Survey Questionnaires

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

DRAFT/OUTLINE NG MGA BARYABOL NA KAILANGAN

● Gaano karami ang mag-aaral na kasalukuyang nakatira sa isang dorm


○ If yes, malapit lang ba sa school? Or nabyahe pa sila?
■ Syempre dito makakaranas sila ng pagod, and this will result to
pagkapuyat since late sila makakagawa ng school works or medyo
maccompromise yung kanilang time management with school
● Psychological effects ng pagtira sa dorm
○ Common psychological effects na nararanasan ng mga mag-aaral na nakatira sa
isang dormitoryo:
■ Pagkaulila
■ Pagkabalisa
■ Insomnya
■ Istres
■ Kakulangan sa Pagtulog o Kalidad ng Pagtulog
● Iba pang mga salik na posibleng makaapekto sa kalusugang pangkaisipan ng mga
mag-aaral na nakatira sa dormitoryo
○ Kapaligiran/Komunidad sa tinitirahang dormitoryo
■ Pakikipagkaibigan/pakikipag-ugnayan/Pakikisama sa mga
kasamahan/kaibigan
■ Ingay
■ Kalinisan
■ Kaligtasan
■ Financial Management

● Epekto ng paninirahan sa dormitoryo sa academic performance o pag-aaral ng mga


mag-aaral
○ Paghahambingin ang kanilang pag-aaral sa dormitoryo sa kanilang pag-aaral sa
tahanan
■ Mas matindi ba ang kanilang pokus sa dorm? O sa bahay?
● Alamin din ang rason (dito kasi papasok yung mga psychological
effects din for sure)

● Pananaw ng mga mag-aaral sa pagtira sa mga dormitoryo


○ Nakakatulong ba ito sa kanilang pag-aaral?
○ Nakakatulong ba ito sa kanyang pagkatao?
○ Nakakatulong ba ito sa paglinang ng kanilang life skills?

SURVEY QUESTIONNAIRE CONTENT OUTLINE/ARRANGEMENT

FRONT PAGE
Greetings
Research Title
About the research
Name of Researchers

Pagsusuri sa Sikolohikal na Epekto ng Pagtira sa Dormitoryo ng mga Mag-aaral na nasa


Unang Baitang ng Kursong Inhinyerong Pangkemikal sa Batangas State University -
Alangilan

Isang mapagpalang araw, mahal naming respondente! Nawa’y kayong lahat ay nasa mabuting
kalagayan at malusog na pangangatawan.

Kami, mga mananaliksik mula sa ika-unang pangkat ng ChE-2201, ay mayroong


isinasagawang pananaliksik o pagsusuri tungkol sa sikolohikal na epekto ng pagtira sa
dormitoryo ng mga mag-aaral na nasa unang baitang ng kursong inhinyerong pangkemikal sa
Batangas State University, Alangilan, Batangas City. Layunin ng pag-aaral na ito na suriin at
matukoy ang mga sikolohikal na epekto ng pagtira sa dormitoryo ng mga mag-aaral gayundin
ang mga karanasan at pananaw sa pagtira na nakatira sa mga dormitory. Nais naming mga
mananaliksik na maunawaan ang mga karanasan at epekto ng pagtira sa dormitoryo ng mga
mag-aaral upang makapagbigay kaalaman sa kalusugang pangkaisipan sa mga mag-aaral,
tagapangasiwa ng paaralan, mga guro, mga magulang, nang sa gayon sila ay makapagbigay
solusyon sa mga posibleng suliranin na kanilang haharapin sa kalusugang pangkaisipan.

Aming ibinabahagi sa inyo ang sarbey na maaari ninyong sagutan sa loob ng limang minuto.
Inaasahan namin ang inyong matapat na pagsasagot ng sarbey na ito upang mabigyang-daan
ang makabuluhan at may kredibilidad na pananaliksik. Lubos naming ikinagagalak at
ipinagpapasalamat ang paglaan ninyo ng oras at pagsisikap na masagutan ng kumpleto ang
sarbey na ito.

Buong pusong nagpapasalamat,


ChE-2201 | Pangkat 1
Aliben, Adrienne Sheri R.
Dollano, Marian Faye G.
Farell, Danielle A.
Malabanan, Kharyl C.
Mayuga, Steffanie Marie C.
Mosende, Christian A.
Perez, Kayzer Ann H.
Pujeda, Rexley G.
Ronquillo, Richmond G.
Vico, Allysa M.

PAGE 1 DATA PRIVACY ACT


Data Privacy Act

PAHAYAG NG PAGTALIMA SA REPUBLIC ACT NO. 10173 O ANG DATA PRIVACY OF 2012
Labis na pinahahalagahan ng mga mananaliksik ng pag-aaral na ito ang karapatan ng bawat
indibidwal sa data privacy. Kaya naman, alinsunod sa mga probisyon ng Republic Act No.
10173 o ang Data Privacy of 2012, ang mga alituntunin nitong kaugnay ng mga kautusan mula
sa National Privacy Commission, at ng iba pang kahingian at patakarang nangangalaga sa
sistema ng epektibong pamamahala ng personal data security sa bansa, ang lahat ng
impormasyong makokolekta sa pamamagitan ng online form na ito ay gagamitin lamang para
sa kaganapan ng nasabing pananaliksik.

Aking nabasa at naunawaan ang initalag na Data Privacy Terms ng pangkat at ibinibigay
ko ang aking pahintulot na kolektahin at gamitin ang aking personal data bilang bahagi
ng aking impormasyon. Pinagtitibay ko rin ang aking karapatang magkaroon ng
kabatiran, hindi sumang-ayon, maka-access at magtama, magpatigil o bawiin ang aking
personal data at mabayarang-pinsala mangyaring magkaroon ng pagsuway sa sa mga
probisyon ng Republic Act No. 10173 o ang Data Privacy of 2012 at Implementing Rules
and Regulations nito.

PAGE I (Demographic Profile)


Panuto: Layunin ng bahagi ng sarbey na ito na makapangalap ng personal na datos na
gagamitin sa nabanggit na isinasagawang pag-aaral. Sinisigurado ng mga mananaliksik na ang
mga makakalap na personal na datos at impormasyon ay hindi makakalabas, mananatiling
pribado, at tanging gagamitin lamang sa pananaliksik ng may lubos na paggalang at katapatan.
Pangalan
Edad
Kasarian (Opsyonal)
Kurso at Seksyon
Email (BSU Email)

PAGE 2 (Lokasyon ng Dormitoryo ng mga mag-aaral)


Panuto: Ang bahagi naman ng sarbey na ito ay naglalayong matukoy ang lokasyon ng
dormitoryo ng mga mag-aaral. Mayroong mga dormitoryo na malayo sa paaralan na kung saan
makapagdudulot ng pagod sa mga mag-aaral ang pagbiyahe araw-araw, at mayroon namang
mga malalapit sa paaralan ang kanilang dormitoryo na kung saan mas nakakatulong ito sa mga
mag-aaral. Punan ang patlang ng lokasyon ng inyong tahanan at domitoryo ng probinsya na
inyong kinabibilangan.
Lokasyon ng Iyong Tahanan (Probinsya)
Lokasyon ng Iyong Dormitoryo (Probinsya)

OO o HINDI
● Malayo ang aking tahanan sa unibersidad na aking pinapasukan.
● Higit na labinlimang minuto ang aking ginugugol papunta sa unibersidad mula sa aking
dormitoryo tuwing araw ng klase.
● Nakakaranas ako ng pagod sa pagbiyahe mula unibersidad hanggang dormitoryo, o
vice-versa, tuwing araw ng klase.
● Minsan nang nahuli sa klase dahil bumiyahe pa mula dormitoryo papuntang unibersidad.
● Minsan nang nag-alala ang magulang dahil ginabi ng uwi sa dormitoryo sa kadahilanang
walang masakyan

PAGE 3 (Sikolohikal na Epekto ng Dormitoryo sa mga Mag-aaral)


Panuto: Piliin ang numerong umaakma sa antas ng iyong pagsang-ayon sa mga sitwasyon o
karanasang ibinigay.
1 - Lubos na hindi sumasang-ayon
2 - Hindi sumasang-ayon
3 - Sumasang-ayon
4 - Lubos na sumasang-ayon
a. Pagkaulila
Madalas akong umuwi sa aking pamilya dahil ako ay madalas nakakaranas ng
pagkaulila.
Walang araw na hindi ako tumawag, sumulat, o nagtext sa aking pamilya.
Mas mahaba pa ang aking pananatili sa aming tahanan kaysa sa aking dormitoryo.
Minsan ay naisip kong huwag na tumira sa dormitoryo dahil hindi ko kayang maging
malayo sa aking pamilya.

b. Pagkabalisa o Anxiety
Nakakaranas ako ng pagkabalisa tuwing ako ay naiiwang mag-isa sa dormitoryo.
Madalas akong makaranas ng pagkairita o pagka-init ng ulo dahil sa dami ng isipin sa
loob at labas ng eskwela.
Hirap akong makontrol ang aking isipan dahil hirap akong balansehin ang eskwela at
ang buhay dormitoryo.
Nababawasan ang aking pagkabalisa dahil ako may kausap o kasundo sa dormitoryo o
sa komunidad.
Mayroon pa rin akong oras para maglibang o gawin ang mga bagay na mayroon akong
interes kahit ako ay malayo sa aking nakasanayang lugar.

c. Kalusugan
Hirap akong makatulog nang maayos dahil hindi ako kumportable sa aking tinutulugan
o tinutuluyan.
Higit limang oras ang aking tulog araw-araw.
Kumakain pa rin ako ng masusustansyang pagkain kahit ako ay malayo sa aking
pamilya.
Parati akong nasa tamang oras kumain tuwing ako ay nasa dormitoryo.
Kumpleto ang aking mga gamot at first aid kit sa dormitoryo, nang sa gayon ay
magagamot ko ang aking sarili o maagapan ko agad ang aking sakit bago ito lumala
pa.
Tinitipid ko ang aking sarili madalas kaya’t ako at isa o dalawang beses lang kumain
sa isang araw.

d. Istres
Nakakaranas ako ng istres dahil hindi ako kumportable sa aking tinutuluyang
dormitoryo.
Nakakaranas ako ng istres dahil hindi ko kasundo ang aking mga kasama sa
dormitoryo o kung sino man ang nasa komunidad.
Nakakaranas ako ng istres dahil sa mga tuntunin at regulasyon sa aking domitoryong
tinutuluyan.
Dumadagdag sa aking isipin ang ibang responsibilidad sa dormitoryo na hindi ko
naman responsibilidad kaya ako nakakaranas ng istres.
Nakakaranas ako ng pagkawalang gana sa pagkain dahil sa istres na aking
nararanasan.
Nakakaranas ako ng istres sa pamamahala ng aking sarili pera o allowance.

Salik na nakakaapekto sa kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral na nakatira sa


dormitoryo

Panuto: Piliin ang numerong umaakma sa iyong karanasan o saloobin sa bawat pahayag.
Gawing batayan sa pagsasagot ang mga sumusunod:
1- Lubos na Hindi Sumasang-ayon
2- Hindi Sumasang-ayon
3 - Sumasang-ayon
4 - Lubos na Sumasang-ayon

a. Pakikisama
Madali para sa akin makipag-usap at makihalubilo sa ibang mga residente ng
dormitoryo.
Kahit iba’t iba ang pinagmulan, kultura, paniniwala, at personalidad ng aking mga
kasamahan sa dormitoryo, sila ay tanggap ko at komportable akong makisalamuha sa
kanila.
Iginagalang ng ibang mga residente ang aking personal space at karapatan sa loob ng
dormitoryo.
Aktibo akong nakikilahok sa mga sosyal na aktibidad at pagtitipon na pinaplano ng mga
ibang mag-aaral sa loob ng dormitoryo.
Tumutulong ako sa aking mga kasamahan sa mga pangangailangang may kaugnayan
sa dormitoryo.
a. Ingay
Nakakaistorbo ang ingay sa dormitoryo kapag gumagawa ako ng mga proyekto o kapag
nag-aaral sa aking silid, kaya nahihirapan akong mag-focus sa aking ginagawa.
Dahil sa ingay, nahihirapan akong makatulog nang mahimbing tuwing gabi.
Madalas akong nakakaranas ng stress, pagkabalisa at init ng ulo dahil sa patuloy na
ingay ng aking mga kasama sa kwarto.
Nahihirapan akong pangasiwaan ang ingay na dulot ng mga bisita sa dormitoryo
Nagiging iritable at madaling mainis ako dahil sa ingay sa dormitoryo.

b. Kalinisan
Naaapektuhan ang aking kalusugang pisikal at pangkaisipan dahil sa maruming
kapaligiran sa dormitoryo.
Nahihirapan akong tumira sa dormitoryo dahil sa kalat ng aking mga kasamahan.
Nag-aalala ako na makakuha ng malubhang sakit dahil sa dumi at kontaminasyon sa
mga pasilidad ng dormitoryo.
Nakakaranas ako ng pagkabalisa at pagka-stress dahil sa kakulangan ng aking
espasyo.
Naiistorbo ang aking pagtulog dahil sa marurumi at hindi kaaya ayang amoy na mga
kagamitan ng mga kasama sa kwarto.

c. Kaligtasan
May tiwala ako sa seguridad na ibinibigay ng mga tauhan at pasilidad ng dormitoryo.
Panatag ang aking loob na ligtas ang aking mga personal na gamit sa loob ng
dormitoryo.
Wala akong nararanasang banta o panganib sa aking kaligtasan habang nasa loob ng
dormitoryo.
May sapat na kaalaman ako tungkol sa mga pamamaraan ng pagtugon sa emergency
sa dormitoryo.
May tiwala ako sa mga kasamahan ko sa dormitoryo, kaugnay sa aking personal na
space at mga kagamitan.

d. Financial Management
Nalilimitahan ang paggastos ko sa para sa aking sarili o wants na nagbibigay kasiyahan
sa akin dahil sa mga bayarin sa universidad at dormintoryo.
Nahihirapan akong pamahalaan nang epektibo ang aking badyet habang nakatira sa
dormitoryo.
Kailangan kong magtipid sa ibang aspeto ng aking buhay upang matugunan ang mga
bayarin sa dormitoryo.
Nakakaramdam ako ng pagkabalisa o stress dahil sa mga alalahanin sa pinansyal
habang nakatira sa dormitoryo.
Nakakahanap ako ng mga paraan o rekurso upang makatulong sa aking pagbabayad ng
mga gastusin sa dormitoryo.
Dagdag sa aking problemang pinansyal ang mga bayarin sa unibersidad at ang mga
bayarin sa dormitoryo.
● Epekto ng paninirahan sa dormitoryo sa academic performance o pag-aaral ng mga
mag-aaral

Lubhang naapektuhan ang aking kalusugang pangkaisipan dahil sa takot na


maramdaman ang loneliness at anxiety tuwing naiiwan akong mag - isa sa dormitoryo
kung kaya’t naiipon ang mga takdang aralin na naguudyok sa cramming.
Sa paninirahan ko sa dormitoryo, mas nagkaroon ako ng access sa mga iba’t ibang
akademikong rekurso ( libraries, study groups, etc. ).
Ang paggawa ng mga responsibilidad sa dormitoryo (e.g. paghuhugas ng pinggan,
paglalaba, paglilinis, pagluluto, atbp.) ay malaking hadlang sa aking pag-aaral, na
nagdudulot ng pagkabalisa at stress dahil nawawalan ako ng oras para gawin ang mga
patong-patong na takdang aralin.
Mas napapamahalaan ko ng ayos ang aking oras sa pag-aaral dahil sa pagtira ko sa
dormitoryo.
Mas nagkaroon ako ng oras upang makisalamuha sa aking mga kapwa mag-aaral na
nag-bunga ng positibong impuwensya upang umayos ang aking academic performance.

You might also like