Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 3

IKATLONG KUWARTER
Taong Panuruan 2022-2023

Pangalan: Iskor:
Pangkat: Petsa:

Para sa mga bilang 1-3, basahin ang talata at sagutin ang sumusunod na tanong.
Isulat ang titik sa patlang.

Sa tabing-dagat nakatira ang pamilya ni Alfred. Tuwing walang pasok ay


tumutulong siya sa kaniyang ama sa paghahanda ng lambat para sa
pangingisda. Hinihintay rin niya sa bahay-kubo ang pagbabalik ng kaniyang
ama mula sa laot upang matulungan sa pagdadala ng mga nakuhang isda.
Ikinatutuwa naman ni Mang Alfonso at ng kaniyang pamilya ang pagiging
matulungin ni Alfred.
May-akda: Jayson T. Ruego

1. Saan nakatira si Alfred?


A. sa bukid C. sa tabing-dagat
B. sa palasyo D. sa tabing-ilog
2. Ano ang angkop na pamagat ng kuwento?
A. Ang Mangingisdang Bata
B. Ang Matulunging Bata
C. Ang Masipag na Bata
D. Ang Paghihintay

3. Ano ang paksa o tema ng kuwento?


A. pag-aalaga sa pamilya
B. pagmamahal sa pamilya
C. pagtutulungan sa pamilya
D. pagkawatak-watak ng pamilya
Para sa mga bilang 4-6, tukuyin ang kahulugan ng tambalang salita.
4. Malusog si Andoy ngunit dahil sa malubhang sakit, malaki ang
pinagbago ng katawan niya. Buto’t balat na lang siya ngayon.
A. kalansay C. payat
B. lumilitaw na ang buto D. maraming balat
5. Tungkulin ng bawat isa na tulungan ang mga kapuspalad
sa ating pamayanan.
A. dayuhan C. may kapansanan
B. mahirap D. walang kamay
6. Noong unang panahon tuwing dapit-hapon kami ay nagtitipon-tipon
upang manalangin sa ating mahal na Panginoon.

A. malapit nang dumilim


B. malapit na ang umaga
C. malapit na ang hapon
D. malapit na ang tanghalian
Para sa mga bilang 7-8, tukuyin ang salitang kilos o pandiwa sa bawat
pangungusap.

7. Kumain ako ng gulay upang maging malusog.


A. malusog B. gulay C. kumain D. ako
8. Uminom si Ted ng gatas kagabi.
A. uminom B. kagabi C. gatas D. Ted

Para sa mga bilang 9-10, piliin ang angkop na salita na tinutukoy sa bawat pahayag.
9. Kung ang salitang sipag ay tatanggalan ng huling tunog, anong salita ang
mabubuo?
A. hipag B. sipat C. sipa D. ipag
10. Anong salita ang mabubuo kapag pinalitan ang ikalawang
pantig ng salitang malaya?
A. masaya C. malasa
B. malabo D. malaki

Para sa mga bilang 11-12, tukuyin ang bahagi ng liham.

11. Ito ay nagsasaad ng lugar na pinagmulan ng liham at petsa kung kailan


ito ginawa.
A. Pamuhatan C. Bating pangwakas
B. Bating panimula D. Katawan ng Liham

12. Sa bahaging ito, nakasaad ang nilalaman ng mensaheng nais


ipabatid ng sumulat.
A. Pamuhatan C. Katawan ng Liham
B. Bating panimula D. Lagda

Para sa mga bilang 13-14, basahin ang bawat talata at ibigay ang angkop na
hinuha.
13.
Naiwan ni Dong ang inihaw na isda sa mesa ng walang takip.
Nakapasok ang pusa. Ano kaya ang susunod na mangyayari?

A. Kakainin ng pusa ang ulam.


B. Aamuyin ng pusa ang ulam.
C. Kukuha ng takip ang pusa.
D. Titigan ng pusa ang ulam.

14.
Umuwi ang ina nina Mira at Mildred mula Hongkong matapos
ang dalawang taong pagtatrabaho roon.
Naghanda ng masarap na pagkain ang magkapatid sa araw na
iyon.

A. Nalungkot ang magkapatid.


B. Natuwa ang magkapatid.
C. Nagalit ang magkapatid.
D. Nahiya ang magkapatid.
Para sa mga bilang 15-16, tukuyin ang pang-abay na naglalarawan sa kilos o gawi sa
bawat pangungusap.

15. Ang tagahatid-sulat ay mabilis maglakad.


A. ang C. maglakad
B. mabilis D. tagahatid-sulat
16. Ang liham na iyan ay binasa niya nang palihim.
A. binasa B. liham C. nang D. palihim
Para sa mga bilang 17-18, ibigay ang tamang sanhi o bunga sa mga sitwasyon.

17. Araw-araw ay nag-aaral nang mabuti si Marvin. Alin sa sumusunod ang


maaaring mangyari pagkatapos ng pagsusulit?
A. Umuwing maaga si Marvin.
B. Mataas ang kaniyang iskor.
C. Mababa ang kaniyang iskor.
D. Hindi pumasa sa pagsusulit si Marvin
18. Hindi kumakain ng tanghalian si Rudy.
A. Sumasakit ang tiyan ni Rudy.
B. Masayang-masaya si Rudy.
C. Busog na busog siya.
D. Aktibo siya sa klase.
Para sa mga bilang 19-20, piliin ang angkop na pang-ukol.

19. ”Ligtas ang may alam,” Kuya Ramon.


A. ukol sa B. ayon kay C. para sa D. laban sa
20. Nais kong mamigay ng mga pagkain at damit mga
taong nasalanta ng lindol.
A. ukol sa B. ayon sa C. tungkol sa D. para sa

You might also like