Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Bayan Ko My Country Pag-ibig

by José Corazón de Jesús Teodoro Gener


Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak Umiibig ako, at ang iniibig
Pag-ibig na sa kanyang palad ay hindi ang dilag na kaakit-akit
Nag-alay ng ganda't dilag. pagka’t kung talagang ganda lang ang
nais,
At sa kanyang yumi at ganda hindi ba’t nariyan ang nunungong
Dayuhan ay nahalina langit?
Bayan ko, binihag ka Lumiliyag ako, at ang nililiyag
Nasadlak sa dusa. ay hindi ang yamang pagkarilag-rilag
pagka’t kundi totoong perlas lang ang
Ibon mang may layang lumipad hangad
kulungin mo at umiiyak di ba’t masisisid ang pusod ng dagat?
Bayan pa kayang sakdal dilag Umiibig ako’t sumisintang tunay,
Ang di magnasang makaalpas! di sa ganda’t hindi sa ginto ni yaman…
Ako’y umiibig, sapagkat may buhay
Pilipinas kong minumutya na di nagtitikim ng kaligayahan…
Pugad ng luha ko't dalita Ang kaligayahan ay wala sa langit
Aking adhika, wala rin sa dagat ng hiwang tubig…
Makita kang sakdal laya. ang kaligayaha’y nasa iyong dibdib
Elemento ng Dula
1. Iskrip o nakasulat na dula/Banghay (Plot)

ito ang pinakakaluluwa ng isang dula;lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang
iskrip; walang dulakapag walang iskrip. Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula. Ito ay ang
pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at sitwasyon sa pamamagitan ng mgakarakter (aktor) na
gumagalaw sa tanghalan.

2. Gumaganap o aktor/ Karakter


ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay samga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng
dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula ng mga
kumikilos atnagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang
bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula.

3. Dayalogo
ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakitaat maipadama ang mga
emosyon. Nagiging mas maganda at makapangyarihan angdula kung may mga malalakas at nakatatagos
na mga linyang binibitiwan ng mgaaktor.

4. Tanghalan
anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula aytinatawag na tanghalan; tanghalan
ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isangdula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga
mag-aaral sa kanilang klase.

5. Tagadirehe o direktor
ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya angnag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya
sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mgatauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga
tauhan ay dumidipendesa interpretasyon ng direktor sa iskrip

6. Manonood
hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindiito napanood ng ibang tao; hindi
ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng
dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o
makanood.

7. TEMA
ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood ang palabas base na rin sa tulong ng
pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon at pagkakasunud-sunod ngmga pangyayari at pag-aarte ng mga aktor
sa tanghalan. Naililitaw ang tunay naemosyon ng mga aktor sa tulong ng paglinaw ng tema ng dula.

Anu-ano ang mga bahagi ng banghay?


Para maipakita ang mga elemento ng banghay, gagamitin namin ang Alamat ng Ampalaya.
Panimulang Pangyayari
Dito pinapakilala ang mga tauhan at tagpuan ng isang kwento.
“Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang kagandahang
taglay.

Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis, si Luya na may anghang, si
Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may
kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas na ma manipis na balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-akit.”
Pataas na Aksyon
Dito pinapakita ang pagtindi o pagtaas ng kilos o galaw ng mga tauhan na maaaring humantong sa
sukdulan. Ito ay nahahati sa dalawang bahagi, saglit na kasiglahan at tunggalian, kung saan mayroong
suliranin na lulutasin ang isang tauhan.
“Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may maputlang maputlang
kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.

Araw araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyan itsura at lasa sa kapwa niya gulay, at
dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa niyang mga gulay.”
Kasukdulan
Pinapakita sa bahaging ito ang mataas na bahagi ng kapanabikan na maaaring dulot ng damdamin o
pangyayaring maaksyon sa buhay ng tauhan.
“Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga gulay at kanyang
isinuot.

Tuwang tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay pinagkakaguluhan. Ngunit
walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon tipon ang mga gulay na kanyang ninakawan.”
Pababang Aksyon
Sa bahaging ito makikita ang paunti-unting paglilinaw ng mga pangyayari. Ito ang hudyat nang pagbaba
ng aksyon na nagbibigay-daan sa nalalapit na pagtatapos ng kwento.
“Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at laking gulat nila ng makita nilang
hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang taglay, nanlaki ang kanilang mga mata ng tumambad sa
kanila si Ampalaya.

Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain, isinumbong nila ang ginawang
pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit ang diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha sa mga
kapwa niya gulay.”
Wakas at Katapusan
Nakalahad dito ang kahihinatnan ng mga tauhan batay sa mga pangyayaring naganap.
“Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa ginawa niyang kasalanan.
Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag iba ang kanyang anyo.

Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay nag-away sa loob ng
kanyang katawan maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay ay naghatid ng di magandang panlasa sa
kanya at pait ang idinulot nito, at ang kanyang kulay ay naging madilim.”

You might also like