Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Isang Pagsusuri sa Artikulong

“Fearing the Flood: Transportation as Counterinsurgency in the US-Occupied Philippines”

I. Ang Nagsulat ng Artikulo

Ang artikulong susuriin ay isinulat ni Benjamin D. Weber, isang Mellon Postdoctoral

Fellow ng American Council of Learned Societies (ACLS). Isa rin siyang interdisciplinary

scholar ng African American History, Critical Carceral Studies, at Black Social at Political

Thought. Higit pa rito ay kinikilala siya sa kanyang mga pananaliksik at pagtuturo kung saan

naparangalan pa siya bilang National Council for the Social Studies (NCSS) Outstanding

Teacher ng taon ng Estados Unidos (UC Davis, n.d.). Kasama naman sa kanyang mga interes sa

panananaliksik ay ang Kasaysayan ng Africa American, Mga Pag-aaral sa Diaspora ng Africa,

Kapitalismo ng Lahi, at Kolonyalismo at Dekolonisasyon. Si Weber ay Senior Program

Associate na rin ng Vera Institute of Justice, isang national organization sa New York na

humaharap sa kasalukuyang mga isyung panlipunan kasama ang mga sanhi at kahihinatnan ng

pagkabilanggo ng masa, pagkakaiba-iba ng lahi, at pagkawala ng tiwala ng publiko sa

pagpapatupad ng batas, sa hindi natutugunan na mga pangangailangan ng mahina, marginalisado,

at mga pininsala ng krimen at karahasan (ACLS, n.d.).

Dahil dito sa kanyang tanyag na karanasan sa larangan ng pananaliksik at pagtuturo

partikular na sa kasaysayan ng pananakop, diskriminasyon, at lahi ay masasabing isa siyang

maaasahan na pagkukunan ng impormasyon ukol sa paksa nitong kanyang nailathala na artikulo.

Subalit bilang isa mismo siyang Amerikano ay may halong pag-aalinglangan pa rin dahil
maaaring may bahid ito ng bias tungo sa kanyang lahi o kaya ay kakulangan ng kaalaman sa

ating kultura.

II. Mahahalagang Punto ng Akda

Sa kabilang banda, isa sa naging mahalaga na punto ng artikulo ni Weber ay ang

pagtingin sa likod ng opisyal na katwiran ng pagdadala ng mga bilanggo. Bukod sa sila ay

gamitin lamang bilang mga mangagawa sa mga gawaing pampubliko, malinaw na ang

transportasyon at pagpapakulong ay pinagsamang diskarte ng carceral kolonyalismo na hinimok

ng patuloy na takot mula sa posibilidad na ang mga pag-aalsa sa bilangguan ay mag-uudyok

lamang ng isang pagbaha ng mas malawak na pag-aalsa. Para sa mga mandirigma ng anticolonial

naman, ang pag-alsa sa mga bilangguan ay nag-catalyze ng pagtutol sa kolonyalismo ng Estados

Unidos, at ang pagtakas mula sa sapilitang transportasyon ay nag silbing malakas na kilos ng

paglaban.

Ngunit sa mata naman ng mga mananakop na Amerikano, ang mga pag-aalsa na ito

bukod sa dulot nitong takot ay nagsilbing katwiran para sa digmaan. Isang halimbawa ng

paggamit ng katwirang ito ay ang ginawang pagpapaliwanag ng pagsiklab ng poot sa US War

Department. Inilagay ni Major John R. Taylor ang balangkas ng bilangguan sa gitna ng isang

pinag-ugnay na pag-aalsa sa Maynila na papatayin ang bawat Amerikano sa paningin nila. Para

sa mga opisyal tulad ni Taylor, ang salaysay ng mapanganib na pag-aalsa sa bilangguan ay

hahantong lamang daw sa malawakang pag-aalsa ng anticolonial sa buong bansa. Para sa

mananalaysay naman na si Ranajit Guha, ito ay tinawag niyang "prose of counterinsurgency.” At


sa paningin naman ng iba pang mga opisyal ng Estados Unidos, malaki ang naging paniniwala

nila sa sanaysay ni Taylor na ang mga Pilipino mismo ang nagudyok ng digmaan sa kanilang

mga sarili. Dahil dito ay nagpatuloy ang diskriminasyon at hindi makatarungan na pagsipil sa

mga Pilipinong lider ng rebolusyon na ang nais lamang ay tunay na kalayaan para sa inang

bayan. Sa halip, sila ay naaakusahan pa bilang mga tulisan ng gobyerno sa mata ng mga marahas

na mananakop.

Isa pang naging mahalagang punto sa akda ay ang pagtukoy ni Weber sa udyok ng

rebolusyon bilang isang matalinhagang baha. Para sa magkabilang panig, dinala pasulong ang

rebolusyonaryong pagkilos na ito ng mga Pilipino. Sa gayon, ang muling pagsusuri sa

magkakaugnay na mga kasaysayan ng pag-aalsa at transportasyon bilang kontra-insurhensya

mula sa pananaw ng kolonya ay ipinapakita din sa ibang parte ng artikulo kung paano hinugis ng

mga karanasan sa pagkabilanggo ang mga pangarap at kasanayan sa kalayaan ng ating mga lider

ng anticolonial na kilusan.

Dulot ng walang habis na pagdakip sa mga di umanong kaalyado ng rebolusyon sa

Pilipinas, nawalan ng katiyakan ang mga nakukulong sa ilalim ng panahon ng mga Amerikano.

Dahil dito ay lumobo ang bilang ng mga nakakulong sa Bilibid at nagkaroon ng overcrowding na

siyang rason sa maruming kalagayan ng institusyon na naging sanhi ng mga sakit na pumatay sa

daan daang mga bilanggo. Kinailangang ipamahagi ang mga naroon sa Bilibid na naging

katwiran na rin ng mga Amerikano na dagdagan ang puwersa sa ibang mga lugar sa Pilipinas na

sa kanilang paningin ay may kakulangan sa pagiging produktibo. Sa paglipat din ng mga

bilanggong, sinikap ni Police and Commerce Secretary W. Cameron Forbes na sirain ang mga
lokal na ugnayan, pagsamantalahan ang mga panlalaban na antagonismo, at gumawa ng bagong

disenyo ng mga sistema ng pamamahala ng lahi.

Totoo sa unang punto sa artikulong ito ni Weber, mayroong tinatago na nais gawin sa

ating mga bilanggong lider ng rebolusyon ang mga Amerikano. Subalit higit sa kanilang

kaalaman ay hindi nila inakalang babalik din sakanila ang mga natatagong nais nila na ito. Ang

akala nilang papabor sa kanila na pagpapakalat ng mga bilanggo sa ibang parte ng Pilipinas ay

siyang lalong magpapalakas lamang pala ng loob ng mga Pilipinong lumaban para sa kalayaan.

Nabanggit sa akda si Felipe Salvador na isang katipunerong lumaban sa Espanya. Tinalo

niya ang higit kumulang 3,000 na Kastila sa Labanan ng San Luis sa Pampanga noong 1898.

Ngunit dahil sa mga bagong batas nang dumating ang mga Amerikano, siya ay dinakip sa Nueva

Ecija sa ilalim ng singil ng sedisyon at dinala sa Bilibid Prison noong 1902, subalit nang dumaan

sila sa Cabiao, nakatakas siya. Sa pagtakas ni Felipe Salvador, umakyat siya sa tuktok ng isang

bundok at matapos maglibot sa mga kalapit na kagubatan at latian, umakyat si Salvador ng

Mount Arayat at bumalik na may isang propesiya: "isang malaking baha ang mag huhugas ng

mga hindi naniniwala at pasisimulan ang paparating na laban para sa kalayaan.” Subalit, inakala

lamang ng Constabulary na ginagamit lamang ni Salvador ang lumang Weather Bureau ng

Espanya sa paghula ng posibilidad ng mga baha. Taong 1910 na nang nagsimulang paniwalaan

na rin ng mga Amerikano ang propesiya ni Salvador sa isang politikong baha sa kabisera ng

Pilipinas na lungsod ng Maynila kung saan naroon ang Bilibid na siyang epicenter nitong

nagbabadyang baha. Makikita ang propesiya na ito ni Salvador sa isang pagbaha na

humahantong sa kalayaan at mga alon ng kilusang rebolusyonaryong anticolonial laban sa

bersyon na ito ng Soberanya ng Estados Unidos.


Ang mga kahaliling ideya at kasanayan sa kalayaan ay hinubog ng mga karanasan sa

pagkakulong. Katulad ng iminungkahi ni Vicente Rafael, ang rebolusyon ng Pilipinas ay

nagbukas ng isang mas "makahimalang" karanasan ng soberanya. Inilarawan niya ang

paghihimagsik sa bilangguan bilang “lumilitaw na pagbubukas ng isang ganap na bagong

buhay", na sumasagisag sa radikal na pagkawala mula sa isang kundisyon at pagpasok sa isa

pang estado ng pagiging. Nagsilbing simbolo ito ng anticolonial na rebolusyon kung saan ang

mga tagapag laban natin ng kalayaan ay ipininta bilang mga tagapag labag ng batas, at sa

pamamagitan ng pag-aalsa ay muli silang kikilalanin bilang mga lider ng rebolusyon natin tungo

sa tunay na kalayaan.

III. Pag Sang-Ayon o Hindi Pag Sang-Ayon

Sa unang punto ni Weber na pagtingin sa likod ng opisyal na katwiran ng pagdadala ng

mga bilanggo ay sumasangayon ako. Kapwa akong naniniwala na may higit pang nais ang mga

Amerikano sa kanilang pagpapakulong ng mga katutubong Pilipino. Sa ilalim ng kanilang

pananakop ay maraming naganap na paulit-ulit na tema ng pambibilanggo sa mga pinunong

Pilipino dahil sa banta ng pagbalik nila bilang taga-udyok ng panibagong paglaya. Kasama na

rito sa mga dinakip sa ilalim ng kamay ng kapwa pinunong Pilipino ay ang Ama ng Katipunan

na si Andres Bonifacio, isa sa mga pangunahing namuno sa mga kilusan laban sa Espanya. Dito

palang ay kahina-hinala na ang kanilang nais sa pagpapadakip sa mga kilalang pangalan ng

malalaking kilusan sa rebolusyon ng Pilipinas.

Isa pang halimbawa ay ang pagpapakulong at pagpatay sa kapwa Katipunero ni Bonifacio

na si Macario Sakay. Itinatag niya ang Republika ng Katagalugan noong 1902 at pinangunahan

niya ang mga pag-aalsa laban sa mga Amerikano noong panahon na iyon (Jimenez, 2019).
Kinilala siya bilang isang malaking banta ng mga Amerikano dahil sa lakas at lawak ng kanyang

naging impluwensya sa mga kilusan partikular na sa katagalugan. Dahil dito ay nilinlang siya ng

mga lider ng Estados Unidos upang siya ay madakip at mapatay. Parte ng huling mga salita ni

Sakay ay “Nais kong sabihin sa iyo na hindi kami mga tulisan at magnanakaw tulad ng inakusa

sa amin ng mga Amerikano, miyembro kami ng rebolusyonaryong puwersa na ipinagtanggol ang

ating inang bayan na Pilipinas.” Hanggang sa huling sandali ng buhay ng mga naging parte ng

labanan kontra sa mga mananakop na Amerikano ay ipinaglaban at idiniin nila ang katotohanan

sa likod ng mga inakusang kasinungalingan sa ating mga kapwa Pilipino.

Kaakibat ng mga halimabawa na ito ay sangayon ako sa sinambit ni Weber sa artikulo

ukol sa mas malaking rason sa likod ng pagpapakulong sa mga pinunong Pilipino ng mga

Amerikano. Sa pamamagitan ng transportasyon ng paghatol, naghangad ang mga opisyal ng US

na alisin ang partikular na mga banta mula sa kanilang mga base ng suporta, upang putulin at

ihiwalay ang mga rebolusyonaryong pinuno mula sa kanilang mga network ng pagmamay-ari.

Nakuha ng militar ng US ang maraming rebolusyonaryong pinuno at mga nasyonalistang

manunulat sa politika sapagkat ang mga tumanggi na manumpa ng katapatan sa Estados Unidos

ay binantaang ipapadala at ikukulong sa malalayong isla katulad ng Guam. Gayunpaman, habang

ang mga opisyal ng Estados Unidos ay nagpatuloy sa pagpapatapon ng mga kilalang pangalan sa

rebolusyon, hinangad pa rin nilang muling mauri ang mga makabuluhang bahagi ng

nagpapatuloy na pakikibakang anticolonial bilang mga tulisan, at hindi mga kasapi ng hindi

gaanong kilala at matagal nang hindi naintindihan na mga paggalaw na pinangunahan ng mga

tumanggi na maipasok alinman sa mga kolonyal na Estados Unidos, o sa makatuwid ay mga

rehimeng nasyonalista ng Pilipino. Hindi kinilala ng mga Amerikano ang pag-aalsa ng mga

Pilipino bilang rebolusyon kung hindi ay minarkahan pa nila itong kriminal na gawain.
Ukol naman sa pangalawang punto ni Weber na pagkilala sa propesiya at metapora ni

Salvador sa nagbabadyang baha ng rebolusyon ay sumasangayon din ako sa pahayag na ito.

Katulad ng isang napunong ilog sa gitna ng malakas at walang tigil na ulan, hindi maiiwasan ang

pag-apaw nito na siyang nangyari sa mga bilanggo na lider at kaalyado nating lumalaban sa

rebolusyon at tunay na kalayaan para sa inang bayan natin na Pilipinas.

IV. Sariling Pagsusuri, Opinyon, Kuro-kuro, at Saloobin

Kung akin ihahambing ang unang punto ni Weber sa makabagong mga kilusan at isyung

panlipunan ay maaaring ikumpara ito sa nangyayaring red-tagging ng kasalukuyang

administrasyon. Ang red-tagging ay isang taktika kung saan ang mga indibidwal ay

minamarkahan bilang mga komunista o terorista kahit na madalas ay wala namang malaking

patunay na malakasang inilalatag ng mga tagasuporta ng gobyerno at mga opisyal ng estado sa

Pilipinas (Haynes, 2021). Katulad ng takot na lumaganap sa mga opisyal ng Estados Unidos na

sila ay mapatalsik ng mga anticolonial lider, gayun din ang takot na mahihinuha sa lantarang pag

gamit sa taktika ng red-tagging ngayon. Matapos nga ang pag-uusap tungkol sa kapayapaan

upang wakasan ang insurhensya noong 2017, ay nagsimula na ang pagakusa ni Pangulong

Rodrigo Duterte sa CPP at iba pang mga left-wing group na nagsisikap na "ibagsak ang

gobyerno." Ang akusasyon na ito ay kasama ng pagpapatupad ng isang kontrobersyal na batas

laban sa terorismo noong Hulyo 2020 (Haynes, 2021).


Ang red-tagging ay malapit sa naging pagaakusa ng mga Amerikano sa ating mga

sinaunang lider ng rebolusyon na hinatulan ng pagiging tulisan at magnanakaw. Katulad din ng

marahas nating nakaraan ay ipinapapatay rin ngayon ang mga kinikilalang high-profile na

personalidad na hindi kaalyado ng gobyerno. Noong Disyembre 2020, isang doktor na di umano

ay na red-tag at ang kanyang asawa ay binaril ng hindi kilalang mga salarin sa lungsod ng

Guihulngan (Haynes, 2021). Si Dr. Mary Rose Sancelan na namuno sa tugon ng kanyang

pamayanan sa pandemikong COVID-19 ay lumabas umano sa isang listahan mula sa lokal na

grupong milisya na ‘Kagubak,’ kung saan walang basehan na sinabing si Sancelan ay may mga

koneksyon sa NPA.

Hindi rin natin makakaila ang pagkakaiba ng ating mga kultura sa pagitan natin at ng

mga Amerikano. Ipinakita sa akda na tila iba ang inasahan sa atin ng mga mananakop dahil sa

iba ang kanilang kinasanayan. Inakala nilang matitikom na tayo nang madakip ang mga lider ng

rebolusyon ngunit tila parang isang hydra na kapag siyang pinutulan mo ng isang ulo ay may

tutubo dito na dalawa pang bago kapalit noong nauna. Sa parehong metapora naman na ginamit

ni Salvador, tayong mga Pilipino ay maihahalintulad sa baha. Partikular na rito ang isang flash

flood kung saan ang tubig ay bababa o kokonti sa mata ng taga obserba ngunit sa isang iglap ay

biglaan nalamang ito tataas at magdudulot ng malawakang pinsala na hindi inaasahan.

Isa pang pagkakaiba sa kultura ay ang abilidad ng mga Pilipino na iangkop ang mga sarili

sa kung ano mang sitwasyon na kinahaharap. Sa kabila ng pagpapadala ng mga Amerikano ng

mga bilanggo sa iba’t ibang parte ng Pilipinas sa kanilang paggamit ng transportasyon bilang

Counterinsurgency ay nagawa pa ring lumaban at mangalap ng mga kaalyado ang ating mga
lider ng rebolusyon. Kaysa sa manibago at masuklam sa biglaang pagbabago na ito sa paligid ay

nagsilbi pa itong tulay sa bagong mga kaisipan at mas malakas pa na pagnanais para sa kalayaan.

Kaugnay sa nauna kong paghahambing sa kasaysayan at sa kasalukyang panahon,

patunay nitong pagiging maabilidad sa pag angkop sa sitwasyong kinahaharap ay ang mga

kasalukuyang rally sa panahon ng pandemya. Laban sa red-tagging at ipinasang anti-terror bill,

sinikap ng mga rallyista na sundin pa rin ang mga health protocol katulad ng pisikal/social

distancing at pagsuot ng facemask (Lalu, 2020) kahit na sa unang tingin ay halos imposible itong

magawa dahil kadalasang siksikan at dikit-dikit ang mga nakikilahok sa ganitong mga

demonstrasyon.

Sa kabilang banda, mayroon din naging mga punto si Weber sa kanyang akda na hindi ko

sinangayunan. Isa na rito ang pagtalakay niya sa racist na pagtingin ng mga Amerikano sa mga

Pilipinong manggagawa. Sa aking tingin at pagkakilala sa mga Pilipino, malabo ang sinambit ni

Weber na ideya kung saan ang mga Pilipino ay nagtatrabaho lamang sa ilalim ng direkta singil

ng isang puting foreman at sila ay umaalis o tumitigil sa minuto na ang mga mata ng puting tao

ay nakaalis na sa kanila. Sa aking tingin ay maaaring dulot lamang ito ng isa nanamang

pagkakaiba sa kulturang kinikilala. Katulad ng inaakalang pagiging tamad ng mga Pilipino sa

paningin ng mga Kastila, isa lamang itong maling hinala. Ang totoo ay magkaiba lang ang

paraan ng pag atake sa trabaho ng mga Kastila at mga Pilipino. Ito ay dahil sanay ang mga

Kastila na tanghali bumangon habang ang mga Pilipino naman ay maaga nagsisimulang

magtrabaho. Dahil dito ay nagkakasalisi ng oras ng pahinga ang dalawang lahi. Kung kailan
magsisimula palang ang mga Kastila ay siyang tapos naman na ang mga Pilipino kaya’t

inaakalang tamad ang mga Pilipino.

Sa tingin ko ay maaaring hawig dito ang naging ideya ng mga Amerikano na paningin sa

mga manggagawang Pilipino. Ngunit nakakabigo malaman na naging ugat pa itong

diskriminasyon ng mga mananakop para sa pagkakahati ng sarili nating mga ninuno. Noon pa

man ay sinimulan na ng mga Amerikano ang paglalapat ng magkakaibang halaga ng pasahod

base sa lahi o pangkat etniko. Ayon sa akda ay kinilala ang mga Igorot na nakahihigit at

katumbas ng tatlong Ilocano o Pangasinense sa halaga ng sahod. Dahil sa ganitong

diskriminasyon, ang mga partido ng Pilipinong manggagawa mula sa iba't ibang mga tribo ay

minsang pinag lalaban sa pagitan ng bawat is ana siyang nagsisilbing motibasyon sa pagdagdag

sa output ng kanilang paggawa. Ang tunggalian ng mga Tagalog at Ilocano, halimbawa, ay

lumikha ng kumpetisyon kung sino ang itinuturing na mas mahusay na manggagawa.

Sa aking sariling pananaw, tila umuulit ang kasaysayan base sa aking mga naging

obserbasyon sa mga kasalukuyang isyung panlipunan at sa aking mga nabasa sa akda ni Weber.

Mula sa pagpapasakit ng mga nakatataas na opisyal hanggang sa diskriminasyon ng ating mga

kapwa Pilipino, nakakalungkot na mukhang nakakalimutan natin ang mga aral ng kasaysayan.

Kung tayo man ay mayroon dapat natutunan mula sa ilan daang taon na pakikipag laban

ng ating mga ninuno sa mga mapangapi na mga mananakop, ito ay ang pagpapahalaga sa

kapangyarihan ng rebolusyon. Hindi dapat kinasusuklaman o tinitingnan nang mababa ang mga

nakikilahok sa mga demonstrasyon, rally, at pakikibaka para sa ating mga karapatan dahil sa

ganito namang paraan natin nabawi ang kalayaan. Kung hindi kumilos noon ang ating mga lider

ng rebolusyon, maaaring nanatili tayong kolonya ng malalaking bansa na sila ngayong


nakikinabang sa ating mga likas na yaman. Gayon din naman noon, mayroong pagpipilian ang

mga miyembro ng kilusan at pag-aalsa. Maaari silang mamuhay nang payapa bilang ordinaryong

mamamayan na sumusunod nalamang sa mga nakatataas na opisyal ngunit nanaig sakanila ang

kagustuhan na mamuhay nang malaya. Sinapuso rin nila ang kapakanan ng mas nakararami at ng

mga susunod na henerasyon.

Mahalagang matutunan natin ang tunay na kahalagahan at kahulugan ng mga kilusan lalo

na at lumalaganap sa kasalukuyang panahon ang mga isyu katulad ng red-tagging na

nagpapababa sa tingin ng mga ito. Dumadami ang mga tutol sa ganitong mga rally o pag-aalsa

dahil lamang sa hindi nila ito naiintindihan at hindi nila nakikita ang kadahilanan sa likod ng

mga ito kaya’t muli akong napaalalahanan ng akda na ito na tingnan ang higit pa sa nakikita ng

mata.

Nararapat na maging kritikal at huwag maninirahang bulag at bingi sa katotohanan ng

ginagalawan nating lipunan

Mga Sanggunian:

ACLS (n.d.). Benjamin D. Weber F'17. Retrieved from:

https://www.acls.org/research/fellow.aspx?cid=DEAD193D-544C-E711-80CA-FA1B435B3F3F

Haynes, O. (2021). Deadly 'Red-Tagging' Campaign Ramps Up in Philippines. Retrieved from:

https://www.voanews.com/east-asia-pacific/deadly-red-tagging-campaign-ramps-philippines
Jimenez, J. (2019). Macario Sakay and misinformation. Retrieved from:

https://www.manilatimes.net/2019/07/04/opinion/columnists/macario-sakay-and-

misinformation/578939

Lalu, G. (2020). Groups protest Anti-Terror Bill passage at UP rally despite quarantine.

Retrieved from: https://newsinfo.inquirer.net/1286375/groups-protest-anti-terror-bill-passage-at-

up-rally-despite-quarantine

UC Davis (n.d.). Benjamin D. Weber. Retrieved from: https://aas.ucdavis.edu/people/benjamin-

weber

You might also like