Professional Documents
Culture Documents
2022-2023 2Q TQ Fil. 10
2022-2023 2Q TQ Fil. 10
2022-2023 2Q TQ Fil. 10
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Lapu-Lapu City
Basahing mabuti ang mga sumususunod na katanungan. Piliin ang tamang sagot sa bawat bilang.
1. Kung ang sanaysay ay matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa, ano naman
ang tawag sa kabuuan ng mga kaisipan nais ipahayag ng isang mananalumpati sa harap ng publiko?
A. Editoryal B. Lathalain C. Pitak D. Talumpati
2. Ang paksa ang siyang layon ng pangungusap. Ito ay nasa pokus sa____________.
A. tagaganap B. layon C. pinaglalaanan D. sanhi
3. Ang __________ ay isang uri ng akdang tuluyan na nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng mga diyos
at diyosa, bathala at mga anito, sa pagkakalikha ng mundo at ng kalawakan.
A. Alamat B. Epiko C. Kuwentong Bayan D. Mitolohiya
4. Ang maikling kuwentong “Aginaldo ng mga Mago” ay orihinal na akda ni _______ na isinalin sa
Filipino ni Rufino Alejandro.
A. Dan Brown B. Alejandro Abadilla C. O. Henry D. Elizabeth Browning
5. Ano ang nagging dahilan sa kamatayan ni Romeo?
A. sinsaksak siya ni Tybalt B. uminom siya ng lason
C. tinamaan siya ng pana sa digmaan D. nagkasakit dala ng matinding gutom
6. Ano ang ginawang paraan ng mag asawang Della at Jim upang mabigyan ng regalo ang isa’t isa?
A. Isinanla nila ang kanilang mga alahas B. Ipinagbili ni Della ang kaniyang buhok
C. Ipinagbili ni Jim ang kaniyang gintong relo D. B at C
7. Isang akdang tuluyan na maraming tauhan at pangyayaring totoo o likhamg isip lamang.
A. Dula B. Nobela C. Maikling Kuwento D. Alamat
8. Isang sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaring tumatalakay sa anumang isyu sa
kapaligiran. Isang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa.
A. Editoryal B. Talumpati C. Sanaysay D. Talambuhay
9. Siya ang diyos ng kulog at kidlat at pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir.
A. Loki B. Odin C. Skrymir D. Thor
10.Tuwing maririnig ni Thor ang ungol ng higante ay mag-iinit ang kanyang ulo at pinupukpok niya ng
maso ang higante. Si Thor ay nagpapakita ng__
A. pagkamaawain B. pagkamahiyain C. pagkamainipin D. pagkamainitin ang ulo
11. Ano ang ginawa ni Thor bilang kabayaran sa hindi pagsunod ng pamilyan ng magsasaka sa kanya?
A. ginawang alipin at isinama sa paglalakbay
B. ginawang kambing sina Thjalfi at Rovska
C. pinakaladkad sila ng kanyang mga kambing
D. pinukpok ng maso ang dalawang anak ng magsasaka
12. Sila ang mga tauhan sa dulang sinulat ni William Shakespeare na naglalarawan sa walang kamatayang
pag-ibig na humantong saisang trahedya.
A. Samson at Delilah C. Florante at Laura
B. Romeo at Juliet D. Thor at Loki
13 Bakit hindi maaring magmahalan sina Romeo at Juliet?
A. magkaaway ang kanilang angkan
B. pakakasal na si Juliet kay Paris
C. labag sa kultura ng mga Capulet na mapakasal sa isang Montague
D. wala sa nabanggit
14. Binawian ng buhay ang aking kapitbahay. Ang ibig sabihin ng binawian ng buhay ay____
A. inalisan ng kabuhayan B. naglakbay C. namatay D. walang karapatan
15. Ito ay elemento ng mitolohiya na tumatalakay tungkol sa paniniwalang panrelihiyon.
A. banghay B. tagpuan C. tauhan D. tema
16. Ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong.
A. Larawang- diwa B. Saknong C.Sukat D. Tugma
17. Ang pare-pareho o halos magkakasintunog na dulumpantig ng bawat taludtod ng tula.
A. Larawang- diwa B. Saknong C.Simbolismo D. Tugma
18. Mga pahayag na karaniwang hango mula sa karanasan ng tao, mga pangyayari sa buhay at sa paligid
subalit nababalutan nang higit na malalim na kahulugan.
A. Idyoma B. Pagtutulad C. Pagsasatao D. Idyoma
Para sa Bilang 19 at 21
Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.