Script GR 1 Reporting (Prelim)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SCRIPT|COMMISSION ON HIGHER EDUCATION

(CHED) MEMORANDUM ORDER O CMO No.20,


Series of 2013
ROSE:
“Ngayon, ano ba kasi yung nasabi CMO no. 20, series 2013 na yan? Eh
mukhang hindi naman talaga ganung kahalaga yan di ba? Kung
usapang Filipino lang naman eh kayang kaya ko magsalita nyan, kahit
di ko na aralin yan.”

LLOYD:
Ayan siguro ang iniisip ng karamihan pag napag-uusapan ang paksa
patungkol sa wikang Filipino. Ngayon ay malalaman natin ang
problemang kinaharap ng wikang Filipino dahil sa pagpapanukala ng
nasabing memorandum.

LLOYD:
Una sa lahat an oba ang CMO No.20, s. 2013?
- Ito ay isang memorandum na nagresulta sa karagdagang tatlong
taon sa nasabing sampung taon na basic education ng mga
estudyanteng Pilipino, na mas kilala bilang ang K to 12 na
programa. Ito raw ay para makasabay ang Pilipinas sa kalidad ng
edukasyon sa mga karatig nitong bansa. Bago mapirmahan ang
batas, isang taon nang ipinatupad ng Department of Education
(DepEd) ang K to 12 sa mga “pilot school” at hinabol na lang ang
batas para gawing legal at maipatupad sa buong Pilipinas.
ROSE:
“Oh eh ano naman ang masamang dulot nito sa wikang Filipino eh mas
pinaigting pa nga ang pag-aaral ng mga estudyante dahil sa
pagkakaroon ng K-12”
ROSE:
Yan ang masasabi siguro ng iba, pero ang hindi nila alam…
- Na dahil sa memorandum na ito, ang mga asignaturang Filipino ay
tuluyan nang hindi ituturo sa mga estudyante pagkatungtong ng
kolehiyo kapag naipatupad na ang nasabing K-12, sa kadahilanang
ang mga ito ay ililipat na sa kursong nakapaloob sa kurikulum ng
Grade 11 at 12.
LLOYD:
Kaya sa aking pananaw, ang programang K-12 lalong higit ang mga
probisyong may kaugnayan sa ating kultura at wika ay hindi dapat
maging isang laro o eksperimento lamang. Kaya dito papasok ang mga
posisyong papel ng mga kiallang organisasyon, unibersidad, at
institusyon ng mga pamatasan na tumutuligsa sa memorandum CMO
No. 20, series 2013 na inilabas ng Commision on Higher Education
(CHED).

You might also like