Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Student: Reygie Lim A.

Bagayao Date: 04-04-2024

Abstrak ng aklat na Panitikang Filipino Kasaysayan at Pag-unlad

Ang pagbibigay-diin sa pag-aaral ng wikang pambansa sa mga ibat-ibang antas ng


paaralan ay nagbunsod ng kahanga-hangang pagdami ng mga babasahin sa naturang wika,
ito’y ibinunsod ng sumibol at lumaking pangangailanagan. Kapansin-pansin ito sa mga
materyales na tumutugon sa pangangailangann sa larangan ng sining komunikasyon at ng
panitikan sa katutubong wika.

Ang aklat na ito ay nalimbag upang mapili ng maayos ng mga guro ang mga
materyales na sa pinaniniwalaaan nila’y higit na angkop sa kanilang pagtuturo. Malamang,
samakatwid, na makakatulong ang kapakinanangang ibubunga nito sa mga mag-aaral.

Ang aklat na ito ay Pinamagatang “PanitikangFilipino Kasaysayan at Pag-unlad” na.


nahahati sa bawat panahong pinagdaanan n gating Panitikan mula sa kauna-unahang
panahon bago dumating ang mga Kastilahanggang sa kasalukuyang panahon. Bawat
panahon ay pinangungunahan ng kaligirang kasaysayan na inaakala ng mga umakda ng
aklat na ito ay makakatulong sa madaling pang-unawa n gating mga kabataan sa pagtalakay
ng mga katha.

Sa mga gurong nagtuturo ng Pantikang Pilipino at mga mag aaral sa topiko at


asignaturang may kaugnayan ditto ang mga pangunahing pinag-alayan ng aklat na ito.Sa
pamagat pa lang ay mahihinuha na ang saklaw ng saliksik at pag-aaral na ipinaloob sa libro.
Ang paglalahad ay maayos at ang mga tulong sa pag-aaral ay mainam na sanayan sa pag-
iisp ng mga mag-aaral.

Bilang isang tunay na Pilipino, hangan ng mga may akda na makatulong ang aklat na
ito sa mga kabataanng di pa sapat ang kaalaman sa kayamanan ng Panitikang Pilipino.
Panahon na para sa ating mga kabataan na umusbong ang kaalaman sa Panitikan upang
mahubog ang damdamin at kaisipang makabayan. Sapagkat ditto natin malalaman nang
lubusan ang gating kalinangan, nararapat lamang pagyamanin at ipagmalaki ang sariling
atin bilang Pilipino.

Walang anomang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomangparaan nang walang pahintulot sa mga may-akda.

Ang mga May-akda


Student: Reygie Lim A. Bagayao Date: 04-04-2024

Abstrak ng isang modyul o aklat

1. Maikling panimula

2. Layunin o kahalagahan ng nasabing aklat

3. Nilalaman ng aklat

4. Para kanino ang aklat

5. Konklusyon

6. Paalala sa paglimbag na walang pahintulot.

You might also like