lahat


ng gawain sa modyul na ito. Inaaasahan kong naging masaya ka sa iyong
pagtatapos ng mga gawain at ipagpatuloy mo ito sa mga susunod pang
modyul.

15
16
SURIIN SUBUKIN
1. D 6. A 1. A 6. D
2. A 7. C 2. D 7. A
3. D 8. B 3. C 8. B
4. D 9. D 4. D 9. C
5. A 10. D 5. B 10. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Celada, A., et.al, Paglinang sa Kasaysayan Araling Asyano, 2018, DIWA,


Makati City, Philippines

Maningas, R., et.al, Araling Panlipunan: Asia Kasaysayan at


Kabihasnan,2019, IEMI, Inc. Sta. Ana, Manila, Philippines

Most Essential Learning Competencies (MELCs), 2020, Department of


Education, Pasig City, Philippines

Zafra, R., Asya bilang Ehemplong Kontinente, 2018, St. Augustine


Publications, Inc., Sampaloc, Manila, Philippines

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

You might also like