Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

PANUTO :

Bilang gawain 1 sa filipino , gawing


scrapbook ang lahat na gawaing
ibibigay ko sa bawat araw , isulat sa
kahit na anong papel basta malinis at
ito rin ay magsisilbing attendance
ninyo. Pagkatapos ng ikaapat na
quarter , ang scrapbook na may laman
ng lahat ng gawain ay kokolektahin ko
pamalit sa ginawa nating reporting sa
bawat pares noong face to face classes
pa tayo. Doon ko ibabase ang
pagbibigay ko ng marka. Maliwanag
bah? Kung gayun, simulan muna.
Magtala ng katangian at kakayahan na dapat
taglayin ng isang tao
upang makamit ang mga pangarap.

___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________.

Sa pagpapatuloy ng ating aralin, basahin ang kuwento ng isang


working student na naigapang ang pag-aaral upang
makapagtapos sa kolehiyo at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Ibinahagi ni Johnel Bagares kung paano
niya iginapang ang pag-aaral sa kolehiyo
at nakapagtapos bilang “cumlaude”sa
kursong BS Business Administration
Major in Business Management.

Si Johnel, tubong probinsya ng Zamboanga.


Lumipat silang mag- anak sa Maynila, nakapag-
aral siya ng dalawang taon ngunit nahinto dahil
sa problemang pinansyal. Hindi niya sinayang
ang panahon na iyon para maging tamabay dahil
para sa kanya ang bawat segudo ay mahalaga,
kaya namansa murang edad pa lamang ay
naranasan na niya ang magtrabaho, una na rito
ay ang pagtitinda niya ng sapatos at isda. Hindi
niya ikinahiya ang gawaing ito, dahil hangad
niyang makatulong sa iba pang gastusin ng
kanilang pamilya. Sa panahong iyon ay ginusto
na niya na makabalik ng pag-aaral kaya
nagdesisyon siyang maging working student na
lagi din niyang ipinagdadasal sa Panginoon na
siya ay gabayan. Hindi naging madali sa kaniya
ang paghahanap ng mapapasukang trabaho sa
kaniyang pag-aaplay sa mga fastfood sa Divisoria.
Hindi siya nawalan ng pag-asa at bilang sagot sa
kaniyang panalangin ay dininig ng Panginoon ang
kaniyang dasal. Siya ay natanggap bilang Service
Crew/Front Counter sa isang fastfood sa
Divisoria. Nang makaipon siya ay nag-enrol siya
kolehiyo at dito ay pinagsabay niya ang

pagtatrabaho at pag-aaral.
Maraming sakripisyo ang
kaniyang pinagdaanan sa kabila
ng pagod sa trabaho at
sandamakmak na gawain sa
eskwelahan. Hindi niya naisipang
sumuko dahil sa gusto niyang
makamit ang kaniyang pangarap.
Dahil sa kaniyangdeterminasyon
naitawid niya ang pag-aaral sa
kolehiyo at nakapagtapos bilang
“cumlaude.” Isa sa susi ng
tagumpay ang diskarte mo sa
buhay. Di kasi sapat na matalino
ka lang, dapat maabilidad ka rin
at alam mo dapat kung paano mo
gagamitin ang iyong angking
galing lalo na sa pag-abot ng iyong
pangarap.
Sagutin ang mga gabay na tanong batay
sa binasa.
1. Batay sa binasa, ang karanasan ba
ng may-akda ay nararanasan din
ba ng ibang mag-aaral? Patunayan.
_______________________________________
_____________________________________
_______________________________________
_____________________________________
2. Ano ang iyong mga pagsisikap at
kakayahan sa pagkamit ng iyong
pangarap?
_______________________________________
_____________________________________
_______________________________________
_____________________________________
3. Anong pangyayari sa buhay ni
Johnel ang naikintal sa iyong isipan
at
nagbigay inspirasyon sayo? Bakit?
_______________________________________
_____________________________________
_______________________________________
_____________________________________
4. Ano ang layunin ng may-akda sa
kaniyang pagbabahagi ng kaniyang
tagumpay sa kabila ng mga
naranasan niya sa buhay?
_______________________________________
_____________________________________
_______________________________________
_____________________________________
5. Masasalamin ba ang isyung
panlipunan batay sa inilahad ng
may-
akda? Pangatuwiranan.
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
___________________________________

You might also like