LAS 4 and 5 (FILIPINO 7, QUARTER 4)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

PANGALAN: ____________________________

Grado at Seksyon: ________________________

Ibong Adarna: Ang Bunga ng Inggit


Saknong 232- 317
Manunulat: Mellanie M. Bawa

LAS 4(FILIPINO 7)
Quarter 4

PANUTO: Magtala ng mga salitang maiuugnay sa salitang kapatid, isulat ito sa


loob ng bilog.

Ang Bunga ng Inggit


( Saknong 232- 317 )

Nagtagumpay si Don Juan sa paghuli sa ibong Adarna. Nang kanyang mahuli ay dinala
ito sa ermitanyo.Iniutos ng ermitanyo na punuin ng tubig ang banga at ibuhos sa mga kapatid
niya na naging bato. Nang manauli ang pagiging tao ng magkapatid, sila’y nagyakap.Pinaghanda
sila ng pagkain ng ermitanyo sa tagumpay na kanyang nakamit. Pagkatapos kumain, sila ay
binendisyunan upang makarating na sa amang naghihintay sa kanila.
Naging masaya sana ang tatlong magkakapatid, kaya lang ay pinag-isipan ng masama si
Don Juan ng kanyang dalawang nakatatandang kapatid. Ayaw sanang pumayag ni Don Diego
pero dahil sa takot kay Don Pedro ay napasunod na rin siya.Inggit ang dahilan kung bakit
binugbog si Don Juan.
Nang makarating na sa kaharian ang dalawa, ibinigay na ang ibon.Pinaawit subalit
ayaw,sa halip ay ipinakita ang kanyang pangit na anyo.Nais naman ng ibon na makatulong kaya
lang ay hihintayin niya si Don Juan.
Ang sinumang makakikita kay Don Juan ay tiyak na maaawa sa labis na pasang tinamo
ng kanyang katawan. Hindi siya nakalimot tumawag sa Poong Maykapal.Hindi niya maubos-
maisip kung bakit siya’y pinagtaksilan ng kanyang mga kapatid.Dumating ang isang matanda,
siya ay tinulungan at pinagpala. Nagpasalamat siya sa pagtulong na ginawa sa kanya.Naitanong
niya kung paano siya makakabayad. Nawika ng matanda na ang pagtulong ay may layon, hindi
nangangailangan ng kabayaran.
GAWAIN 1
PANUTO: Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa iyong pag-unawa sa binasang
buod.Isulat ang nawawalang letra sa kahon.

1. Ano ang naisipang gawin ni Don Pedro upang makaligtas sa kahihiyang dala ng
pagbabalik sa Berbanya nang talunan, laban kay Don Juan?
___________________________________________________________________________
2. Bakit hindi agad pumayag si Don Diego sa balak o plano ni Don Pedro?
___________________________________________________________________________
3. Ano ang ibinunga ng pagkainggit nina Don Diego at Don Pedro kay Don Juan?
___________________________________________________________________________
4. Kung ikaw si Don Juan, mapapatawad mo ba ang iyong mga kapatid sa pagtataksil at pananakit na
ginawa sa iyo?
___________________________________________________________________________

5. Kanino tumawag si Don Juan sa kaawa-awa niyang kalagayan?


___________________________________________________________________________

PANUTO: Sa pamamagitan ng story map, ibigay ang hinihingi ng sumusunod.


GAWAIN 2
PANUTO: Hanapin sa IBABA, ang tamang salita upang mabuo ang pahayag.

A. Diyos B. Don Pedro C. inggit


D.umawit E. makauuwi F. kumain

1. Nagtaka si Haring Fernando sa dala-dalang Ibong Adarna ng magkapatid, dahil ayaw nitong
_______________.
2. Umaasa ang Ibong Adarna na si Don Juan ay _______________.
3. Sa kawalan ng pag-asa, ipinaubaya na ni Don Juan ang sarili sa _______________.
4. Sa tatlong magkakapatid, ang nagbalak ng masama ay si _______________.
5. Nagawa nilang bugbugin at iwan sa gubat ang kanilang bunsong kapatid dahil sa
_______________.

GAWAIN 3
PANUTO: Suriin ang mga pahayag, lagyan ng malungkot na mukha ( ) ang kahon
kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng suliraning panlipunan na tinalakay sa
akda at masayang mukha ( ) kung hindi.

1. Ang paggawa ng masama, upang mapagtakpan ang kahihiyan.


2. Pagiging sunod-sunuran sa iba, kahit na masama ang iniuutos.
3. Paggamit ng dahas o pagiging bayolente sa kapwa.
4. Labis na paghahangad ng kapangyarihan o salapi.
5. Ang pagiging traidor, kapag ang kalaban ay mahina.
PANGALAN: ____________________________
Grado at Seksyon: ________________________

Ibong Adarna: Ang Awit ng Ibong Adarna (Saknong 318-399)

LAS 5(FILIPINO 7)
Quarter 4
Basahin at unawain:
Ang Awit ng Ibong Adarna
(Saknong 318-399)
Ang sinumang makakikita kay Don Juan ay tiyak na maawa sa labis na pasang tinamo
ng kanyang katawan. Hindi siya nakalimot na tumawag sa Poong Maykapal at kung siya’y
mamamatay huwag kalimutang siya’y dalhin. Hindi niya lubos maisip kung bakit siya ay
pinagtaksilan ng kanyang mga kapatid. Sa darating na isang matanda, siya ay tinulungan at
pinagpala. Nagpasalamat siya sa pagtulong na ginawa sa kanya. Naitanong niya kung paano siya
makababayad. Nagwika ang matanda na, “Ang pagtulong ay may layon, hindi nangangailangan ng
kabayaran.”
Halos lumipad tulad ng ibon si Don Juan upang marating agad ang kaharian dahil
ninanais na maabutan ang amang buhay. Nang makita ng ibon si Don Juan, buong pusong
isinalaysay sa hari ang masamang ginawa ng magkapatid. Ilang beses nagpapalit-palit ng balahibo
ang ibon habang ito’y nagsasalaysay. Sinabi pa nito na may tumulong na matanda upang
tulungang magkaroon ng buhay muli ang magkapatid. Kinausap sila ng matanda na sana’y
walang maglililo sa kanila, subalit dahil naiinggit sila kay Don Juan nangyari ang di dapat
mangyari. Kanilang pinagkaisahang patayin si Don Juan, sapagkat nahihiya sila na ang
pinakabata pa ang nakahuli ng ibong makapagpapagaling sa ama.
Nang malaman ito nang ama, inutusan na ipatapon at bawian ng lahat ng karapatan
upang ‘di pamarisan ng kahit na sino. Ngunit, lumuha si Don Juan na nakikiusap sa amang hari
na kaawaan at patawarin ang kanyang mga kapatid. Wala namang nangyari raw sa kanya, sila
raw ay dapat magsama-sama. Kahit galit ay nabagbag na rin ang puso.
(Halaw mula sa Obra Maestra I pahina 104,115-16 at 127 / Larawan mula sa google)

PAGSASANAY 1 TALASALITAAN

PANUTO: Bilugan sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng mga salitang may


salungguhit sa sumusunod na parirala.

1. sukat na ikalumbay

2. kabiguan ang tinamo

3. kapatid na naglilo

4. pinagtulungang umugin

5. kanyang natalos
PAGSASANAY 2- PAGSUSURI SA PILING SAKNONG
PANUTO: Hanapin sa Hanay B ang mensaheng nais ipahiwatig ng piling saknong na nasa Hanay A.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
Hanay A Hanay B
____1.
“Huwag tayong mamantugan
Sa ugaling di mainam
Na kaya kung dumaramay
Ay nang upang madamayan.”

____2.
“Pagkat ipaglihim nama’y
Mabubunyag din ang tunay
Ang Adarna’y kay Don Juan
Ang sa ati’y kabiguan.”

____3.
“Utang ko sa inyong habag
ang buhay kong di nautas,
ano kaya ang marapat
iganti ng abang palad?”

____4.
“Sa apoy ng kainggitan nitong
Anak mong panganay,
Nagbuko ng kataksilan
Na patayin si Don Juan.”

Pagsasanay 3
Gumamit si Don Juan ng mga pananggalang upang mapaglabanan ang antok
na dulot ng awit ng Ibong Adarna. Ikaw, ano-ano ang ginagamit mong pananggalang upang
mapaglabanan ang mga tukso tulad ng masamang bisyo, impluwensiya ng barkada,
pagbubulakbol at iba pang nakasisira sa iyong pag-aaral at kinabukasan.

PANUTO: Isulat ang mga “pananggalang” mo sa bawat espayo. Bigyan ng maikling


paliwanag ang bawat isa. Pwedeng gumamit ng ekstrang papel.

Rubriks
5- Nakapagbigay ng apat na pananggalan at naipaliwanag ang mga ito.
4- Nakapagbigay ng tatlong pananggalan at naipaliwanag ang mga ito.
3- Nakapagbigay ng dalawang pananggalan at naipaliwanag ang mga ito.
2- Nakapagbigay ng apat na pananggalan ngunit hindi naipaliwanag ang mga ito.
1- Hindi kumpleto at hindi naipaliwanag

You might also like