4 Epp Ict Q4W3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

Abril 15, 2024

Lunes
Baitang

5
Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan (EPP) –
ICT/ ENTREP
Aralin 3: Pagbebenta ng Natatanging
Paninda
Produkto Paraan ng Pagbebenta
Isda -ipinagbibili nang per piraso o
per kilo
-maaaring ipagbili nang
palako o sa puwesto
-inilalagay sa malinis na styro
foam na katamtaman ang laki

Itlog -ipinagbibili nang per piraso o


per tray
Produkto Paraan ng Pagbebenta
Karne -ipinagbibili nang per kilo

Suman -ipinagbibili nang per piraso o


per dosena
-inilalagay sa malinis at may
takip na bilao o basket
-maaaring itinda nang palako
o sa puwesto
Produkto Paraan ng Pagbebenta
Sitaw -ipinagbibili nang per tali
-maaaring itinda nang palako
o sa puwesto

puto/kutsinta -ipinagbibili nang per piraso


-maaaring itinda nang palako
o sa puwesto
-inilalagay sa malinis at may
takip na bilao o basket
Produkto Paraan ng Pagbebenta
Saging na saba -ipinagbibili nang per kilo o per
piraso
-maaaring itinda nang palako
o sa puwesto
kamatis
-ipinagbibili nang per kilo o per
piraso
-maaaring itinda nang palako
o sa puwesto
Produkto Paraan ng Pagbebenta
Talong -ipinagbibili nang per kilo o per
piraso

-maaaring itinda nang palako


o sa puwesto
Abril 16, 2024
Martes
Alamin
Sa pagsisimula ng isang negosyo, kailangang
isaalang-alang ang pagiging masinop at
malikhain. Ito ay makatutulong para mapalago
at mapangalagaan nang mabuti ang napiling
negosyo.
Narito ang ilang mungkahi na dapat tandaan.
1. Piliin at suriin nang mabuti ang produktong nais
ibenta.
2. Maging mapanuri sa mga produktong makikita
sa mga tindahan at kilatisin nang mabuti ang
presyo, klase ng materyales, sangkap na ginamit,
kulay at iba pa. Kung matibay at dekalidad ang
produkto, bumili ng magkakahawig na maaaring
magsilbing gabay sa pagbuo ng panibagong
produkto.
Narito ang ilang mungkahi na dapat tandaan.
3. Para lalong mapaganda at masiguro ang
kalidad ng disenyo ng isang produkto, maaaring
magtanong at humingi ng mga suhestiyon mula sa
mga kakilala at mamimili.
4. Lumikha ng kaparehong produkto at subukin
ang tibay nito sa pamamagitan ng paggamit
araw-araw. Maaari rin itong ipagamit sa ibang tao
para sa mga karagdagang komento kung paano
mas pagagandahin ang produkto.
Narito ang ilang mungkahi na dapat tandaan.
5. Tanggapin ang mga negatibong komento kung
mayroon man para baguhin at pagandahin ang
kaparehong produkto upang makamit ang kalidad nito
na maaaring tangkilikin ng mga mamimili.
6. Kung nais makapagbenta nang maramihan at
makakuha ng paunang puhunan, maaaring dumulog
sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa mga
karagdagang konsepto sa pagdidisenyo at pagbuo ng
mga produkto (product development).
Abril 17, 2024
Miyerkules
Written Work#3
I. Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at
lagyan ng tsek [✓] ang bawat bilang kung
sang-ayon at ekis (✕) naman kung hindi. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Mas mabuting gumawa ng prototype o


halimbawa ng ibebenta mong produkto.
2. Sa pamumuhunan at pagbebenta ay dapat
lumapit sa Department of Education
Written Work#3
3. Ang pagpili ng produktong ibebenta na patok
sa masa at madaling gawin ay dapat isaalang-
alang makatutulong upang maging matiwasay at
maayos ang pagtitinda.
4. Kung may mga negatibong puna sa iyong
produkto ay hayaan nalang at ituloy ang
pagbebenta nito.
Written Work#3
5. Bilang isang entrepreneur, maaari kang humingi
ng opinyon sa mga kakilala at mamimili upang
malaman kung ang iyong produktong ninanais ay
maaari mong gawin
Written Work#3
II. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang Tama
kung ang pahayag ay wastong paraan ng
pagbebenta ng natatanging paninda at Mali
naman kung hindi.
Written Work#3
1. Pinapanatiling malinis at maayos ang tindahan
at mga paninda.
2. Ipinagbibili nang per kilo ang bigas at isda.
3. Inilalagay ang mga tindang ulam sa loob ng
cabinet na may screen.
4. Ibinebenta sa mataas na halaga ang prutas na may
mababang uri.
5. Sumusunod sa pamantayang pangkalusugan ang
mga namamahala ng mga panindang may
kinalaman sa pagkain.
Abril 18, 2024
Huwebes
Performance Task #3
Panuto: Ano ang gagawin mo sa sumusunod na
mga pangyayari? Ipaliwanag ang iyong sagot at
isulat sa sagutang papel.
Performance Task #3
1. Nagbebenta ka ng mga ballpen na may
kasamang flashlight at pito sa iyong mga kamag-
aral. Marami sa kanila ang bumibili dahil kakaiba
ang iyong itinitinda. Kinabukasan, ang isa sa iyong
mga kamag-aral ay nagbebenta na rin ng
ganitong produkto. Ano ang gagawin mo?
Performance Task #3
2. Ang inyong tindahan ng mga gulay ay hindi na
kumikita dahil may nagtayo rin ng bagong
gulayan sa may tapat ng inyong bahay. Ano ang
maimumungkahi mo sa iyong nanay?
Performance Task #3
3. Kung ang iyong kapatid ay nagpaplanong
magtayo ng negosyo, ano ang maipapayo mo sa
kanya na dapat niyang unahing gawin?

You might also like