Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 52

KASAYSAYAN_NG_DULA

Sa isang dako, ang tunay na drama ayon kay


Sebastian ay nagsimula noong mga unang taon ng
pangungupkop ng mga Amerikano.

Idinagdag pa ni Tiongson na ang drama ay binubuo


ng tanghalan, ibat-ibang kasuotan, skripto,
"characterisation", at "internal conflict." Ito ang
pangunahing sangkap ng tunay na drama ayon sa
banyagang kahulugan.
Sa kabilang dako, ang drama ay drama
kahit wala ang mga sangkap na nabanggit. Ito
ang dramang Pilipino. Ayon pa rin kay
Tiongson, memises ang pangunahing sangkap
ng dulang Pilipino. Memises ay ang
pagbibigay buhay ng aktor sa mga pang-araw-
araw na pangyayari sa buhay ng mga Pilipino.
Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula, ang mga
pangarap ng bansa. Dito ipinapakita ang mga katutubong
kultura, paniniwala, at tradisyon. Ikinukuwento rin ang
paghihirap at pagpupunyagi sa buhay ng mga katutubong
Pilipino. Dito rin mamamalas ang ibat-ibang anyo ng
kanilang pamahalaan at uri ng lipunan.
Samakatuwid, ang tunay na dulang Pilipino ay
nagbibigay ng mas malawak na pang-unawa sa kulturang
Pilipino at nagbibigay ng kasagutan sa mga pangangailangan
ng mga Pilipino. Higit sa lahat, ito'y nagsisilbing gabay para
sa kabutihan ng mga mamamayang Pilipino.
Ang kasaysayan ng dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng
mga katutubong Pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang
mananakop.
Ayon kay Casanova, ang mga katutubo'y likas na mahiligin sa
mga awit, sayaw at tula na siyang pinag-ugatan ng mga unang anyo ng
dula. Ang mga katutubo rin ay mayaman sa epikong bayan na
kalimita'y isinasalaysay sa pamamagitan ng pag-awit.
Ang mga awit, sayaw, at ritwal ay karaniwang ginaganap para sa
pagdiriwang ng kaarawan, binyag, pagtutuli, ligawan, kasalan,
kamatayan, atbp. Bago dumating ang mga dayuhang mamnanakop, ay
mayroon ng ilang anyo ng dula ang mga katutubong pilipino.
Panahon ng Katutubo
Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-
dila gaya ng mga bulong, tugmangbayan, bugtong, epiko,
salawikain at awitingbayan na anyong patula; mga kwentong-
bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga
katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang
anyo ng dula sa bansa.
Mga Katutubong Dula
• Bikal at Balak • Pamanhikan
• Karilyo • Dung-aw
• Bayok at Embayoka • Hugas Kalawang
• Kasayatan • Dalling-Daling
• Dallot
Mga Katutubong Dula
1. Bikal at Balak - Ang bikal ay maaaring awitin ng dalawang
babae o dalawang lalaki. ang mga mang-aawit ay magkahiwalay
na nakaupo sa magkabilang panig ng silid, habang nasa gitna
ang mga manonood. Ang balak naman ay ang pagsusuyuan ng
isang dalaga’t binata sa pamamagitan ng awit na umiindayog at
matalinghaga.
2. Karilyo - dulang ang mga nagsisiganap ay mga tau-tauhang
karton. Pinapagalaw ang mga ito sa pamamagitan ng mga
nakataling pising hawak ng mga tao sa itaas ng tanghalan.
3. Bayok o Embayoka- Ito’y isang pagtatalong patula ng mga Maranaw na
nilalahukan ng isang lalaki at isang babae na binabayaran ng salapi o
kasangkapan pagkatapos ng palabas.
4. Kasayatan- kadalasan, ang bayok ay sinusundan ng isang laro ng panyo na
tinatawag na kasayatan. Ito ay sinasalihan ng mga dalaga’t binata at nahahati
sa dalawang pangkat. Magkahiwalay ang mga babae’t lalaki sa magkabilang
dulo ng tanghalan.
5. Dallot - Sa mga Ilokano ito’y awit ng pag-ibig. Ang lalaki ay tutula at
nagpapahayag ng pag-ibig at ito’y sasagutin ng babae nang patula. Pagkatapos
ay aawitin nila ang tula sa saliw ng kutibeng, gitara ng mga Ilokano. Ito’y
itinatanghal kapag may binyag, kasalan o handaan.
6. Dung-Aw - Ang tradisyong Dung-aw ng mga Ilokano ay isang tulang
panambitan na binibigkas sa piling ng bangkay ng anak, asawa o magulang.
Ang berso ay nagsasalaysay ng paghihinagpis ng naulila at paghingi ng
kapatawaran sa nagawang kasalanan o pagkakamali sa namatay.
7. Pamanhikan - Matandang kaugaliang Pilipino Paghingi ng
pahintulot ng magulang ng lalaki sa magulang ng babae sa isang
pag-iisang dibdib. Panhik at kaugnay rin ng salitang
mamamanhik na may kahulugang makikiusap.
8. Hugas-Kalawang - Isang tradisyon ng mga taga-gitnang
Luzon. Isinasagawa ito pagkaraan ng pagtatanim ng palay, ang
mga magsasaka ay gumawa ng damara sa tumana o sa taniman.
Naghahandog ng premyo ang may-ari ng lupa para sa
pinakamabilis magtanim.
9. Dalling-Dalling - Ang dalling-daliing ay isang tradisyonal na
anyo ng dula ng mga Tausug sa Sulu. Nangangahulugang
“Mahal Ko”, ang dalling -dalling ay isang ritwal na nag-aanyaya
sa mga manonood na umawit habang ang magsing-irog ay
sumasayaw. .
Panahon ng Kastila
Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong
3Gs. Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang
Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang lalong mapabantog
sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop.
Halimbawa sa mga ito ay ang mga uri ng dulang senakulo, santa
cruzan at tibag; tulang gaya ng mga pasyong inaawit. Sila rin ang
nagpakilala ng konseptong maharlika o dugong bughaw sa mga
Pilipino na mababatid sa mga akdang awit na ang mga
pangunahing tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa.
Isang patunay ang awit na Florante at Laura ni Balagtas at mga
dulang duplo at karagatan.
Mga Dula sa Panahaon ng Kastila
Dulang Pantanghalan
o Entablado
-Ito ay isinasagawa sa loob ng
Tanghalan o Enteblado
Moro-Moro

“Moor” pantawag sa mga Muslim.


-Ito ay isang dulang maka-relihiyon at
Ipinapakita sa dulang ito ang paglalaban
ng mga Kristiyano at Muslim na laging
ngwawakas sa pagtatagumpay ng mga
Kristiyano.
Bulaklakan
• Isang magandang sayaw na
itinatanaghal kasabay ng
celebrasyon ng Santa Cruz De
Mayo.
• Itinatanghal sa harap ng isang
pang prosisyon na altar.
Senakulo
• Itinatanghal sa dulang ito ang
buhay at pagpapasakit ni Hesus.
• Ginaganap ito tuwing Mahal
na Araw
• Ginaganap sa Lansangan o
Bakuran ng Simbahan.
Papuri/ Putong
• Ang putong ay isang uri ng sayaw.
• Isa sa mga tinugtog ni Juan Silos, Jr. at
kanyang rondalla noong dekada 1960 sa
ilalim ng album na Philippine Folk Dances
Vol. IX ng Villar Records.
• At ito rin ay katutubong gamit pang-ulo ng
mga sinaunang Pilipino bago pa man
dumating ang mga Kastila.
• Ang putong o tubong ay isang katutubong
gawain na ginagawa pa rin sa lalawigan ng
Marinduque.
Dulang Pantahanan

• Ito ay isinasagawa sa
Tahanan.
Karagatan
• Ito ay tinunuturing na matandang anyo ng
panitikan. Tinatawag itong padula sapagkat ang
mga ito ay nakasulat sa padula at ginagampana
ito ng tauhan
• Ito din ay tinatawag na dulang pantahan
sapagakat idinaraos ito sa loob ng bahay o
bakuran ng namatay. Naging Parangal din ito sa
namatay.
Duplo
• Ito ay isang Tulang Pandulaan noong unang
panahon,
• Itoy sinasabi na syang humahalili sa
karagatan,
• Ito ay paligsahan sa husay na
pagbigkas na pangangatuwiran na
patula.
• Ito ay ginaganap bilang pag gunita sa mga
patay o ika-9 na araw ng pagkamatay.
Juego de prenda
• “Laro ng Parusa” o Habang lamayan
• Linalaro ito upang di makatulog ang mga tao habang
nagbabantay sa patay
• Ang mga manlalaro ay uupo at bubuo ng isang bilog tapos
ang isang pinuno ay nagbibigay ng mga puno o bulaklak sa
mga manlalaro.
• Ang pinuno ay magkukwento tunglol sa isang ibon na mawala
na pagmamay-ari ng isang hari.
Pananapatan
• Sa Ingles ay “Caroling”
• Ang pagkanta ng mga awiting
pamasko sa karaniwan ay sa
tapat ng mga bahay-bahay na
may layuning manghingi ng
regalo na malimit ay pera.
Dulang Panlasangan

-ito ay isinasagawa sa Lansangan.


Salubong
• Pagkalampas ng pagtatagpo ng muling nabuhay
ang Panginoong Hesus at ni Maria.
• Ang salubong ay magaganap pagkalampas ng
simbahan at ganapin ang misa.
• Ang Salubong ay ginagawa sa pamamagitan
ng dalawang Grupo:
• Ang mga kababaihan ay ang siyang may dala Sa
Birhen na nakabelo.
• Ang mga Lalaki o maginoo ay naroon at kasunod ang
imahe ni Hesukriso.
• Ang mga Anghel ang unti-unting magtatanggal ng belo
ni Maria bago nya masalubong si Hesuktisto.
Pinetenecia
• Mula sa salitang lumang French at Latin
“Poenitentia” ay “pagsisis o kagustuhang
patawarin”.
• Paglalakad ng deboto sa mga lansangan habang
pinapalo ang kanilang mga sarili ng mga taling
may patalim.
• Pagpruprusisyon ng may dalang krus at saka
pinapako sa krus ng mga deboto.
• Idinaraos tuwing Byernes Santos
• Partikular sa isang Bayan ng Pampanga
Moriones
• Tungkol ito sa pagpugot ng ulo kay Mariones na isang
dating bulag na nagsasabing nakita niya ang muling
pagkabuhay ni Kristo.
• Moriones, Marinduque Morion “maskara”
• Mga “moryonan” mga taong nakasuot ng maskara at
nakagayak na nagmamartsa paikot sa bayan
• Simula sa araw ng Lunes Santo at nagtatapos sa Pasko ng
Pagkabuhay.
Dalit Alay (Flores de Mayo)
*Dalit

Ang pagaalay ng bulaklak kasabay ng pag-


awit bilang handog sa Birheng Maria.

*Flores De Mayo
Awit para sa pag-aalay ng bulaklak
Panunuluyan

• Dulang itinatanghal sa lansangan.


• Paghahanap ng matutuluyan nina maria
at Joseph sa Bethlehem.
• Ang mga bahay sa paligid ang hinihingan
ng mag- asawa ng silid na matutuluyan.
Pangangaluluwa
Pangaluluwa – dulang panrelihiyon
na isinagawa tuwing Araw ng mga
Patay (Todos Los Santos).
Bisperas pa lang (Oct 31) ay
gumagala na ang mga kaluluwa at
bumibisita sa mga bahay-bahay at
humihingi ng limos habang
kumakanta.
Tibag
• Pagsasadula kung saan hinahanap nina Reyna
Elena at Prinsipe Constantino kung saan krus
pinagpakuan kay Hesus.
• Ginaganap ito tuwing buwan ng Mayo sa mga
lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija, Bataan, at
Rizal
Santakruzan

• Isang prosisyon na
isinasagawa sa huling bahagi
ng pagdiriwang ng Flores de
Mayo.
• Isinalalarawan nito ang
paghahana sa banal na Krus ni
Reyna Elena, ina ni
Constantino.
• Panahon ng Amerikano
Patuloy na pumailanlang ang mga tema ng
nasyonalismo at pagmamahal sa bayan sa lahat ng anyo
ng literatura sa panahon ng pagdating ng mga
Amerikano. Sa panahon ring ito ay sumiklab ang mga
pelikula.

Mga Dula Sa Panahon ng Amerikano


• Sarsuwela
• Dula sa Makabagong Panahon
• Dulang Pantanghalan na may iba’t ibang tema
• Dulang Musikal
Panahon ng Hapon
Sa panahong ito, bumagsak ang dulang seryoso at
tinangkilik ang mga pelikula ng Amerikano na
katatawanan, awit at sayaw.

Mga Dula sa Panahon ng Hapon

• Legitimate- ay binibuo ng mga dulang sumusunod sa


kumbensyon ng pagsusulat at pagtatanghal
• Illegitimate- ay mas kialla sa tawag na stageshows
Dula mensahe sa manonood
Ito ay hango sa salitang
Griyego na “drama” na
nangangahulugang gawin o
ikilos. Ang layunin ng dula ay
makapag bigay aliw sa mga
manonood.
Ito ay isang paglalarawan
ng buhay na ginaganap sa isang
tanghalan
Sinasabi ring ang dula ay isang
uri ng sining na may layuning
magbigay ng makabuluhang
ANG LITERATURA SA MGA ANYONG PATULA
Binubuo ng apat na uri ang mga akdang patula: Tulang pasalaysay,Tulang liriko,
Tulang pandulaan at Tulang patnigan
• Tulang Pasalaysay- ay pumapaksa sa
mahahalagang tagpo o pangyayari sa
buhay, ng kagitingan at kabayanihan b. Epiko- tungkol sa kabayanihan at
ng tauhan. pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan
at ang mga pangyayaring nakapaloob ay
a. Awit at korido- ay pumapaksa sa kagilas-gilas at hindi kapani-paniwala.
mga pakikipagsapalaran at kariniwang Hal: Biag ni Lam-ang (Ifugao)
ginagalawan ng mga tauhan ng prinsipe at
prinsesa.
Hal: Awit (Florante at Laura) Kurido ( Ibong
Adarna )
• Tulang Liriko- tula ng 4. Awit- pinapaksa nito ay may
damdamin na puno ng pag- kinalaman sa pag-ibig, kabiguan,
ibig, kalungkutan, kabiguan, kalungkutan, pag-asa,
pangamba, poot, at kaligayahan
kaligayahan at tagumpay.
5. Oda- may himig ng
Uri ng Tulang Liriko
pamumuri at naghahatid ng
damdaming nagbibigay-
1. Elehiya- tula tungkol sa
kasiglahan.
kamatayan.
2. Dalit- tulang pumupuri sa
Diyos.
3. Soneto- tula na may hatid
aral.
• Tulang Pandulaan- ito ay wakas ng dula.
karaniwang itinatanghal sa dulaan o
entablado. 3. Parsa- isa pa ring uri ng dula na
nagpapasaya.
Uri ng Tulang Pandulaan
4. Trahedya- kabaliktaran ng
1. Melodrama- ito ay uri ng dula komedya kung saan ang wakas ay
na malungkot ngunit nagtatapos nagtatapos sa kamataya ang
nang masaya para sa pangunahing pangunahing tauhan sa dula.
tauhan.
2. Komedya- nagtatapos ito ng 5. Saynete- ito ay paglalahad ng
masaya, may tunggalian ang mga isang lahi sa kanyang pamumuhay o
tauhan sa umpisa subalit ito’y katutubo, pangingibig at iba pa.
nalulunasan kung kaya masa ang
• Tulang Patnigan- ito ay sa pagbigkas at pangangatwiran
binubuo ng tula na naglalaman nang
ng pangangatwiran. patula.

Uri ng Tulang Patnigan 3. Balagtasan- Tagisan ito ng


talino sa pagbigkas ng tula,
1. Karagatan- tula o isang bilang pngangatwiran sa isang
paligsahan sa pagtula na kabilang paksang pagtatalunan.
sa tinatawag na
“libangang itinatanghal”

2. Duplo- Ito ay isang laro sa


tula o isang paligsahan sa husay
Bahagi ng Dula

1. Yugto – ito ang bahaging pinanghahati sa dula.


Inilalahad and tabing bawat yugto upang
makapagpahinga ang mga natatanghal gayon din ang
mga nanonood.
2. Tanghal – kung kinakailangang magbago and ayos ng
tanghalan, ito ang ipinanghahati sa yugto
3. Tagpo – ito ang paglabas masok ng mga tauhang
gumaganap sa tanghalan
Sangkap Ng Dula

1. Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga


pangyayaring isinaad sa dula.
2. Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula;
sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan
ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula
3. Sulyap sa Suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang
dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay ang
dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa
simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga
pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin
ang isang dula
4. Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa
suliraning nararanasan
5. Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan,
tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili;
maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang
isang dula
6. Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa
sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang
damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian
7. Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at
pag-ayos sa mga tunggalian
8. Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga
suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng
panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood
Elemento ng Dula
1. Iskrip o nakasulat na dula/Banghay (Plot) – ito ang pinakakaluluwa ng isang
dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang
dula kapag walang iskrip. Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula. Ito ay ang
pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at sitwasyon sa pamamagitan ng mga
karakter (aktor) na gumagalaw sa tanghalan.
2. Gumaganap o aktor/ Karakter – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay
sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng
iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula. Ang mga kumikilos
at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga
tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula.
3. Dayalogo – ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang
maipakita at maipadama ang mga emosyon. Nagiging mas maganda at
makapangyarihan ang dula kung may mga malalakas at nakatatagos na mga linyang
binibitiwan ng mga aktor.
4. Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay
tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula,
tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase.
5. Taga-direhe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang
nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga
tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende
sa interpretasyon ng direktor sa iskrip
6. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi
ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng
dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o
makanood.
7. Tema – ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood ang palabas
base na rin sa tulong ng pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon at pagkakasunud-sunod ng
mga pangyayari at pag-aarte ng mga aktor sa tanghalan. Naililitaw ang tunay na
emosyon ng mga aktor sa tulong ng paglinaw ng tema ng dula.
Eksena at tagpo
Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan
samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit o ang iba’t ibang
tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.

PAGTATANGHAL NG DULA
AKROSTIK na pinakabatayan habang ika’y nasa tanghalan.
S – seen before heard ( makita muna bago marinig)
T – talk in projection ( magsalita na may tamang tindig)
A – act realistically ( Umarte nang totoo)
G – give your all ( Ibigay ang lahat)
E – exaggerate ( Eksaherado)
PAG-ARTE
• Pagpasok – dito kailangang maipakita ng aktor na siya ay mula
sa tiyak na lugar na may tiyak na layunin at nasa tiyak na pag-
iisip dahil ang unang impresyon na kanyang ibibigay sa mga
manonood ay ang kanyang susi sa papel na kanyang
gagampanan. Kailangang maisaisip at maisapuso niya ang
kanyang katauhan bago pa man siya papasok.

• Diin at Balanse sa Entablado – ang direktor ang magtuturo sa


tamang posisyon sa entablado ngunit ang actor ay maaring
tumulong sa pamamagitan ng pagtatanda sa kanyang dapat na
posisyon. Kapag natatakpan ang ibang tauhan, ang taong nasa
likod ang kikilos upang isaayos ang posisyon.
• Posisyon at Paggalaw – walang kilos o galaw ang dapat na
gawin na walang dahilan. Ang bawat kilos o galaw ay may
kahulugan. Ang pag-upo o pagtayo ay dapat naaayon pa rin sa
papel na ginagampanan.

• Linya at Palatandaan – Dapat kabisado o saulado ang


linyang bibigkasin. Kailangan ding malinaw, buo at malakas
ang boses ng mga actor sa pag-uusap.
Ang “pag-aadlib” ay para lamang sa kagipitan upang
maiwasan ang katahimikan. Kapag nakalimutan ng isang aktor
ang linya at nawawala ang ibang impormasyon, ang ibang aktor
ay mag-aadlib na hindi pinahahalata ang pagkakamali sa
pamamagitan ng pagpapakita pa rin ng pagkanatural ng usapan.
GALAW NG KATAWAN AT MGA
ALITUNTUNIN
• Tindig – Ito ay mahalaga hindi lamang sa kalusugan kundi
pati sa personal na hitsura.
• Paglakad – panatilihin ang magandang tindig sa paglalakad.
Kailangang nakataas ang balikat, diretso ang katawan at
diretso rin ang pagtingin.
• Pag-upo – panatilihin ang tuwid na pag-upo. Ang mga
kamay ay nakalukbay (relax). Ang kamay na naka gapos ay
nagpapahirap sa paghinga at ito ay nagpapamukhang kabado.
Tandaan na ikaw ay unang huhusgahan sa iyong katauhan sa
entablado, susunod na lamang ang sa kung ano ang iyong
sasabihin.
Mga Kawani ng Produksyon
• Direktok: Ang kanyang pangunahing layunin ay makabuo ng
magandang pagtatanghal. Kailangan niyang madiskubri ang saysay
ay kahulugan ng buong dula. Siya rin ang magpapaliwanag ang
dulang isinulat ng tagabuo ng iskrip at ang pipili ng babagay na
artistang gaganap sa papel ng mga tauhan sa dula. Sa kanya
nakasalalay ang tagumpay at kabiguan ng dula.
• Katulong ng Direktor: Siya ay papalit sa direktor kung ito ay wala
at magsisilbing tagapag – ugnay sa iba pang kawani ng produksyon.
• Tagapagdikta – Siya ay hahawak ng isang “prompt book” at
mamarkahan niya ang mga bagay na kailangang tandaan ng mga
actor tulad ng kumpas, mga tunog, pagbukas o pagpatay ng ilaw at
iba pa.
• Taga-disenyo ng Tanghalan – magdidisenyo
ng lugar na gaganapan ng dula, ng mga kasuotan
at mga mga ilaw sa tanghalan.

• Direktor Teknikal – siya ang magmanipula sa


lahat ng mga ilaw, musika, mga espesyal na
tunog at iba pang may kaugnayan sa kuryente.
Siya ay makikipagtulungan din sa mga
paghahandang ginagawa ng taga disenyo ng
Tagpuan.
• Tagapamahala ng Entablado – Sinisiguro
niya na maayos ang buong entablado na
pagtatanghalan. Siya rin ang mamamahala sa
likod ng entablado sa posibleng kagipitang
mangyayari.

• Tagapamahala ng Tanghalan – Ang mag-


aayos ng mga upuan ng mga manonood.

You might also like