Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Ika- ng Abril 2024

Masusing Banghay Aralin sa Filipino


Baitang 8
I. Layunin
Nabibigyang-kahulugan ang mga talinghaga, eupimistiko o masining na pahayag ginamit
sa tula. F8PT-Ia-c-19
Pagkatapos ng isang oras (1) na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng Tanaga at
Haiku.
b. Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang salitang ginamit sa Tanaga at
Haiku.
c. Nakagagawa ng sariling Tanaga at Haiku.

II. Paksang Aralin

Paksa: Tanaga at Haiku


E-Sanggunian:
https://www.scribd.com/document/426989279/Tanka-Haiku-Tanaga
http://filipino8niwarville.blogspot.com/2014/06/tanaga-at-haiku.html
https://youtu.be/dYFZgYkZUkA
Kagamitan: Laptop, Powerpoint Presentation, Cartolina, Scotch Tape, Marker at iba pa.
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A.Panimulang Gawain

a1. Pagbati

Magandang araw sa inyong lahat!


Magandang umaga rin po!

Bago tayo magsimula, nais ko munang


ipakilala ang aking sarili. Ako si Racquel
Calautit ang inyong magiging guro sa
araw na ito.

a2. Panalangin

Inaanyayahan ko ang lahat na tumayo at


manalangin. Jerome, pangunahan mo ang
ating panalangin.
(Ang mga mag-aaral ay nananalangin)

Maraming salamat, Jerome.

Bago kayo umupo, pulutin ng mga kalat at


ayusin ang inyong mga upuan.
(Pinulot ang kalat at inayos ang mga upuan ng
mga mag-aaral)
a3. Pagtala ng Lumiban
Roza, mayroon bang lumiban sa ating
klase?
Wala po,ma’am.

PAGE \* MERGEFORMAT 2
Mabuti naman kung ganoon, kayo ay
pinapaalalahanan kong maging aktibo sa
ating klase.

a4. Pagbibigay Alituntunin

Ngayon naman, ating alamin ang


alintuntunin ng ating klase. Basahin mo ito Mga Alituntunin sa Klase
Maricar.
G-awin ang mga pinapagawa ng guro.
A-ng madalas na pagtayo sa silid-aralan ay
hindi pinapayagan.
N-andito ang tingin kay titser habang
nagtuturo.
D-umalo palagi sa klase.
Maraming salamat, Maricar. A-yusin ang silid-aralan bago umuwi.

Ang ating mga alituntinin ay inaasahan


kong magagawa ng bawat isa habang
tayo ay natututo.

a5. Balik-aral

Ngayon, atin munang balikan ang ating


nakaraang tinalakay kung lubusan niyo na
itong naintindihan at naunawaan.
Magtatanong ako sa inyo at sasagutin
niyo ang mga ito batay sa inyong
kaalaman. Handa na ba kayo?
Opo ma’am!

Ano ang ating tinalakay kahapon?


Ang Katamaran ng mga Pilipino ni Dr. Jose Rizal
po ma’am.
Tungkol saan ito?

Ito po ay tungkol sa dahilan at sanhi kung bakit


masasabi na ang mga Pilipino ay tamad.
Napakahusay! Batid ko na lubos niyong
naunawaan at naintindihan ang paksang
tinalakay natin kahapon.

Bago tayo magsimula, atin munang


alamin ang ating layunin para sa araw na Layunin
ito. Basahin nga ito Hershey. a. Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
estilo ng pagbuo ng Tanaga at Haiku.
b. Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang
salitang ginamit sa Tanaga at Haiku.
Maraming salamat. Ang mga iyan ay c. Nakagagawa ng sariling Tanaga at Haiku
inaasahan ko na makakamtan natin
pagtapos nating talakayin ang paksa natin
ngayong araw.

B. Pagganyak

Bago tayo magpatuloy sa ating


panibagong talakayan ay may ipapakita
ako sa inyong mga larawan. Handa na ba
kayo?
Opo.

PAGE \* MERGEFORMAT 2
  Ano
ang mga nakita sa larawan?
 Napanood niyo na ba ang mga
anime na nakita?
 Nakakain na ba kayo ng mga
pagkaing inyong nakita?
 Anong kultura ang ipinapakita sa
larawan?
 Saang bansa kaya ito nagmula?

Mahuhusay! Tama ang inyong mga (Sumagot ang mga mag-aaral)


kasagutan.

C. Pagpapakilala sa Aralin
Ayan ang ating tatalakayin ngayong araw
ay ang Tanaga at Haiku. Ang Haiku ay
nagmula sa mga hapon at ang Tanaga
naman ay nagmula sa mga Katutubong
Pilipino.

 Ang bansang Japan (hapon) ay


kilala sa bansag na Land of the
rising sun. Ito ay ang bansa ng
mga Samurai at Anime, bansa ng
matataas na uri ng teknolohiya at
higit sa lahat bansa ng mga
makukulay at magagandang
kultura ng mga ritwal. Ang
bansang ito ay binubuo ng limang
pangunahing pulo tulad ng
Honshu,Shikoku, Kyushu at ng
mahigit 3,000 mga isla. Karamihan
sa mga isla ay mabundok.at ang
iba ay may mga bulkan.kabilang
na ang pinakamataas na bahagi
ng bansa, ang bundok fuji. Ang
kalakhang Tokyo,kasama ang
Tokyo at iba pang nakapalibot na
prepektura,ay ang pinakamalaking
metropolitanong lugar na tinitirhan
ng 30 milyong katao.

 Ang bawat pamayanan ng mga


katutubong Pilipino ay may
kakaibang wika, tradisyon, at iba
pang mga katangiang pangkultura
na nagpapayaman sa

PAGE \* MERGEFORMAT 2
pagkakakilanlan nila. Ang kanilang
mga paraan ng pamumuhay ay
itinuturing na mahalaga sapagkat
ito ang nagpapanatili sa
tradisyonal na uri ng pamumuhay
ng mga Pilipino bago pa ang
pagsalakay ng mga banyaga. Ang
mga komunidad ng katutubong
Pilipino ay binubuo ng iba't ibang
grupo na may sari-sariling kultura
at tradisyon.

D. Pagtalakay sa Paksa
Ngayon atin ng talakayin kung ano nga ba
ang Tanaga at Haiku.
Ano nga ba ang Haiku?
Ginawa noong ika-15 siglo ang tulang
haiku ng mga Hapon.
Mas maikli ang Haiku dahil may 17 bilang
ng pantig na may tatlong linya lamang:
5-7-5 / 5-5-7 na pantig sa bawat linya.
Paksa nito’y ukol sa kalikasan at pag-ibig.
Halimbawa:
Bayan kong sinta = 5
Buhay ay iaalay = 7
Iyan ay tunay. = 5
Kabuuang pantig-----17
Tandaan: Maaaring magkapalit-palit ang
bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod,
ngunit kailangang tama ang kabuuan nito
sa bawat saknong sa Haiku-17 na pantig.

Ngayon ano naman ang Tanaga?


Ang Tanaga ay isang uri o porma ng
tagalog na tula na may 4 na taludtod,
binubuo ng pitong pantig sa bawat
taludtod at naglalaman ng isang diwa ng
makata. Kadalasan itong nagtataglay ng
isang tugmaan, a-a-a-a ngunit ang mga
makabagong tanaga ngayon ay kakikitaan
na rin ng mga tugma na inipitan - a-b-b-a,
salitan - a-b-a-b at sunuran a-a-b-b. Ito ay
bunga ng pagiging malikhain ng mga
Filipino at pagnanais na mapaunlad at
madagdagan ang ating mayaman nang
kultura, sining at literatura.
Ang Tanaga ay may 28 bilang ng pantig
na may apat na linya:
7-7-7-7 na pantig sa bawat linya.
Halimbawa:

PAGE \* MERGEFORMAT 2
Magsikhay ng Mabuti
Sa araw man o gabi
Hindi mamumulubi
Magbubuhay na hari.

E. Paglalahat
Gawain 1: PAGHAMBINGIN!
Ngayong alam niyo na ang kung ano ang Panuto: Papangkatin ang klase sa tatlo. Isa-
Haiku at Tanaga, nais kong subukin ang isahin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga
inyong mga memorya sa pamamagitan ng ito batay sa talakayan.
inyong unang gawain.
Basahin mo ang panuto, May ann.

(Binasa)

Mga Gabay na Tanong:


1. Paano nagkaiba ang tanaga at haiku?
Ipaliwanag.
2. Mahalaga bang matutuhan mo ang mga
tanaga at haiku na
nangibabaw sa Panahon ng Hapones?
Pangatuwiranan.

(Nagsagot na ang mga mag-aaral.

F. Paglalapat Gawain 1: Alamin mo!


Panuto: Suriin at unawain ang halimbawa ng
Sa pagkakataong ito naman ay may Tanaga at Haiku at ibigay ang kahulugan
inihanda muli akong gawain. ng mga salitang sinalungguhitan.

Tanaga
Alipatong lumapag
Sa lupa, nagkabitak
Sa kahoy, nalugayak
Sa puso, naglagablab

Haiku
‘Wag mabahala
Pagsweldo ng tulisan
Ika’y saktan…

PAGE \* MERGEFORMAT 2
(Nagsagot ang mga mag-aaral)

Mahusay! Maraming salamat sa inyong


pagsagot.

IV. Ebalwasyon
Panuto: Sumulat ng Tanka o Haiku na binubuo ng isang saknong at ang pinapaksa ay hinggil
sa pag-ibig sa magulang.
Pamantayan sa Paggawa
Paksa 15 puntos
Nilalaman 10puntos
Istruktura/Anyo 5 puntos
Kabuuan 30 puntos

V. Kasunduan
Panuto: Kayo ay magpaunang basa at unawain ang Uhaw sa Tigang na Lupa ni Liwayway
Arceo dahil sa susunod nating pakikita ay magkakaroon tayo ng talakayan tungkol dito.

Inihanda ni:
DIZON ROSIELYN P.
Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni:
DARIUS KING A. GALO, LPT
Guro ng Wika

PAGE \* MERGEFORMAT 2

You might also like