Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

BATANGAS STATE UNIVERSITY


The National Engineering University
Pablo Borbon Campus
Rizal Avenue Ext., Batangas City, Batangas, Philippines 4200
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 1125
E-mail Address: cas.pb@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

Office of the College of Arts and Sciences


KATIBAYAN NG PAHINTULOT SA PAKIKILAHOK SA PANANALIKSIK

Ang kaalamang pahintulot na ito ay para sa mga residente ng Agoncillo, Lemery, Batangas na kung saan ay inaanyayahan namin
na makilahok sa pag-aaral na may titulong: “Lived Experiences of Agoncillo Residents”. Ang pag-aaral na ito ay iminumungkahi nina Alexis
Alyana N. Austria, Kyzha Erica I. Belmonte, at Paul Lyndon P. Almo mula sa ilalim ng Kolehiyo ng Sining at Agham - Batsilyer ng Agham
sa Sikolohiya.
Unang Bahagi: Kaalamang Pahintulot
Introduksyon
Kami sina Alexis Alyana N. Austria, Kyzha Erica I. Belmonte at Paul Lyndon P. Almo, Ika-tatlong taong mag-aaral ng Batangas
State University – TNEU, Pablo Borbon Campus, sa ilalim ng programang Sikolohiya. Kami ay nag sasagawa ng isang pananaliksik patungkol
sa mga pangyayari sa buhay ng mga residente ng Agoncillo, Lemery, Batangas na may layunin na maunawaan at alamin ang inyong mga
naging karanasan. Inaanyayahan ka namin na makilahok sa aming isinasagawang pag-aaral. Ang iyong desisyon na makibahagi sa aming pag-
aaral ay hindi sapilitan, sapagkat ibibigay namin sa iyo ang oras nang sagayon ay makapagdesisyon ka ng mabuti tungkol dito, kung kaya
naman ay maaring gawin ang desisyon sa mga susunod na araw. Bukod pa rito, maari ka ring makipag-usap tungkol sa aming pananaliksik sa
kung kanino ka man komportable.
Ang kaalamang pahintulot na ito ay maaaring maglaman ng mga salita o konsepto na maaaring hindi mo ganap na maunawaan. Sa
kadahilanang ito, nais naming tiyakin sa iyo na handa kaming magpaliwanag at magbigay linaw sa bawat detalye na aming tatalakayin. Higit
pa rito, maaari ka rin na magtanong o linawin ang anumang punto na gusto mong malaman.

Layunin
(1) Nilalayon ng pananaliksik na ito na mapag-aralan ang tungkol sa naging karanasan ng mga residente ng Agoncillo, Sa pamamagitan nito
maaaring mabigyan ng pansin ng mga residente at ng lokal na pamahalaan ang importansya ng pagkakaroon ng isang konkretong plano at
masusing paghahanda para sa mga mapinsalang kalamidad katulad na lamang ng pagputok ng bulkan. (2) Layunin din ng pag-aaral na ito na
magrekomenda ng mga programa sa mga ahensya ng pamahalaan na makakatulong sa mga naging biktima ng pagputok ng Taal, maaaring
tulong medikal, pamamahagi ng relief goods, pabahay sa mga pamilya na nawalan ng tirahan at gayundin ang tulong sikolohikal upang
matulungan ang trauma at emotional distress ng mga apektadong residente. Magiging kapansin-pansin ito sapagkat galing mismo sa mga
boses at kwento ng mga kalahok ang magpapatibay ng kahalagan ng pag-aaral na ito.

Instrumento ng Pananaliksik
Kasama sa pananaliksik na ito ay iyong pakikilahok sa one on one na interbyu na aabot ng isa hanggang dalawang oras, depende pa rin sa oras
na iyong magugugol sa pagsasagot. Ang napilinh gamitin ng mga mananaliksik na uri ng interbensyon sa pananaliksik ay Semi Structured, at
kung ayos lamang sa iyo ikaw ay tatanungin namin ng iba pang katanungan para sa aming pananaliksik.

Pagpili ng Kalahok
Ikaw ay aming inaanyayahan na makilahok sa pag-aaral na ito dahil sa aming palagay ang iyong mga naging karanaan bilang nakaranas ng
pagputok ng bulkang taal ay malaki ang iyong maitutulong sa aming napiling paksa. Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay bubuuuin ng tatlo
o hanggang apat na babae o lalake na nakaranas ng pagputok ng bulkan. Kung kayo po ay nasa edad na 28- 55 taong gulang, iniimbitahan po
namin kayo na makilahok sa pag-aaral na ito. Ang pagpili sa ng kalahok ng pag-aaral ay ang mga indibidwal na nakaranas ng pagputok ng
bulkan, hahanapin ng mga mananaliksik ang mga posibleng respondente sa pamamagitan ng recruiting at reperals. Ang pagaaral ay isasagawa
sa mga residente ng Agoncillo, Lemery, Batangas dahil isa sila sa mga naapektuhan at nakaranas ng pagputok ng bulkan.

Boluntaryong Pakikilahok
Ang pakikilahok mo sa pananaliksik na ito ay boluntaryo. Ang pakikiisa sa pag-aaral na ito ay nakaayon sa desisyon mo na respondante.Kung
magpapasya ka na makilahok sa pag-aaral na ito, hihilingin na ikaw ay lumagda sa isang form ng pahintulot, malaya ka ring makapag
wiwithdraw anumang oras at nang hindi nagbibigay ng dahilan ang kalahok.

Pamamaraan ng Pananaliksik bulkang taal. Dahil dito, ikaw ay iniimbitahan namin na maging parte ng aming pananaliksik. Ngunit bago
ka magdesisyon na maging kabilang sa pag-aaral na ito, mahalaga na naintindihan mo kung para saan ang pag-aaral na ito at kung ano-ano
ang mga kasangkot sa iyong pakikilahok. Mangyaring basahin ng mabuti ang sumusunod na impormasyon at huwag mag aatubiling magtanong
sa mga mananaliksik kung ikaw ay may katangungan o di kaya ay may di malinaw na impormasyon tungkol sa pag-aaral. Maaari kang maglaan
ng oras upang magpasya mag isip kung gusto mong lumahok o hindi.

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation


B. Ikaw ay inaanyayahan na maging bahagi ng isang panayam kasama sina Alyana Austria, Kyzha Erica I. Belmonte, at Paul Lyndon Almo,
mga mananaliksik sa pag-aaral na ito. Sa panahon ng panayam, ako o ang iba pang tagapanayam ay uupo kasama ka sa isang komportableng
lugar. Kami na mga mananaliksik ay gagamit ng iba’t ibang pamamaraan ng pananaliksik sa pag-aaral na ito tulad ng pagtatanong-tanong, at
pagdadalaw-dalaw. Bukod dito, kung papayagan ng ninyo ay gagamit ng video recording o audio recording ang mga mananaliksik upang
magsilbing kagamitan sa pagtatala ng datos na nakalap, para mas maging detalyadong impormasyon na makakalap at maaring rebyuhin sa
pagbuo ng report hinggil dito. Ito ay gagawin habang isinasagawa ang interbyu upang mayroong mabalikan ang mga mananaliksik at
masigurong tama ang mga datos na mailalahad para sa pananaliksik na ito. Sa panahon ng panayam, mayroon kang opsyon na tumanggi na
sagutin ang anumang tanong, kung saan ang taga panayam ay lilipat sa mga susunod pang tanong. Walang dadalo maliban sa taga panayam,
maliban kung gusto mong may iba pang dumalo. Ang impormasyong naitala ay kumpidensyal, at walang sinuman ang magkakaroon ng akses
sa impormasyong naka dokumento sa panahon ng iyong pakikipanayam.

Panahong Itatagal ng Pananaliksik


Ang pananaliksik na ito ay gagawin sa pamamagitan ng face to face interbyu. Ito ay tatagal sa loob ng dalawa o tatlong araw. Sa panahong
iyon, bibisitahin namin kayo ng isang beses upang makapanayam at ang bawat pakikipanayam ay tatagal ng dalawa hanggang tatlong oras.
Isang beses na gaganapin ang talakayan ng grupo na maaaring aabutin ng isa't kalahating oras.
Aktibidad Oras Lagda
Unang Bahagi ___________________ _______________ _______________
Ikalawang Bahagi: ___________________ _______________ _______________
Ikatlong Bahagi: ___________________ _______________ _______________
Ikaapat na Bahagi: ___________________ _______________ _______________
Ikalimang Bahagi: ___________________ _______________ _______________

Mga Panganib ng Pananaliksik(Risks)


Ang pag-aaral na ito ay may ilang panganib na kaugnay sa paglahok sa dito. Kaakibat nito ang pagbabahagi sa ilan mong personal at
kumpidensyal na impormasyon na hahanapin sa iyo. Gayundin, maaaring maging sensitibo ang ilang mga tanong na kung hindi mo nais gawin
ito ay ipahayag lamang sa mga tagapagtaguyod. Kung hindi ka magiging komportable sa pagsagot ay maaring tanggihan na sagutin ang
anuman o lahat ng mga tanong. Hindi mo kailangang magbigay sa amin ng anumang dahilan para sa hindi pag tugon sa mga tanong. Maaari
naming ibalik ang bawat impormasyong nakalap kung iyong gugustuhin. Nais din naming ipaalam na maaari itong magdulot ng abala sa oras
ng iyong trabaho sapagkat ang mga mananaliksik ay magsasawa ng interbyu at pagdalaw -dalaw sa inyong tahanan ng ilang beses upang
maisakatuparan ang pag-aaral na ito.

Benepisyo ng Pananaliksik
Ang iyong paglahok sa pananaliksik na ito ay mayroong mga direktang benepisyo sa iyo bilang residente ng Agoncillo. Kami’y naniniwala na
ang iyong pakikilahok sa pag-aaral na ito ay makakatulong sa amin para sa karagdagang kaalaman para sa pananaliksik na ito, lalo’t higit sa
larangan ng sikolohiya. kaya, ang iyong pakikilahok ay maaring maging kasangkapan para sa pamahalaan upang makapagtaguyod ng mga
karagdagang solusyon, magbigay ng mekanismo ng suporta, at maglaan ng mga sikolohikal na programa para sa mga indibidwal na nakaranas
ng pagputok ng bulkang taal.

Ilan sa mga kapakinabangan ng matatanggap sa pagaaral na ito ay ang mga sumusunod: (1) Para sa mga kalahok, makatutulong upang mailabas
ng mga kalahok ang kanilang nararamdaman at opinyon tungkol sa pag-aaral. (2) Para sa mga mananaliksik, makatutulong sa mga
mananaliksik upang matukoy ang layunin ng pag-aaral at malaman ang saloobin ng mga kalahok. (3) Para sa susunod na mananaliksik,
makatutulong upang madagdagan ang kaniyang kaalaman tungkol sa paksa ng pananaliksik na ito at ng mabigyan-diin nila ang hindi naisama
sa pag-aaral. Ang mga impormasyon at datos ng kasalukuyang pananaliksik ay magagamit nila bilang makabuluhang gabay at karagdagang
kaalaman sa kanilang isasagawang kahalintulad ng pag-aaral.

Reimbursement
Pagkatapos ng pananaliksik o pagaaral na ito ay makakatanggap ka ng simpleng gantimpala dahil sa iyong oras at pagsisikap na makatulong
sa pananaliksik. Maarikayong makatanggap ng simpleng gantimpala na galing sa mga nakakataas ang posisyon. Ang pabuya na matatanggap
mo ay bunga ng iyong kabutihan sa pagtulong para sa katagumpayan ng pananaliksik.

Kompidensyal
Ang lahat ng impormasyon sa pagaaral na ito ay mananatiling kompidensyal sa lahat. Sinisigurado na ang bawat salitang bibitawan mo ay
mananatili lamang sa grupo ng interbyuwer. Makatitiyak na walang mga pangalan kung hindi man ay ganap na hindi ipapakilala at walang
anu mang pagkakakilanlan ang gagamitin kapag tatalakayin na ito ng mga tagapagtaguyod. Ang mga datos o impormasyon tungkol sa iyo sa
sinuman ay hindi lalabas sa pangkat ng pananaliksik. Ang tanging makababasa, makakikita, at makahahawak sa mga impormasyon ay ang
mga mananaliksik lamang.
Ang bawat file at mga datos na nakolekta ay itatago at sesecure na naka-lock. Ang google drive ay limitadong naka-access lamang sa mga
tagapagtaguyod ng pag-aaral. Pag katapos macode at matranscribe ang mga naitalang impormasyon ay sisirain ito pagkatapos ng labing apat
na araw, at sisirain ang naka-print na datos gamit ang shredder. Gayunpaman, maaari ring lumabas ang inyong impormasyon ngunit limitado
lamang sa aming departamento, Batsilyer ng Agham sa Sikolohiya.

Pagbabahagi ng Resulta kung ano man ang sasabihin niyo sa mga mananaliksik ay hindi ibabahagi sa sinuman sa labas ng pangkat, at walang
makalalabas na pangalan sapagkat ito ay konpidensyal lamang. Kung Ibabahagi man ang kaalaman na makukuha sa pananaliksik na ito, ay
ipapaalam muna sa inyo at sa kanilang komunidad bago ito maging malawak na magagamit sa publiko. Ang bawat kalahok ay makatatanggap
Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation
ng buod ng mga resulta. Ang isang buod ng resulta ay ibibigay sa iyo bago malawak na ilabas sa publiko. Bukod dito, ang pagbabahagi ng
resulta ay limitado sa research adviser, faculty sa departamento ng Sikolohiya sa Batangas State University at sa mga possibleng sa publikasyon
online.

Karapatang pag tanggi o paagbawi ng Impormasyon Bilang mga kalahok sa pag-aaral, maaring umalis or mag-withdraw ka anumang oras
sa pagaaral na ito. Ang pag-alis sa pag-aaral ay hindi makaaapekto sa relasyon na mayroon ka, kung mayroon man, sa mananaliksik. Kung
aalis ang ka sa pag-aaral bago makumpleto ang pangongolekta ng data, ibabalik sa kalahok o sisirain ang iyong data.

Impormasyon Kontak
Kung mayroon kang mga tanong anumang oras tungkol sa pag-aaral na ito, o nakararanas ng masamang epekto bilang resulta ng paglahok sa
pag-aaral na ito maaring makipagugnayan sa mananaliksik na ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan ay ibinigay sa unang pahina. Kung
mayroon mga tanong tungkol sa kanilang karapatan bilang kalahok sa pananaliksik, o kung may mga problemang lumitaw na sa tingin ay
hindi matatalakay sa mga mananaliksik, mangyaring makipag-ugnayan sa mga mananaliksik sa anumang oras. Kung mayroong mga tanong
tungkol sa pananaliksik na sina:

Paul Lyndon P. Almo


0906-664-0714
paullyndon.almo@g.batstate-u.edu.ph

Alexis Alyana N. Austria


0967-573-2689
21-58903@g.batstate-u.edu.ph

Kyzha Erica I. Belmonte


0927-167-5238
21-57801@g.batstate-u.edu.ph

Itong katibayan ng pahintulot sa pakikilahok sa pananaliksik ay inaaprubahan at sinuri ng research adviser:

Ma’am Dianne S. Cullar, MA,RPm,


Dianne.cullar@g.batstate-u.edu.ph
Punong Gabay sa Pananaliksik

Part II: KATIBAYAN NG PAGPAPAPAHINTULOT


Nabasa ko at naiintindihan ko ang ibinigay na impormasyon at nagkaroon ako ng pagkakataong magtanong. Naiintindihan ko na ang aking
pakikilahok ay boluntaryo at na ako ay malaya na mag-withdraw anumang oras, nang walang pagbibigay ng dahilan at walang gastos.
Naiintindihan ko na bibigyan ako ng kopya ng form ng pahintulot na ito. Kusang-loob akong sumasang-ayon na makilahok sa pag-aaral na
ito.

Lagda ng kalahok _________________________________________


(Lagda sa ibabaw ng naka-print na pangalan)

Petsa:___________________________

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation


Sa pamamagitan nito, kinukumpirma namin na binasa at naunawaan ng kalahok ang katangian ng pananaliksik na ito. Kinukumpirma namin
na ang indibidwal ay kusang lumahok at hindi pinilit na makibahagi sa pag-aaral na ito.

Alexis Alyana N. Austria ___________________________


Pangalan ng Mananaliksik Pirma at Petsa

Paul Lyndon P. Almo _____________________________


Pangalan ng Mananaliksik Pirma at Petsa

Kyzha Erica I. Belmonte ___________________________


Pangalan ng Mananaliksik Pirma at Petsa

Isinangguni kay;
Asst. Prof. Dianne S. Cullar, MA, RPm

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation

You might also like