Lesson Plan For COT

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
BAUNGON NATIONAL HIGH SCHOOL
Baungon, Bukidnon

Mala-masusing Banghay Aralin sa Filipino 8

Date: March 14, 2024 Section: 8- Mendel Time: 1:50-2:40 PM

Pamantayang Pangnilalaman: Nasusuri ang iba’t ibang uri ng tayutay ayon sa


gamit nito.

Pamantayang pangganap: Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling pangungusap


gamit ang mga iba't ibang uri ng Tayutay.

Kasanayan sa Pagkatuto:
Naibibigay ang kahulugan at mga uri ng tayutay. (F10PT-IIc-d-70);
Natutukoy ang mga uri ng tayutay na ginamit sa tulang nabasa. (F10PB-IIc-d-72);
Nakabubuo ng sariling pangungusap gamit ang mga uri ng tayutay. (F10PU-IIc-d-
72)

I. Layunin: Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Naibibigay ang kahulugan ng tayutay gayundin ang mga uri nito.
b. Nakikilala ang mga tayutay na makikita sa tulang binasa.
c. Nagagamit ang mga tayutay sa pagsulat ng pangungusap.

II. Paksa: Mga Pangunahing Uri ng Tayutay


III. Mga batayan at Kagamitan sa Pagtuturo
A. Paksa
Mga Pangunahing Uri ng Tayutay
B. Sanggunian
PLUMA 8 Wika at Panitikan nina Ailene G. Baisa, Mary Grace G. del
Rosario, at Nestor S. Lontoc pahina 220-228
C. Nakalaang Oras
45 minuto
D. Kagamitan/Materyales:
Bondpaper
Pentelpen
Pictures
Slide Show Presentation
E. Mga Estratehiya sa Pagtuturo
Cooperative Learning
Socratic Method
IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagtala sa mga lumiban
 Classroom Management

B. Gawain sa pag-unlad/ Developmental Activities


 Pagbabalik-aral: Ano ang mahalagang kaisipan na inyong
natutunan mula sa ating nakaraang talakayan?
 P.D.K (Pagkuha sa dating kaalaman)
Nakabasa ka na ba ng isang tula o nakaranas ka na bang
sumulat ng tula?
 Pagganyak
Pagbubuo ng salitang T.A.Y.U.T.A.Y sa pamamagitan ng
pagsagot sa bawat tanong.

C. Pagtatalakay
1. ENGAGE (Discussion – Slideshow Presentation)
 Pahintulutan ang mga mag-aaral na makinig at makilahok sa
talakayan.
 Pagbuo ng sariling halimbawa ng tayutay gamit ang mga larawan.

2. EXPLORE (Pangkatang Gawain/ Collaborative Activity)


 Pangkatang Gawain: Magbibigay ang guro ng 20 tayutay sa
bawat pangkat. Sa loob ng limang minuto, magtutulungan
ang mga mag-aaral sa paghanap at pagtukoy sa mga
tayutay na nakatalaga sa kanilang pangkat.
Pangkat 1- Pagtutulad o Simili
Pangkat 2- Pagwawangis o Metapora
Pangkat 3- Pagsasatao o Personipikasyon
Pangkat 4- Pagmamalabis

3. EXPLAIN
 Susuriin ng mga mag-aaral ang mga tayutay na makikita sa
linya ng tula. Tutukuyin at ipapaliwanag nila kung ano’ng uri
ng tayutay ang makikita sa tula.

4. ELABORATE
 Para sa iyo ano ang gamit ng mga tayutay? Saan natin ito
kadalasang mababasa o makikita?

V. Paglalagom
 Ano- ano ang mga uri ng tayutay na ating tinalakay?
VI. Pagtataya
 Magbigay ng sariling halimbawa sa bawat uri ng tayutay.
2- Pagtutulad o Simili
2- Pagwawangis o Metapora
2- Pagsasatao o Personipikasyon
2- Pagmamalabis

VII. Kasunduan (Karagdagang gawain)


 Magsaliksik ng mga tulang may tayutay kopyahin ito sa isang
buong papel at salungguhitan ang mga tayutay na makikita
sa mga saknong ng tula.

Prepared by:

CYRENZ JEAN M. PANTONIAL


Teacher I

Checked and observed by:

REAH B. RUITA
Master Teacher I

Approved by:

NANETTE D. SORIANO, PhD


Secondary School Principal II

You might also like