Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

YUNIT 9: LITERATURA NG GITNANG LUZON AT

KATIMUGANG TAGALOG

Panimula:
Sa modyol na ito ay pinagsama ang Gitnang Luzon at Katimugan Tagalog dahil maliban
sa magkalapit ang mga ito ay halos may iisang kulay rin ng panitikan at kasaysayan. Ang Gitnang
Luzon ay isang malaking kapatagan kung saan inaani ang karamihan sa bigas na ating kinakain sa
araw-araw. Ang Gitnang Luzon ay binubuo ng mga lalawigan ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva
Ecija, Tarlac, Zambales at halos kalahati ng Pampanga. Samantalang ang Katimugang Tagalog
naman ay binubuo ng Batangas, Cavite, Laguna, Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental
Mindoro, Quezon, Rizal at Romblon. Sinasakop ng Katimugang Tagalog ang mga bahagi kung saan
Tagalog ang salitang pangkaraniwang gamit. Ang NCR at Gitnang Luzon man ay mga Rehiyon ng
Katagalugan kayat maaari ring tawaging Hilagang Tagalog ang Gitnang Luzon.
Ilalahad sa modyol na ito ang ilang batayan kalaman hinggil sa rehiyon. May ilan ding
piling uri ng panitikang isinulat rin ng mga manunulat sa rehiyon. Inaasahan sa modyol na ito na
miasagawa ang mga susunod na gawain.

LAYUNIN: Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. Makilala ang mga mahahalagang impormasyon hinggil sa rehiyon ng Gitnang Luzon at


Katimugang Tagalog.
2. Mapahalagahan ang panitakan ng Gitnang Luzon at Katimugang Tagalog sa pamamagitan ng
pagsusuri sa mga piling akda
3. Makabasa at masuri ang ilan sa mga piling akda ng rehiyon.

ARALIN 1: Kaligiran ng Gitnang Luzon at Katimugang


Tagalog

Layunin: Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na:

1. Nakikilala ang mga batayang impormasyon hinggil sa rehiyon.


2. Naiisa-isa at matukoy ang kabuhayan ng mga lalawigang bumubuo sa rehiyon.
3. Nakikilala ang kasaysayang pulitikal at historikal ng rehiyon.

Salok-Dunong
Ang salitang Tagalog ay nanggaling sa taga-ilog dahil karamihan ng mga unang
pamayanan dito ay matatagpuan sa baybayin ng Manila Bay, Laguna de Bay at sa mga ilog sa
Bulacan na dumadaloy pabalik sa Manila Bay. Ang mga Tagalog ay kilalang mangangalakal.
Nakakarating sila hanggang Mallaca upang magbenta ng pulot at ginto. Sampung taon bago
dumating si Magellan ay nakasalamuha na sila ng mga Portuges. Ang mga mangangalakal na
Tagalog na ito ay naiulat sa mga talaan ng mga manlalakbay bilang Lucoes (mga taga-Luzon).
Nagbebenta sila ng bigas at lambanog sa Borneo at nakilala sila bilang masisipag na tao at malapit
sa isa’t isa. Dahil sa ganitong pakikipag-ugnayan nila sa iba’t ibang tao, naging mas bukas sila sa
maraming kultura at pagbabago. Lumawak ang paggamit ng Tagalog at nadagdagan ang mga
salitang nagbibigay-daan sa mga bagong kaalaman at banal na konsepto.
Dahil sa pagdagsa ng mga pamayanan sa tabi ng mga ilog, lawa at dagat, naging isang
mahalagang tauhan at simbolo ng buhay Tagalog ang mangingisda. Para sa mga mangingisda ang
ilog ang pinagikulkuhanan nila ng lakas na nagbibigay sa kanila ng panahong magnilay nilay, at
magkaroon ng respeto sa sarilli. Ito marahil ang dahilan kung bakit maraming lileralurang Tagalog
ang may especial na pagtukoy sa ilog.
Ang kapatagan ng Luzon ay kakikitaan din ng malalaking na lupaing tinatamnan ng palay
at tubo. Ang bigas ay nagpapahayag ng kapangyarihan sa buhay Tagalog. Ang bilang ng bigas na
inilalagay sa sako ay nangangabulugan ng kasaganahan at kayamanan para sa mga Tagalog. Para
sa mga magsasaka, ang tag-ani ay nagbibigay ng pag-asang umunlad ang kanilang buhay. Para
naman sa fyudal na amo, ito 'y nangangahulugan ng kapangyarihan at kasaganahan. Para naman
sa negosyante, isa na naman itong pagkakataong makapagsamantala at makalamang.
Ang paniniwala ring ito ang nagtatatag ng katayuan sa buhay ng magsasaka. Ang mga
panginoong may lupa ay ang mga amo at ang mga nagtatanim at inaabuso ay ang mga alipin.
Tulad ng mangingisda, ang magsasaka ay isa ring makabuluhang nan at simbulo sa literaturang
Tagalog. Ang simbulong ito ay umaabot sa inaaping taga-bungkal ng lupa na nag-uumapaw ang
galit at sumisilakbo ang poot sa mapang-aping panginoong may lupa. Dahil sa malawakang pang-
aaping ito, ang kawawang magsasaka ay nauudyok na gumamit ng dahas o mamundok.
Ang Katagalugan ay masasabing pinag-ugatan ng maraming tradisyon at kulturang Pilipino
lalung-lalo na sa larangan ng wika, politika, economiya at literatura. Dahil sa buhay na buhay
nitong kultura, hindi kataka-taka na ang Katagalugan ay hiranging lugar kung saan pinanganak
ang maraming kilalang sa kasaysayan ng politika, kultura at literatura. Kasama sa mahabang
listahang ito sina Francisco Baltazar, Jose Rizal, Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, Emilio
Jacinto, Marcelo H. del Pilar, Jose P. Laurel, Claro M. Recto, Amado V. Hernandez, Lope K. Santos,
Lazaro Francisco, Faustino Aguilar, Jose Corazon de Jesus, Alejandro Abadilla, Modesto de Castro
at marami pang iba. Ang kanilang mga panulat ay humulma at nagbukas sa ating kamulatan. Sa
mahabang panahong pananakop sa atin ng nga Kastila, Amerikano at Hapon, maraming sumulpot
na tradisyong Pampanitikan. Hanggang sa kasalukuyan patuloy pa rin ang pag-unlad ng
mayamang tradisyong ito.

Paglalapat

1. Pumili ng isa sa mga nabanggit na manunulat ng rehiyon at magsaliksik ng isa


kanilang mga akda. Gumamit ng graphic organizer sa paglalahad ng kanilang
akda.

ARALIN 2: Pagbasa sa Ilang mga Akda ng mga Manunulat


sa Rehiyon

Layunin: Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na:

1. Nababasa at nasusuri ang mga piling akda ng mga manunulat sa rehiyon.


2. Napapahalagahan ang mga akda sa pamamagitan ng mga graphic organizer.
3. Natutukoy ang mga pagpapahalaga, kaugalian at tradisyon batay sa mga akda.

Salok-Dunong

Prinsesa ng Kumintang
ni Romeo P. Virtusio
Sa piging noong unang Sabadong iyon ng kanyang pagdating para sa bakasyon grande
buhat sa unibersidad ay dumating ang mga prinsipalya ng Batangas at ng katimugang Tagalog.
Naroon ang isang Bonifacio ng Sta. Cruz, ang mag-amang Yatco ng Biñan, mga kalahating
dosenang Malvar ng Sto. Tomas, dalawang Apacible ng Balayan. Ang Caudillo ng mga de Gala ng
Lucena, at mga de Villa ng San Juan. Lahat halos ng may sinasabi sa katagalugan ay nagpaunlak sa
paanyaya ng kanyang amang gobernador. Ang sabi'y bilang parangal daw ito sa erederong
nagbabaksayon buhat sa unibersidad ng mga dominiko, pero alam niya, isa lamang ito sa marami
at tunay na dahilan kung bakit ipinapulong ng kanyang ama ang mga alyados nito sa makakaratig
na lalawigan. Ito ang daigdig ng kanyang ama. Ang mga ginoong ito ang pangalawang pamilya ng
kanyang ama; marami sa mga ito ay kababata sa Ateneo, mga malalapit at malalayong pinsan,
bilas at bayaw, at kaututang dila. Bawat delegasyon ay may bitbit na pasalubong sa punung-
abala; kaing-kaing ng mangga buhat sa Sariaya, kung ilang prasko ng lambanog na dangal ng mga
taga-San Juan de Bolboc, nagririkitang barong Tagalog na dulog naman ng isang Ilustre ng Taal at
para sa ginang ng gobernador ay sarisaring dulce na padala ng isang kawan ng adoracion noctuma
ng Nasugbu. Sa pinararangalan naman ay lihim na iniabot ng alkalde ng Calaca ang isang
pagkagandang panday doon: itim na itim ang halos ay isang piyeng takip na inadormohan ng iba't
ibang hugis ng kabibe at sa talim nito ay hihipa mo lamang ang hibla ng buhok. Buhat naman sa
Tanuan ay hindi nakalimot ang mga Magsino. Hindi nakarating ang magasawang puno ng angkan
sapagkat lumuwas daw ng Maynila ang babae at magpapasuikat daw kay Pacito Longaos sapagkat
mag- aanak sa kasal sa Calamba sa papasok na buwan at may mahigpit aln daw na lakad na sarili
ang Ponso Magsino. Sa halip ang pinadalo ay ang anak na dalaga. Elisa ang pangalan,
magkucuarto año na sa Centro Escolar sa susunod na pasukan, kasama ang isang tiyahin na
kapatid ng ama.
Malayo pa ang tanghalian ay nagsimula na ang tagayan. llang mesang bilog ang ipinababa
ng kanyang ina sa ilalim ng nagatayugang akasya at kaimito upang pagausan ng unang bahagi ng
salosalo. Unang umulos si Ka Atoy Quesada ng Paete na makisig na makisig sa puting dril na
cerada na sa buong biyahe ay walang sinakit kundi huwag malungkot at animo'y walang pinakay
sa piging kundi banghayin ang kanyang maningning na pag-asa sa nalalapit na pagpapasinaya sa
Komonwelt ni Quezon. Ang lahat daw ng halos ay apat na siglong ipinagtis ng Pilipino sa ilalim ng
mga Kastila ay sulit na kung tutuusin sa napipintong pagsasarili.
“Sa wakas ay mapatutunayan na natin sa buong daligdig na kaya nating mamuhay nang
mag-isa at pamahalaaan ang ating ekonomya, halimbawa, at hindi 'yung inasa ang lahat sa mga
Amerikano,” masiglang patuloy ng matandang inhinyero na siyang nagpundar ng water system sa
magandang bayang iyon sa paanan ng bundok. "Aba'y sabi ng isang anak ko sa sulat e akala raw
ng mga puti, tayong mga Pilipino e pareho noong mga nakita nila sa St. Louis Exposition noong
1901. Ay lintik, jpakita nga sa mga kumag kung anong magagawa nating mga Pilipino!"
May katwiran ang matatandang Quesada sapagkat nang magtapos ito sa Comel noong
mga unang taon ng siglo ay nasa ulo ito ng kanyang klase. Sa henerasyon daw nila nina Bocobo,
Yulo, Savictores at iba pa ay hindi naman daw makaalma sa kanila ang mga puti nang sila ay
pawang nagsisipag-aral sa Esados Unidos.
Nakangiti lamang ang gobemador habang abala sa pag-aalok ng pitsel sa mga
nagkakatipon. Anong masasabi niya sa paksang ito na hindi magpapaalab sa damdamin ng
kanyang mga panauhin? Anong Batangueño ang mag-aatubili sa independensya? Kung kailan
lamang ay muntik na niyang masampal ang isang Amerikanong superbisor sa mga paaralan sa
isang miting sa San Juan nang sabihin nitong bakit pa raw magpapatayo ng eskwelahan sa may
Buhay na Sapa ay gayong hindi naman daw mahilig magsipag-aral ang mga tagaroon? Susugurin
na sana niya ang taga-Ohiong parang argolya ang bigote nang siya'y awatin ng isang bokal na
taga-Lemery. Ay, huwag daw po at baka mag- ala Laurel at Leonard Wood na naman daw ay
sayang naman at hetong inihahanda na nga ang bagong gobyerno sa ilalim ng Komonwelt.
Maging ganoon nga ba kasimple ang bagong kaayusan? Handa na nga ba ang bayan sa tunay na
pagsasarili? Paano sasabihin sa umpukang ito ang isang araw - matagal na, nasa Ateneo pa sija -ay
sinabi ng kanyang ama: "Hindi tayo pwedeng magsarli, chico, not in another hundred years, we re
so damned selfish and parochial" Tingnan mo ang nga Benigno Ramos at mga agraryong 'yan mga
impresores na Komunistang 'yan, walang magawa kundi manggulo, Eredero nga ng asyenda ang
kanyang ama, ngunit paano niya matiiyak, lalo na ngayon, na walang katwiran ang mga sapantaha
at agam-agam nito?
Sa pangalawang tagayan ay nagpalabas ang gobermador ng tatlo pang Black Daniel. Hindi
makalapit sa umpukan ng matatanda ang pinararangalan kaya ang napagtunan ng pansin ay ang
dalagang taga-Tanauan. Tingnan mo nga naman, naisip nga, hinda haman gaanong kalayuan ang
Centro sa Sto. Tomas ay ano’t dito pa sila sa Lipa magkakapalad na magłakilala?
Ang akala ko'y naligawsi Clanta Tankiang kaninang pumasok ka. Pag-utusan mo at
ipagpatawad ang aking pambungad na pagsasabi ng toloo." Bahagyang napatda at tila
nagulumihanan ang dalaga, pagkatapos ay maamo, tumitimong ngiti. Pumapailanglang ang usok
sa kung ilang talyasi at palayok na buong sigasig na inaatupag ng mga kababaihan ng asyenda. Sa
may duluhan ay kalahating dosenang litson ang sabay-sabay nang nagmamantika. Tumalikod ang
binibini, ipinatong ang dalawang palad sa pasamano at tinunghayan ang marikit na larawang iyon,
lahing tagalog. "
Ay, ewan po. Baka kahit tagabitbit ng bag ni Clarita ay hindi ako tanggapin. Kayo naman
po ang pinararangalan kaya may karapatan kayong magturing ng anuman, totoo man o hindi."
Sabay ngiting sulyap. 0, narito ang Roselang Bubog ng alamat na walang sawang sinasariwa ng
kanyang ama at lolo: si Roselang Bubog ng Taal na katauhan daw ng pinaglakip ng ganda ng rosas
at bubog, na kung sumisimba raw ang mga taga- Taal, bukod sa manalangin at magpugay sa
Panginoon-ay upang abangan at hangaan ang mayuming ganda ni Roselang Bubog. Tanto baga ng
mga taga-Tanauan na mayroon slang sariling Roselang Bubog? Anong ganda ng binibining ito - ay
ano ba kaung tapos na ito ng tercero ano at siya y magtetercero, pa lamang? Ang ama ni Eisa ay
isang dating kimikó sa sentral sa Nasugbu na nakabili ng mga palayan sa Tanauan at ngayon ay
nagkakainteres sa isang malaking sintunesan dito sa Lipa.
. "Maige pala't ang aking ama't ina ang umimbita sa inyo. Baka kung ako lamang ang
pinaganyaya ng Papa ay hindi ninyo pinaunlakan. Balita ko'y halos gabi-gabi rin daw ang baile
ninyo sa Tanauan. Laki kong kapalaran na kayo'y nakarating.”
“ Ay hindi naman po kami gayong kalimit mag-baile. Alam ninyo 'y may iniintindi na ring
ang iba ang mga tao ngayon. Ang sabi ng Papa ko'y nababahala raw ang mga mag-aasukal sa
Tyding-McDuffie na 'yan. Baka raw bawasan na ng Amerika ang pasok ng asukal natin.”
Hindi naman siguro, ngayon pa ba naman tayo pababayaan ng Amerika? Ngayon pang
sampung taon na larmang ang bibilangin bago mag-independensya?”
Diyos ko, ano ba ito, sa kanila sa Sto. lomas aywalang bumibigkas ng Tydings McDuffie.
“Kailan kayo babalik sa Maynila? Malapit lamang ang Centro sa tinitirhan ko.”
“Sa amin sa Tanauan ay kakaunti pa ang abugado. Magaabugado ka rin daw"
Parang teklado ng piano ang pasamano habang tinitpa ng mapuputing daliri ng alagang
itong hindi niya malirip kung ano ang ibig sabihin. Bakit babawasan ng Amerika ang angkat ng
asukal kapag nakapasa ang 1ydings McDufifie?
Maya-maya ay nagsimula nang magkalansingan ang mga kubyertos sa pagdudulog ng
tanghalian. Isang malit na armada ng kababaihan ng asyenda ang hinirang ng ginang ng
gobernador sa maselan na tungkuling ito. Iniakyat ang tanilad-tilad na litson at pagkatapos ay
sinimulang ihain ang masasaganang putahe. Sa pag-upo ng prinsipalya mesang kamagong na yari
pa ng matandang maestrong Madrinan sa Paete ay halos hindi pa ito mapuno.
Pagkaupong-pagkaupo ay sinimulan na siyang usigin ng dalaga. "Alam mo bang ang
naging asawa ng first love ni Rizal ay tagarito sa inyo sa Lipa? Talagang magigiting at makikisig ang
mga taga-Lipa .”
“Nakakain ka na ba sa Tom's Dixie?”
Saan kaya natutunan ng babaing ito ang ngiting sulyap na ito na wala namang sinasabi ay
napakaraming sinasabi?
Samantala sa mga kaginoohan ay hindi nawalan ng saysay ang halos ay may dalawang
oras na pagtatagayan.
Hanggang ngayon ay hindi pa raw matatalastas ng kumpareng Solis ng gobernador,
kanyang ninong sa binyag, Kung ano raw ba talaga, kung mayroon man, ang Dagkakaiba ng
Tydings McDuifie doon sa Hare-Hlawes na iniuwi nina Osmeña at Roxas Ang Solis na ito ay kung
tawagin ng lahal, sapagka t napakaputi ang kutis, anak daw yala ng prayle.Wala itong tanging
hinakdal sa buhay kundi baki daw baga wala nang marunong magsayaw ng tango ngayon.
Nagkataong ang kanyang ina ay pinsang buo ng maybahay ng isa sa punong tagapagpanukala ng
lHare-Hawes laya marahil nagpuputok ang butse na sa pananaig ng Tydings McDuffie.
"Bakit pa baga pinalitan itong aming pasalubong sa bayan ng Tydingss na iyan e, pareho
rin lamang naman kung tutuusin?" patulay nitong usig.
"Aba'y hindi mo ba nalatanta, kaibigang Gatas,"'sabad ni Ka Atoy,'na dito sa Tydings ay
nakaiskedyul na kung lailan tayo bibigyan ng Amerla ng pormal na independensya?"
"Mawalang-galang na po, Ka Atoy, pero hindi po ‘yan ang tunay na dahilan kung bakit
ipinatalsik ni Don Manuel ang Hare-Hawes," balik naman ni Gatas, "Ang tunay na dahilan po, mga
kabayan, ay sapagkat simula't simula pa ay itinatadhana na ng ating Presidente na siya lamang at
wala ng iba ni hindi ang Don Sergio ang mag-uuwi ng ada de congreso na magkakaloob sa atin ng
diumano'y tunay na independensya. Ang nangyari po, masakit mang tanggapin, ay naging isyu ng
personalidad ang uIsaping ito. Ikaw baga ay Don Manuel o Don Sergio? At ang nangyari ay
nakapanaig ang henyo at karisma ng Kastila."
Sa pagsimula ng masaganang tanghalian ay manding naudlot ang pagbanghay sa dalawang
acta de congreso. Binigyang katarungan ng mga panauhin ang kayraming putaheng hain ng
ginang ng gobenador. Ang gobemador naman, bilang punungabala, ay nagpahiwatig na iba, at
hindi gaanong kaselang paksa na sana ang tuntunin ng mga nagpipiging. Ngunit ang Batangueño,
kapag nasindihan, wilka nga, ay tulay-tuloy kung magpuyos. Kaya sa sumunod ay tinudling ni
Nanoy Chipeco ng San Pablo, na dati' y abugado ng isang unyon ng mga magbubukid, ang kung
ano raw ba talaga ang magiging saysay ng alinman sa dalawang panukalang batas. "Hindi po ba
na alinman sa dalawang aktang jan ay may probisyon tungkol sa mga base militar na itatayo dito
ng Amerika? Sa anu'tanuman po ay hindi lubusang iwanan ng Amerika ang kanyang soberanya
dito sa atin.”
Mula sa plato ng putsero ay iniangat ni Eisa ang magandang mukha at sinipat ng tingin
ang binatang abugado. "Ay, ano naman po ang ihahalili ninyo sa Tydings Mc Duffie kung saka-
sakali, at mapupuwing po baga ninyo na Amerika lamang ang mga makapagbibigay sa atin ng
pagsasarili, sapagkat siya lamang naman po itong nasa ibabaw natin, hindi po ba, Atomi?
“Ala e, Nanoy," wika ng gobernadora.
“Ay wala nga po akong maimumungkahing ipapalit, ngayon pa nga po bang fait ducOmpli
na ang lahat. Ang amin po lamang naman ay iisang bagay na ang ating pagsasarili ay hindi
nararapat isalig sa kung ito ay ipagkakaloob ng Amerikano o ng mga Hapon o ninuman. Ang
pagsasarili po ay dapat nating hablutin ng ating mga kamay sapagka't ito naman po ay sadyang
atin. Sa pagkakagunita ko po, ang mga Amerikanong 'yan ay pumarito sa atin ng hindi naman
natin inaanyayahan, kaya hindi po baga marapat na sila ay magpaalam na nang wala nang
maraming kondisyones?
Sa halos ay sabay-sabay na 'siya nga naman' ng mga nagkakatipon ay yumuko si Elisa.
Nakangiting sumulyap sa binatang nasa kanyang kaliwa, sa gobernador, sa kabisera, at itinango
ang makinis na noo sa binatang ayaw ng maraming kondisyones.
Ang tugon ng gobernador ay hindi naman daw kailangan ituring na kondisyones ang mga
base-militar Ang mga baseng iyan ay laan sa pagdedepensa ng ating seguridad. Alalahanin na ang
Hapon ay walang tigil ang kasusundot sa kung anu anong teritoryo. Tingnan ninyo ang ginawa
nito sa Manchuria."
Naisin man niya ay wala na siyang dapat idagdag pa sa kanyang tinuran. Paano niya
maipapaliwanag sa mga tirong at sa dalagang ito ang nakababagabag na panimdim ng isang
komplot ng mga gobernador at diputado hinggil sa napipinto at tiyak na walang kondisyong
independensya? Talaga bang tayong mga Pilipino ay handa nang magsarili? Paano niya
maidudulog sa mga nagkakatipong ito na ang kanyang mga kumpadreng gobernador ay
nanghihinayang at nahihintakutan na kapag tayo ay tuluyan nang bigyanglaya ng Amerika na
halos ay walang buwis? Saan tayo hahanap ng mga merkadong buong alwang tumatanggap sa
ating asukal, kopra, abaka, ginto? Naiintindihan ba ng mga obrero ng buong ochenta porsyento
ng eksport ng Pilipinas ay Amerika ang bumibili?
Ngunit hindi sa kanya ang papel ng magpapagiwang ng bangka. Hayaang mabusog ang
lahat ng panig sa kani-kanilang ilusyon. Ang papel ng gobernador ay magpatag ng daan at
magbalanse ng mga nag-igtingang interes.
Mawalang galang na nga po, mahal na gobernador, walang anu-ano'y pasok ni Tino
Collantes ng Rosario. Sumagi po sa aking unti-unti nang inaagiw na pandama ng mga makalupang
damdamin kung ang pagmamahal baga ninyo sa aming sinisintang senyora dine ay sintamis pa rin
ng mga dulceng itong hindi namin malaman kung alin ang uunahin?
Ang mayuming ngiting isinukli ng senyora ay nagpagitaw ng ningning sa mata ng
gobernador habang ang marangyang bulwagang kung ilan nang henerasyong pinagpipigingan ng
mga makapangyarihan ng katagalugan ay muling tinigib ng halakhakan at tudyuhan ng mga
namamahalang iyon na magkakauri at magkakapanalig. Nagpatuloy ang talakayan at tudyuhan
ang talamitan at pasaringan na wala namang ibig sabihin kundi na ang lupang tagalog, anuman
ang lundo o lunan, kung tutuusin, ay iisa. Maya-maya ay dumalang ang kalansingan ng mga
kutsarita, iniurong ang tanghalian at binuksan ng gobernador ang isang magarang kahon ng El
Conde de Guell.
“P'wede bang makadalaw sa inyo? Siguro naman ay nagpapaseo rin kayo kung linggo sa
Luneta ay di makabuntot na ako.
“Aba'y bakit hindi? Alam mo'y meron akong kabarkada sa dormitoryo ng taga Calamba,
taga-U.P, siguradong magkakasundo kayo dahil pre-law ang kinukuha."
“Bakit baga taga-Calamba ang iyong itinuturo ay ako nama'y taga-Batangas?”
Nakaalis na ang mga nagpiging. Galak na galak at taospusong nangako ng kanilang
malugod na pagtanggap sa daigdig ng mga uring namamahala sa binatang eredero ng
gobernador. Hapon na at sa bakuran ay nagilinis at nag-imis na ang tiya ni Elisa ay kanina pa
nagpapaalam, nagpapahinga na ang gobemador sa itaas.
“Batangueño man o hindi ay libreng dumalaw sa amin, kaya nga lamang, baka sa dakong
huli ay iyong hindi dinadalaw ang madalaw. Alam mo'y pagkaraming maririkit sa aming
dormitoryo. Kung hindi ka pa magkasya, doon sa malapit sa amin, sa may Nebraska, naroon
naman 'yong kina Corazon Juiano at Linda llusorio pulos taga-U.P. at pagkagaganda."
"Ay kung ayaw mong magpadalaw at bakit baga hindi mo deretsuhin at ako'y kung
kankanino mo iinuturo. Alam mo bagang ang aling magiging maybahay ay taga Batangas din?"
Ahay, anas ng binibini, sabay tupi ng kanang palad sa bibig. Aba'y talaga yatang may sa
ano ang babaeng ito, ngunit wala na siyang naibalik sapagkat naikambyo na ng tsuper ng magtiya
ang itim na Buick sa tapat ng bakal na gate ng bahay asyenda Isang saglit pa'y humahangos na
ang tiya, "Ay ineng, halika na, baka tayo'y masyadong gabihin at ako'y mapaguwikaan ng iyong
ama. "
Maraming salamat," wika ng binibini bago pumasok sa kotse. "Mahal na mahal ka ng iyong
mga magulang. Balang araw ay ipagkalapuri ka ng katagalugan." Tinapik siya nito sa may kaliwang
siko. Thank you uli. Maraming maganda sa aming dormitoryo.
Mahigit pang isang taon ang ilipas bago itatag ang ipinangakong komonwelt, ngunit nasa
himpapawid na, wika nga, ang ipinangako nito. Patuloy ang pagsasama ng mga bukirin, ng mga
minahan at kalakalan. Ang buong kapukuan ng Negros at ang lalawigan ng Pampanga ay patuloy
na nagkakamal sa pagluluwas ng asukal sa Amerika at ang mga kamalig ng gitnang Luzon ay
namimintog sa palay. Ang layabas at Kabikulan ay hindi rin pahuhuli sa pagbebenta ng kopra at
abaka sa mga merkado ng daigdig. Sabihin pa, kasabay sa pagyabong ng isa o dalawang bahagdan
ng ekonomiya ay ang pagkaunsiyami naman ng isa o dalawa ring naninivalang hindi pantay-
pantay o patas ang pagkaka-ayaw-ayaw sa mga pakinabang ng pananagana. Sa katagalugan ay
kung lang taon nang nagsusulputan ang mga samahan ng magsasaka at obrerong humihingi, wika
ng mga ito ng makatarungang pamamalakad, karampałang pasahod at paggalang sa Kanilang mga
karapatan buhat sa mga nagmamay ari ng mga lupa at negosyo. Marami sa mga samahang ito ay
nag-ugat dito mismo sa katagalugan at ang iba ay nakapagsanga na sa ilang lalawigan, sa lloilo,
halimbawa. Karamihan ay tunay na prinsipyo ng mga anak-pawis ang ipinaglalaban, ang iba
naman, wika ng gobyerno, yamang ipinagbibili nga sa kaapihan at pagkaduhagi, ay nalalinan na
ng kung anong 0anyagang kulay, kung hindi man tahasang mga tulisan na nga. Sa Pampanga,
halimbawa, bagaman kung ilang dekada nang ipinakikipaglaban ni Don Perico Abad Santos ang
mga obrero at magsasaka ay tila mandin hindi pa ito maunawaan ng nakararami sa kanyang uri.
Kung lilang ulit na itong natalo sa eleksyon. llang kilometro lamang, sa Pangasinarn ay unti-unti
nang nag-iigting ang mga Sakdal. Sa dakong ibaba, sa katagalugan, ilang panahon nang
naghahasik ng lagim ang mga tulad nina Asedilo at Encallado, na sang ayon sa mga mala-Robin
Hood na alamat ng panahong iyon, ay dati-rating mga tahimik na mamamayang itinulak sa
bundok ng mga bayoneta at riple at batuta ng mga sundalong instrumento lamang naman daw ng
mga uring mapanikil. Sa San Pedro, Tunasan, anumang sandali ay maaaring surmiklab ang
madugong paglalabanan; pilit daw pinaaalis ang mga kasamang hindi makabayad ng buwis. Si
Benigno Ramos at ang kanyang sakdal, ang mga magbubukid sa Bulacan at karatig lalawigan ay
matagal nang nagmamartsa laban sa matataas na buwis, sa paghingi ng independensya sa
Amerika, sa pagdedemanda ng masusing imbestigasyon sa mga lupaing naiwan ng mga prayle at
kung anu ano pang layong lubhang nakatitigatig sa mga opisyal ng gobyerno. Kaakibat ng
matimyas na pag asa sa nalalapit na pagsilang ng bagong kaayusan ang agam-agam ng mga dukha
at ng kanilang mga lider na ang darating na komonwelt ay bagong bihis lamang ng luma at
nabubulok sa estruktura .
Hindi Berlina kundi kalesa ang tumigil sa tapat ng bahay nina Elisa sa Tanauan, sa malapit
sa simbahan, mahigit na isang buwan pagkatapos ng piging sa Lipa. Ang3 abugadong taga-San
Pablo. Kung ito'y naging kuya ko, siguradong ito ang panganay,. pasalubong na naisip ni Elisa,
pagkaupungpagkaupo ng abugado ng mahihirap.
"Ako'y hindi pa namimintuho. Alam mo'y marami akong asunto rito. Durnarami ang
sigalot. Pero baka sakali, balang araw, malay mo."
"Aba'y magaling po kung gayon, sapagkat ayaw ko namang ako pa ang magjging sanhi ng
pagkaunti ng mga magagaling na lalaking nagsasanggalang sa aing mga kababayang totoong
naapi.”
Huling linggo na niya sa lanauan. Sa biyernas ay uuwi na siya upang maghanda sa
pasukan. Sa susunod na taon ay magsisimula na siyang magturo at pagaralang patakbuhin ang
pribadong paaralan, isang malit na kolehiyo, na ipinundar ng kanyang lolo na ama ng kanyang ina.
Maliit ito, high schoolat secretarial pa lamang, ngunit palalakihin niya ito, gagauwing isa
sa pinakamagaling sa buong katagalugan. lpapasok niya rito ang mga taga-baryo magbubukas siya
ng mga sangay sa mga maliliit na bayan ng Batangas, kung9 kinakailangan, ngunit hindi ito
manggagaling sa Tanauan.
"Kung ako'y mahuhuli'y masakit din naman. Ngayon pa lamang ako kung sakali.”
Working student siya, linotypist sa isang imprenta sa Azcarraga, habang nag-aaral ng
abugasya. May malit na niyugan ang kanyang ama sa San Pablo, ngunit anim slang magkakapatid.
Mataas naman ang nakuhang promedyo sa bar at palibhasay nagkaisip sa piling ng mga dukha ay
ito na rin ang ipinag-aabugado ngayon.
“Ano kaya kung magaral din ako ng Law pagkatapos? Bakit sina Pacita de los Reyes at
Cecilia Munoz? Kaya ko rin kaya?”
"Aba'y bakit hindi? Hindi ba doon sa piging ng gobernador at talo mo pa ang abogado?
Pagdating ng araw na ikaw ay aking pipintuhuin, ako'y mangangayupapa hindi lamang sa iyong
kagandahan kundi sa iyong katalinuhan.
Noon kayang ang lalaking ito'y nagsuUSunOg ng kilay ay kalay lamang ang nasunog?
Minsan, naisip ko kung hindi ito ang klase ng pagaabugado ang pinili ko marahil ay me
pamilya na in ako. Halimbawa ang panganay ay lalaking balang araw ay magiging pareho ng anak
ng gobernador, ganon."
“Ang eredero ng gobernador ay noon ko amang nakibla. Mabait naman, hindi burot"
“Ang sabi ng mga kapanalig dito, bakit naman daw kanya na ang poder kanya pa rin ang
mga lupa. Ang sabi ko naman, hindi baga talagang gano'n, ang lupa ay kapanyarihan at ang nasa
poder ay para na ring may lupa?”
Bumusina ang Buick at lumunsad ang ina ni Elisa, kagagaling lamang sa isang kumareng
may sakit.”
"Mama, si Atorni po ay abugado ng mga magbubulid dilo sa alin. Ang lampanilya daw po
nija ay para sa mga inaapi ng mga asedero at konstable."
“Ay di magaling po naman, Atorni. Alam po baga ninyo'y maraming mayayaman dito sa
atin ang tumatanda yata nang paurong. Ang gusto ay sila na lamang ang mabuhay. Paano po
naman mabubuhay ang mga pobre sa singhwenta porsyentong hatian diyan na kukunin ang
pagkain, ang pambayad sa utang na pagkalaki-aki naman ng interes. Atomi, hindi naman po ako
kung sinu-sino pero maige nga po ang inyong ginagawa. Hindi naman po maaaring lahat na tayo
ay diputado at kolonyal"
“Salamat naman po at nauunawaan ninyo ang aming layon.”
Isa sa maraming natutunan niya sa pag-aabugado ay ur-uri rin naman ang mayayaman. Sa
Hilagang Luzon, halimbawa ay talamak na ang pangaabuso ng mga propitaryo sa mga kasama.
Marami sa mga asendero ay walang kamuwang-muwang sapagka't ang mga ito'y sa Maynila
naman naglalagi. Sa pang-aabuso ng mga katiwala, kawalang-nmuwang o pagwawalang-bahala
ng mga may lupa at sa kapabayaan o tahasang pakikipagsabuwatan ng mga opisyal ng gobyeno ay
nagUugat ang hinakdal ng mga magbubukid sa Hilaga at Gitnang Luzon, noong una ay isa-isa,
lansag-lansag ngunit nang maglaon ay nagkabuktud-buklod at ngayon ay pinakarmatinding
bagabag ng mga Amerikano at ni Don Manuel.
“Salamat po. Nagagalak po kami na meron pa rin naman sa mga nakatataas na uri na
nakikita ang tunay na katayuan ng ating mahihirap."
"Meron po sa kung meron, pero kakaunti. At me ibabalita ako sa inyo. Me pagka delikado
ang inyong ginagawa. Alam ninyo'ymarami sa mga mayayaman at sa kanilang alipores na
konstable ang hindi marunong mabiro, napipikon.”
"At ang mahirap po sa mga yan, Mama, kapag napikon ay hindi lamang namimitik ng
tenga, ipakakalaboso kayong pilit, sa tama man o mali."
Muntik nang mahirinan ang abugado sa iniinom na katas ng guyabano. Maya- maya pa'y
nagtuloy na ang ina sa kabahayan. Tak-tak-tak ng karitela sa kalsada, isang grupo ng kalalakihang
galing sa upada, dalawang nahihinog na makopa sa puno sa may tarangkahan, isang anbigong
eskritoryong baltuktot ang apat na paa. Ang dalagang ito ay babalik na sa Maynila, siya ay
pakasusuong na naman, una sa Lucena, susunod ay sa Sta Cruz, maraming alyansa ng mga
magbubukid ang kailangang palakasin marami pang dapat imulat sa kanilang mga karapatan
bilang Pilipino. Nasaan man siya ay maaalala niya ang maputing kutis, ang tindig, ang bibig, ngipin
at tinig ng babaing ito. Sa unang sandall ng pagpanatag ng mga silakbo sa kanyang dibdib ay
sisintahin niya ang Batangueñang ito.
Magsaya kayo nang husto sa Maynila. Minsan lamang kayo magiging bata. Mag-aral,
siyempre, pero tamasahin din ang mga bagay na kabataan lamang ang makapagdudulot. Alam
mo, ang panahon, sa oras na makahulagpos, hindi mo na mahuhuli."
Kanina pang makapananghalian umalis ang kanyang ama patungong Lipa, titingnan uli
ang binibiling sintunesan. Sa Biyernes ay ihahatid na siya sa Maynila. Sa buong tagaraw ay
dumalaw sa mga kamag-anakan sa San Juan de Bolboc, nakipagpulong sa dalawang amain
tungkol sa paaralang nakatoka na sa kanya upang pamahalaan, pagkatapos ay iyon ngang piging
ng gobernador sa Lipa. Balang araw ay malilirip din niya ang kahulugan ng mga araw na ito.
Parang may tumitigatig sa kanya, sapagkat ipinagkaloob sa kanya ang makaramdam ng marubdob
at naglalatang.-Ngunit ano ang maaaring idulot ng darating na komonwelt kundi bagong liwanag?
At ang anak ng gobernador, busilak na baguntaong kakatawan sa mga pagasang maluwalhating
nagluluntian, hindi ba't siya'y dadalawin nito sa Maynila?
At ang abugadong ito.
Pinagsalikop ng dalaga ang mga palad sa ibabaw ng bilog na mesitang narra, idinukwang
ang ulo, halos ay nakadikit na sa noo ng bintana.
"Kailan mo ako sisimulang pintuhuin?
Napatikwas ang abogado sa inuupuang butaka.
"Guyabano ka pa, tsokolate? Kailan mo ako sisimulang pintuhuin?
Kumapit ang abugado sa pasamano.
Pag Linggo, manood kayo sa Metropolitan Pagkatapos ay kumain sa Nueva. H'wag puro
aral "
“Kailan nga?”
Sa wakas ay wala siyang naipagsanggalang kundi ngiti, pagkatapos ay himas sa batok
Nakatuon ang dalawang siko ng dalaga sa mesita, pilit na inaapuhap ng nagniningning na mga
mata ang tumatalis na tingin ng binate.
“Ha? Ha? Kailan?”
Kung akoy ijyong tltigilan ay baka ako y makapag isip-isip.
Sa labas ay nagsisimula nang magdatingan ang mga pasaherong maghihintay sa hulng
biyahe ng Slka Transportaliorn patungong Maynila Na wala namang inalaman sa ating dalawang
protagonista sapagkat ang isa y nakatucn pa rin ang ga siko sa mestarng bulog al ang isa naman
kung ilo man ay aails pa ay hindh Daman biyaheng Maynila ang sasakyan.
Ito ang Nayon Ko
ni Teo S. Baylen
Pinagpalang pook na liblib at lihim,
Na kulay-pangarap ang mga tanawin
Ang mga halaman kung iyong malasin,
Sa katahimikan ay nananalangin.

Marikit na pook na nalalatagan


Ng namumulaklak na damong luntian;
Dito, ang masiwal na langaylangayan,
Maghapong kalaro ng hanging amihan.

Kaluwalhatiang saanma'y nagsabog


Ang bungang matamis ng tuwa't pag-irog
Dito, ang ligaya 'y laging umaagos
At malulunuyan ng pusong may lunos.

Dito, ang tiisi't mga kalungkutan


Ay pinatatamis ng katahimikan;
Dito, ang maligaw na makasalanan
Ay pinagsisisi ng kapayapaan!

Sa paa ng talon ang matuling batis,


Sa dinaraanang bato 'y nangingibig:
Ito'y niyayakap at isinasambit
Ang k'wintas na bulang bulaklak ng tubig!

Sa dulo ng landas na kung saan buhat,


May kubong mababang bubunga'y may butas;
Dito ay may diwang laging nangangarap
At sa kalikasa'y nakikipag-usap.

Sa mukha ng isang matining na lawa


Ay nananalamin pati ang Bathala;
Dito, ang buhay ko'y ligpit at payapa,
lto ang nayon ko... Nayon ng Makata!

Paglalapat
A. Batay sa Kwentong Prinsesa ng Kumintang, sagutin ang mga sumusunod:
1. Sa anong panahon sa ating kasaysayan nangyari ang kwento?
2. Magbigay ng mga agam-agam ng mga tao noong panahong iyon.
3. ANo ang Kumintang? Sino ang Prinsesa ng Kumintang? Bakit?

B. Batay sa tulang, Ito ang Nayon Ko, pumili ng limang tayutay at ipaliwanag ang
kahulugan.

Mga Sanggunian:
Edma. Mercy M. et al. 2008. Ang Panitikan ng Pilipinas sa Bawat Rehiyon.TCS Publishing
House.

Lorenzo, Carmelita S., et. al. 2001. Literatura ng Iba’t ibang Rehiyon ng Pilipinas.
Grandwater Publications and Research Corporation.
Villafuerte, Patricinio V. et.al. 2006. Literatura ng mga Rehiyon sa Pilipinas. Mutyra
Publishing House, Inc.

You might also like