Professional Documents
Culture Documents
Kindergarten S.Y.2022-2023
Kindergarten S.Y.2022-2023
I.Prosesyonal.
Isang mapagpala at makasaysayang araw po sa ating lahat. Maligayang pagdating sa lahat
ng mga panauhin sa aming paaralan, Paaralang Elementarya ng Sta. Clara para sa
taunang pagtatapos na may temang Gradweyt ng K to 12: Hinubog ng Matatag na
Edukasyon. Ngayon po ay masasaksihan natin ang pagpasok ng mga mag aaral na
magsisipagtapos, mga minamahal naming mga magulang, mga guro, ang ating punungguro,
tagamasid pampurok, tagapamanihala ng Paaralang Lungsod ng Batangas, at lahat ng
panauhin.
(Pag upo ng mga bata)
SIMULA NG PROGRAMA
II-V. Pambansang Awit, Panalangin, Himno.
Bilang pormal na pagsisimula ng ating programa, inaanyayahan ang lahat na tumayo nang
tuwid at sumabay sa pag awit ng lupang hinirang sa pagkumpas ni Gng. Sharlene Rayos, na
susundan ng panalangin na pangungunahan ng batang mag-aaral na si ______, susundan
po ito ng himno ng Calabarzon at Himno ng Batangas Lungsod Kong Mahal.
VII. Seremonya
A. Pagsusulit.
Muli pong inaanyayahan ang ating punongguro, Dr. Epitacia C. Cullera upang
isagawa ang seremonya ng Pagsusulit.
B. Pagpapatunay
Inaanyayahan din po sa unahan ang ating Tagamasid Pampurok Dr. Lolita T. Asi
upang isagawa ang seremonya ng Pagpapatunay.
C. Pagtitibay.
Inaanyayahan po sa unahan si __________________ upang isagawa ang
seremonya ng Pagpapatibay.
VII. 1. Paggagawad ng Katibayan ng Pagtatapos.
Ngayon ay dadako naman po tayo sa paggagawad ng katibayan ng pagtatapos na
gagampanan ng mga gurong tagapayo mula sa Kindergarten.
(Babasahin ang nilalaman ng diploma)
XII. Resesyonal.
Dadako na po tayo sa paglabas ng mga panauhin, mga magulang at mga nagsipagtapos.
Hinihikayat po ang lahat na gawin ito ng tahimik at maayos.
Muli, isang mapagpalang araw po sa ating lahat. Pagbati para sa mga magulang at sa lahat
ng mga batang nagsipagtapos.