Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kasaysayan at Kultura, Tampok sa ika-32 Anibersaryo ng Paaralang BCFI

Isinulat ni: MaryJoy Halasan

Sa isang masayang pagdiriwang ng pagtutulungan at pagmamahalan, ipinagdiwang ng


paaralang Blancia College Foundation Inc. (BCFI) ang ika-32 anibersaryo sa pamamagitan ng
makulay na pagdiriwang ng kasaysayan at kultura. Tampok sa pagdiriwang ang isang masiglang
patimpalak na Ms. BCFI, mga pambansang sayaw, tradisyunal na laro, musika, at mga
makabagbag-damdaming balak.

Ang patimpalak na Ms. BCFI ay nagbigay-pugay sa kagandahan at galing ng mga mag-


aaral sa pamamagitan ng kanilang kanya-kanyang pagtatanghal, taglay ang husay at kahusayan
sa larangan ng pagganap at pagpapakita ng kaniya-kanyang talento. Hindi nagpatalo ang mga
kalahok sa pagpapamalas ng kanilang kahusayan at kagandahan, na nagbigay-liwanag sa
anibersaryo ng paaralan. Dinala naman ng mga pambansang sayaw ang mga manonood sa isang
biyahe sa kasaysayan at tradisyon ng ating bayan. Sa bawat galaw at hakbang, ipinamalas ng
mga mag-aaral ang kanilang pagmamahal sa kultura at pagpapahalaga sa mga sinaunang sayaw
na nagpapakita ng yaman ng ating pambansang identidad. Bukod dito, nagningning ang laro ng
mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga tradisyunal na laro ng Pilipinas. Sa bawat palaro,
ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahan, katalinuhan, at pagkakaisa sa
pamamagitan ng masaya at makabuluhang palaroang nagpatibay sa samahan at pagkakapatiran.

Nagsilbing tugtugin naman ng mga batang mananayaw ang kanilang tinig sa


pamamagitan ng mga awitin na puno ng damdamin at aliw. Sa bawat nota, naihatid ng mga mag-
aaral ang kahalagahan ng musika at pagtatanghal sa pagpapahayag ng kanilang diwa at puso.
Hindi rin nagpapahuli ang mga manunula sa pagbibigay-daan sa kanilang saloobin at pananaw sa
pamamagitan ng balak. Sa bawat tula, ipinahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga
karanasan, tagumpay, at pangarap, na nagbigay inspirasyon sa iba pang mga manonood.

Ang ika-32 anibersaryo ng BCFI ay isa ring pagdiriwang ng pagkakaisa, pagmamahalan,


at pagpapahalaga sa kasaysayan at kultura ng ating bayan. Sa bawat pasilip sa tradisyon at galing
ng mga mag-aaral, naitampok ang kanilang kahusayan at husay sa iba't ibang larangan ng sining
at kultura, nagpapatunay na sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagkakaisa, maaabot ang
kamangha-manghang tagumpay at pag-unlad.

Mabuhay ang BCFI! Patuloy tayong magtaguyod at magmahal sa ating kultura at


kasaysayan, alay sa kinabukasan ng henerasyon ngayon at bukas.

You might also like