Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ONLINE DEMONSTRATION

Panitikan
MIDTERM PERIOD
I. LAYUNIN
a. Nailalahad ang kaalamang pangkasaysayan ng rehiyon, panitikan, mga
tanyag na akda, at manunulat.
b. Nakapagsasagawa nang masusing pag-aaral sa mga panitikan mula sa
rehiyon upang maunawaan ang kanilang mga tema, mensahe at layunin.
c. Naipapahayag ang mga ideya at obserbasyon ukol sa rehiyonal na
panitikan sa pamamagitan ng mga pagsusulat, talumpati, pagtatalakay
at iba pa.

II. PAKSANG ARALIN


a. Paksa: Panitikan sa Rehiyon IX (Zamboanga Peninsula) “Manik Buangsi” ni Virgilio S.
Almario.
b. Sanggunian: https://prezi.com/p/o1sasn9envr5/panitikan-sa-rehiyon-8-at-9/
c. Kagamitan: Powerpoint, Laptop

d. Pagpapahalaga: Pag-ibig at Tiwala sa sarili

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin “Prayer Before Study”
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
● “Mashadow “
Panuto: Pansinin ng mabuti ang larawang pinapakita. Gawing gabay ang
salitang naglalarawan tungkol dito upang maka buo ng ideya
bilang kasagutan rito.

2. Paglalahad
1. Sino-sino bas sa inyo dito ang nakaranas na ng pagmamahal?
pwede ba ninyong maibahagi ito sa amin

● Pagpapakita ng larawan ng puso


2. Para, sa inyo gaano ba kahalaga ang pagmamahal?
3. Importante bang magkaroon ng tiwala sa isat-isa kapag nag
mamahal? Bakit?
4. Ano sa palagay niyo ang mangyayari sa mga taong hindi nagtitiwala
sa taong mahalaga sa kaniyang buhay?
5. Ano sa palagay ninyo ang topiko natin ngayong araw?
6. Ano-ano ang mga inaasahang mangyari pagkatapos ng ating
talakayan.
3. Pagtatalakay
● Maikling kasaysayan at heograpiya

● Pagtatalakay tungkol sa Panitikan ng Rehiyon IX,


● Paglalahad ng kwentong “Manik Buangsi” ni Virgilio S. Almario

C. Paglalapat
● Pagtatanong tungkol sa kwentong binasa
Panuto: Sagutang ang mga sumusunod na tanong:

1. Anung klaseng mangingibig si Manik Buangsi? Magbigay ng mga


patunay.
2. Anung uri ng pag-uugali mayroon si Tuan Putli?
3. Paano ninyo maihahalintulad ang relasyon ni Tuan Putli at Manuk
Buangsi sa mga relasyon sa kasalukuyan?
D. Pagbubuod
1. Batay sa inyong binasa ano ang tema ng kwento ng “Manik Buangsi”?
2. Paano mo maisasalaysay ang mensahe ng kwentong “Manik Buangsi”

3. Bilang isang mag-aaral, ano ang nais iparating ng kwentong “Manik Buangsi”
Sa mga mambabasa?

IV. PAGTATAYA
- Sagutan ang mga tanong sa google form.

Inihanda nina:
Kyrah Therese P. Cresencio
Joselle C. Mestio
Gerry Mae G. Tejares

You might also like