Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ibong Adarna: Ang Awit ng Ibong Adarna (Saknong 318-399)

LAS 5(FILIPINO 7)
Quarter 4
Basahin at unawain:
Ang Awit ng Ibong Adarna
(Saknong 318-399)
Ang sinumang makakikita kay Don Juan ay tiyak na maawa sa
labis na pasang tinamo ng kanyang katawan. Hindi siya nakalimot na
tumawag sa Poong Maykapal at kung siya’y mamamatay huwag
kalimutang siya’y dalhin. Hindi niya lubos maisip kung bakit siya ay
pinagtaksilan ng kanyang mga kapatid. Sa darating na isang matanda,
siya ay tinulungan at pinagpala. Nagpasalamat siya sa pagtulong na
ginawa sa kanya. Naitanong niya kung paano siya makababayad.
Nagwika ang matanda na, “Ang pagtulong ay may layon, hindi
nangangailangan ng kabayaran.”
Halos lumipad tulad ng ibon si Don Juan upang marating agad
ang kaharian dahil ninanais na maabutan ang amang buhay. Nang
makita ng ibon si Don Juan, buong pusong isinalaysay sa hari ang
masamang ginawa ng magkapatid. Ilang beses nagpapalit-palit ng
balahibo ang ibon habang ito’y nagsasalaysay. Sinabi pa nito na may
tumulong na matanda upang tulungang magkaroon ng buhay muli ang
magkapatid. Kinausap sila ng matanda na sana’y walang maglililo sa
kanila, subalit dahil naiinggit sila kay Don Juan nangyari ang di dapat
mangyari. Kanilang pinagkaisahang patayin si Don Juan, sapagkat
nahihiya sila na ang pinakabata pa ang nakahuli ng ibong
makapagpapagaling sa ama.
Nang malaman ito nang ama, inutusan na ipatapon at bawian
ng lahat ng karapatan upang ‘di pamarisan ng kahit na sino. Ngunit,
lumuha si Don Juan na nakikiusap sa amang hari na kaawaan at
patawarin ang kanyang mga kapatid. Wala namang nangyari raw sa
kanya, sila raw ay dapat magsama-sama. Kahit galit ay nabagbag na rin
ang puso.
(Halaw mula sa Obra Maestra I pahina 104,115-16 at 127 / Larawan mula sa google)

You might also like