Professional Documents
Culture Documents
AP7 SLM6 - Q4.docx Google Docs 3
AP7 SLM6 - Q4.docx Google Docs 3
QUARTER 4 - MODULE 6
TUKLASIN AT SURIIN
1
Ngunit nababanaag pa rin ang pagnanais ng mga makapangyarihang bansang
naging biktima. Sa anu-anong paraan?
Sa pagkakataong ito, basahin at suriin mo ang teksto. Pagkatapos ay
sagutan ang mga sumusunod na gawain at pamprosesong katanungan.
NEOKOLONYALISMO
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lumitaw ang makabagong
uri ng pananakop. Ito ay itinuturing na “neokolonyalismo”.
Ang neokolonyalismo ay ang di-tuwirang pananakop sa isang bansang
malaya na may mahinang ekonomiya na umaasa sa isang makapangyarihang
bansa. Batay sa aklat ni Cruz, Romela et al., 2014, ang neokolonyalismo ay
pananatili ng panlipunan at pampolitikang impluwensiya ng dating mananakop sa
mga bansang dating nasakop. (Blando, Rosemarie et al., Araling Asyano Araling
Panlipunan, 280)
A. Pulitikal
Lihim na Pagkilos (Covert Operation)
Kung hindi mapasunod nang mapayapa, gumawa ng paraan ang mga
neokolonyalista upang guluhin ang isang pamahalaan o ibagsak ito ng tuluyan.
Halimbawa noong 1951, pinabagsak ang pamahalaang ni Mohammad
Mossadegh ng Iran at tinulungan ng Estados Unidos si Mohammad Reza Sha
Phalavi na maluklok muli sa kapangyarihan.
Tinulungan din ng Estados Unidos si Ngo Dinh Diem laban kay Ho Chi Minh
na maging pinuno ng Timog Vietman.
Sa Pilipinas, ipinadala ng Central Intelligence Agency si Edward Lansdale
hindi lamang upang sugpuin ang mga Huk kundi tumulong din na mailuklok sa
katungkulan ang isang pangulong manatiling tapat sa Estados Unidos.
B. Ekonomiya
Dayuhang Pautang o Foreign Debt
Anumang pautang ng International Monetary Fund (IMF), World Bank o ng
Estados Unidos ay laging may mga kondisyon.
Kabilang sa mga kondisyon ang pagbubukas ng ekonomiya sa dayuhang
pamumuhunan at kalakalan, pagsasapribado ng mga kumpanya at pagbaklas ng
mga monopolyo, pagpapababa ng halaga ng
salapi, at pagsasaayos ng sistema ng pagbubuwis. Kung hindi susundin
ang mga kondisyon, hindi makauutang ang umuutang. (Project EASE, Modyul 10
neo-kolonyalismo ang bagong uri o pamamaraang ko (1),
slideshare,www.slideshare.net/ssusercdfe4f/modyul-10-neokolonyalismo-ang-bago
ng-uri-o-pamamaraang-ko-1, June 19, 2015)
2
C. Pangkultura
Kaisipan ang hinawakan sa ganitong pamamaraan.
Maraming Pilipino ang naipadala sa Estados Unidos upang
magpakadalubhasa. Tinatawag silang mga pensyonadong mag-aaral, at kumikilos
nang tila Amerikano nang magbalik sa Pilipinas.
Natutuhan ng mga Pilipino ang mga bagay na totoong banyaga sa kanilang
kamalayan tulad ng Christmas, Santa Claus, Snow White, at Mistletoe na totoong
hindi matatagpuan sa bansa.
Maging ang mga aklat sa paaralan ay dumakila sa buhay ng mga bayaning
Amerikano tulad nina Washington, Jefferson, at Lincoln.
Bahagi rin ng imperyalistang kultural ang pagpasok ng iba’t- ibang pagkaing
Amerikano tulad ng: hotdog, hamburger, at mansanas.
Masamang epekto sa mga Pilipino ang pagpairal ng Wikang Ingles bilang
wikang gamitin sa mga paaralan.
Pagpasok ng iba’t-ibang pagkaing Amerikano na ngayo’y palasak na sa
panlasang mga Pilipino at ipinagpalit ang katutubong mga pagkaing tulad ng
kalamay, puto, latik, at bibingka. Maging ang pananaw ng mga Pilipino sa buhay
ay nabahiran na rin ng imperyalismo. Naghangad ang mga Pilipino ng pagkaroon
ng mga materyal na bagay na siyang batayan ng katayuan sa lipunan.
Kaya ang resulta ay ang mga sumusunod:
⮚ Nakaapekto ng malaki ang pag-aanunsyo sa mass media sa pagbabago ng
panlasa at kagustuhan ng mga tao.
⮚ Pangunguna ng mga produktong imported sa kaso ng Pilipinas.
⮚ Nagbunga ng paglikas mula sa pook na rural tungo sa pook urban na nagbunga
ng kulturang Slum o Squatter.
⮚ Nagbunga ng kaisipang kolonyal lalo na sa mga bansang di-maunlad.
D. Militar
Pagkatapos ng digmaan, ipinamigay ng Estados Unidos ang mga natitirang
(surplus) kagamitang militar.
Ang pagpapadala ng mga pulis at sundalo sa Estados Unidos upang
magsanay.
Pagpapalaganap ng mga tagapayong militar upang tulungan ang
pamahalaan sa pangangalaga ng seguridad ng bansa
EPEKTO NG NEOKOLONYALISMO
Maraming epekto ang neokolonyalismo sa mga bansang sinakop at
pinag-samantalahan nito.
1. Over Independence o labis na pagdepende sa iba - Malinaw na umaasa nang
labis ang mga tao sa mayayamang bansa lalong-lalo na sa may kaugnayan
sa United States.
2. Loss of Pride o kawalan ng Karangalan – Sanhi ng impluwensiya ng mga
dayuhan, nabubuo sa isipan ng mga tao na lahat ng galing sa kanluran ay
mabuti at magalang, na isang dahilan kung bakit ang tao ay nawalan ng
3
interes sa sariling kultura at mga produkto. (Blando, Rosemarie et al.,
Araling Panlipunan kasaysayan ng Daigdig, 517)
3. Continued Enslavement o Patuloy na Pang-aalipin – Totoo ngang ang
umuunlad na bansa ay malaya sa prinsipyo, ngunit sa tunay na kahulugan
ng salitang Kalayaan, ang maliit na bansa ay patuloy pa ring nakatali sa
malakolonyal at makakapitalistang interes ng kanluran. Ang lahat ng aspeto
ng kabuhayan ay kontrolado pa rin ng kanluran. (Blando, Rosemarie et al.,
Araling Panlipunan kasaysayan ng Daigdig, 517)
4.
MGA GAWAIN
Gawain 1: WEB
Panuto: Punan ang ulap ng iba’t ibang anyo ng Neokolonyalismo. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
Pagproseso ng Gawain:
Mabuti Di-mabut
i
1. Pagkakaroon ng kaisipang kolonyal.
4
2. Pagkahilig sa imported.
3. Kulturang Slum o Squater.
4. Makabagong pamamaraan ng produksyon.
5. Makabagong sistema ng pagbubuwis.
6. Paglaki ng agwat ng mayaman at mahirap.
7. Paglaki ng populasyon.
8. Mababang antas ng edukasyon.
9. Modernong sistema ng transportasyon.
10.Paglikas mula rural tungo sa urban.
B. Pumili ng isa at pangatwiranan kung bakit mabuti o di-mabuti ang iyong sagot.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Panuto: Dugtungan ang mga kataga ayon sa iyong pagkakaintindi. Isulat ang mga
dugtong sa sagutang papel.
1. Natutunan ko sa aralin na ang neokolonyalismo ay _______________________
___________________________________________________________________________
2. Nakabuti ba o nakasama ang neokolonyalismo sa daigdig
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Ngayong nalaman mo ang negatibong epekto nito, ano ang nararapat mong
gawin upang
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
TAYAHIN
I. Panuto: Suriing mabuti ang mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at
isulat sa sagutang papel.
5
2. Kung ang iyong bansa ay humaharap sa krisis ng pagtatanggol ng
teritoryo laban sa mas malakas na bansa, bilang isang kinatawan ng iyong
bansa alin sa sumusunod ang isusulong mo sa iyong gagawing
resolusyon?
A. Hindi magsusulong ng anumang interes dahil mababalewala rin
naman.
B. Papayag sa kung ano ang gusto ng mas malakas na bansa para
walang gulo.
C. Isusulong ang pambansang interes at karapatan ng bansa anuman
ang mangyari.
D. Isusulong ang interes ng iba pang bansa na interesado sa usapin
upang magkaroon ng Kalayaan.
6
6. Di-tuwirang pananakop sa isang bansang malaya na may mahinang
ekonomiya na umaasa sa isang makapangyarihang bansa.
A. Imperyalismo B.Kolonyalismo C. Nasyonalismo D.
Neokolonyalismo
7. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng neokolonyalismo sa rehiyong Asya.
A. Pag-unlad ng kalakalan.
B. Natutong lumaban ang mga bansang sinakop.
C. Patuloy na pang-aalipin ng mga bansang sumakop.
D. Pigilan ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin.
8. Paraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng lipunan.
A. Kultura B. Pamahiin C. Paniniwala D. Tradisyon
III. Panuto: Paggawa ng Sanaysay. Pumili ng isa at talakayin sa 1-2 talata. Isulat
ang sagot sa sagutang papel. (10 pts)
1. “Walang bansa ang makapag-iisa”
2 “Ang sariling pagkakakilanlan ay nawawala dahil sa kulturang dayuhan”
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Rubrik para sa Paggawa ng Sanaysay.
7
SAGOT SA MGA GAWAIN
SANGGUNIAN
A. Aklat
Blando, Rosemarie et al., Araling Asyano Araling Panlipunan – Modyul
para sa Mag-aaral, Pinagmulan, Kasaysayan, Kayamanan,
Pagkakakilanlan (Meralco Avenue, Pasig City, Pilipinas ng
Eduresources Publishing Inc., 2014), 280-281.
Blando, Rosemarie et al., Araling Panlipunan kasaysayan ng Daigdig
(Meralco Avenue, Pasig City, Philipppines 1600 Pilipinas ng Vibal
group Inc., 2014) 514-517.
B. Website
Project EASE, Modyul 10 neo-kolonyalismo ang bagong uri o
pamamaraang ko (1), slideshare,www.slideshare.net/
ssusercdfe4f/modyul-10-neokolonyalismo-ang-bagong-uri-o-pam
amaraang-ko-1, June 19, 2015
8
SAGOT SA MGA TAYAHIN