Sa mga tagapakinig na nakapaloob sa silid na ito kung saan ko
iwiwika ang aking talumpati, malugod ko kayong sinasalubong ng aking mga pinakamalalim na pagbati. Salamat, ngayon ako'y inyong pakinggan.
Sa aking mga kabata, edad labing-anim, labing-pito, labing-walo,
at matanda pa— ano nang nangyari sa atin? Tayo ba'y kabataan pa rin ng bansang ito? Ulo ba nati'y napakalayo na na hindi na natin tanda ang kanilang mga pangalan, ang kanilang mga ginawa, ang kanilang mga sakripisyo at ipinagalaban at inasahan, nilang ating mga bayani at mandirigmang siyang mga baga at bakal na pumanday ng ating kalayaan sa panahong ipinagkait ito sa atin? Ngunit nakatayo ako dito ngayon hindi upang maagbigay ng sermon, o manghikayat o magturo, ngunit upang magbigay ng aking pinakadalisay na paggalang, at magbalik tanaw.
II. 370 Words
Kay Melchora Aquino, na kilala rin bilang si Tandang Sora, o
"Ang Ina ng Katipunan", na hindi hinayaang maging hadlang ang kaniyang edad at kasarian upang ilathala ang kaniyang kahanga- hangang katapangan sa pamamagitan ng pagdalo sa mga katipunero at sugatan. Siya ay isang mapagkalingang kamay na gumamot ng marami pang uri ng sugat, siya ay mukha at pangalang aking aalahanin sa bawat bagyong daraan sa aking buhay. Kay Andres Bonifacio, na itinatag ang mga binhi ng himagsikang tumubo sa paglaon ng oras at kay Emilio Aguinaldo, na itinawid ang ating bansa patungo sa kalayaan, padaan sa mga pangil ng Espanyol at Amerikano. Silang dalawa ay mga braso ng dakilang lakas at kagitingang alam ko sa aking sarili ay hindi ko kailanman masusuklian ng pagtutulad, ngunit mabibigyan ng pinakatatanging pasasalamat. Kay Juan Luna, na ipinaalam ang kaniyang pag-ibig sa kalayaan sa pamamagitan ng kaniyang maririkit na sining. Kay Gabriela Silang, na mandirigmang may bihis ng bagsik at lakas ng loob, na pinangunahan ang libo-libong hukbo, na ipinagpatuloy Ang nasimulan ng kaniyang asawa. Kay Jose Rizal, na nagsabing tayong kabataan ay pag-asa ng bayan. Si Rizal na hindi man humawak ng espada o nagpaputok ng baril, na hindi namuno ng hukbo at hindi nakipaglaban sa mga gyera, Rizal na dinala ang digmaan sa bawat salitang kaniyang isinulat at binigyan ng kapangyarihan upang gisingin pa ang mga Pilipino at lakasan pa ang pagtawag para sa kalayaan. Ang kaniyang mga akda ay sarili nitong uri ng mga armas at kalasag. Amg kaniyang mga akda ay mananatiling makapangyarihan sa mga lilipas pang panahon. Kay Gregorio Del Pilar, Apolinario Mabini, sa Trece Martirez, GOMBURZA, Panday Pira, Mariano Ponce, Gregoria de Jesus, Felipe Agoncillo, Leona Florentino, Jose Palma at sa marami pang iba, sa bawat bata at matandang babae at lalaki at lahat ng nasa gitna, na hindi man nakasama ang mga panagalan sa kasaysayan o nakunan ng litrato ang mga mukha, taos-puso ang aking patuloy na pagtanaw ng utang na loob sa pinagsama-sama niyong kilos upang matahi at maiwagayway ang kalayaan ng ating bansang Pilipinas. Mga baga at bakal na pumanday ng ating kalayaan sa panahong ipinagkait ito sa atin; kayo ang bawat ugat sa punong mayroon kami, ang bawat sanga, dahon, at bunga. Ang katawan.
III. 128 Words
Ano pa ba ang kailangan kong sabihin? Tiyak ay marami pa. Ngunit
para iyon sa ibang pagkakataon. Sa kabuuan, ang ibig ko lamang gawin ay magbalik tanaw isang daang taon pabalik sa ating nalaraan, balikan ang mga pangalang talaga nga namang hindi na aalis sa alaala ng marami. Sa akin, ang kanilang kagitingan at kabayanihan ay nagsisilbi hindi bilang lumang multo ngunit buhay na diwa na lagi kong dadalhin sa bawat araw na mayroon akong kalayaan, karapatan, at pagkakakilanlan bilang isang Pilipino. Sa aking mga kabata, kailan bago niyo sila ulit aalahanin?
Ating pakatandaan na ang kalayaang mayroon tayo noong tayo'y mga
bata, ngayong tayo'y mga dalaga at binata, at sa hinaharap kung saan tayo'y matatanda na, ay hindi natin mahahawakan kung hindi nila ito inabot sa atin.