Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of City of Malolos
Marcelo H. Del Pilar National High School
Bagong Bayan, City of Malolos, Bulacan

LEARNING ACTIVITY SHEET

FILIPINO 10

Ikaapat na Kwarter

Aralin 4.1
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO

CELIA P. CRUZ
ARTURO N. LACONSAY, JR.
Manunulat
Sabjek: FILIPINO Baitang: 10
Petsa: Ikaapat na Kwarter: Aralin 4.1
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa nobelang EL FILIBUSTERISMO
bilang isang obra-maestrang pampanitikan
Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng
makabuluhang photo/video documentary na
nagmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning
panlipunan sa kasalukuyan
Kompetensi: 1. Kaligirang Pangkasaysayan ng El
Filibusterismo: Nasusuri ang pagkakaugnay ng
mga pangyayaring napakinggan tungkol sa
kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo
(F10PN-IVa-b-83)
2. Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng
akda sa pamamagitan ng:
-pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong
isinulat ang akda
-pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong
ito sa kabuuan o ilang bahagi ng akda pagtukoy
sa layunin ng may akda sa pagsulat ng
akda(F10PB-IVa-b-86)
3. Naiiugnay ang kahulugan ng salita batay sa
kaligirang pangkasaysayan nito(F10-PT-IVa-b-
82)
4. Napahahalagahan ang napanood sa
pagpapaliwanag na kaligirang pangkasaysayan
ng pagkakasulat ng El Filibusterismo sa
pamamagitan ng pagbubuod nito gamit ang
timeline(F10PD-IVa-b-81)
5. Naiisasalaysay ang magkakaugnay na mga
pangyayari sa pagkaksulat ng El
Filibusterismo(F10PS-IVa-b-85)
6. Naisusulat ang buod ng kaligirang
pangkasaysayan ng El Filibusterismo batay sa
ginawang timeline(F10PU-IVa-b-85)
7. Naitatala ang mahahalgang impormasyon
mula sa iba’t ibang pinagkukunang
sanggunian
8. Nagagamit ang iba-ibang reperensya/batis
ng impormasyon sa pananaliksik(F10EP-IIf-
33)
I. LAYUNIN Nasusuri ang mga pangyayaring
Kaalaman: napanuod/napakinggan tungkol sa pangkaligirang
pangkasaysayan ng El Filibusterismo
Saykomotor: Naiuugnay ang kahulugan ng mga salita batay sa
pangkaligirang kasaysayan nito.
Apektiv: Naisasalaysay ang magkakaugnay na pangyayari sa
pagkakasulat ng El Fiilibusterismo
II. PAKSANG ARALIN
A. PAKSA Panitikan:
Aralin 4.1 : KALIGIRANG PANGKASAYSAYN NG EL
FILIBUSTERISMO

Gramatika at Retorika: Pag-uugnay sa Wika


B. SANGGUNIAN Mga aklat ng EL FILIBUSTERISMO
C. KAGAMITANG Aklat, mga video mula sa youtube, laptop/tablet
PAMPAGTUTURO
A. PAGHAHANDA 1. Magbigay ng mga mahahalagang pangyayari sa
Pangmotibeysyunal na may may akda ng El Filibusterismo na si Dr.
tanong: Jose Rizal
2. Bakit ibinitay ang tatlong paring martir na mas
kilala sa tawag na GomBurZa?
Aktiviti / Gawain:
B. PAGLALAHAD
Abstraksyon 1. Pagpapakita ng timeline ng pagsulat ng El
(Pamamaraan ng Filibusterismo.
Pagtalakay) 2. Pagbasa/Panonood ng video lesson na
inihanda ng guro tungkol sa Kaligirang
Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
C. PAGSASANAY Mga Pansariling Pagtalakay sa Paksa:
(Mga Paglilinang na
Gawain) Pagtalakay 1: Isa-isahin ang mga paraan o patunay
na magpapakita na ipinagmamalaki mo na ikaw ay
isang Pilipino.
Pagtalakay 2: Kilalaning mabuti si Dr. Jose Rizal.
Isusualt ng mga mag-aaral sa kanilang kuwaderno ang
mga mahahalagang impormasyon tungkol sa buhay ng
ating pambansang bayani.
Pagtalakay 3: Pag-unawa sa binasa
A. Paglinang ng Talasalitaan
B. Pagpapalawak sa aralin
Pagtalakay 4: Pag-uugnay sa wika

D. PAGLALAPAT Anu-anong pangyayari sa akda ang maaaring


(Aplikasyon) nangyayari pa rin sa ating lipunan sa kasalukuyang
panahon?

E. PAGLALAHAT Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo


(Generalisasyon) ay isinulat para mamulat ang mga Pilipino sa maling
pamamalakd ng mga prayle o mga paring kastila
IV. PAGTATAYA Pagsasagot ng mga pagsasanay tungkol sa mga
kahulugan ng pagtatala at mga uri nito.

V. KARAGDAGANG Punan ng mga mahahalagang pangyayari


GAWAIN ang mga sumusunod na petsa batay sa
pagkakasulat ng Kaligirang
Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
TUGON
PAGNINILAY-NILAY

Filipino 10
Ikaapat na Markahan
Aralin 4.1

Kaligirang Pangkasaysayan Ng El Filibusterismo


Matapos isulat ni Jose Rizal ang kaniyang unang nobela na Noli Me Tangere, nakarating ito sa
mga Kastila at hindi nagustuhan ang kuwento nito.

Naging banta man ito sa buhay ni Rizal, dahil nakita niya ang epekto nito sa mga mananakop ay
ninais niyang magsulat pa ng isang nobela na pagpapatuloy ng kuwento ng unang nobela—ang
El Filibusterismo.

Dahil sa galit ng mga Kastila ay umalis si Rizal sa Pilipinas at nagtungo sa Europa at doon
sinimulan ang El Filibusterismo.

Sa pagsusulat niya ng kaniyang ikalawang nobela, nagkaroon siya ng iba’t ibang inspirasyon na
hango sa kaniyang mga kinahaharap na isyu sa buhay.

Isa na rito ang pagpapahirap ng mga mananakop sa kaniyang pamilya sa Calamba at pagkuha ng
mga ito sa lupain ng kaniyang mga kababayan.

May tampok din na kuwento ng pag-ibig ang El Filibusterismo na dahil naman sa pagmamahal
niya kay Leonor Rivera na hindi sila pinahintulutang ikasal dahil isang erehe na raw si Rizal
ayon sa mga magulang ni Rivera.

Nagkaroon din ng suliranin si Rizal sa paglilimbag ng aklat kabilang ang pananalapi. Pinahiram
lamang siya ng pera ng kaibigang si Valentin Viola. Noong 1891 ay tuluyang natapos ni Rizal
ang nobela at inilimbag ito noong 1891 at ipinamigay sa iba’t ibang bahagi ng Hong Kong at
Europa.

Gawain 1: Mabuhay Pilipino


Isa-isahin ang mga paraan o patunay na magpapakita na ipinagmamalaki mo na ikaw
ay isang Pilipino.
Gawain 2: Ating Kilalanin
Kilalaning mabuti si Dr. Jose Rizal. Isusualt ng mga mag-aaral sa kanilang kuwaderno ang
mga mahahalagang impormasyon tungkol sa buhay ng ating pambansang bayani.

Gawain 3: Pang-unawa sa Binasa


A. Paglinang ng Talasalitaan
Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa binasang akda.
Gamitin ang orihinal na salita sa sariling makabuluhang pangungusap.

1. dinanas

2. makamandag
3. tuligsa

4. pagliligpit sa mga kaaway

5. pag-aasam

B. Pagpapalawak sa aralin
Sagutin ang mga gabay na tanong
1. Bakit isinulat ni Dr. Jose Rizal ang nobela?
2. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit isinulat ni Dr. Jose P. Rizal ang El
FIlibusterismo?
3. Sino ang nagpahiram ng pera kay Dr. Jose P. Rizal upang maipalimbag ang El
Filibusterismo?
4. Kanino inialay ni Rizal ang kanyang nobelang El Filibusterismo?
5. Paano nakatulong ang kaligirang pangkasaysayan sa lubos na pag-unawa ng nobela?
C. Suriin mo
Ang mga mag-aaral ay pipili ng isa sa mga sumusunod na gawain para kanya itong
suriin:

1. Pagtukoy sa mga kondisyon sa panahon na isinulat ang akda.


2. Pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyon ito sa kabuuan o ilang bahagi ng akda.
3 Pagtukoy sa layunin ng may akda sa pagsulat ng akda.

Pamantayan sa Pagsusuri
- paksa- 5 puntos
- nilalaman- 10 puntos
- konklusyon- 5 puntos
- kawilihan- 5 puntos

Gawain 4: Pag-uugnay sa wika


A. Kahulugan ng pagtatala at ang mga uri nito.

Ano ang Pagtatala?


Ang Pagtatala ay ang pagkukuha o pagkalap o paglilista ng mga impormasyon mula sa libro,
diyaryo, internet, magazine, etc.
Uri ng Pagtatala

 Tuwirang Sinipi - derektang kinuha o Sinipi sa isang


sanggunian. Ito ay gumagamit ng panipi (") sa simula at sa dulo
ng talata.

 Buod - pinaikling bersyon ng orihinal na teksto. Ito ang madalas


na ginagamit sa Pagtatala.

 Hawig - binago lamang ang ibang salita ngunit nananatili parin


ang pagkakapareho nito sa orihinal na teksto.

Halimbawa ng Pagtatala:
Orihinal na teksto:
Ang papel ay isang manipis na materyal na pangunahing ginagamit para sa pagsusulat,
paglilimbag at pagbabalot. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagdiin ng sama-sama ang basang
mga hibla, karaniwang selulusa na hinango mula sa kahoy o damo, at tinutuyo upang maging
mga pirasong nababanat.

Tuwirang Sinipi

"Ang papel ay isang manipis na materyal na pangunahing ginagamit para sa pagsusulat,


paglilimbag at pagbabalot. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagdiin ng sama-sama ang basang
mga hibla, karaniwang selulusa na hinango mula sa kahoy o damo, at tinutuyo upang maging
mga pirasong nababanat."

Buod

Ang papel ay ginagamit panulat, paglimbag, at pagbabalot. Ginawa ito gamit ang isang material
na mula sa kahoy o damo.

Hawig

Ang papel ay isang manipis na kagamitan na pangunahing ginagamit para sa pagsusulat at


pagbabalot. Nabubuo ito sa pamamagitan ng pagdiin ng itinipon na basang mga hibla,
karaniwang selulusa na kinuha mula sa punong kahoy o damo, at tinutuyo upang maging mga
pirasong nababanat.

B.Pagpapalawak ng kaalaman:
Pagsasanay 1: Ito ang iyong pagkakataon upang maisagawa ang katuturan ng
pagtatala. Itala ang mahahalagan baagi ngiyong buhay.
1. Pagkabata
2. Buhay estudyante
3. Kabataan
4. Buhay pag-ibig

Pagsasanay 2: Igawa ng sariling tala mang talmbuhay ng ating pambansang bayani na


si Dr. Jose P. Rizal. Pumili ng angkop na uri ng pagtatala upang ito ay maisakatuparan.

Gawain 5: Paglilipat

Magaling! Ngayon naman ay isasabuhay mo ang iyong natutunan sa araling ito:

Ang timeline ay isang paraaan magagamit upang higit nating maunawaan ang
mahahalagang pangyayari sa kasaysayang ng ating bansa. Ipinapakita nito ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kasaysayan.

Punan ng mga mahahalagang pangyayari ang mga sumusunod na petsa batay sa


pagkakasulat ng Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Oktubre
1887

Pebrero
3,
1888

Setyembre
18,
1891
Marso 29,
1891
at
Setyembre
22,1891

Ipinasa ni:

Celia P. Cruz

Ipinasa kay:

Rebecca V. Montejo
MT 1

You might also like