Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Pangalan: ________________________________________Baitang at Seksyon: _______________

Asignatura: ARALING PANLIPUNAN 10 Guro: _____________________________Iskor: ________

Aralin : Ikaapat na Markahan, Ikapitong Linggo, LAS 1


Pamagat ng Aralin : Papel ng Mamamayan sa Mabuting Pamamahala
Layunin : Naisa-isa ang papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng mabuting
pamamahala
Sanggunian : MELC, AP 10 Learning Module Draft
Manunulat : Raiza S. Maguan

PAPEL NG MAMAMAYAN SA MABUTING PAMAMAHALA


Bakit mahalaga para sa atin ang paglahok sa mga nagaganap sa ating pamahalaan o lipunan sa
kabuuan? Ano ba ang kalagayan ng ating demokrasiya sa kasalukuyan? May mahalagang papel ang
mamamayan sa pagkakaroon ng mabuting pamamahala dahil sa kanila nakasalalay ang katatagan
ng isang bansa. Ang mga sumusunod ay mga mga dapat gawin upang magkaroon ng mabuting
pamamahala:
1. Politikal na pakikilahok tulad ng pagboto
2. Pagiging aktibong mamamayan sa pakikilahok sa mga Gawain makabuluhan kagaya ng
mga diskurso sa pamamahala upang bigyang katugunan ang mga hamong panlipunan.
3. Dapat ay magkasamang bumuo ang pamahalaan at mga mamamayan ng mga solusyon sa
mga suliraning kinakaharap ng lipunan
4. Paglahok sa civil society

ISA-ISAHIN MO! Panuto, Lagyan ng E ang patlang kung ang isinasaad ng bawat bilang ay patungkol
sa paglahok sa eleksiyon, CS kung paglahok sa civil society at PG naman kung patungkol sa
participatory governance.
_____ 1. Paggawa ng mga polisiya
_____ 2. Pagsasagawa ng mga kampaniya
_____ 3. Public consultation
_____ 4. Paglulunsad ng mga programa
_____ 5. Pagpili ng mga opisyal
_____ 6. Pagsasagawa ng survey
_____ 7. Pagbalangkas ng badyet
_____ 8. Pagsusulong ng mga adbokasiya
_____ 9. Pagtukoy ng mga nararapat na priyoridad
_____ 10. Voluntary organizations

This space is
for the QR
Code

You might also like