Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Bankal National High School

Bankal, Lapu-Lapu City


AP9-Q3 Post Test
Name:_________________________________Grade&Sec._____________Date:___________Score______
Panuto: Basahin ng Mabuti ang bawat tanong at bilugan ang titik ng pinakatamang sagot.
1. Ang paikot na daloy ay may limang modelo. Ilan ang actor ng pamilihan sa ikaapat na modelo?
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4
2. Anong modelo sa paikot na daloy ng ekonomiya kung saan malinaw na ipinapakita ang ugnayan ng
bahay-kalakal, sambahayan at ng ating pamahalaan.
A. Unang modelo B. Ikalawang modelo C. Ikatlong modelo D. Ikaapat na modelo
3. Ito ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na
ginawa sa isang takdang panahon sa loob ng isang bansa.
A. GDP B. GNI C. Gross D. Net
4. Sa ikatlong modelo ng pambansang ekonomiya ay nagkakaroon na ng pamilihang pinansyal, anong
sector ang nag-iimpok sa bangko bilang paghahanda sa kanilang hinaharap?
A. Bahay-kalakal B. Panlabas na sektor C. Pamahalaan D. Sambahayan
5. Alin sa sumusunod na mga institusyon ang HINDI kabilang sa pamilihang pinansyal?
A. Bangko B. Canteen C. Kooperatiba D. Pawnshop
6. Sa tatlong paraan na ito makikita ang kalagayan ng ekonomiya, batay sa paggasta, batay sa
pinagmulang industriya, at batay sa _______.
A. Gastos B. Kailangan C. Kita D. Konsumo
7. Sa pagkompyut ng pambansang kita sa tatlong paraan, ano ang ibig ipakahulugan ng X ?
A. Exact B. Export C. Expo D. Extract
8. Bakit hindi isinasama sa pagkuwenta ng GNI ang mga hindi pampamilihang gawain tulad ng
pagtatanim ng gulay sa bakuran na ginagamit sa pagkonsumo ng pamilya?
A. Dahil hindi ito nakarehistro at wala namang kinikitang salapi ang nagsasagawa nito.
B. Ang aanihing gulay ay dapat maibenta sa pamilihan ng mga gulay
C. Kailangan na magbayad ng buwis ang nagmamay-ari ng taniman
D. Kailangang iaanunsyo sa tv para makilala ng mga mamimili
9. Ito ay ang kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga
mamamayan ng isang bansa.
A. GDP B. GNI C. Gross D. Net
10. Batay sa pinagmulang industriya, magkano ang GDP at GNI kung ang A=1,100,000; In=1,200,100;
P=2,515,040; NFIFA=1,784,860
A. 4,815,140/ 6,600,000 C. 4,810,140/ 5,600,000
B. 4,815,100/ 6,000,000 D. 4,800,100/ 6,500,000
11. Ito ay isinama sa pagkuha sa paraan batay sa kita. Ito ay ang pagbaba ng halaga sa yamang pisikal
bunga ng pagkaluma at tuloy tuloy na paggamit sa paglipas ng panahon.
A. Buwis B. Debalwasyon C. Depresasyon D. Subsidiya
12. Ang mga produktong nabuo mula sa impormal na sector tulad ng naglalako ng paninda sa kalsada, at
nagkukumpuni ng mga sirang kasangkapan sa mga bahay-bahay ay hindi ibinibilang sa pagkuwenta ng
GNI dahil hindi nakarehistro at walang dokumento na mapagkukunan ng datos. Ang impormal na
sector ay isa bang illegal na gawain?
A. Oo, dahil hindi ito nakarehistro
B. Oo, dahil wala itong kontribusyon sa pambansang kita
C. Hindi, dahil hindi ito nakakagambala sa mga tao sa paligid.
D. Hindi, dahil marangal din ang mga gawain sa impormal na sector.
13. Ang kita ng mga dayuhang Korean na hinango sa loob ng Pilipinas ay kabilang sa pagsukat ng GDP ng
bansa dahil nabuo ito sa loob ng ating bansa.Saan naman ito isasali sa pambansang kita ng bansang
Korea?
A. GDP ng Korea. B. GNI ng Korea C. Net Income ng Korea D. Gross Income ng Korea
14. Ang sambahayan at bahay-kalakal ang pangunahing sektor ng ikalawang modelo ng ekonomiya. Ang
sambahayan ay may demand sa produkto ngunit walang kakayahang lumikha nito. Ang bahay-kalakal
ang tanging may kakayahang lumikha ng produkto ngunit kailangan muna nilang bumili ng mga salik
ng produksiyon. Sino ang nagbebenta sa mga salik ng produksiyon?
A. Impormal na sektor B. Pamahalaan C. Panlabas na sektor D.
Sambahayan
15. Upang maging matatag ang ekonomiya, mahalagang maihahatid ng pamahalaan ang pampublikong
paglilingkod na ipinangakong isasakatuparan sa pagsingil ng buwis. Anong sektor ang may tungkuling
paglingkuran ang sambahayan at bahay-kalakal?
A. Bahay-kalakal B. Pamahalaan C. Panlabas na sector D.
Sambahayan
16.Ang GNI ay ang kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga
mamamayan ng isang bansa. Kung may mga mamamayang Pilipino na nagtatrabaho sa China, isasali
ba sa GNI ng Pilipinas ang kabuuang halaga ng mga produkto na kanilang ginawa?
A.Sa pambansang kita ng China dapat isasali dahil dito sila nagtatrabaho
B.Oo, sa GNI ng Pilipinas isasali dahil sila ay mga mamamayang Pilipino
C.Hindi, dapat sa GNI ng China dahil manggagawa sila dito
D.Sa GNI at GDP ng China dapat isasali
17. Ang pambansang kita ay nagbibigay ideya tungkol sa antas ng produksiyon at naipapaliwanag kung
bakit ganito kalaki o kababa ang produksiyon ng bansa. Alin sa sumusunod ang kahalagahan ng
pagsukat sa pambansang kita?
A. Para may maipagmalaki sa ibang bansa
B. Nagbibigay ideya sa kalagayan ng produksiyon ng bansa
C. Ang mataas na pambansang kita ang batayan ng maunlad na bansa
D. Magagamit ito para makakuha ng pinansyal na tulong sa ibang bansa
18. Ang Gross Domestic Product ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na
produkto at serbisyo na ginawa sa isang takdang panahon sa loob ng isang bansa. Bakit sa GDP isasali
ang kita ng mga namumuhunang dayuhan na nasa loob ng bansa?
A. Dahil sa loob ng bansa ginawa ang produktong pag-aari ng dayuhan
B. Para madadagdagan ang GDP ng bansa sa tulong ng mga dayuhan
C. Kasi kailangan nilang makipagtulungan sa bansang kinaroroonan
D. Sapagkat ang mga dayuhan ay hindi mamamayang Pilipino
19. May mga Tsino na nasa Pilipinas nagnenegosyo. Kung ang GDP ay ang kabuuang pampamilihang
halaga ng mga produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng bansa, Bakit isasali sa GNI ng China ang
kabuuang kita ng mga Tsino na nasa Pilipinas?
A. Dahil obligasyon nilang makatulong sa pagtaas ng GNI ng China
B. Para mananatiling mataas ang pambansang kita ng China
C. Sapagkat ayaw ng mga Tsino na makatulong sa Pilipinas
D. Kasi ang mga Tsino ay mga mamamayan sa China
20. Isa sa mga paraan ng pagsukat ng pambansang kita ay batay sa pinagmulang industriya na
pinagsama- pinagmulang industriya na pinagsama-sama ang kabuuang halaga ng produksyon mula sa
sector ng agrikultura, industriya at serbisyo. Kung isasama ang Net Factor Income from Abroad
[NFIFA] ay masusukat ang GNI ng bansa. Maaari bang masukat ang GNI kahit walang GDP?
A. Oo, dahil magkaiba naman ang dalawa
B. Hindi, kasi walang epekto sa pambansang kita
C. Oo, kasi may iba’t ibang paraan sa pagsukat ng kita
D. Hindi, dahil kailangan ang GDP at NFIFA sa pagkompyut ng GNI
21. Hindi isinasama sa pagkuwenta ng GNI ang mga hindi pampamilihang gawain tulad ng pagtatanim ng
gulay sa bakuran na ginagamit sa pagkonsumo ng pamilya. Paano maisasali sa pampamilihang gawain
ang pagtatanim ng gulay?
A. Ang aanihing gulay ay dapat maibenta sa pamilihan ng mga gulay
B. Kailangan na magbayad ng buwis ang nagmamay-ari ng taniman
C. Kailangan iparehistro sa pamahalaan ang taniman ng gulay
D. Kailangang iaanunsyo sa tv para makilala ng mga mamimili
22. Ang kita ng mga dayuhang Korean na hinango sa loob ng Pilipinas ay kabilang sa pagsukat ng GDP ng
bansa dahil nabuo ito sa loob ng ating bansa at kasali sa GNI ng Korea dahil mamamayan sila ng
bansang ito. Alin ang mas malaki, GNI o GDP?
A. GDP, dahil malawak ang nasasakupan nito C. GNI, dahil kasali na dito ang GDP at NFIFA
B. GDP, dahil sa kontribusyon ng mga dayuhan D. GNI, dahil kasali dito ang kita ng OFW
23. Ang kita ng mga dayuhang Korean na hinango sa loob ng Pilipinas ay kabilang sa pagsukat ng GDP ng
bansa dahil
nabuo ito sa loob ng ating bansa. Sa anong paraan nakatutulong ang mga mamumuhunang Korean sa
mga mamamayang Pilipino?
A. Sumisigla ang ekonomiya ng bansa dahil sa presensya ng mga Korean
B. Nakapagbibigay ng trabaho sa mga mamamayang Pilipino
C. Lumalakas ang pagkakaibigan sa mga Pilipino at Korean
D. Maraming Pilipino ang nakapag-aasawa ng Korean
24. Ang mga produktong nabuo mula sa impormal na sector tulad ng naglalako ng panindasa kalsada, at
nagkukumpuni ng mga sirang kasangkapan sa mga bahay-bahay ay hindi ibinibilang sa pagkuwenta ng
GNI dahil hindi nakarehistro at walang dokumento na mapagkukunan ng datos. Ang impormal na
sector ay isa bang illegal na gawain?
A. Oo, dahil hindi ito nakarehistro
B. Hindi, dahil nangangailangan din ito ng puhunan
C. Oo, dahil wala itong kontribusyon sa pambansang kita
D. Hindi, dahil marangal din ang mga gawain sa impormal na sector
25. Sa paraang batay sa pinagmulang industriya, masusukat ang GDP ng bansa kung pagsasamahin ang
kabuuang halaga sa produksiyon mula sa sector ng agrikultura, industriya ar serbisyo. Paano sa tingin
mo masusukat ang GNI?
A. Idadagdag ang kabuuang kita ng OFW
B. Idadagdag ang kita ng impormal na sektor
C. Idadagdag ang NFIFA sa nakompyut na GDP
D. Idadagdag ang kita ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa
26. Ang dami ng salapi sa sirkulasyon ay maaaring magdulot ng kasaganahan o suliranin sa mga
mamamayan. Kung magkakaroon ng implasyon sa ekonomiya dahil sa labis na money supply,
kasaganahan ba o suliranin ang naidudulot nito?
A. Kasaganahan B. Katamtaman C. Pagsubok D. Suliranin
27. Ang sumusunod ang layuning ipinapatupad ng Expansionary Money Policy. Alin ang hindi kabilang?
A. Patataasin ang money supply C. Pagbabawas sa sahod ng mga manggagawa
B. Pagbaba ng interes ng pautang D. Makalikha ng maramingtrabaho
28. Ang patakarang pananalapi ay sistemang pinaiiral na may kinalaman sa pagkontrol ng Bangko Sentral
ng Pilipinas sa dami ng salapi sa sirkulasyon. Anong ahensiya ng pamahalaan ang may kapangyarihan
na kontrolin ang money supply na umiikot sa ekonomiya?
A. Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) C. Department of Finance { DOF }
B. Department of Trade and Industry (DTI) D. Government Services Insurance System [GSIS
29. Ang pag-iimpok ay isang magandang gawain, subalit bakit higit na mainam kung ilalagak ito sa
bangko?
A. Dahil tutubo ito C. Dahil hindi ito mananakaw
B. Dahil hindi ito madaling makuha D. Dahil bumabalik ito sa sirkulasyon bilang pamumuhunan
30. Ang Bangko Sentral ng Pilipinas ay nagpapatupad ng contractionary money policy upang mabawasan
ang paggasta ng sambahayan at ng mamumuhunan sa pamamagitan ng pagtaas ng interes sa
pagpapautang. Ano ang pinakamabisang hakbang ang dapat gawin ng BSP na may kaugnayan sa
polisiya o patakarang ito?
A. Bawasan ang paggasta C. Magtanggal ng manggagawa
B. Bawasan ang pamumuhunan D. Itataas ang interes sa pautang
31. Ang expansionary money policy ay isinasagawa ng BSP upang isulong ang ekonomiya lalo na sa
panahon ng resesyon o upang mapigilan ang resesyon. Alin sa mga sumusunod ang HINDI layunin sa
pagpapatupad ng polisiya o patakarang ito?
A. Makahingi ng tulong pinansiyal C. Pagbaba ng buwis
B. Pagbaba ng interes ng pautang D. Patataasin ang money supply
32. Ang patakarang pananalapi ay ginagamit upang mapatatag ang pambansang ekonomiya. Inaasahan
nito na maiimpluwensiyahan ng salapi ang produksiyon at ang pangkalahatang pagbabago ng presyo.
Paano maipatatag ng BSP ang matamlay na ekonomiya?
A.Mangungulekta ng malakingbuwis
B. Magbibigay ayuda sa mga bahay-kalakal
C. Tataasanng BSP ang kanilangmgapaggasta
D. Bababaan ng BSP ang interes sa pautang para sa mamumuhunan
33. Ang pag-iimpok ng pera sa bangko ay nangangahulugan na lumabas ang salapi sa sirkulasyon ng
pambansang ekonomiya, ano ang ginawa ng bangko para makapasok muli ang salapi sa sirkulasyon?
A. Ipinambibili B. Ipinamimigay C. Ipinamumuhunan D. Itinatago
34. Bilang isang manggagawa, natutuwa si Judy sa tuwing tinitingnan ang kaniyang passbook.
Nadagdagan kasi ang kaniyang ipon sa bangko. Kahit maliit lang, masaya na siya sa paunti-unting
paglaki nito. Saan galing ang dagdag sa ipon ni Judy?
A. Interest B. Pamahalaan C. Sponsors D. TV ads
35. Sa tatlong taon na regular na pagtatrabaho ni Karen nagtataka siya kung bakit hindi niya nagawang
mag-ipon o magbukas ng bank account. Ang kdrama na kanyang napanood ang nagmulat sa kanya sa
isang panibagong pangamba sa kanyang hinaharap. Ano ang napagdesisyunan ni Karen na nagbibigay
sa kanya ng kaligayahan?
A. Napagdesisyunan niya na tapusin na ang kanyang maluhong pamumuhay at magsimula ng mag-
ipon.
B. Napagdesisyunan niya na magtrabaho sa labas ng bansa dahil malaki ang pasahod doon.
C. Napagdesisyunan niya na tumanggap ng ibang mapagtatrabahoan bilang sideline
D. Napagdesisyunan niya na tumigil nalang sa pagtatrabaho.
36. Malaki ang papel na ginagampanan ng mga bangko para sa katatagan ng ekonomiya ng bansa. Subalit
di rin matatawaran ang kontribusyon ng mga depositor na hindi lang tumatanggap ng interes sa
perang ideneposito, bagkus ay may naiambag din sa ekonomiya ng bansa. Alin sa mga sumusunod ang
ambag nito?
A. Sa pamamagitan ng pangungutang sa bangko.
B. Sa pamamagitan ng paghihikayat sa iba na magdeposito sa banko.
C. Sa pamamagitan ng pagtatago ng nakaw na pera sa iba’t ibang bangko.
D. Sa pamamagitan ng pagbibigay oportunidad sa mga negosyante na mamuhunan at makapagbukas
ng maraming trabaho sa mga tao.
37. Ang pagkuha ng bank loan ng mga negosyante ay mahalagang pinagkukunan nila ng kapital. Kapag
matagumpay na makakakuha ng kapital ang isang negosyante, paano ito nakatutulong sa pagbabago
ng kanilang negosyo?
A. Mawawalan ng pag-asa ang negosyo na lumago dahil galing ang kapital nito sa utang.
B. Magkakaroon ng pagkakataon ang negosyante na mapalawak ang negosyo.
C. Hihina ang negosyo dahil hindi ito sapat upang tangkilikin ng mga mamimili.
D. Liliit ang bilang ng mga manggagawa dahil papalitan sila ng mga makina.
38. Marami sa mga Pilipino ay naghahanap ng mapagkakikitaan sa kasagsagan ng pandemya. Ang ilan ay
sinubukang
magnegosyo upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Alin sa mga sumusunod ang HINDI
dahilan ng implasyon?
A.Monopolyo o kartel C.Pagtaas ng kita ng mga tao
B. Pagtaas ng suplay ng salapi D. Kalagayan ng pagluluwas o export
39. Sa panahon ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan ng tao ay dapat naghihigpit
tayo ng sinturon at maging masinop sa pagbabudget ng kita. Alin sa mga sumusunod ang solusyon sa
suliranin ng implasyon?
A. Export Orientation B. Import Dependent C.Monopoly D.Tight Money Policy
40. Hangad ng mga negosyante ang kumita ngunit hindi sa lahat ng panahon ay kumikita sa negosyo sa
kasamaang palad minsan ay nalulugi din ang ilang mga negosyante dulot ng ilang mga pagkakataon o
kadahilanan. Alin sa mga sumusunod ang nalulugi sa tuwing may implasyon?
A. Mga umuutang B. MgaNegosyante C. Mga speculators D. Mga may tiyak na kita
41. Si G. Patino ay matagal ng isang realty broker. Inaabangan niya ang pagtaas ng presyo ng mga bahay
at lupa upang malaki ang magiging komisyon niya. Ano ang epekto ng implasyon sa pamumuhay ni G.
Patino?
A. Nalulugi siya sa implasyon . C. Walang epekto sa trabaho niya
B. Nakikinabang siya sa implasyon D. Depende sa maibenta ang epekto
42. Ang pamilyang Pilipino ay namumukod tangi sa larangan ng bayanihan sa lahat ng kagipitan. Papaano
ka makakatulong sa iyong pamilya sa pagtugon sa suliranin ng implasyon?
A. Huwag na lamang kumain tuwing recess para makatipid
B. Piliin ang mga mahahalagang bagay bago bumili
C. Humingi ng pera araw-araw sa mga magulang
D. Umiyak kapag hindi nabili ang gusto
43. Sa expansionary fiscal policy, ang pamahalaan ay karaniwang nagpapatupad ng mga desisyon upang
mapasigla ang matamlay na ekonomiya sa pamamagitan ng paggasta sa mga proyektong
pampamahalaan o pagpapababa sa buwis. Paano mo mailalarawan ang kalagayan ng ekonomiya na
ipinapatupad ang expansionary fiscal policy?
A. Matamlay B.Matatag C. Masalimoot D. Masigla
44. Sa expansionary fiscal policy, ang pamahalaan ay karaniwang nagpapatupad ng mga desisyon upang
mapasigla ang matamlay na ekonomiya sa pamamagitan ng paggasta sa mga proyektong
pampamahalaan o pagpapababa sa buwis. Dahil dito, ang mamamayan ay nagkakaroon ng maraming
trabaho at mangangahulugan ng mas malaking kita. Ano ang kabutihang maidudulot ng patakarang ito
sa mga mamamayan?
A. Ayuda B.Kapayapaan C. Proyekto D. Trabaho
45. Kapag lubhang masigla ang ekonomiya ay hihilahin pataas sa pangkalahatang demand ang
sambahayan. Magdudulot ang sitwasyong ito ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin. Sa ganitong pagkakataon
ay ipapatupad ang contractionary fiscal policy, ang pamahalaan ay maaaring magbawas ng mga gastusin
upang mahila pababa ang kabuuang demand. Ano ang layunin ng pamahalaan sa pagpapatupad ng
patakarang contractionary?
A. Pagbaba ng buwis B. Pagtaas ng buwis C. Pagbaba ng gastos D. Pagtaas ng gastos
45. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamahalaan kaugnay ng mga patakarang piskal na
ipinapatupad nito?
A. Makikialam sa pamilihan C.Magpapatupad ng mga patakaran
B. Magpapatupad ng mga batas D.Magtatakda ng mga presyo
46. Karaniwang nagsasagawa at nagpapatupad ng ilang paraan ang pamahalaan kung may
pangangailangan na maiayos ang pamamalakad sa ilang problemang pang-ekonomiya. Kaninong
tungkulin ang pagsasaayos at pagpapanatili ng katatagan ng ekonomiya ngating bansa?
A. Bahay-kalakal B. Mamamayan C. Pamahalaan D. Sambahayan
47. Ang patakarang piskal or fiscal policy ay tumutukoy sa kaugalian ng pamahalaan tungkol sa
pagbubuwis at paggasta nito. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang naglalarawan sa konsepto na
ito?
A.Ang paggasta ng pamahalaan sa iba’t ibang proyekto nito
B.Ang pagtugon sa problema ng kawalan ng trabaho ng mga manggagawa
C. Ang pagbadyet ng pamahalaan sa mga alaki ng agrikultura, kalusugan at iba pa
D. A at B
48. Karaniwang isinasagawa ang Expansionary Fiscal Policy sa pamamagitan ng paggasta sa mga
proyektong pampamahalaan o pagpapababa ng buwis. Alin sa mga sumusunod ang epekto nito?
A.Maraming bahay-kalakal ang magsasara C Maraming tao ang mawawalan ng trabaho
B. Maraming tao ang magkakaroon ng trabaho D. B at C
49. Karaniwang isinasagawa ang Contractionary Fiscal Policy sa pamamagitan ng pagbawas ng mga
gastusin ng pamahalaan upang mahila pababa ang kabuuang demand. Alin sa mga sumusunod ang
epekto nito?
A. Lahat ng pribadong alaki ay magsasara
B. Maraming mga pribadong alaki ang magbabawas ng kanilang gastusin
C. Bahagi ng kitang mga pribadong alaki ay mapupunta sa buwis na kukunin ng pamahalaan
D. B at C
50. Ang tuwiran o direct na buwis ay ipinapataw sa mga indibidwal o bahay-kalakal. Alin sa mga
sumusunod na halimbawa ang ipinapahiwatig sa uri ng buwis na ito?
A. Buwis na nagmumula sa sedula ni Ruth
B. Buwis na nagmumula sa lisensiya ng TG’s Incorporated
C. Buwis na nagmumula sa mga ari-arian ng lupa at bahay ni Tom
D. Buwis na nagmumula sa mga produktong sanhi ng bisyo tulad ng sigarilyo at alak.
51. Ang National Expenditure Program ay itinuturing pambansang badyet na binubuo ng Kagawaran ng
Badyet at Pamamahala. Alin sa mga sumusunod ang kasali sa pambansang badyet na ito?
A. Rehiyon at special purpose fund .
B. Kalusugan, agrikultura, imprastraktura at edukasyon
C. Iba’t ibang kagawaran ng pamahalaan at serbisyong pampubliko
D. Lahat ng mga nabanggit
52. Ang pambansang badyet ay inilalaan para sa iba’t ibang laki at mga prayoridad ng pamahalaan sa
isang taon.Bakit mahalaga ang paghahanda ng pambansang badyet na ito?
A. Dahil dito makikita ng sambayanan kung may alaki talaga ang pamahalaan o wala
B. Dahil dito nakasalalay ang pagpapatupad at pagkakaroon ng katiyakan sa magiging
kaunlaran ng bansa
C. Dahil dito masisiguro na wasto at magiging sapat ang bawat alokasyon ng badyet sa mga
proyekto o programa ng pamahalan
D. B at C
53. Ang revenue ay ang tinatanggap alaki ng pamahalaan. Ano ang mangyayari kung walang pondo ang
pamahalaan?
A. Hihina ang pagpapatakbo ng mga alaki sa ating bansa
B. Hihingi ang pamahalaan ng pondo sa ibang bansa kapalit sa isang kasunduan
C. Hindi ito makakapagbigay ng produkto at serbisyong kinakailangan ng taumbayan
D. A at B
54. Ang uri ng buwis na para kumite o tinatawag na revenue generation ay ipinapataw ng pamahalan
upang makalikom ng pondo para magamit sa operasyon nito. Alin sa mga sumusunod na halimbawa
ang ipinapahiwatig sa uri ng buwis na ito?.
A. Buwis na nagmumula sa sedula ni Ruth C. Buwis na ipinapataw sa biniling damit
ni Stef
B. Buwis na nagmumula sa sahod ni Thomas D. Buwis na ipinapataw sa mga biniling
imported na tsokolate ni Tom
55. Ang budget deficit ay mangyayari kapag mas alaki ang paggasta ng pamahalaan kaysa sa pondo nito.
Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang ipinapahiwatig sa konsepto na ito?
A. Nang dahil sa COVID-19, ang badyet ng pamahalaan ay binuhos sa pamimigay ng ayuda
sa lahat ng mga mamamayan .
B. Nang dahil sa COVID-19, alaki ang badyet at paggasta ng pamahalaan
C. Nang dahil sa COVID-19, mas marami ang pondo ng pamahalaan
D. Wala sa mga nabanggit
56. Ang budget surplus ay mangyayari kapag mas maliit ang paggasta kaysa sa pondo nito. Alin
sa mga sumusunod
Na halimbawa ang ipinapahiwatig sa konsepto na ito?
A. Nagkaroon ng balance ang badyet at paggasta ng pamahalaan
B. Nagkaroon ng di-balanse ang badyet at paggasta ng pamahalaan
C. Walang proyekto ang mabibigyang-pansin dahil lahat ng kita ng pamahalaan ay lumagpas sa
kanilang badyet D. Mas maraming proyekto sa iba’t ibang alaki ang mabibigyang-pansin dahil mas alaki
ang pondo ng pamahalaan

You might also like