Yanna Marie

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KABANATA - 34

Ang Pananghalian

1. Ang ipinahihiwatig nito sa ating tradisyon at kultura ay ang


pag kakaisa.
Ang pananghalian ay dinaraos natin ng may kasama o
magkakasama. Ang pagsasama-sama ay ang pinaka importanteng bagay
sa ating lahat dahil naipapakita rito ang pagkakasundo ng bawat isa at
pagmamahalan. Naging tradisyon na ng mga pilipino ang sama samang
pagkain sa hapag, kaya naman ito ay ating pinahahalagahan hanggang
sa ngayon.
2. Nag simula ito sa pag dating ng pari sa bahay ni Kapitan
Tiyago. Binati sya ng lahat maliban sa binata, habang hinahanda ang
kanyang serbesa ay kanya na ring pinatutsadahan ang binata. Tahimik na
nakikinig lamang si Ibarra. Nanadya naman ang pari at inungklat sa pag
uusap na pag kamatay ng tatay ni Ibarra. Hindi na nakapag pigil ang
binata at muntik na niyang saksakin si Padre Damaso. Pinigilan sya ni
Maria Clara kaya naman umalis nalang si Ibarra.

KABANATA - 35
Mga Usap-Usapan

1. Pinaguusapan nila ang pangyayari na nangyari sa


pananghalian maraming pumanig sa prayle, kung nag timpi lamang daw si
Ibarra ay hindi iyon mangyayari. Si Kapitan Martin lamang ang umunawa
kay Ibarra dahil alam nya ang pakiramdam ng lapastanganin. Naghihintay
lamang daw si Ibarra na tulungan sya ng nasasakupan dahil sa mga
nagawa ng ama. Mayroong mga taong pumanig sa prayle sa takot na
mapunta sa impyerno. Ngunit mayroon parin namang pumanig sa binata
dahil sa mga nagawa ng kanyang ama.
2. May kumalat na balita na baka hindi matuloy ang pag
papagawa ng simbahan. Dahil narin sa alitan ng prayle at ng binata. Tila
sinabihan daw ng prayle si Ibarra na isang pilibustero. Hindi alam ng tao
kung ano ang ibigsabihin ng pilibustero. Ang pilibustero ay ang isang
taong pumunta sa ibang bansa at nagsimula ng himagsikan doon.
KABANATA - 36
Ang unang suliranin

1. Isa sa kanyang suliranin ay ang pinagbawalan syang makipag kita sa


binata ng kanyang ama. Ipinagutos naman ng mga prayle na hindi na sya
ipag iisang dibdib kay Ibarra. Lubos ang pag luluksa ni Maria sa mga
nangyayari. Ipagbawal din ng mga prayle na papuntahin sa kanilang
tahanan ang binata. Sinabi pa ng kanyang ama na may inilaan sakanyang
binata si Padre Damaso galing pa sa Europa.
2. Inimungkahi ng kanyang tiya na sya ay sumulat sa Papa nya at mag
bigay ng malaking halaga makausap lamang ang kanyang minamahal.
habang ang kanyang ama naman na si Kapitan Tiyago ay sinabing inilaan
daw si Maria sa ibang binata ngunit mas lalo pang nagdalamhati si Maria
dahil si Ibarra lamang ang kanyang iniibig.

KABANATA - 37
Ang Kapitan Heneral

1. Si Kapitan Henaral ay ang pinaka makapangyarihan na


opisyal na kinatawan ng Hari ng Espanya sa Pilipinas. Sya rin ang
tumulong kay Ibarra upang maalis sya sa pag ka ekskomudikado. Sa
kabanatang ito ay pinanigan nya si Ibarra sa pagkaka-away ni Padre
Damaso at Ibarra dahil hanga sya kay Ibarra dahil kahit na alam nyang
hindi sya papanigan ng mga tao ay ipinagtanggol nya pa rin ang kanyang
amang yumao.
2. Sapagkat na pahanga sya nito sa angkin katalinuhan ng
binatang si Ibarra. Bukod pa rito ay ang mabuting ugali ng Kapitan
Heneral kaya sya ay pumanig sa binata. Humanga sya kay Ibarra dahil
ipinag tanggol nya ang kanyang nayumaong ama. Sya ay humanga rin sa
angking katalinuhan ni Crisostomo na kanyang ikinatuwa dahil bihira
lamang ang ganon sa panahon noon.

You might also like