Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX – Zamboanga Peninsula
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL SUR
Dao, Pagadian City

Learning Activity Sheet (LAS) Template


Asignatura at Lebel: Filipino 12
Blg.ng Markahan: Ikalawa Blg.ng Linggo :4_

I. Pangunahing Impormasyon (Mag-aaral at Materyal)


Pangalan: _______________________Iskor:_____________
Seksiyon:________________________Petsa: ____________
Pamagat:Katitikan ng Pulong
Kasanayang Pagkatuto at Koda: Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa
isang pulong upang makabuo ng sintesis sa napag-usapan (CS_FA11/12PN-0j-l-92)
Sanggunian:
 Catchin, J.E, Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 4: Akademikong Sulatin (Ang
Kahalagahan ng Pulong at Pagbuo ng Sintesis), Department of Education – Region
IX, Dipolog City Divison Office Address: Purok Farmers Olingan, Dipolog City,
Zamboanga del Norte,7100
 https://www.bing.com/videos/search?
q=katitikan+ng+pulong+halimbawa&&view=detail&mid=E0E81210127AD0BFA6
10E0E81210127AD0BFA610&&FORM=VRDGAR&ru=%2Fvideos%2Fsearch
%3Fq%3Dkatitikan%2Bng%2Bpulong%2Bhalimbawa%26FORM%3DHDRSC3

II. Susing Konsepto at Mga Halimbawa


A. Panimulang Gawain
 Pagpapanood ng isang video clip hinggil sa isang pulong
B. Pagbibigay ng Lagak hinggil sa Paksa
Mga Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong
1. Heading - Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o
kagawaran. Makikita ang petsa, lokasyon, at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
2. Mga Kalahok o dumalo - Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa tagapagdaloy ng pulong
gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin. Maging ang
pangalan ng mga liban.
3. Pagbasa at Pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong - Dito makikita kung ang
nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may pagbabagong isinagawa sa mga ito.
4. Action items o usaping napagkasunduan - Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa
mga paksang tinalakay.
5. Pabalita o patalastas - Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung
mayroon mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo ay tulad halimbawa ng mga
suhestiyong agenda para sa susunod na pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito.
6. Iskedyul ng susunod na pulong – Itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang
susunod na pulong.
7. Pagtatapos - Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong.
8. Lagda – Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng
pulong at kung kailan ito isinumite.

III. Pamamaraan/Mga Gawain/Gabay na Tanong

May ipapanood na video ang guro sa mga mag-aaral hinggil sa isang pulong. Ngunit
bago simulan ay ibigay muna ang mga gabay na tanong o dapat gawin ng mga mag-
aaral sa gawain.

Panuto.Sa gawaing ito, kailangan ninyong intindihin ang pulong na inyong mapapanood
dahil pagkatapos mapanood ang video ay kailangan ninyong sagutin ang mga sumusunod
na hinihingi.

Mga mahahalagang impormasyon batay sa video


1. Heading
2. Mga Kalahok o dumalo
3. Pagbasa at
Pagpapatibay ng
nagdaang katitikan ng
pulong
4. Action items o usaping
napagkasunduan
5. Pabalita o patalastas
6. Iskedyul ng susunod
na pulong
7. Pagtatapos
8. Lagda

Halimbawa:
https://www.bing.com/videos/search?
q=katitikan+ng+pulong+halimbawa&&view=detail&mid=E0E81210127AD0BFA610E0E
81210127AD0BFA610&&FORM=VRDGAR&ru=%2Fvideos%2Fsearch%3Fq
%3Dkatitikan%2Bng%2Bpulong%2Bhalimbawa%26FORM%3DHDRSC3
-----------------------------------------------------------------------------
IV. Susi ng Pagwawasto

1. Heading Filipino club, pagpupulong hinggil sa selebrasyon


ng Buwan ng Wika
2. Mga Kalahok o dumalo Opistyales ng Filipino
3. Pagbasa at Pagpapatibay ng Walang nabanngit
nagdaang katitikan ng
pulong

4. Action items o usaping Mga gawain kabilang na ang mga patimpalak,at


napagkasunduan mga susuotin sa Buwan ng Wika.
5. Pabalita o patalastas Iminungkahi ng isang opisyales na dagdagan ang
kanilang marka dahil sa kanilang pagsisikap bilang
opisyales na maging matagumpay ang selebrasyon.
6. Iskedyul ng susunod na Walang nabanggit
pulong
7. Pagtatapos Natapos lamang sa loob ng limang minuto.
8. Lagda

Inihanda ni: Angelie R. Angus


Pangalan ng Guro

Bibilik National High School


Paaralan

Address: Provincial Government Center, Dao,


Pagadian City Strengthening
Telephone No.: (062) 214 – 1991 Unequivocal
E-mail Address: depedzambosur@gmail.com Response for
Website: www.depedzambosur.info Excellence

You might also like