Jesus Christ Set The Perfect Example of Obedience When He Was Baptized

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

“Jesus Christ set the perfect example of obedience when He was

baptized” – TOPIC given by the Bishopric.


“Of all the lessons we learn from the life of the Savior, none is more
clear and powerful than the lesson of obedience,” taught by Elder
Robert D. Hales noong April 2014 general conference. The Saviors
example ay nagtuturo sa atin hindi lamang kung bakit mahalaga ang
pagsunod sa Ama sa Langit kundi kung paano rin tayo magiging
masunurin. Si Jesus Christ alam nating lahat na perfect, walang
kasalanan, pero pinili parin Nyang magpa baptized BAKIT?? “to fulfill
all righteousness”. Ayon naman sa 2 Nephi 31:7 Hindi ba ninyo
nalalaman na siya ay banal? Ngunit sa kabila ng kanyang pagiging
banal, ipinakikita niya sa mga anak ng tao na ayon sa laman ay
nagpakumbaba siya ng kanyang sarili sa harapan ng Ama, at
pinatototohanan sa Ama na siya ay magiging masunurin sa kanya sa
pagsunod ng kanyang mga kautusan.

Brothers and Sisters mahalaga ang pagsunod sa Panginoon at ang


first ordinance nya sa atin ay ang pagbibinyag.

Ngayon, tulad noong panahon ni Jesus, may ilang mga alituntunin at


ordinansa ng ebanghelyo na dapat nating matutunan at sundin.
Bakit nga ba natin kailangan magpa binyag? May naihanda akong
mga rason bakit natin kailangan sundin si Jesus Christ sa
pagbabaptized.
1) We Must Be Baptized for the Remission of Our Sins
Dapat Tayo ay Mabinyagan Para sa Kapatawaran ng Ating
Mga Kasalanan. When we place our faith in Jesus Christ, repent,
and are baptized, our sins are forgiven through the Atonement
of Jesus Christ.
Baptism was the beginning of the “mighty change” we must all
experience in order to return to our Father in Heaven. Sabi
naman sa Alma 5:13 At dinggin, ipinangaral niya ang salita sa
inyong mga ama, at isa ring malaking pagbabago ang
nangyari sa kanilang mga puso, at sila ay nagpakumbaba ng
kanilang sarili at ibinigay ang kanilang pagtitiwala sa totoo at
buhay na Diyos. At dinggin, sila ay matatapat hanggang wakas;
kaya nga naligtas sila.
- Hindi ko malilimutan yung experience ko nung nabinyagan
ako, Inaamin kong ako ay makasalanan, madami akong
pagkukulang sa buhay, sa pamilya ko at sa panginoon. Hindi ko
kilala si Jesus Christ, madami akong pagkakamaling nagawa
pero nung tinubog ako sa tubig at nabawtismuhan may
kakaibang feeling, parang pag angat ko gumaan ang aking
pakiramdam, parang may bumulong sa akin at sinabing I LOVE
YOU.
2. Baptism develops a public faith in us
Nais ni Jesus na tayo ay maging mga saksi para sa Kanya at huwag
panatilihing pribado ang ating pananampalataya. Oo, ito ay isang
personal na desisyon, ngunit ang misyon ni Kristo ay akayin ang bawat
tao sa parehong personal na desisyon. Sinabi rin ni Hesus sa Matthew
10:32-33, “Kaya't ang sinumang nagpapahayag sa Akin sa harap ng
mga tao, siya rin ay ipahahayag ko sa harap ng Aking Ama na nasa
langit. Ngunit ang magkaila sa Akin sa harap ng mga tao, ay ikakaila
ko rin siya sa harap ng Aking Ama na nasa langit."
Ang bautismo ay isang pampublikong pagtatapat ng
pananampalataya ng isang tao kay Kristo. Sinabi na, "Ang bautismo
sa tubig ay isang panlabas na tanda ng isang panloob na
pagbabago."
Itinuro ni Jesus sa kanyang mga alagad ang kahalagahan ng
pamumuhay ng pananampalataya sa publiko gayundin sa pribado.
Hinamon ni Jesus ang kanyang mga disipulo na ipahayag ang
kanilang pananampalataya sa harap ng iba at lumakad sa harap ng
iba bilang kanyang mga disipulo (Mateo 10: 32-3; 16: 13-17, 24). Ang
bautismo ay nagbibigay ng pagkakataon sa bagong
mananampalataya na ipagtapat sa harap ng iba na si Hesus ay ating
Tagapagligtas.
3.) Baptism deepens commitment to the Lord
Many times, all of us can make emotional decisions in our relationship
with God, but then never think about it again afterward. Walang
masama sa damdamin, ito ay isang makapangyarihang bagay na
ibinigay sa atin ng Diyos upang pagyamanin ang ating buhay sa
mundo, ngunit ang ating pananampalataya ay hindi maaaring
batay sa emosyon lamang. Ang buong proseso ng pagpapasiyang
magpabinyag ay lumilikha ng pagkakataong pag-isipan pa ang
tungkol sa pagbabagong-buhay sa desisyong ginawa natin. It
strengthens our faith to get out of our comfort zones and into a pool
of water for Jesus.

4.) Baptism increases connection to His Church


Sinasabi na ang Simbahan ay ang katawan ni Kristo at sa
pamamagitan ng binyag, tayo ay pinagsama sa katawan na iyon (1
Cor. 12:12-13). Hindi tayo idinisenyo ng Diyos na isabuhay ang ating
pananampalataya nang nag-iisa. Nais niyang ang bawat
mananampalataya ay makaugnay sa pamilya ng Diyos. Ipinakikilala
ng bautismo ang kuwento ng isang tao sa simbahan, ginagawa
silang pamilyar na mukha, at tinutulungan ang isang tao na
magkaroon ng kaugnayan.
5. Baptism personalizes Christ's death and resurrection
Sinabi sa Roma 6:4, “Kaya't tayo ay inilibing na kasama Niya sa
pamamagitan ng bautismo sa kamatayan, upang kung paanong si
Kristo ay muling binuhay mula sa mga patay sa pamamagitan ng
kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din tayo ay dapat lumakad sa
panibagong buhay." Sa Galatians 3:27 ay nagpatuloy sa pagsasabi,
"Sapagka't ang lahat sa inyo na nabautismuhan kay Cristo ay
nagbihis kay Cristo."
Habang ang isang tao ay ganap na nalulubog sa tubig, nararanasan
nila ang pagsisisi sa kanilang kasalanan at nakakonekta sa
sakripisyong kamatayan ni Kristo sa krus para sa kasalanang iyon.

As they are raised up out of the water they are filled with the hope of
Christ’s saving power! The Gospel then becomes a personal message
and personal experience through the step of baptism.

Brothers and Sister, alam kong ang mga sinabi ko ay totoo. Alam kong
buhay ang Panginoon at patuloy Nyang ginaguide ang ating
simbahan dito sa lupa sa tulong ng ating buhay na propeta na si
President Nelson at ang kanyang 12 apostles. Alam kong ang book of
Mormon ay totoo at ang lahat ng ito ay iniiwan ko sa Pangalan ni
Jesus Christ. AMEN!

You might also like