PAGSIKAT NG GAY LINGO NEED REFERENCE 4 1final Nani 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

INTRODUKSYON

Sa mundong ating ginagalawan, hindi mawawala ang wika sa pakikipag-

ugnayan. Ginagamit ito sa pang-araw araw na pamumuhay halimbawa na lamang sa

pagpasok at paglabas sa paaralan. Ang Paaralan ang nasisilbing pangalawang

tahanan at halos dito umiikot ang buhay natin tungo sa pangangalap ng mga

karunungan at sa pagpapadala sa agos ng panahong makabago o

nakikipagsabayan sa mundo.

Sa pagdaan ng panahon, mapapansin natin ang naging mabilis na paglago

ng Swardspeak o Gay Lingo. Nagsimula ang Gay Linggo nuong ika-21 siglo, patuloy

na umunlad ang gay lingo dahil na rin sa teknolohiya at modernisasyon. Ang media

ang nagsilbing pinakamabilis na pamamaraan upang makilala ng mga mamamayan

ang gay lingo. Dumadami na rin ang mga “indibidwal” na nagu-umpisa nito dahil na

rin sa impluwensiya ng kanilang mga kaibigan at kakilala na gumagamit ng nasabing

diyalekto. Madalas na itong gamitin ng mga sikat na personalidad sa social media o

telebisyon. Ginagamit rin ito upang makipag-ugnayan o makipag-talastasan ng may

halong biro at saya. Sa mga kadahilanang ito, mas tinatangkilik ng madla ang

ganitong pananalita.

Ayon sa pag aaral ni Miko Santos, mayroong isang nangingibabaw na uri ng

gay lingo at tinawag niya itong showbiz slang (2015). Ito ang pinakapopular na gay

lingo dahil na rin sa impluwensya ng media tulad ng radyo, telebisyon at pahayagan.

Lumabas ang gay lingo sa media na nagsimula sa Giovanni Calvo’s 80’s show na
“Katok mga Misis” kung saan tinuruan ang mga tumatangkilik dito ng mga gay words

tulad ng “badaf” at “ma at pa” na ang ibig sabihin ay malay ko at pakialam ko. Ayon

kay Renerio Alba naman, ito ay isang jargon na karaniwang ginagamit ng mga

kasapi sa komunidad ng LGBT sa Pilipinas, tuwing sila ay nakaharap sa malaking

grupo ng mga tao upang itago o ikubli ang kanilang usapan tungkol sa pakikipagtalik

upang maprotektahan ang mga tao na hindi sanay sa ganitong paksa (2014).

Ang gay lingo ay sinasabing isang pre-pidgin sapagkat wala itong sinusunod

na alituntunin. Walang makapagsasabi na mali ang barirala o ang pagbigkas ng

isang tao sa mga salita sa gay lingo (Santos, 2015).Ang tinagurian noong “lihim na

wika” ng mga bakla ay madalas na natin ngayong maririnig na ginagamit sa radyo at

telebisyon upang mang-aliw at magpatawa.Maging sa ibang mga lathalain ay

ginagamit na rin ito sa gayunding kadahilanan. Sa ngayon, hindi na rin lamang mga

bakla ang maririnig na nagsasalita ng gay lingo. Ito’y dahil pati na rin ang mga

babae, mga bata at ibang mga kalalakihan ay natututo na ring gumamit ng

kakaibang lenggwaheng ito. Dahil sa mga pagbabagong ito, masasabi nating may

maaaring maging epekto ito sa ating kultura at lipunan. Kaya naman ang pag-alam

sa kasaysayan sa mga pagbabago ng lenggwaheng ay kailangan.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay nagtatangkang idokumento ang Epekto ng Gay Lingo

sa Wika ng mga Mag-aaral sa Baitang HUMSS XI Zamboanga Del sur National High

School-Senior High School. Layon nitong sagutin ang mga sumusunod ng mga

tanong:

1. Ano ang epekto ng Gay Lingo sa wika ng mga mag aaral sa XI baitang HUMSS

ng Zamboanga del Sur National High School- Senior High School?


a. Positibong epekto; at

b. Negatibong epekto?

2. Bakit kailangan bigyan ng pansin ang impluwensiya ng gay lingo sa mga mag-

aaral?

3. Paano ang paggamit ng wikang ito nakakaimpluwensya sa pansariling pananaw

ng mga mag-aaral sa ZSNHS-SHS?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral nito ay para maunawaan ang pananaw ng mga mag-aaral kung

pano ito nakakaapekto sa kanilang wika at alamin natin ang kanilang limitasyon sa

paggamit ng lenggwaheng ito.

Ang mga natuklasan ng pag-aaral ay makabuluhan sa mga sumusunod na

indibidwal at grupo:

Mga mag-aaral. Makakatulong ito sa kanila upang malaman kung may

naaapektuhan sila o napa sobra sila ng paggamit ng lenggwahe nito; nakalimutan na

nila ang kanilang wika.

Mga guro. Ito ay nagbibigay-daan sa kanila na mas maunawaan ang mga

mag-aaral, magkaroon ng pagpapahalaga sa pagkakaiba-iba, at magkaroon ng mas

malawak na kaalaman sa wika at kultura.

Mga magulang. Sa panig ng mga magulang, ang resulta ng pagsusuri ay

magsisilbing paalala sa kanilang malaking tungkulin sa paggabay at pagbibigay

kalayaan sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Ito ay magpapabatid sa kanila bilang


kasama o katuwang sa pagbabago sa paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan o

pakikipag-ugnayan.

Mga Paaralan. Mag bibigay ng limitasyon sa mga mag-aaral na gumagamit

ng Gay Lingo. Ito ay makapagbibigay ng kaalaman sa mga indibidwal na tao sa

isang paaralan upang maumawaan nila ang pananaw ng salitang Gay Lingo.

Lipunan. Mahalaga ang pag-aaral nito sa lipunan, dahil malalaman nila kung

hanggang saan nila maaaring gamitin ang Gay Lingo. Malalaman din nila aang

perspektibo ng isang tao kung bakit nila pinag-aaralan ang Gay Lingo.

Mga mananaliksik. Nakakatulong ang pag-aaral na ito upang linangin ang

isipan ng mananaliksik, upang saliksiskin nila ang higit na makakatulong upang

mapalawak ang hangarin ng bawat isa na mabuksan ang pananaw ng mga mag-

aaral.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pagaaral na ito ay nakatutok sa mga mag-aaral sapagakat sila ay

gumagamit ng Gay Lingo, impluwensya ng pakikisalamuha at pakikipagtalastasan sa

patuloy na pagbabago ng wika, kasabay ng panahon. Layunin ng mga mananaliksik

na mapalawak ang kaalaman sa epekto ng Gay Lingo sa mga mag aaral.

Nakakatulong ito upang maigamit ang diyalektong ito sa pinaka mabisang paraan.

Ito ay nakakaapekto sa mga mag-aaral, guro, magulang, paaralan, lipunan at sa

mga dadating pa na mananaliksik na magaaral sa may kaugnayan na paksa ng

pananaliksik.

Ang limitasyon ng pag-aaral na ito ay nabubuo ng labing-isa (15) mag-aaral.

Ito ay sapat na para sa masusi at makabuluhang pag-aaral ng mga sagot ng


nasabing mga magaaral. Ang pakikipanayam ay maipatupad lamang, pagkatapos ito

masang-ayunan ng mga panel. Ang pag aaral na ito ay naaangkop lamang sa mga

mag-aaral ng Zamboanga del Sur National High School - Senior High School

(ZSNHS-SHS) HUMSS 11.

DEPINISYON NG TERMONOLOHIYA

Ang mga sumusunod na termino ay malawakang ginagamit sa balangkas ng

pag-aaral na ito, at ang kanilang ginagamit ay tumutugmga sa mga tala sa ibaba.

Badaf. Ay isang di-kanais-nais na salitang pang-uri na may negatibong

konotasyon.

Jargon. Ang "jargon" ay tumutukoy sa espesyalisadong bokabularyo,

terminolohiya, o wika na ginagamit sa isang partikular na larangan, propesyon, o

komunidad.

Lathalain. Tumutukoy sa mga artikulo, sanaysay, o sulatin na inilalathala sa

isang pahayagan, magasin, o iba pang uri ng publikasyon.

Pre-Pidgin. Tumukoy sa isang yugto o anyo ng wika na nagsisilbing unang

hakbang patungo sa pagbuo ng isang pidgin o isang simplified na wika na ginagamit

sa komunikasyon sa pagitan ng mga taong may magkaibang unang wika.

Swardspeak. Ay isang patagong wika o salitang balbal na nagmula sa

Englog na ginagamit ng ilang mga homoseksuwal sa Pilipinas.

Teknolohiya. Kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga

suliranin ng tao.
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga

basahin na may kinalaman sa ginagawang pag-aaral. Nagbibigay rin ng higit na

malinaw na kaalaman ang mga literatura at pag-aaral na inilakip sa pananaliksik na

ang motibo ay madagdagan pa ang mga kaalaman ng mambabasa, lalo na ang mga

kasama sa bahaging Kahalagahan ng Pag-aaral.

KAUGNAY NA PANANALIKSIK

Napatunayan sa pananaliksik nina Rhoderick Nuncio, Generoso Pamittan,

David Corpuz, Edgar Ortinez (2021), ang gay na wika ay naging palaging paksa sa

gay na pag-aaral, ang mga talakayan ay mula sa mga paraan ng pagkakabuo ng

mga salita at ekspresyon ng gay sa pamamagitan ng collocation at code-mixing

hanggang sa kung paano ginagamit ng mga gay native speaker ang gay na wika

bilang isang paraan upang ibagsak at labanan ang patriarchy at homophobia. Ang

papel na ito ay nag-aambag sa gay na pag-aaral sa pamamagitan ng

pagpapaliwanag ng iba't ibang paraan ng pagbuo ng gay na wika sa pamamagitan

ng phonological resemblance, mutation, appropriation, at association. Nakatuon ang

pagsusuri sa Hiligaynon gay language vis-à-vis existing related studies on “popular”

gay language based on Filipino and English. May kabuuang 116 sikat at Hiligaynon

gay na salita ang inihambing at sinuri. Tinatalakay ng papel na ito ang kanilang

pagkakatulad, pagkakaiba, at mga pattern ng pagbuo at kahulugan. Ang pag-aaral

ay naglalayon na palawakin ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga wikang gay


habang umuunlad ang mga ito sa paglipas ng mga taon sa pamamagitan ng mga

inobasyong pangwika tulad ng wordplay, reflexivity, at contextuality.

Ayon kay Jackeleyn Clarete (2019), layon ng mananaliksik na malaman ang

katawagan sa isang bagay, tao, lugar, pangyayari gamit ang lenggwaheng bakla.

Batid din malaman kung paano nabuo ang mga salita. Palarawan at. pakikipanayam

ang instrumentong ginamitng mananaliksik sa mga respondente na nagtatrabaho sa

Parlor ng Bayan ng Ibaan. Napatunayan ng mananaliksik na may iba't ibang paraan

ng pagbuo ng mga salitang Beki. Nakitaan rin na nagkakaroon ng ibang katawagan

ang ibang beki sa isang salita dahil sa heograpikal, morpolohikal at ponolojikal na

barayti.

Ang Gay Lingo bilang Reflection of Social Identity” ay nagsasaliksik sa

paggamit ng gay lingo bilang mga pamalit sa salita sa mga pag-uusap. Ang mga

balangkas ay batay sa Social Identity Theory [4], Sociolinguistics ni [1], Queer

Theory [5], at Sociolinguistics ng [6]. Ang mga pamamaraang ginamit ay Descriptive-

qualitative design at quantitative approach. Ang mga datos ay batay sa mga

talakayan ng grupo at mga panayam. Tinukoy ng mga natuklasan ang mga function

ng gay lingo, mga pangyayari na nagpapahintulot sa mga Filipino teenager na

gumamit ng gay lingo, at Social Identity projection. Inirerekomenda ng pag-aaral na

ito na ang mga tagapagturo ng wika sa isang kolehiyo/unibersidad ay dapat na

makita ang mga kalakasan at kahinaan ng mga self-confessed closeted gay lalaki

ngunit malikhaing indibidwal.

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Base sa pag-aaral ni Papua et,al (2021), na pinamagatang “Usage of Gay

lingo Among Milleniaals as a Way of Communicating”, ang isinagawa upang


malaman ang mga kadahilanan na nakakaimpluwensya sa paggamit ng Gay lingo sa

mga millennial bilang isang paraan ng pakikipag-usap. Nilalayon din nito na

matukoy ang lawak ng paggamit ng Gay lingo at mga epekto ng paggamit ng Gay

lingo.

Isa ring pag-aaral na may pamagat na "Gay language: Impact on colloquial

communication in Barangay Sto.Tomas, City of Binanm Laguna" ang isinagawa ni

Hazel Cortez (2017), Napag-alaman na ang mga homosexual ay mayroong

bokabularyo ng kanilang sariling tanyag na kilala bilang "Gay Language" na inilalayo

sila mula sa pangunahing heterosexual. Sa Pilipinas, ang oryentasyong sekswal ay

naging usaping moral, pampulitika at panlipunan ng pagtanggap. Natukoy ng pag-

aaral na ito ang epekto ng wikang bakla sa kolokyal na komunikasyon.

Ayon sa pag-aaral ni Reynaldo Moral (2022), Ang estilistang pagkakaiba-iba

ng mga miyembro ng gay faculty ay nasa coinage sa pamamagitan ng impluwensya

sa pagsasalita ng mga kasamahan, ang paglikha ng sariling mga salita ay sa

pamamagitan ng attachment at cropping kung saan ang orihinal na salita ay pinutol

at may bagong bahagi at kahulugan, at may mga umiiral na salita na ginagamit sa

gay lingo na may iba't ibang kahulugan. Upang ang bawat isa ay magkaroon ng mas

malalim na pag-unawa sa kultura, kailangan ang mga diskursong pag-aaral ng gay

lingo. Ang mga administrador ng paaralan ay dapat ding mag-atas ng mga seminar

at iba pang aktibidad para sa mga guro tungkol sa pag-unawa sa gay na wika at

mga neologismo nito o ang paglikha ng kanilang sariling mga salita at istrukturang

proseso.

Napatunayan sa pag-aaral ni J. Rosales (2019), ang gay lingo ay isa sa mga

wikang karaniwang ginagamit ng mga bakla at kanilang mga kaibigan. Nagpapakita


ito ng mga katangian ng linggwistika na pumipigil sa mga hindi nagsasalita na

makipag-ugnayan sa mga nagsasalita nito. Ang panlipunang konteksto ng gay lingo

ay upang magbigay ng takip para sa mga sensual na paksa, pagtsitsismis, at

pagpapataas ng katayuan ng isang tao. Para sa mga hindi gay, ang gay lingo

speaking ay isang paraan upang alisin ang mga hadlang sa komunikasyon.

Nailahad ni J.A Rubiales (2020), ng pag-aaral ng wika upang mapalakas ang

kumpiyansa ng mga mag-aaral sa pagpapahayag ng kanilang mga ideya. Maaaring

talakayin ang pamilyar sa mga kategorya ng linguistic deviation upang suportahan

ang mga mag-aaral na mapabuti ang kanilang kakayahan sa wika.

Ang artikulong ito ay kumukuha ng malalim na mga panayam sa 35 hayagang

bakla na mga undergraduate na lalaki mula sa apat na unibersidad sa England

upang magkaroon ng pag-unawa sa pagbabago ng kalikasan ng wika na may

kaugnayan sa homosexuality. Bilang karagdagan sa paghahanap ng isang

pagbawas sa pagkalat ng homophobic na wika, ipinapakita namin na ang mga

kalahok ay nagpapanatili ng kumplikado at nuanced na mga pag-unawa sa mga

parirala na hindi gumagamit ng homophobic pejoratives, tulad ng 'napakabakla'.

Tinanggihan ng karamihan ng mga kalahok ang paniwala na ang mga pariralang ito

ay likas na homophobic, sa halip ay nangangatwiran na ang layunin kung saan

sinabi ang mga ito at ang konteksto kung saan ginagamit ang mga ito ay mahalaga

sa pag-unawa sa kanilang kahulugan at epekto. Nagkonsepto kami ng intent-

context-effect matrix para maunawaan ang interdependency ng mga variable na ito.

Binibigyang-diin ang likas na katangian ng matrix na ito, ipinapakita rin namin ang

kahalagahan ng pagkakaroon ng mga nakabahaging pamantayan sa pagitan ng

mga sinasabi at naririnig ang parirala kapag binibigyang kahulugan ang naturang

wika.
KABANATA III

METODO NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ng kwantitatibong pananaliksik ay naglalaman ng

disenyo ng pananaliksik, mga respondente, at instrumento sa pangangalap ng

datos. Tatalakayin at ilalarawan ang pamamaraang gagamitin ng mga mananaliksik

upang makakalap ng mga impormasyon at mga diskarte sa pag-susuri ng datos na

aangkop sa pag-aaral na ito.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng penomenolohikal upang makakalap ng

mga datos mula sa mga respondente na magagamit at makakatulong sa nasabing

pag-aaral. Sinusuri ng pamamaraang ito ang mga karanasan ng tao sa

pamamagitan ng mga paglalarawang ibinigay ng mga taong kasangkot. Ayon sa

isang website na pinangalanang Delve. Ho, L., et. al. (2022), sinuspinde ng

pamamaraan ang mga naunang paniniwala ng mga mananaliksik tungkol sa

phenomenon upang tuklasin ang pang-araw-araw na karanasan ng mga tao.

Binibigyang-pansin ng pamamaraang ito ang mga detalye at itinuturing ang

isang pangyayari ayon sa karanasan ng isang partikular na tao sa tiyak na

sitwasyon. Maaari rin itong gamitin upang suriin ang mga pag-uugali na ibinabahagi

ng isang grupo ng mga indibidwal (Prakash, S. 2023).


Ang pamamaraang ito ay angkop sa pag-aaral dahil ito ay nagbibigay-daan

sa isang detalyadong pagsisiyasat ng Pagsikat ng Gay Lingo: Epekto ng Gay Lingo

sa Wika ng mga Mag-aaral ng XI HUMSS sa ZSNHS-SHS. Sa pag-aaral na ito ay

maaaring magtuon sa indibidwal na mga mag-aaral o grupo ng mga mag-aaral,

obserbahan ang kanilang pag-unawa sa epekto ng gay lingo sa kanilang wika, at

suriin ang mga pagbabago sa kanilang paraan ng pagsasalita. Ang paraang ito ay

nagbibigay-daan sa mas malalim na pag-unawa sa epekto ng gay lingo sa wika ng

mag mag-aaral.

MGA RESPONDANTE

Mga mag-aaral mula sa Zamboanga del Sur National High School - Senior

High School ang kasalukuyang nakikilahok sa pag-aaral. Gamit ang stratified

sampling, magkakaroon ng 15 na kalahok mula sa tatlong seksyon ng Grade 11 sa

loob ng HUMSS Strand, na gabay ng aming pamantayan na kwestunaryo upang

suriin ang kahusayan kung paano nagamit ng henerasyon ang Gay lingo. Ang Grade

11 sa HUMSS ay binubuo ng pito na seksyon, ngunit tatlong seksyon lamang ang

aming pinili, kabilang sa pitong seksyon: Emerson, Mill, at Lincoln. Ang seksyon ng

Emerson ay binubuo ng 51 na mag-aaral, Mill: 47, at Lincoln:49. Bawat seksyon ay

may mga mag-aaral na kabilang sa paggamit ng Gay lingo. Ang mga mananaliksik

ay pumili ng mga mag-aaral sa senior high school mula sa Zamboanga del Sur

National High School gamit ang mga sumusunod na kriterya sa pagsasama: 1. Mga

kabataan na marunong magsalita ng Gay lingo; 2. Mga mag-aaral na may kaalaman

sa lenggwahe na Gay lingo; 3. Mga mag-aaral na may kaalaman sa epekto ng

pagbabago ng wika nito sa lipunan.

INSTRUMENTO SA PAG-AARAL
Upang makamit ang layuning malaman ang magiging impluwensya ng Gay

Lingo sa paglinang ng wikang Filipino, magsasagawa at gagamit ang mga

mananaliksik ng survey-questionnaire upang makakalap ng impormasyon o datos

ang mga mananaliksik sa mga respondente na siyang gagamitin sa pananaliksik na

ito. Mula noong 2015, ang konsepto ng survey questionnaire ay patuloy na nag-

evolve at nagkaroon ng mga bagong kahulugan at depinisyon. Ang layunin ng

survey questionnaire ay upang makakuha ng mga impormasyon, partikular na ang

bilang o dami ng mga tao sa isang partikular na kondisyon o may opinyon.

Isa sa mga mahahalagang pagbabago sa pagpapakahulugan ng

questionnaire ay ang pagtutok sa proseso ng pagkuha ng impormasyon at pagsusuri

ng datos, hindi lamang sa pagsukat ng opinyon ng mga kalahok. Sa isang pag-aaral

na inilathala sa Taylor & Francis Online, binigyang-diin ang mga konsepto, praktika,

at debate bago at pagkatapos ng pagtanggap ng term na "questionnaire" noong

huling bahagi ng ika-19 na siglo. Ang pagkuha ng impormasyon sa pamamagitan ng

itemized questions ay itinatag noong panahon ng early modern period (c. 1500–

1700). Dito nakasulat, nakalimbag o nakapangkat ang mga tanong na mayroong

mapagpipilian ng mga respondent na dinesenyo naman ng mananaliksik.

Tinutulungan ng mga mananaliksik sa pagsusuri ng mga opinyon ng tiyak na mga

kalahok mula sa Zamboanga del Sur National High School – Senior High School sa

pamamagitan ng mga panayam o kwestyunaryo upang suriin ang kanilang mga

opinyon at pananaw hinggil sa paksa. Sinusuri ng kasangkapan ang mga sagot na

ibinigay sa mananaliksik at kinokolekta ang mahahalagang detalye sa pamamagitan

ng pagsasagawa ng personal na panayam o survey. Ang isasagawang pananalksik

ay gagamitan ng Deskriptibong disenyo upang makakuha ng datos ang mga

mananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong disenyo ngunit napili ng mga


mananaliksik na gamitin ang Deskriptib-Sarbey na gumagamit ng talatanungan

upang makakalap ng impormasyon mula sa mga respondente. Ayon kay Shields at

Rangarjan (2013), layon nitong ilarawan ang kasagutan sa tanong na “ano” at

iniiwasang masagot ang “bakit”.

PAMAMARAAN NG PANGALAP NG DATOS

Ang paggawa ng may ugnay na talatanungan sa paksa ay naging simula sa

pangangalap ng datos at ito ay sinundan ng pagsasaayos sa instrumento para

maiwasto ang kaayusan ng mga katanungan at upang matiyak ang kaangkupan ng

mga tanong sa mga nais lutasin na mga problema. Kasunod nito ay ang pagkuha ng

pahintulot ng mga mananaliksik sa punong guro. Nang napagsang-ayunan na ang

mga liham dito na mauumpisahan ang pangangalap ng datos sa pamamagitan ng

pagbibigay ng liham na pahintulot at survey questionnaire sa mga napiling

respondante. Ang pagpili ng respondante ay isinagawa sa pamamagitan ng

convenience sampling method. Pagkatapos makalap ang mga sagot ng mga

napiling respondante ay kinakailangan ito unawain ng maigi ng mga mananaliksik

upang matuklasan ang kalabasan nito. Magtatapos ang pagkalap ng datos sa

pagbibigay ng interpretasyon sa mga nalikom na datos sa bawat bahagi ng survey

questionnaire ng pananaliksik. Sa pagsasagawa ng wastong paraan ng

pangangalap ng impormasyon ay nakakatulong upang mapalawak ang kaalaman sa

epekto ng Gay Lingo sa Wika ng mga Mag-aaral mula sa Ikalabing Isang Baitang

HUMSS ng Zamboanga del Sur National High School - Senior High School.
MGA SANGGUINIAN

Bediones, G. (2018). Bekilipino: “Ang Paglaladlad ng Gay Lingo sa Kultura at

Wikang Filipino.” www.academia.edu.

https://www.academia.edu/40891956/Bekilipino_Ang

_Paglaladlad_ng_Gay_Lingo_sa_Kultura_at_Wikang_Filipino_

Cortez, Hazel V. (2017). Gay language : Impact on colloquial communication in

Barangayn Sto.Tomas, City of Binanm Laguna; Journal of Social

Sciences (COES&RJ-JSS), Vol.6, No.2, pp: 375-382.

https://centreofexcellence.net/J/JSS/PDFs/jss.2017.6.2.375.382.pdf

Clarete, J. J. (2019, January 18). Isang pagsusuri ng mga salita sa lenggwahe ng

mga beki.

https://www.ojs.aaresearchindex.com/index.php/AAJMRA/article/view/

8588

ELLiC 2019. (n.d.). Google Books.

https://books.google.com/books?hl=en&lr=&id=jFAIEAAAQBAJ&oi=fn
d& pg=PA99&dq=reflection+of+social+identity+gay+lingo&ots=ghQ9

LlbOyb&sig=EiFc7IXrlBT_9kuDuDoPkdVh5pk

H, L. (2023, August 30). What is Phenomenological Research Design? — Delve.

Delve.

https://delvetool.com/blog/phenomenology?fbclid=IwAR1c-

L185js3iCGaHUxZ3TVxqfB92RZRSpFCVURoC2Jz3cDwiffJVznP_nI

McCormack, M., Wignall, L., & Morris, M. (2016). The British Journal of Sociology 67

.(4), 747-767, 2016. Google Scholar.

https://scholar.google.com/scholar?hl=en&as_sdt=0,5&q

sp=2&q=bisexual+men+gay+language&qst=bh#d=gs_qabs&t=1714

133069247&u=%23p%3Dzm0Fi-QdqccJ

Nuncio, R., V., B, P. J. G., Corpuz, D. R., & Ortinez, E., V. (2021, July 1). Jokla and

Jugels: A Comparative analysis of the construction of popular and

Hiligaynon gay words. | Humanities Diliman | EBSCOHost.

https://openurl.ebsco.com/EPDB%3Agcd%3A11%3A1305979/

detailv2?sid=ebsco%3Aplink%3Ascholar&id=ebsco%3Agcd%3

A154382802&crl=c

Papua, A. J., Estigoy, M. A., & Vargas, D. (2021). USAGE OF GAY LINGO AMONG

MILLENIALS AS a WAY OF COMMUNICATING. Social Science

Research Network. https://doi.org/10.2139/ssrn.3794691


Prakash, R., Sarkhel, S., Rastogi, P., Haq, M. U., Choudharay, P. P., & Verma, V.

(2009). Differentials of Light of Consciousness: An interpretative

phenomenological analysis of the experience of Vihangam Yogis.

https://philpapers.org/rec/PRADOL?fbclid=IwAR0J1Qo68HYo6

_xCcPcBPC_gKxRp7W21FpS23Z0k3QLbNwsN6wPDjAyuki0

Reynaldo, V. M. (2022). Stylistics Variations: An Understanding of Language of Gay

People Based on Phonemic Diphthongs. BOHR International Journal

of Social Science and Humanities Research (BIJSSHR), 1(1), 1–4.

https://doi.org/10.54646/bijsshr.001

Rosales, H. E., & Careterro, M. D. (2019). Stylistics Variation: Understanding gay

lingo in social Perspectives. ˜the œNormal Lights/the Normal Lights,

13(1). https://doi.org/10.56278/tnl.v13i1.1240

Rubiales, J. A. (2020). Linguistic deviations of Swardspeak and its implication to gay

students’ English language competencies. Social Science Research

Network. https://doi.org/10.2139/ssrn.3860558

You might also like