Sports Column

You might also like

Download as rtf, pdf, or txt
Download as rtf, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Pagsayaw sa Araw-araw

Kapag naririnig ko ang salitang 'intramurals,' agad na napasok sa isipan ko ang mga pagsasaya at
paglalaro ng isports na basketball, volleyball, badminton at saka iba pang mga larong pampalakasan.
Kinalakihan ko ang ganitong pag-iisip na ang intramurals ay isang ganap ng paaralan kung saan malaya
kang maglaro kung nang hindi inaalala ang mga gawaing pampaaralan. Lumaki rin ako nang hindi iniisip
kung ano ang layunin o kung para saan ito.

Saka ko lang napagtanto na ang ganap na ito para sa kalusugan natin at para din palawakin ang pag-iisip
natin tungkol sa mga gawaing pampalakasan. Ngunit bakit parang may kulang?

Kung babalikan ko ang mga inaral ko mula pa noong nasa elementarya ako, makikita ko na ang mga
paggalaw natin ay isa na ring elemento nito. Ito ay ang pagsayaw. Ngayon, nasaan ang pagsayaw?

Sa Olympic Games, nandoon ang mga kategorya na katulad ng arnis at sepak takraw na masasabi nating
tradisyonal at makaluma. Doon mo rin makikita ang kompetisyong Dance Sports kung saan nagtatagisan
ang mga kalahok sa paghataw sa entablado. Ito ay isa sa mga pangunahing isports na makikitaan natin ng
pagsayaw.

Ngunit tama ba na isama ito sa mga isports na maaaring paglabanan sa intramurals?

May mga taong nagsasabing oo dahil ito ay isang uri din ng isports na makakatulong sa atin, ngunit
mayroon din namang hindi dahil sa ang Dance sports ay hindi raw nababagay sa na isama sa mga larong
pampalakasan na ginagamitan ng pwersa. Hindi rin naman ito ginagamitan ng malalim na pag-iisip gaya
ng "chess."

Ngunit para sa akin, mahalaga na isulong ng mga paaralan ang pagdadagdag ng dance sports bilang isa sa
mga sports sa intramurals. Ang pagsayaw ay isa sa mga aktibidad na ginagawa ko gaya ng ibang tao mula
pa noong bata pa. Ito ay masasabi ko na natural na ehersisyo noon pa man sapagkat ito ay alam ko na
bago pa ituro sa akin.

Madali ang sumayaw, ngunit hindi madali ang maging bihasa rito. Ang pagsasayaw na ito ay
nangangailangan ng matinding pokus, sapat na ensayo, tamang pangangatawan, at higit sa lahat, talento.

Hindi lang din ito basta pagsayaw sapagkat dito mo rin makikilala ang mga iba't ibang uri ng sayaw
kagaya ng waltz, cha-cha, paso doble, quick step, at iba pa na magdudulot sa atin ng iba't ibang uri ng
saya at hilig sa pagsayaw.

Kagaya ng sabi ng ibang tao, ang sayaw ay isang paraan ng pakikipag-ugnayan ng mga tao.

You might also like