Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
DAVAO REGION

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO - 8
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT
Taong Panuruan: 2023-2024
Pangalan:
Baitang at Pangkat:

Panuto: Suriing mabuti ang bawat pahayag at piliin ang pinakaangkop na sagot
sa bawat aytem. Isulat ito sa inyong sagutang papel.

1. Ano ang kahalagahan sa pagsasabi ng katotohanan?


A. Ito ay kailangan upang makatanggap ng mabuting kapalit.
B. Ito ay nararapat gawin upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
C. Ito ay nagbibigay ng kapanatagan sa taong nais protektahan ang sarili.
D. Ito ay nakatutulong na maiangat ang iyong pagkatao upang hangaan ng iba.

2. Anong uri ng pagsisinungaling ang paglikha ng maraming kuwento na makasisira


sa pagkatao ng isang tao?
A. Antisocial Lying
B. Selfish Lying
C. Self-enhancement Lying
D. Prosocial Lying

3. Ang pagsasabi ng totoo ang magtutulak sa tao upang matuto ng aral sa mga
pangyayari. Paano mo ito maisasabuhay?
A. Sabihin lamang ang totoo sa taong iyong mapagkakatiwalaan.
B. Piliin ang bagay na kaya mong sabihin ng may paninindigan.
C. Sagutin ang katanungan batay sa gustong paniwalaan ng iba.
D. Iwasang pagtakpan ang isang kamalian upang hindi maulit ang isang
pagkakamali.

4. May isang kinikilalang mag-aaral na magaling sa asignaturang Matematika.


Ngunit, siya ay nahuli na mayroong kodigo habang sila ay may pagsusulit. Ano
ang maaaring masamang ibunga ng pangyayaring ito kaugnay ng pagtingin sa
kanya bilang isang mag-aaral?
A. Mawawalan siya ng matinong kaibigan.
B. Siya ay maaaring tularan ng ibang mag-aaral.
C. Hindi na siya magiging huwarang mag-aaral para sa ibang kabataan.
D. Mababawasan ang tiwala na ibinibigay sa kanya ng mga taong nakapaligid sa
kanya.

5. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagmamahal at katapatan sa


kapuwa?
A. Pagsasauli ng nawawalang gamit sa may-ari
B. Pagpili ng taong kakaibiganin at nais tulungan
C. Pag-iwas sa pandaraya kahit pa sa taong nakagawa sa iyo ng kasalanan
D. Pagbibigay tulong sa taong maisakatuparan ang kanyang masamang gawi
6. Sa paanong paraan mo maisasabuhay ang pagiging matapat sa iyong kapuwa?

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
Republic of the Philippines
Department of Education
DAVAO REGION

A. Pagiging totoo kahit na may masasaktan


B. Pagsumbong sa kaklaseng nangopya sa pagsusulit
C. Pagsasabi ng natatanging sekreto ng isang kaibigan
D. Pagbibigay alam sa maling gawain ng isang kapitbahay

7. Ito ay nangangahulugang pagtanggi sa pagsagot sa anumang tanong na maaaring


magtulak sa isang tao upang ilabas ang katotohanan.
A. Pag-iwas
B. Pananahimik
C. Pagtatago
D. Pagtitimpi

8. Inutusan ka ng iyong magulang sa isang gawaing bahay. Habang ginagawa mo


ang utos sa iyo, dumaan ang iyong mga kaibigan upang ikaw ay anyayahin na
manuod ng sine. Ano ang iyong gagawin?
A. Magpaalam sa magulang kung kinakailangan.
B. Tatapusin ko muna ang utos ng aking magulang bago ako sasama sa aking
mga kaibigan.
C. Uunahin ang utos ng aking magulang at magpapaalam kung ang pupuntahan
ay makabubuti para sa akin.
D. Sasama agad ako sa kanila habang wala pa ang aking mga magulang dahil
sila naman ay aking mga kaibigan.
9. Napagtanto ng isang mag-aaral na sobra ang sukli sa kanya ng tindera sa
kantina ng kanilang paaralan. Ano ang nararapat n’yang gawin?
A. Ibibili ng pagkain na nais pang kainin.
B. Ibigay ang sobrang sukli sa kaklaseng walang baon.
C. Ipagbigay alam sa guro ang pagkakamali ng tindera.
D. Isauli ang sobrang sukli ng tindera dahil ito ay hindi n’ya pag-aari.

10. Ang sumusunod ay kahalagahan ng paghubog ng katapatan, at integridad sa


sarili MALIBAN sa _______________________________.
A. nabibigyang halaga ang paggalang sa sarili.
B. nagkakaroon ng kapayapaan ang isipan ng tao.
C. nagbibigay daan ito upang purihin ng ibang tao.
D. napapalawak nito ang maayos na pakikipag-ugnayan sa iba.

11. Ang sumusunod ay dahilan kung bakit mahalaga ang pagsasabi ng totoo
MALIBAN sa _______________________________.
A. magkakaroon ng tiwala sa iyo ang iyong kapuwa.
B. magkaroon ng seguridad at kapayapaan ng kalooban
C. pagbibigay proteksiyon sa lahat lalo na sa mga mahihina
D. magkakaroon ng dahilan upang sumikat at kilalanin ng iba.

12. Ang isang magulang ng batang may edad na anim na taong gulang ay madalas
nagtuturo sa kanyang anak ng pagsasabi ng katotohanan sa lahat ng oras. Ano

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
Republic of the Philippines
Department of Education
DAVAO REGION

ang mensaheng mabubuo tungkol sa kahalagahan na maturuan ang mga bata sa


murang edad na kumilala ng katotohanan?
A. Marunong nang manindigan ang mga bata kung sila ay nagkakasala.
B. Nakikita na ng mga bata ang kabutihan sa pagsasabi ng katotohanan.
C. Kritikal para sa mga bata kapag sila ay napabayaan dahil ito ay magtutulak
upang makasanayan nila ang pagsisinungaling.
D. Ang pagsisinungaling sa edad na anim na taon ay kailangang bigyan ng tuon
upang mabawasan ang hirap ng mga magulang.

13. Ano ang gagawin mo kung nahuli mo ang iyong kaklase na bitbit ang
kanyang bag at nagmamadaling lumabas ng silid-aralan. Nalaman mong
siya ay liliban sa klase upang maglaro ng basketbol. Ano sa tingin mo ang
dapat mong gawin?
A. Ipagbibigay alam ko ito kaagad sa aming guro.
B. Ipapahanap ko s’ya sa aming kaklase na malapit sa kanya.
C. Hahayaan ko na s’ya ang magsabi sa aming guro sa kanyang pagtakas sa
klase.
D. Pupuntahan ko s’ya sa kanilang bahay at sasabihin ko sa kanyang magulang
ang kanyang ginawang pagliban sa klase.

14. May kasabihan na, “Action speaks louder than words”. Bakit mas binibigyan ng
halaga ang gawa kaysa sa salita?
A. Dahil ang kilos ng tao ang mas pinaniniwalaan
B. Dahil nagiging basehan ang kilos upang malaman ang katotohanan
C. Dahil may pagkakataon na mas nakamumuhi ang kawalan ng katapatan sa
gawa kaysa sa salita
D. Dahil ang ibang bagay kahit hindi sabihin, nararamdaman at nalalaman ito sa
kilos ng tao

15. Pinatatawag sa paaralan ang magulang ng isang mag-aaral dahil sa paglabag sa


panuntunan sa paaralan. Sa takot na mapagalitan, humanap siya ng ibang
kakilala na magpapanggap na magulang niya. Anong uri ito ng pagsisinungaling?
A. Prosocial Lying
B. Self-enhancement lying
C. Selfish Lying
D. Antisocial Lying

16. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng kaganapan sa pagiging lalaki o babae?


A. Entitlement
B. Kilos-loob
C. Responsibility
D. Seksuwalidad

17. Ito ay nag-uugat sa halaga ng pagkatao ang pagkakaroon ng maayos na relasyon


sa kapuwa.

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
Republic of the Philippines
Department of Education
DAVAO REGION

A. Self-worth
B. Empathy
C. Responsibility
D. Seksuwalidad

18. Ano ang HINDI indikasyon ng sikolohikal na dimensyon ng seksuwalidad?


A. Birtud
B. Masamang ugali ng tao
C. Panlabas na katangian ng tao
D. Iniisip ng tao tungkol sa pagkatao

19. Ang sumusunod ay napapanahong isyu tungkol sa seksuwalidad MALIBAN sa


_________________________.
A. Teenage pregnancy
B. Pagkababae o pagkalalaki
C. Pre-marital sex
D. Prostitusyon

20. Ang panonood ng malalaswang larawan ay tinatawag na _____________________.


A. Pag-aabusong seksuwal
B. Pornograpiya
C. Pre-marital sex
D. Prostitusyon

21. Kailan masasabi na masama ang paggamit ng seksuwalidad ng tao? Kapag ito’y
_________________________.
A. nagdadala sa kasiyahan.
B. nauuwi sa pang-aabuso.
C. hindi nagdadala sa tunay na layunin ng seksuwalidad.
D. nagdadala sa tao upang maging isang pakay o kasangkapan.

22. Bakit kailangang pagyamanin ang seksuwalidad?


A. Daan ito sa epektibong pag-aasawa.
B. Dito nakasalalay ang tagumpay ng pag-aaral.
C. Ito ang daan tungo sa makabuluhang pakikipagkapwa.
D. Makakatulong ito sa pagtataguyod ng matagumpay na hanapbuhay.

23. Anong indikasyon ang nagpapahayag nang makitid na pananaw tungkol sa


seksuwalidad?
A. Magkapatid na naglalamangan
B. Magkamag-aral na laging nag-iinggitan
C. Taong pumupuna sa isang babae o lalaki sa piniling kasarian
D. Mag-asawang hindi nagkakaintindihan sa mga materyal na bagay
24. Ano ang gagawin mo kung may napansin kang pagkakaiba sa panahon ng iyong
pagdadalaga o pagbibinata?
A. Pagbibigyan ang sarili.

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
Republic of the Philippines
Department of Education
DAVAO REGION

B. Lalapit sa mga magulang at magtatanong.


C. Ipapakita ang pagkagalit sa mga pagbabago.
D. Hindi nalang papansinin ang nararamdaman.

25. Ano ang gagawin mo kapag nagtampo sa iyo ang matalik mong kaibigan?
A. Bibiruin ko siya.
B. Hindi ko siya papansinin.
C. Hihingi ako ng paumanhin.
D. Magtatampo rin ako sa kanya.

26. Masyadong pinupuna ng tatay at nanay mo ang iyong kilos at pananamit na


parang lalaki ka. Ano ang gagawin mo?
A. Palalampasin na lang sa tainga ang nasabi.
B. Susundin ang gusto nila para walang away.
C. Haharapin sila at itatanong kung ano ang masama sa mga ikinikilos mo.
D. Susuriin ang sarili upang malaman kung may katuwiran ang mga magulang.

27. Ano ang pinakamahusay na gagawin mo upang mapabuti ang pakikitungo sa


bagong lipat na kapitbahay?
A. Magbigay tulong sa kapitbahay
B. Huwag pansinin at makiramdam lang
C. Lalapit sa kapitbahay at makikipagkapuwa
D. Hintayin ang pagkakataon na kayo ay magkasalubong sa daan

28. Nagkagusto ka sa iyong kaibigan na nagpatulong sa iyo na maging tulay upang


mapalapit sa iyong kaklase na kaniyang naiibigan. Pumayag ka ngunit habang
sila’y unti-unti nang nagkakamabutihan ay nasasaktan ka at nakakaramdam ng
pagseselos. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasangguni sa guro o guidance counselor.
B. Kakausapin ang kaibigan at sasabihin ang nararamdaman.
C. Kokonsulta sa ibang mga kaibigan upang malaman ang dapat gawin.
D. Hindi na ipagpapatuloy ang pagiging tulay upang hindi sila lubos na
magkalapit.

29. Bilang isang mapanagutang lalaki o babae, ano ang iyong gagawin kapag sinabi
ng mahal mo, “Kung talagang mahal mo ako, handa ka bang ibigay ang sarili mo
sa akin kahit hindi pa tayo mag-asawa?”
A. Kukunsulta sa guidance counselor o sa guro dahil ikaw ay nalilito.
B. Isusumbong siya sa mga magulang niya upang hindi siya mapariwara.
C. Makikipaghiwalay sa kasintahan, dahil hindi ka pa handa sa nais niya.
D. Kakausapin siya at sasabihing kapwa pa kayo hindi handa para sa ganitong
uri ng ugnayan.
30. Alin sa sumusunod ay epekto ng karahasan sa paaralan?
A. Kagalingan sa pagbabasa
B. Pambubugbog

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
Republic of the Philippines
Department of Education
DAVAO REGION

C. Paghinto sa pag-aaral
D. Pagkakaroon ng kapansanan

31. Ang sumusunod ay panlaban mula sa karahasan sa paaralan MALIBAN sa


___________________________.
A. pagmamahal na pansarili.
B. pagmamahal sa kapuwa.
C. pagmamahal sa buhay.
D. pagmamahal sa Diyos.

32. Alin sa sumusunod ang pinakamabisang magagawa ng isang kabataang tulad


mo upang makaiwas sa anumang karahasan sa paaralan?
A. Paggalang sa sarili
B. Pagmamahal sa sarili
C. Paggalang sa kapuwa
D. Pagmamahal sa kapuwa

33. Ang sumusunod ay sanhi ng pambubulas sa paaralan MALIBAN sa


___________________________.
A. kaibahang pisikal.
B. karahasan sa paaralan.
C. pagiging magalang sa kapuwa.
D. paghahanap ng mapagkatuwaang kapuwa.

34. Ano ang nararapat na tugon ng paaralan sa pambubulas?


A. Ituro at ipatupad ang mga batas ng Anti-bullying Act.
B. Suspindihin ang gumagawa ng pambubulas sa paaralan.
C. Pagalitan ang nambubulas pagkatapos ay pabalikin sa klase.
D. Hindi iintindihin dahil natural lamang sa mga kabataan ang kalikutan.

35. Bakit may mga mag-aaral na sumasali sa fraternity at gang?


A. Hindi sila nakaramdam ng pagmamahal at paggalang sa sarili.
B. May kikilala sa kanila bilang kapatid dahil wala silang kapamilya.
C. Kulang sila ng atensyon mula sa kanilang mga magulang.
D. Marami ang lalaban para sa kanila kung masangkot sila sa gulo.

36. Ang sumusunod ay kailangan sa pagmamahal sa kapuwa MALIBAN sa


___________________________.
A. paggalang sa kaniyang dignidad bilang tao.
B. pagtangggap sa kanya anuman ang estado sa buhay.
C. pagbibigay sa kaniya sa lahat ng nanaisin niya sa buhay.
D. pagmamahal sa kaniya na may kaakibat na katarungan.
37. Bakit mahalaga ang paggalang sa buhay?
A. Ito ay nararapat na ibigay sa bawat tao.
B. Ito ay nakatutulong sa pagbuo ng mga pangarap.

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
Republic of the Philippines
Department of Education
DAVAO REGION

C. Ito ay nakatutulong sa pagpapayaman at pagiging matagumpay.


D. Ito ay kailangan upang maging tiyak ang pagsikat sa pipiliing karera.

38. Kailangan sa pagmamahal ang paggalang sa sarili sapagkat


____________________________________________.
A. karapat dapat na nauuna ang sarili bago ang iba.
B. nakatutulong ito sa paghanap ng paraan paano mapansin at mahalin.
C. nakatutulong ito sa pag-unawa sa mga gumagawa ng karahasan sa paaralan.
D. nakakatulong ito sa pagbuo ng responsableng pananaw tungkol sa
kahalagahan ng buhay.

39. Sino sa sumusunod ang may malaking posibilidad na maging mambubulas?


A. Isang sinusubaybayan ng magulang
B. Isang inaalagaan ng mga lolo at lola
C. Isang ginagamitan ng marahas na disiplina
D. Isang hindi pinapasama ng magulang sa barkada

40. Aling pahayag ang iyong gagawin kapag nakaranas ka ng pambubulas sa


paaralan?
A. Magpaplano paano makapaghigante
B. Magsumbong sa guro at magulang
C. Manahimik upang di lalong bulasin
D. Hindi papansinin dahil hihinto rin sila

Tagasulat:

FRANCES ANN P. JALA CHARITY B. ESCOBIDO


MT-I - Cluster 4 MT-I - Cluster 13

MARILYN C. LACORTE ALLAN JR. A. PATLUNAG


MT-I - Cluster 5 T-I - Cluster 4

Pinagtibay:

ARGEL C. PINGOT, Ed.D


Education Program Supervisor
Edukasyon sa Pagpapakatao

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified

You might also like