Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

TEKSTONG

ARGUMENTATIBO
➦Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto
na nangangailangan ipagtanggol ng manunulat ang
posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang
mga ebidensya mula sa personal na karanasan,
kaugnay na mga literatura at pag-aaral, ebidensyang
kasaysayan, at resulta ng empirikal na pananaliksik

➦Ang empirikal na pananaliksik ay tumutukoy sa


pangongolekta ng datos sa pamamagitan ng
pakikipagpanayam, survey at eksperimentasyon.
MGA ELEMENTO NG PANGANGATWIRAN

Ang Dalawang Elemento ng Pangangatwiran

•PROPOSISYON

•ARGUMENTO
PROPOSISYON
Ayon kay Melania I. Abad (2004) sa “Linangan: Wika at
Panitikan.”ang proposisyon ay ang pahayag na inilhad upang
pagtalunan o pag- usapan. Ito ang isang bagay na
pinagkakasunduan bago ilahad ang katwiran ng dalawang panig.
Magiging mahirap ang pangangatwiran kung hindi muna ito
itatakda sapagkat hindi magkakaisa sa mga batayan ng isyu ang
dalawang panig.

Halimbawa:

Dapat na ipasa ang divorce bill para mabawasan ang karahasan laban sa
kababaihan.
ARGUMENTO

Ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensya


upang maging makatwiran ang isang panig.
Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at
talas ng pagsusuri sa proposisyon upang
makapagbigay ng mahusay na argumento.
Nilalaman ng mahusay na tekstong argumentatibo :

Mahalaga at napapanahong paksa.


Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa
unang talata ng teksto.
Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi
ng teksto.
Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng
mga ebidensya ng argumento.
Matibay na ebidensya para sa argumento.
Mahalaga at napapanahong paksa:
Mahalaga at napapanahong paksa Upang makapili ng
angkop na paksa, pag isipan ang iba’t ibang
napapanahon at mahahalagang isyu na may bigat at
kabuluhan. Makakatulong din kung may interes ka sa
paksa, ngunit hindi ito sapat. Kailangan mo ring pag
isipan kung ano ang makatwirang posisyon na
masusuportahan ng argumentasyon at ebidensya
Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa
tesis sa unang talata ng teksto

Sa unang talata, ipinaliliwanag ng manunulat


ang konteksto ng paksa sa pamamagitan ng
pagtatalakay nito sa pangkalahatan.
Tinatalakay rin sa bahaging ito kung bakit
mahalaga ang paksa at kung bakit kailangan
makialam sa isyu ang mga mambabasa.
Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng
mga bahagi ng teksto
Transisyon ang magpapatatag ng pundasyon ng
teksto. Kung walang lohikal na pagkakaayos ng
kaisipan, hindi makasusunod ang mambabasa sa
argumento ng manunulat hindi magiging epektibo
ang kabuuang teksto sa layunin nito. Nakakatulong
ang transisyon upang ibuod ang ideya sa nakaraang
bahagi ng teksto at magbigay ng introduksyon sa
susunod na bahagi.
Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang
naglalaman ng mga ebidensya ng argumento

Ang bawat talata ay kailangan tumatalakay sa


iisang pangkalahatang ideya lamang. Ito ang
magbibigay-linaw at direksyon sa buong
teksto. Tiyakin ding maikli ngunit malaman ng
bawat talata upang maging mas madaling
maunawaan ng mambabasa.
Matibay na ebidensya para sa argumento
Ang tekstong argumentatibo ay
nangangailangan ng detalyado,
tumpak, at napapanahong mga
impormasyon mula sa
pananaliksik na susuporta sa
kabuuang tesis.
Ang Estruktura ng Tekstong Argumentatibo
Bilang isang anyo ng teksto, mayroong
estruktura o organisasyon ang tekstong
argumentatibo.

Karaniwang binubuo ito ng mga sumusunod na


bahagi:
1.Simula o Introduksyon
Sa bahaging ito, ipinapakilala ng manunulat ang paksa o
isyu na pag-uusapan sa tekstong argumentatibo
Karaniwang kasama rin sa introduksyon ang pahayag ng
opinyon o pananaw ng manunulat hinggil sa nasabing
isyu.

Ang layunin ng introduksyon ay ang


magbigay-kahulugan sa mga mambabasa tungkol sa
pangunahing argumento ng teksto.
2.Katawan o Gitna
Ito ang bahagi ng teksto kung saan nilalabas ng manunulat ang
kanyang mga argumento o katwiran upang suportahan ang kanyang
opinyon.

Maaring gamitin niya dito ang mga ebidensya, datos, halimbawa, at


iba pang impormasyon na makakatulong sa pagpapatibay ng kanyang
pahayag.

Karaniwang mayroong mga talata o seksyon ang katawan ng teksto, at


bawat isa ay may sariling argumento o punto na inilalabas.
3.Pahayag ng Katwiran o Thesis Statement
Sa bahaging ito, isinusumite ng manunulat ang
pangunahing pahayag o opinyon na nais niyang patunayan.
Ito ang tinatawag na thesis statement. Ipinapakita ng thesis
statement ang pangunahing ideya ng teksto at ang posisyon
ng manunulat hinggil sa isyu.

Karaniwang matatagpuan ito sa introduksyon o unang


bahagi ng teksto.
4.Rebyu o Pag-uugma ng Argumento
Pagkatapos ilahad ang mga argumento, karaniwang
sinusundan ito ng rebyu o pag-uugma ng mga ideya.
Sa bahaging ito, inilalatag ng manunulat ang
koneksyon ng bawat argumento sa pangunahing
pahayag ng teksto.
Ipinapakita niya kung paano nagkakabuklod ang mga
argumento at kung bakit ang kanyang pahayag ay
makatwiran at may katuturan.
5.Wakas o Konklusyon
Sa huling bahagi ng tekstong argumentatibo, ipinapakita ng
manunulat ang kanyang pangwakas na pahayag hinggil sa
isyu.
Karaniwang inuulit niya ang kanyang thesis statement at
nagbibigay ng huling paliwanag o argumento upang
patibayin ang kanyang posisyon.
Ang layunin ng konklusyon ay ang mag-iwan ng matinding
impression sa mga mambabasa at magtakda ng pag-iisip na
nais nitong mangyari.
Kahalagahan ng Tekstong Argumentatibo
Ang tekstong argumentatibo ay isang mahalagang uri ng
teksto sa ating pang-araw-araw na buhay.
Ito ay nagbibigay-daan sa atin na maipahayag ang ating mga
opinyon, magbigay-katwiran, at makipagtalakayan sa mga
mahahalagang isyu.
Sa pamamagitan ng tekstong argumentatibo, nagkakaroon
tayo ng pagkakataon na magkaruon ng masusing pagsusuri
at pag-unawa sa mga pangunahing isyu sa ating lipunan.
PALASI (FALLACY) NG
PANGANGATWIRAN
Sa pagsulat ng akademikong papel, kailangang iwasan ang mga palasi ng
pangangatwiran dahil nagpapahina ang mga ito ng isang argumento.

Narito ang mga palasi ng pangangatwiran na madalas katisuran ng marami.

1. ARGUMENTUM AD HOMINEM - isang nakakahiyang pag-atake sa


personal na katangian o katayuan ng katalo at hindi sa isyung tinatalakay o
pinagtatalunan.

HALIMBAWA : Hindi magiging mabuting lider ng bayan siJaime sapagkat siya


ay isang binabae.

2. ARGUMENTUM AD BACULUM - ito ang paggamit ng pwersa o


awtoridad upang maiwasan ang isyu at ito ay maipanalo ang argumento.

HALIMBAWA : Tumigil ka sa mga sinasabi mo, anak lang kita at wala kang
karapatang magsalita sa akin ng ganyan.
3. ARGUMENTUM AD MISERICORDIAM - sa uring ito gumagamit
ang manunulat ng mga salitang may halong awa at pagkampi sa
mga nakikinig sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang
umaatake sa damdamin at hindi sa kaisipan.
HALIMBAWA : Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na
mag-aaral,sapagkat lalo silang magiging kaawa-awa kung sila ay
lalagapak.

4. ARGUMENTUM AD IGNORANTIAM - nagpapalagay na hindi totoo


ang anumang hindi napapatunayan o kaya ay totoo ang anumang hindi
napasisinungalingan.

HALIMBAWA : Ito ay isang ebidensya at kailangan itong tanggapin


dahil wala naman tumututol dito.
5. NON SEQUITUR - sa Ingles, ang ibig sabihin nito ay " It doesn't
follow", pagbibigay ito ng konklusyon sa kabila ng mga walang
kaugnayang batayan.

HALIMBAWA : Ang mga babae ay higit na masisipag na magtrabaho


kaysa sa mga lalaki,kung gayon sila ay higit na may karapatang
magreklamo sa trabaho.

6.IGNORATIO ELENCHI - Gamitin ito ng mga Pilipino, kilala ito


sa Ingles na"circular reasoning", o paligoy-ligoy. Pagpapatotoo sa
isang konklusyon hindi naman dapat patotohanan.

HALIMBAWA : Hindi siya ang nanggahasa sa dalaga, katunaya'yisa


siyang mabuting anak at mapatutunayan iyan ng kanyang mga
magulang, kapatid at kaibigan.
7. MALING PAGLALAHAD - pagbatay ng isang konklusyon sa isa o
ilang limitadong premis dahil lamang sa ilang aytem / sitwasyon na
nagbibigay agad ng isang konklusyon sumasaklaw sa
pangkalahatan.
HALIMBAWA : Mahirap mabuhay sa Maynila kung kaya't
masasabing mahirap mabuhay sa buong Pilipinas.
8. MALING ANALOHIYA / PAGHAHAMBING - karaniwan itong
tinatawag na usapang lasing sapagkat mayroon nga itong
hambingan ngunit sumasala naman sa matinong konklusyon.
HALIMBAWA : ( Sagot ng anak sa ina) " Bakit nyo ako patutulugin ?
Kung kayo nga ay gising pa . Magiging mabenta ang sorbetes
ngayong tag-ulan dahil ang kape ay mabenta tuwing tag-init
9. MALING SALIGAN - ito ang pahayag na nagsimula sa maling
akala na naging batayan hanggang sa humantong sa maling
konklusyon.

HALIMBAWA : Lahat ng kabataan ay pag-aasawa ang iniisip. Sa


pag-aasawa kailangan ang kasipagan at katapatan upang
magtagumpay. Dahil dito, dapat lamang na maging matapat at masipag
ang mga kabataan.

10. MALING AWTORIDAD - naglalahad ng tao o sangguniang


walang kinalaman sa isyung sangkot o paksa.
HALIMBAWA : Wika ni Aiza Seguerra, Kailangan natin ang Wikang
Ingles kaysa sa Wikang Filipino.
11. DILEMMA - nagbibigay lamang ng dalawang opsyon /
pagpipilian na para bang wala nang iba pang alternatibo.
HALIMBAWA : Alin sa dalawa ang mangyayari sa yo : ang
pumatay o ang mamatay?

12. MAPANLINLANG NA TANONG - paggamit ng tanong na


anuman ang maging sagot ay maglalagay sa tao sa isang
kahiya- hiyang sitwasyon.
HALIMBAWA : Hindi ka na ba nagtataksil sa iyong asawa?
THANK YOU!!

You might also like