Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino 10

Guro JAMAICA MARIE BARRETO Pangkat LOVE

Asignatura FILIPINO Oras 8:00- 9:00 AM

Baitang/Antas 10 Petsa

I. LAYUNIN
A.Pamantyang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang
pampanitikan
B. Mga Kasanayan sa Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na;
Pagtuturo/Tiyak na mga 1. Natutukoy ang kahulugan, kasaysayan at mga tauhan ng
Layunin komiks.
2. Makikilala ang mga tanyag na manunulat ng komiks sa
Pilipinas.
3. Nakapagbuo ng isang buong komiks.

II. NILALAMAN Ang Komiks


III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian https://tl.m.wikipedia.org
https://ru.scribd.com
https://www.academia.edu/37863808/KOMIKS_ppt
B. Iba pang Kagamitang Laptop, TV, kopya ng komiks
Pangturo
IV. PROSESO NG Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
PAGKATUTO
A.Panimulang Gawain (Student 1) ,pangunahan mo ang  Opo maam, (sa
1. Panalangin ating panimulang panalangin sa ngalan ng ama, ng
araw na ito. anak at espiritu
santo, Amen…..)

2. Pagbati
Magandang Umaga mga bata!  Magandang Umaga
3. Pagtala ng Liban rin po ma’am!
May lumiban ba sa araw na ito?
 Wala po ma’am.
B.Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Magpapakita ng isang Comic Book)

Mga bata, alam ba ninyo ang tawag  Komiks po.


sa mga larawang ito?

Saan nyo karaniwang nakikita ang  Sadiyaryo/magasin


Komiks? /libro po.

Ito ay tinatawag na Komiks. Ang


Komiks ay isang grapikong
midyum na kung saan ang mga
salita at larawan ang ginagamit
upang ihatid ang isang salaysay o
kwento.

Naintindihan ba mga bata?  Opo!

Magaling!

1. Paglalahad ng Paksa
Upang lalo nating makilala ang
Komiks, aalamin natin kung sino
ang mga manunulat ng komiks.
Alam nyo ba, na ang ating
Pambansang bayani na si Dr. Jose
Rizal ang kauna-unahang
manunulat ng komiks sa ating
bansa. Noong 1884 ay nilathala ang
magasing “Trubner’s record” sa
Europa ang comic strip niya na
“Pagong at Matsing”.

Mayroon ring mga manunulat na


naging tanyag o popular dahil sa
kanilang mga gawa.

Isa na roon ang binansagang “Hari


ng Komiks”, o mas kilala bilang si
Mars Ravelo. Bata pa lang ng
nahubog ang kanyang galing sa
pagguhit, at kahit hindi
nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa
kahirapan, ay patuloy ang guhit ng
kanyang buhay. Ilan sa mga
kilalang gawa ni Mars Ravelo ay
Darna, Captain Barbel, Lastikman,
Dyesebel at maraming pang iba.

Sunod ay si Tony S. Velasquez o


mas kilala bilang “Ama ng
Pilipinong Komiks” Siya ang
nagpanimula at nagpa-unlad ng
sining ng mga serye ng mga
larawang guhit sa bansa.Ilan sa
mga gawa niya ay Kenkoy, Nanong
Pandak, Ponying atbp.

Tandaan ang mga manunulat na


aking binigay dahil magkakaroon  Opo!
tayo ng pagsusulit mamaya.

Ngayon, mga bata may mga kilala  Darna po.


ba kayong tauhan sa komiks na  Pedro Penduko.
pinapakabas rin sa telebisyon?  Dyesebel.

2. Pangkalahatan
Aba! Magaling!
Dahil ngayon ipapakilala ko sa inyo
ang iba pang naging kilala o
popular na mga tauhan sa komiks
noon at hanggang sa ngayon.

1. Darna- isang pilay na dalaga na


nagngangalang “Narda”. Siya
ay nakapulot ng kakaibang bato
mula sa bulalakaw sa
kalawakan na kapag kaniyang
nilunok siya’y nagiging malakas
na tagapagtanggol ng mga
naapi.
2. Dyesebel- isang dalagang
sirena na ninais tuklasin ang
daigdig ng sariling ina-ang
mundo ng mga tao.

3. Captain Barbel- isang batang


lalaki na nagngangalang Teng-
teng na nagbabagong anyo
kapag binubuhat niya ang
ginintuang barbel na ibinigay
sa kaniya ng isang ermitanyo.
4. Lastikman- Si Lastikman ay
may kakayahang banatin,
magbago at mag iba ng hugis sa
kung anumang porma na
naisin niya.
5. Pedro Penduko- sa kaniyang
kakaibang kakayahan at lakas
siya ay nanatiling isang normal
na tao ngunit mayroon siyang
kuwintas na kung tawagin ay
“diwa” na nagbibigay
kapangyarihan sa kanya upang
matalo ang mga masasamang
elemento.

Ano nga ulit ang Komiks?  Ang Komiks ay isang


grapikong midyum
na kung saan ang
mga salita at
larawan ang
ginagamit upang
ihatid ang isang
salaysay o kwento.

Tumpak!

Sino-sino ang mga naging tanyag  Mars Ravelo


na manunulat ng Komiks sa  Tony S. Velasquez
Pilipinas?

Magaling!
 Darna
Magbigay ng mga kilalang tauhan  Dyesebel
sa Komiks na naging popular at  Captain Barbel
naipalabas sa telebisyon.  Lastikman
 Pedro Penduko
V. EBALWASYON
Panuto: Piliin sa kahon ang tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

Dr. Jose Rizal Darna Captain Barbel

Lastikman Tony S. Velasquez Pedro Penduko

Dyesebel Komiks Diyaryo Mars Ravelo

1. Isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ang
ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kwento.
2. Tinagurian bilang “Ama ng Pilipinong Komiks”.
3. Isang dalagang sirena na ninais tuklasin ang daigdig ng sariling ina -ang
mundo ng mga tao.
4. Siya ay may kakayahang banatin, magbago at mag iba ng hugis sa kung
anumang porma na naisin niya.
5. Isang babaeng nakapulot ng kakaibang bato mula sa bulalakaw sa
kalawakan na nagbigay sa kanya ng lakas at kapangyarihan.
6. Kauna-unahang manunulat ng komiks sa ating bansa.
7. Marami sa kanyang mga nagawang Komiks ay kinagiliwan ng masa.
Tinagurian rin siyang “Hari ng Komiks”.
8. Sa kaniyang kakaibang kakayahan at lakas siya ay nanatiling isang normal
na tao ngunit mayroon siyang kuwintas na kung tawagin ay “diwa” na
nagbibigay kapangyarihan sa kanya upang matalo ang mga masasamang
elemento.
9. Isang batang lalaki na nagngangalang Teng-teng na nagbabagong anyo
kapag binubuhat niya ang ginintuang barbel na ibinigay sa kaniya ng isang
ermitanyo.
10. Dito nakikita at nababasa ang mga Komiks na inilimbag ng mga
manunulat noon.

VI. TAKDANG ARALIN


Maghanap ng isang halimbawa ng komiks sa diyaryo o libro, guputin ito at
idikit sa isang malinis na bond paper. Gawin itong kaaya-aya at maayos.

Inihanda ni :Jamaica Marie Barreto

You might also like