Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Newscaster (Krish): Magandang umaga bayan!.

Para sa ulat ngayong araw, kasalukuyan


akong nasa safezone ng bulkan, pero ngayon ay kasama natin si Dr. Canaria, isang
volcanologist para magbigay ulat sa lagay ng bulkan ngayon.

Volcanologist (Angel): Maraming salamat po, alam naman natin na ang pagkakaroon ng
usok na lumalabas mula sa bunganga ng bulkan ay isang senyales na may tsansa ito na
pumutok at sumabog.

Newscaster (Krish): Masasabi nyo po ba kung kailan eksakto puputok ang bulkan?

Volcanologist (Angel): Hindi natin agad-agad malalaman iyon since isa pa lang ang
senyales na ipinapakita nito, ang masasabi ko lamang ay maaaring syang pumutok at
maaari din namang hindi. Ang maipapayo ko lamang sa lahat ay ang maging handa at
lumikas nang mas maaga para makasigurado.

Newscaster (Krish): Maraming salamat po Dr. Canaria sa pagpapaunlak sa aming


paanyaya.

Volcanologist (Angel): Maraming salamat din.

_________________________________________________________________________

Mayor (Gean): Tinipon ko ang lahat dahil alam nyo naman ang lagay ng ating minamahal
na bayan ngayon. Alam naman natin ang pinsalang maaari nating matamo kapag sumabog
ang bulkan.

Mamamayan #1 (Yul): Sasabog na ho ba ang bulkan?

Mayor (Gean): Ayon ang hindi pa alam sa ngayon, ayon sa volcanologist ay maaaring oo
at maaaring hindi rin. Ngunit, kahit na ganun pa man ay mahalaga na rin na tayo ay handa.
Idedemonstrate ng mga tao mula sa Phivolcs ang mga dapat gawin before, during, and after
the volcanic eruption.

Philvocs member #1 (Belle): Bilang unang paghahanda, mahalaga na mayroon tayong life
saver bag at ang bag na ito ay naglalaman ng sumusunod………….
Philvocs member #2 (Fred): Sa oras na sumabog na ang bulkan maaari din tayong
makaranas ng paglindol. Kaya nararapat lamang na alam natin ang duck, cover, and hold.

Idedemonstrate ni Fred ang duck, cover, and hold.

Mayor (Gean): Maraming salamat sa inyo, may kakarating lang na impormasyon sa amin
mula sa PHILVOCS, na ang level ng bulkan ay umakyat na sa red level, kaya kailangan niyo
na mag evacuate sa lalong madaling panahon.

May evacuation center na malapit lamang sa bayan natin, lahat ng mamamayan ay


maaaring mag lagi roon, hindi pa alam kung hanggang kelan tayong lahat doon, at mahigpit
din na ipinagbabawal ang pagbalik sa bayan dahil sa sukunang kinakaharap natin ngayon.

Mamamayan #2 (Aaron): Kung hindi pa kayo sigurado kung hanggang kailan kami
maglalagi roon bakit hindi kame pwedeng bumalik sa mga tirahan namin?

Mamamayan #1 (Yul): Kapag ganoon, sink ang magpapakain sa mga alaga naming hayop
at aming mga pananim?

Mga mamamayan, nagbubulong bulungan.

Mamamayan #3 (Bien): Masisigurado nyo ho bang may babalikan pa kaming pang hanap
buhay pag umalis kami rito?

Pasensya na mayor ngunit, dito na ako lumaki, nandito rin ang hanap buhay ko, ang ang
mga alagang hayop at pananim ko, kaya mas pipiliin ko na lang ang hindi umalis dito.

Mayor (Gean): May binubuo ng plano ang mga kawani ng gobyerno ng ating bayan para
dyan sa mga alagang hayop ninyo. Ngunit ngayon ay mas prayoridad muna namin ang
kaligtasan ng lahat.

_________________________________________________________________________
*Kaguluhan*

Anak (Chanese): Nay? nay? nay?

Nanay (Kathleen): Nasaan na ang anak ko?


: Ate, may nakita po ba kayong bata?
: Ate, nakita nyo ho ba ang anak ko?
: Ate, may bata ho ba kayong nakita?

Mamamayan #3 (Aaron): Ale, hinahanap nyo ho ba ang anak nyo? sa kabilang kanto po
kase ay may batang umiiyak, hinahanap ang nanay nya.

Nanay (Kathleen): Sige po, salamat po!

Nanay (Kathleen): Anak? anak ko!


: Anong nangyare bakit ka nakahandusay?
: Anak gumising ka, nandito na si mama.

*Ambulance*

Nurse #1 (Badeth): Excuse me po!, ano po ang nangyare?

Random mamamayan: nabagsakan po sya ng mabigat na bagay.

Nurse #1 (Badeth): Padala ako ng stretcher, humihinga pa sya, kailangan mandala agad
sya sa hospital!

Nurse #2 (Lhian): Mommy bawal po kayo sa emergency room.

Nanay (Kathleen): Pero nurse, anak ko iyon. Kasama nya dapat ako.
Nurse #2 (Lhian): Opo, pero mahigpit po na ipinagbabawal ang madaming tao po sa loob
ng ER, magtiwala nalang po tayo kay Doc. Mendoza.

Nanay (Kathleen): Doc, ano pong balita sa anak ko? Okay naman po sya diba? naging
okay naman po siya diba?

: Doc, ba't hindi ka nasagot?

Doctor (Aldrin): Sorry po misis, pero ginawa na po namin lahat ng aming makakaya pero
huli na po ang lahat.

You might also like