Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

FATHER SATURNINO URIOS COLLEGE OF BAYUGAN INC.

Lawaan St. Poblacion Bayugan City, PHILIPPINES

Nakaw-salita: Epekto ng Artificial Intelligence sa mga Mag-aaral ng


Baitang-10 sa Father Saturnino Urios College of Bayugan Inc.

Bilang bahagi sa Pangangailangan ng Pagbasa at Pagsuri


ng Iba’t-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Nina:

Ajero, Dwyeth S.
Balbalosa, Mark Jay T.
.Bote, Daisy B
Butinggana, Vanessa Y.
Doruelo, Jhanene G.
Gumelit, Jovie E.
Hibaya, Rhealyn N.
Ito, Samina P.
Jawel, Ailyn C.
Lusica, Sophia Nicole
Mandalunes, Ashley Nicole P.
Napil, Christine E.
Peñas, Jinky R.
Pirante, Angel Grace M.
Quirante, Lorine C.
Ramal, Jenelly B.
Romo, Ariane Kimberly T.
Ruales, Jericho U.
Tanjay, Maria Coleen E.
Tapales, Danica P.
Ubay, Leigh Blanche G.
Villamor, Fred Gian

(Grade 11 HUMSS 1 ST. IGNATIUS OF LOYOLA)

Bb. Jennifer G. Doruelo


Guro
KABANATA 1

INTRODUKSYON

1.1 Kaligiran ng Paksa

Sa kasalukuyang panahon kung saan laganap na ang teknolohiya, gamit ang internet
naging epektibong paraan ito ng mga mag-aaral upang makakuha ng impormasyon na
kinakailangan para sa mga akademikong gawain. Ang paglitaw ng Artificial Intelligence ay
nagpapadali at nagpapagaan pa sa buhay ng bawat mag-aaral.

Ang artificial intelligence (AI) ay isang sangay ng agham na nagpapalitaw ng


intelihenting pag-uugali sa mga computer upang masolusyonan ang mga komplikadong
problema nang mas mahusay kaysa sa mga tao (Mario Cannataro, 2022). Ibig sabihin, ang AI
ay sumasalamin sa kakayahan ng mga tao, tulad ng pag-iisip, paggawa ng desisyon, o
paglutas ng mga problema. Ang mga websyt o aplikasyon tulad ng ChatGPT ay isa lamang
halimbawa kung saan pinapayagan ang mga mag-aaral na magbuo ng mga sanaysay nang
madali.

Gayunpaman, ito ay nagdulot ng mga bagong hamon sa pagpapanatili ng integridad sa


akademikong larangan. Dahil sa AI, ang mga mag-aaral ngayon ay nahihikayat na mangopya
at magnakaw ng intelektuwal na ari-arian nang hindi iniisip ang mga kahihinatnan (Alicia
Smart, 2022). Ayon kay Wogu (2018), ang mga guro ay nababahala na kung ang mga mag-
aaral ay umaasa masyado sa mga sistemang AI, maaaring masira ang kanilang kakayahan
para sa autonomong pag-aaral, malikhaing paglutas ng problema, at mapanlikhang pag-iisip.

Samantala, ayon kay Guilherme (2019) na ang mga sistemang AI ay magkakaroon ng


"malalim na epekto sa silid-aralan, na nagbabago sa ugnayan sa pagitan ng guro at mag-
aaral." Ang pamimirata ay lalong lumaganap sa mga akademikong kapaligiran, lalo na at
madali na ngayon para sa mga mag-aaral ang pag-access at pagsupil sa impormasyon sa
pamamagitan ng mga AI-powered tool.

Ayon kay Batane (2010), De Jager at Brown (2010), may ilang mga pangkaraniwang
dahilan kung bakit nagnanakaw at namimirata ang mga mag-aaral, tulad ng katamaran,
kawalan ng kasanayan sa akademikong pagsusulat at kamangmangan sa termino, mga
pagkakamali sa paraan ng pagsusuri ng mga sistemang pang-edukasyon sa mga mag-aaral, at
hindi pantay na pagpapatupad ng mga patakaran ng mga guro.
Sa pang wakas, ang pananaliksik na ito ay layong malaman ang epekto ng paggamit ng
Artificial Intelligence sa mga mag-aaral ng Grade-10 sa Father Saturnino Urios College Of
Bayugan Inc.

1.2 Paglalahad ng Suliranin

Pag-aaralan ng mga mananaliksik ang pananaw at ang maaaring maidulot nito sa mga
mag-aaral ng Father Saturnino Urios College of Bayugan Incorporated tungkol sa epekto
artificial intelligence.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masagutan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Paano nakakaapekto ang paggamit ng Artificial Intelligence sa mga mag-aaral ng


Baitang-10 sa Father Saturnino Urios College of Bayugan Inc?
2. Ano ang mga positibo at negatibong epekto nito sa mga mag-aaral ng Baitang-10 sa
Father Saturnino Urios College of Bayugan Inc?
3. Ano ang mga posibleng hakbang upang ma-bawasan ang negatibong epekto ng
paggamit ng Artificial Intelligence sa mga mag-aaral ng Baitang-10 sa Father
Saturnino Urios College of Bayugan Inc?

1.3 Haypotesis ng Pag-aaral

Sa pamamagitan ng pag-aaral ng epekto ng paggamit ng Artificial Intelligence sa baitang-


10 maaaring mahinuha at mapatunayan ang sumusunod:

(1.) Ang paggamit ng Artificial Intelligence sa mga mag-aaral ng Baitang-10 sa Father


Saturnino Urios College of Bayugan Inc ay maaaring magresulta sa pagpapabuti ng kanilang
kakayahan sa pagkuha at pagsusuri ng impormasyon (source: Pub Med Central Journal.)

(2.) Gayunpaman, ang labis na pag-depende sa mga sistema ng AI ay maaaring magdulot


ng pagkawala ng kakayahan para sa autonomong pag-aaral, malikhaing paglutas ng
problema, at mapanlikhang pag-iisip sa mga mag-aaral ng Baitang-10 sa Father Saturnino
Urios College of Bayugan Inc (source: William J. Yin, Emerging Technologies and Trends
Teaching and Learning.)
(3.) Upang mabawasan ang negatibong epekto ng paggamit ng Artificial Intelligence,
maaaring isagawa ang mga hakbang tulad ng pagbibigay ng tamang edukasyon sa paggamit
ng teknolohiya, pagpapalakas ng kakayahan sa malikhaing pag-iisip, at pagpapanatili ng
integridad sa akademikong larangan sa Father Saturnino Urios College of Bayugan Inc.

1.4 Konseptwal na Balangkas

Ang pananaliksik na ito sa terminong “ Nakaw-salita: Epekto ng Artificial


Intelligence sa mga Mag-aaral ng Baitang-10 sa Father Saturnino Urios College of Bayugan
Inc.”

Mga Limitasyon at Pag-unawa sa


Paggamit ng Artificial
Etikal na Artificial
Intelligence sa edukasyon
Konsiderasyon Intelligence

ARTIFICIAL INTELLIGENCE

Pagsasaalang-alang Makakakuha ng Responsabling paggamit


dahil sa moralidad bagong impormasyon sa Artificial Intelligence

1.5 Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito, inaasahan na ang mga natuklasan ng pananaliksik


na ito ay makatutulong nang malaki sa institusyon, mga guro, mga mag-aaral, at mga
stakeholder. Sa pamamagitan ng pagkuha ng mga datos sa epekto ng paggamit ng Artificial
Intelligence sa mga mag-aaral ng baitang-10 sa Father Saturnino Urios College of Bayugan
Inc, maaaring makagawa ng mga target interventions at estratehiya ang mga guro at
administrator upang maibsan ang negatibong epekto nito.

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga upang maunawaan at malaman ang epekto ng


paggamit ng Artificial Intelligence ng mga mag-aaral ng baitang-10 sa Father Saturnino Urios
College of Bayugan Inc.

Naniniwala rin ang mga mananaliksik na ang resulta ng pag-aaral na ito ay may
maidudulot na kahalagahan sa mga sumununod:

Sa mga mag-aaral, magiging gabay ito upang magkaroon ng kaalaman sa kung


papaano nakaka-apekto ang paggamit ng Artificial Intelligence sa kanilang pag-aaral.
Anumang resulta nito ay maaring makatulong sa pag-unlad ng kanilang pag-aaral at mga
akademikong gawain, maging gabay sa tamang paggamit ng AI.

Para sa mga guro, ang mga nakalap na impormasyon ay maaaring magsilbing gabay
sa mga guro upang maka-likha ng epektibong paraan at estratehiya upang ma-iwasan ang
hindi etikal na paggamit ng mga mag-aaral sa AI.

Sa mga mananaliksik, nagbibigay ito ng karagdagang kontribusyon sa larangan ng


edukasyon at pagsasaliksik.

Sa lipunan, ang mga natuklasan ay maaaring magsilbing pundasyon at gabay ng lahat


sa tamang paaran ng paggamit ng AI, at kung paano gamitin ang AI sa larangan ng
edukasyon.

1.6 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa kung paano nakakaapekto ang Artificial


Intelligence sa mga mag-aaral sa Grade 10 sa Father Saturnino Urios College of Bayugan Inc.

Sa iba't ibang profayl ng demograpiko na maaaring mailarawan ang mga respondente,


ang kasalukuyang pagsasaliksik ay naglalaman lamang ng seksyon, kasarian, at antas ng
paggamit ng Artificial Intelligence.
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral ay alamin kung may positibo o negatibong
epekto sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral ang paggamit ng Artificial Intelligence.
Ang pagsasaliksik ay isinagawa lamang sa Father Saturnino Urios College of Bayugan Inc.
Kabilang sa mga respondente ng aming pananaliksik ay ang mga mag-aaral mula sa Grade-10
St. Paul at Grade-10 St. Vianney.

Ang pag-aaral ay tutuon lamang sa paggamit ng Artificial Intelligence at hindi


sasaklaw sa iba pang teknolohiyang Al o interbensyon sa edukasyon.Ang paggamit ng
chatGPT ay kadalasang naging sandigan ito ng mga mag-aaral sa paglalayon na mapadali ang
proseso ng pagsagot sa mga talatanungan, sa pag-aaral na ito ng mga mananaliksik ay upang
malaman o makikita ang karanasan ng mga mag-aaral sa paggamit ng chatGPT.

Napapalooban ito ng mga mananaliksik sa karanasan ng paggamit ng chatGPT sa


mga mag-aaral sa Baitang 10 ng Father saturnino urios college of bayugan incorporated. At
ang iba pang mga alalahanin tunkol sa chatGPT tulad ng kakayahan, katiyakan at hindi
maging pangunahing focus ng pag-aaral, bagaman ito'y maaring banggitin ng konteksto ng
karanasan ng mga respondente.

Isasaalang-alang ng pag-aaral ang epekto ng paggamit ng chatGPT sa aspeto ng


akademikong pagganap, pakikipag-ugnayan at pag-uudyok ng mga mag-aaral.

1.7 Depinisyon ng mga Termino

Artificial Intelligence - Pagpapalitaw ng inteligenteng pag-uugali sa mga computer.

Internet - Global na network ng mga computer at devices.

Intelektuwal na Ari-arian (Intellectual property) - Mga ideya at likha na may legal na


proteksyon.
AI-powered tool - Kasangkapan na gumagamit ng Artificial Intelligence.

KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay tungkol sa pag-aaral at mga babasahin na may kaugnayan sa


paksa ng pananaliksik na ito.

Ang pagbabasa ng aklat , diksyunaryo, diyaryo, at mga artikulo ang tanging


pinagkukunan ng impormasyon ng mga kabataan noon. Ngunit sa paglipas ng pasnahon ng
mundo at sa pag-usbong ng maka-bagong teknolohiya. Ang pagbabagong ito ay nagpakilala
sa makabagong mapagkukunan ng impormasyon ng mga mag-aaral kung saan ito ang
ChatGPT Artificial (Deano, 2021).

Ayon kay Fui-hoon, 2022, ang ChatGPT ay isang artificial na katalinuhan chatbot na
gumagamit ng natural na pag proseso ng wika upang lumikha ng pag-uusap na parang tao o
diyalogo, kung saan ang mga mag-aaral ay kumukuha ng mga impormasyon tungkol sa
kanilang mga takdang aralin.

Positibong Epekto sa Paggamit ng ChatGPT sa Larangan ng Edukasyon

Ayon kay Atlas, S, 2023, ang ChatGPT sa edukasyon ay nakakuha ng malaking


interes sa komunidad dahil sa potensyal o kakayahan nitong mabuti ang karanasan at
katarungan ng mga mag-aaral.

Ayon kay Brent Anders, 2023, ang ChatGPT ay isang makapangyarihang bagong AI
na ginawang malayang magamit ng lahat. Maaari itong gamitin ng mga guro, propesor,
instruktor, manggagawa at mag-aaral sa bawat antas. Ang kapangyarihan nitong rebolusyong
bagong teknolohiya upang mapahusay ang pangkaranasang edukasyon.

Ang ChatGPT ay naging isang promising tool na naghihikayat sa paglalahok ng mga


mag-aaral at nagpapabuti sa kaalaman ng isang indibidwal ( Montenegro-Rueda, M. et al,
2023).
Ayon kay Rozal, 2023, ang ChatGPT ay lubhang kapaki-pakinabang sa parehong mga
mag-aaral at guro dahil nagbibigay ito ng mga malinaw na paliwanag at mga halimbawa na
nagpapadali na mas mabilis na maunawaan ng lahat.

Negatibong Epekto sa Paggamit ng ChatGPT sa Larangan ng Edukasyon

Bagamat marami amg positibong epekto ng paggamit ng ChatGPT meron din itong
negatibong epekto. Ayon kay Alicia Smart 2022, ang mga estudyante na nasasangkot sa
pangongoyopya ay hindi nauunlad dahil hindi nila matutunan ang mga kasanayan na kanilang
magagamit sa hinaharap maliban na lamang kumg magsisimula sila muli.

Ang ChatGPT ay may malaking tulong sa atin ngunit inaabuso na ito dahil sa kanyang
kakayahan na makapagsagot sa kahit anong tanong ay inaasa sa ChatGPT lalo na sa mga
studyante na umaasa na lamang sa ChatGPT (Arya,2023).

Ayon kay Rosario, 2023 dapat mayroon tayong matutunan sa halip na aasa lamang
tayo sa teknolohiya, dapat kumuha lamang ng ideya ang mga mang-aaral at hindi kunin lahat
na ibinigay ng teknolohiyang ito.

KABANATA 3

METODOLOHIYA

3.1 Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay deskriptibo na pag-aaral na naglalayong malaman kung


ano ang epekto ng artificial intelligence sa ikasampong baitang ng Father Saturnino Urios
College of Bayugan Incorporated.

Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit ang napili ng mananaliksik na


gamitin ay " Descriptive Survey Research Design", gagamit ito ng pamamaraang sarbey
upang masagot ang problema mula sa kaugnay na impormasyong kokolektahin.
Ang pamamaraan ng sarbey gamit ang mga talatanungan ay isang angkop na
pamamaraan para sa isang deskriptibong pag-aaral (Siedlecki, 2020). Isasagawa ang pag-
aaral na ito upang malaman kung ano ang mga nalikhang epekto sa mag-aaral gamit ang
artificial intelligence.

3.2 Pamamaraan ng Pagpili ng Respondente

Ang mga impormasyon ang mananaliksik ukol sa paksang "Nakaw-salita:


Epekto ng Artificial Intelligence sa mga Mag-aaral ng Baitang 10 sa Father Saturnino Urios
College of Bayugan Inc." ginagamit ang simple random sampling kung saan ang pagpili ng
respondente ay malaya mula sa kinabibilangan nitong grupo. Ang napiling respondente sa
pagsusuring ito ay ang mga mag-aaral na nasa ikasampong baitang ng Father Saturnino Urios
College of Bayugan Inc. Malayang pumili ang mananaliksik nang limang pung (50) mag-
aaral na maaring kumatawan sa kabuuan ng pag-aaral.

Mag-aaral at tagasagot ng mga talatanungan mula sa ika-10 na baitang ng Father


Saturnino Urios College of Bayugan Inc.

Kabuuang bilang ng mga Kasarian ng mga mag-aaral na tagasagot


mag-aaral lalake babae

50 25 25

Ang kabuuang bilang nga mga mag-aaral (50). Kasarian ng mga mag-aaral tagasagot
lalaki (25) babae (25) Ang kabuuang bilang ng mga sumagot ay limang pu (50) na mga mag-
aaral mula sa ika-10 baitang ng Father Saturnino Urios College of Bayugan Inc.

Ayon sa kasarian nga mga tagasagot kalahati o dalawang putlima (25) sa mga
sumagot ay lalaki at dalawang putlima (25) din naman ng nagmula sa babae. Limampung
porsyento (50%) ng mga tagasagot o dalawang putlima (25) na mag-aaral ay mula grupo ng
mga babae. limampung porsyento (50%) naman ng mga tagasagot o dalawang putlima (25)
mag-aaral ay mula sa grupo ng mga kalalakihan.
Ang mananaliksik ay nagsagawa ng maikling oryentasyon sa mag-aaral upang
masiguro na nauunawa ng mga sasagot sa mga talatanungan ang bawat bagay maging ang
pagiging kompidensyal ng bawat datos upang maipahayag ang kanilang nararapat at kanilang
nga impormasyon.

3.3 Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumentasyon sa pananaliksik ay tumutukoy sa proseso sa pag buo at paggamit


ng mga instrumento o mga kasangkapang ginagamit upang kolektahin ang mga
kinakailangang datos o impormasyon sa isang pag-aaral. Ang wastong instrumentasyon ay
isang mahalagang bahagi ng pagsasagawa ng pananaliksik, dahil dahil ito ang nagbibigay
daan sa masusing pagsusuri ng mga variable o aspeto ng isang phenomenon. Sumunod rin
sila sa mga gabay at payo ng kanilang guro upang matiyak ang wastong pagkabuo ng
kanilang mga tanong para sa mga respondente. Sa pagkuha ng mga datos na kinakailangan ay
ginagamitan ito ng kwestyosner upang mahikayat na mapasagot ng mga respondente ang mga
datos na kinakailangan at nabibigyan ng importansya at malaman ng mga mananaliksik ang
kaugnay at kahalagahan ng mga katanungan. Upang masusing kumolekta ng impormasyon
mula sa mga respondente, gumamit ang mga mananaliksik ng isang kwestyoner.
Ipinagtuunan din nila ng pansin ang mahahalagang detalye, partikular na sa aspeto ng
pagsusuri na ito. Tumutukoy sila sa bawat item sa kanilang kwestyoner upang mapanatili ang
tamang pagkakasunod-sunod at pagiging kaangkop-angkop nito. Sumunod rin sila sa mga
gabay at payo ng kanilang guro upang matiyak ang wastong pagkabuo ng kanilang mga
tanong para sa mga respondente.

3.4 Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos

Upang maisagawa ang pananaliksik, ang pamamaraan ng pangangalap ng datos ay


nagsisimula sa paggawa ng talatanungan at sinundan ng pagsasaayos sa intrumento para
maiwasto ang kaayusan ng mga tanong at upang matiyak ang kaangkupan ng mga tanong sa
mga problemang nais lutasin. Kasunod nito ay ang pagkuha ng pahintulot ng mga
mananaliksik sa punongguro para sa kaniyang aprobal upang ipamahagi ang mga
talatanungan para sa mga mag-aaral. Nang napagsang-ayunan na ang mga liham, maaari ng
umpisahan ang pangangalap ng datos sa pamamagitan ng pagbigay o pagrepresenta ng liham
sa mga respondente at pagdistribyut ng mga talatanungan sa kanila sa paraan ng simple
random sampling technique. Ipapasa ang talatanungan sa pamamagitan ng mga online
platform kagaya na lamang ng facebook at email. Pagkatapos makalap ang datos ay
kinakailangan i-tally ang resulta nito. Matapos nito, iwawasto ng mananaliksik ang mga
talatanungan, susuriin ang kasagutan sa tseklist sa tulong ng istatistikal tritment. Bibigyan ng
interpretasyon ang mga datos na nalikom sa bawat bahagi ng talatanungan partikular na sa
mga salik sa pagtangkilik at epekto ng online shopping sa mga estudyante sa Baitang 10 ng
Father Saturnino Urios College of Bayugan Inc sa pamamagitan ng pagkuha ng mean,
percentage at frequency.

3.5 Kompyutasyong Estadistika

Narito ang isang halimbawa ng kompyutasyong estadistika gamit ang mga datos mula
sa isang survey tungkol sa epekto ng paggamit ng artificial intelligence ng mga estudyante:

Unang hakbang ay ang pagtally ng mga sagot mula sa survey. Halimbawa, kung mayroon
kang 50 na respondente at 25 naman ang na epektohan sa paggamit ng chatGPT o Ai sa St.
Vianney at 25 naman sa St. Paul. Pagkatapos ng pagtally, maaari mong i-compute ang
percentage sa pamamagitan ng paggamit nitong formula: (bilang ng sumagot para sa
naapektohan / kabuuang bilang ng respondente) x 50. Halimbawa: (25/50) para sa na
epektohan x 50 = 12.5. Maaari mo ring kalkulahin ang mean o average sa mga na epektohan
na mga estudyante. Para sa frequency, maaari mong ipakita kung ilang beses nilang sinagot
ang epekto sa paggamit ng Ai. Halimbawa, ang St. Vianney ay lumitaw ng 25 beses; sa mga
lalaki aay 13 at ang sa mga babae naman ay 12, ang St. Paul naman ay 25 beses; sa mga
lalaki ay 12 at sa mga babae naman ay 13. Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, maaari
itong gamitin sa pag analyze at maipakita ang mga estadistikang impormasyon mula sa
survey tungkol sa epekto ng paggamit ng chatGPT o Ai sa mga studyante.

You might also like