Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Edukasyon sa Pagpapakatao 3

Lagyan ng tsek (/) ang mga pahayag na nagpapakita ng magagandang kaugaliang Pilipino na dapat taglayin
at pagyamanin at ekis (X) naman kung hindi.

_______ 1. Laging nagmamano si Lito sa kanyang mga magulang pagdating sa bahay.


_______ 2. Padabog na ginagawa ni Lita ang gawaing iniutos sa kanya ng Ate.
_________ 3. Nagdarasal ang mag-anak na Santos sa harap ng hapagkainan bago kumain bilang
pasasalamat sa biyayang natanggap.
_________ 4. Sinasagot nang pabalang ni Lucy ang kanyang tatay kapag hindi siya binilhan ng gusto niyang
laruan.
_________ 5. Masayang naghuhugas ng pinagkainan si Tina kahit marami pa ito.

Lagyan ng tsek (/) ang mga pahayag na nagpapakita ng pagsunod sa tuntunin ng pamayanan at ekis (X)
naman kung hindi.
_______ 1. Nagtatapon si Lina ng kalat sa tamang basurahan.
_______ 2. Tinatanggal ni Lino ang kanyang face mask kapag sumasakay ng pampasaherong jeep.
_______ 3. Sinasagutan ni Lisa ang kanyang mga modyul ayon sa nakasaad na iskedyul sa Weekly Home
Learning Plan na binigay ng guro.
_________ 4. Ibinabalik ng nanay ni Daryll ang mga nasagutang modyul ng anak sa itinakdang petsa at oras
ng pagbalik sa eskwelahan.
_________ 5. Nagpapatugtog sa radyo ng mga modernong kanta ang kuya ni Lizette kahit lampas na ng
alas-diyes ng gabi.

Lagyan ng tsek (/)kung ang larawan ay nagpapakita ng mabuting ugali sa pagpapanatili ng kalinisan sa
pamayanan . Lagyan mo naman ng ekis (X) kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

A. Iguhit ang 😊 sa patlang kung sang-ayon sa sinasabi ng pangungusap at ☹ kung hindi.


_____1. Dapat itapon ang basura sa tamang lagayan.
_____2. Pag-aayos ng mga hinigaan pagkagising.
_____3. Ilabas lamang ang basura sa oras at araw ng kuha nito.
_____4. Dapat sunugin ang mga tuyong dahon at mga papel.
_____5. Pagtulong sa mga magulang sa paglilinis ng tahanan

Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang letra ng pinakatamang sagot.

1. Pinadala kayo ng inyong guro ng maliit na lalagyan upang doon ilagay ang inyong maliliit na basura.
Dapat mo bang sundin ito?

A. Hindi po, sapagkat lalong bibigat ang aking dala araw-araw.


B. Hindi po, dahil mayroon namang basurahan sa aming paaralan.
C. Opo, sapagkat makatutulong ako sa paglilinis ng paligid.
D. Opo, upang hindi ako mapagalitan ng aking guro.

2. Ang pagtapon ng basura sa ilog ay mahigpit na ipinagbabawal. Ano ang nararapat mong gawin?

A. Sa gabi ako magtatapon.


B. Sa may daanan na lang ako magtatapon.
C. Sa kapitbahay na lang ako magtatapon.
D. Ilalagay sa tamang tapunan at aantayin ang trak ng basura.

3. Mahigpit na ipinagbabawal ng punong-guro ang pagkakalat sa loob ng paaralan. Ano ang dapat mong
gawin?

A. Magkakalat pa rin ako kung nais ko.


B. Itatapon ko ang kalat sa tamang basurahan.
C. Iiwan ko na lamang sa sulok ng silid-aralan ang kalat ko.
D. Aantayin kong walang makakita bago ako magtapon ng kalat ko.

4. Oras ng iyong paglalaro ngunit nakita mong marumi at makalat ang inyong bakuran. Ano ang iyong
gagawin?

A. Hindi ko ito papansinin.


B. Lilinisin ko muna bago maglaro.
C. Maglalaro muna ako bago linisin.
D. Tatawagin ko ang aking ate at siya ang maglilinis.

5. Kumpletuhin ang lyrics ng kantang Munting Basura, Ibulsa Muna. Munting Basura, Ibulsa Muna
Huwag ikalat lang sa kalsada Gamitin mo ngayon ang pagkakataong Mapanatiling _________ lungsod ng
Marikina.

A. maayos C. maliwanag
B. malinis D. payapa
Mula sa iyong binasang komiks strip tungkol sa pagsunod sa tuntunin at batas-trapiko, alin sa mga gawaing
ito ang iyong sinusunod upang ikaw ay maging ligtas o maiwasan ang kapahamakan? Lagyan ng tsek ( )ang
patlang ng iyong sagot kung ito ay iyong ginagawa at ekis ( X ) naman kung hindi.
______1. Tumatawid ako sa tamang tawiran.
______2. Sumasakay at bumababa ako sa tamang lugar.
______3. Gusto kong tumawid sa gitna ng kalsada kaysa tumawid gamit ang footbridge.
______4. Nagmamadali ako kaya hindi ko na inantay na mag kulay pula ang traffic light.
______5. Pagpasok at pag uwi ko galing paaralan naglalakad ako sa bangketa hindi sa gitna ng kalsada.

Lagyan ng tsek (/)kung ang larawan ay nagpapakita sa paghahanda sa anumang sakuna at kalamidad.
Lagyan mo naman ng ekis (X) kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Basahin nang mabuti ang bawat katanungan. Bilugan lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang paghahandang dapat mong gawin kapag may paparating na bagyo?

A. Maglaro ng computer games.


B. Magkulong sa kuwarto at matulog.
C. Ubusin ang mga pagkaing nasa refrigerator.
D. Ihanda ang kandila, flashlight at de bateryang radyo.

2. Ano ang dapat gawin pagkatapos ng baha?

A. Maligo sa tubig baha.


B. Maglaro ng bangkang papel.
C. Manood ng cartoons sa TV maghapon.
D. Mag stay lamang sa loob ng bahay at hintayin ang paghupa ng baha.

3. Kapag lumilindol, ano ang dapat mong gawin?

A. Magtago sa kuwarto.
B. Tumayo sa likod ng pinto.
C. Tumakbo nang mabilis papasok ng bahay.
D. Lumabas ng bahay at pumunta sa ligtas na lugar.
4. Ano ang mga hindi dapat dalhin kapag lumikas kayo para pumunta sa evacuation center?
A. Mga mahahalagang dokumento at papeles
B. Cellphone, powerbank, flashlight, kandila, posporo
C. Telebisyon, refrigerator, electric fan, laruan
D. Gamot, biskwit, de lata, tubig, pera

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng pag-iwas na magkaroon ng sunog?


A. Isarang mabuti ang kalan pati na rin ang LPG.
B. Itago sa mga bata ang posporo at lighter.
C. Matulog at iwanang nakasaksak ang charger ng cellphone.
D. Tanggalin o i-unplug ang mga saksakan pagkatapos gamitin.

Mathematics 3

You might also like