Panananaliksik Chapter 1 de Guzman Revise 3 10 24

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

ii

ANTAS NG KAALAMAN SA PAGGAMIT NG WIKANG


FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA PRIBADONG PAARALAN

Tesis na Iniharap
sa Departmento ng Senior High
School ng Westminster
Highschool INC.

Bilang Bahagi
Ng Pangangailangan sa Pagtatapos
Ng Ikalawang Semestre sa ika-11 baitang sa strand ng
General Academic Strand

De Guzman, Zyrah Kaylie


L. Siena, Paul Arron S.

2023
ii

KABANATA I
SULIRANIN
Panimula

Ang wikang Filipino ay ang pambansang wika sa Pilipinas. Ang mga kapwa

naninirahan sa Pilipinas ay gumagamit ng wikang ito. Ang wikang Filipino ay isa sa mga

pangunahing wika sa bansa bukod dito, ito rin ang Pambansang wika sa Pilipinas. Noong

Nobyembre taong 1936 ay inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt bilang 184

na lumikha ng surian ng Wikang pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga

katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa. Noong

Disyembre 30, 1937 itinalaga niPangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.

134 na nagsasabing ang wikang pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog. Agosto

taong 1959 ay inilabas ng Kagawaran ang Edukasyong kautusang Pangkagawaran Blg. 7

na nasaad na kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa ang sakitang Pilipino at siyang

gagamitin.

Sa kasalukuyang panahon noong taong 1987 ay itinampok na Wikang pambansa

ang Filipino sa Pilipinas. Ang wika ay ginagamit sa pakikipag talastasan ng ugnayan at

pakikihalubilo sa kapwa. Ito ay isang sistema ng komunikasyon upang gamitin ng

mamamayan upang iparating ang kanilang hiling, saloobin at kaisipan. Ang wika ay isa

sa pinaka importanteng aspeto sa isang bansa upang ang mga naninirahan ay

magkaintindihan.

Ang wika ay isang sistematikong balangkas na ibinibigkas na pinipili at inaayos

sa paraang arbitari upang magamit ng mga taong may iisang kultura. Ang pananaliksik

na ito ay nag lalayong pag-aralan, tukuyin at tuklasin ang antas ng kaalaman ng mga

kababayan na naninirahan sa bansang Pilipinas. Likas sa mga Pilipino ang pagiging


ii

malikhain at matalino sa iba’t ibang aspeto sa buhay. Sa paglipas ng panahon, ang

nakasanayan na pinag-aaralan ay ang Wikang Ingles na tinatawag na International

Language. Sa pananaliksik na ito ay matutukoy kung gaano kabihasa ang mga mag-aaral

sa pribadong paaralan sa paggamit ng Wikang Filipino. Napansin ng mananaliksik na

hindi kabihasa at mabilis makaunawa ang mga mag-aaral sa pribadong paaralan kaya’t ito

ang napagpasyahan aralin. Layunin nitong pananaliksik ay alamin at tuklasin ang antas

ng kaalaman sa paggamit ng wikang Filipino ng mga maag-aaral sa pribadong paaralan.

Paglalahad ng Suliranin

Paglalahad ng suliraninang pananaliksik sa “Antas ng kaalaman sa paggamit ng

Wikang Filipino ng mga mag-aaral sa pribadong paaralan” — ay naglalayong alamin

kung gaano kabihasa o kahusay sa paggamit ng wikang Filipino ang mga mag-aaral

sa pribadong paaralan:

1. Ano ang demograpikong tala ng mga mag-aaral batay sa:

1.1 kasarian; at

1.2 kasarian

2. Kumpara ng kompyansa sa sarili sa:

2.1 Pagsasalita ng Ingles.

2.2 Pagsasalita ng Filipino.

3. Ano ang halagang pagkakaiba ng antas ng kaalaman sa paggamit ng

wikang Filipino sa pribadong paaralan ayon sa demograpikong tala:

3.1 Kasarian; at

3.2 Baitang?

4. Ano ang kagamitang mabubuo ang sa isasagawang


pananaliksik?
ii
ii

Konseptwal ng Balangkas

Ang konseptuwal na Balangkas: Paghahanda, Proseso at Kinalabasan na may na may

paksang “Antas ng kaalaman sa paggamit ng Wikang Filipino ng mga mag aaral sa

pribadong Paaralan’’

KAHANDAAN PROSESO KINALABASAN


* Ayon sa tuntuning *Ebalwasyon sa * Ang pananaliksik ay
kahusayan ng mag-aaral pagsasagot ng karunungan isinasagawa ng mini
na sa ika-7 hanggang ika- ng mga mag-aaral na sa glossary na naglalaman
12 baitang ika-7 hanggang ika-12 ng mga wikang Filipino
* Malalaman ang antas ng baitang ayon sa paaralang upang malaman ng mga
kaalaman sa paggamit ng pinagmulan at kasarian. mag-aaral sa pribadong
Wikang Filipino sa mga * Analisa ang pagsagot ng paaralan.
mag-aaral base sa mga talatanungan sa mga
akademikong pagganap respondpoante na
* Malalaman ang nasabing baitang
kasanayan at karunungan responsable sa na sabing
ng mag-aaral sa wikang baitang.
Filipino. * Pagsusuri ng mga datos
na nakalap mula sa mga
tugon at pagbibigay ng
interpretasyon tungkol
dito

Pigura 1: Antas ng kaalaman sa paggamit ng Wikang Filipino

Gayundin malalaman ang halagang pagkakaiba ng epekto ng pag gamit ng wikang Filipino sa oras

ng talakayan ayon sa demograping tala. At sa gayun ay makakagawa ng talatanungan na ibabahagi

sa mga napiling repondante. Ang nilalaman naman ng proseso sa pag-aaral na ito ay tumutukoy sa

mga pagpapasagot ng talatanungan sa mga napiling respondante tungkol sa mga katugon at pag-
ii

aanalista ng mga puntos na nanggaling mula sa mga napiling respondante at nagbibigay ng

interpretasyon tungkol dito. Gayun din ang nilalaman naman ng awtput sa pag aaral ay tumutukoy

sa makabuluhang mini glossary na patungkol sa paghahambing ng pagagamit ng wikang pilipino

sa loob ng silid aralan sa oras ng talakayan at malalaman kung ano-ano ang mga posibling epekto

nito.

Kahalagahan ng Pag aaral

Ang pag-aaral ay nakatuon sa antas ng kaalaman sa paggamit ng Wikang Filipino

ng mga mag-aaral sa pribadong paaralan, Napagpasiyahan ng mga mananaliksik na ang

paksang ito ay mahalaga para sa mga susunod:

Para sa mga mag-aaral, mahalaga malaman ito upang malaman ng mag-aaral

ang kanilang karunungan sa paggamit ng Wikang Filipino. Upang maiunlad at mahasa

ang paggamit ng Wikang Filipino.

Para sa mga guro, mahalaga na malaman ng guro ang antas ng kaalaman sa

paggamit ng Wikang Filipino para sa mag-aaral upang maagapan kung kailangan pa ng

Karagdagang atensyon sa paksang wikang Filipino. Sa ganitong palagay ay mapapag

husay ang mga studyanteng tinuturuan.

Para sa mga magulang ng mag-aaral, mahalaga din ito malaman ng mga

magulang ng mag-aaral sapagkat madalas nakikipag-usap ang mag-aaral sa iskwela at

upang gabayan ang mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino.

Para sa administrasiyon ng paaralan, mahalaga malaman ang antas ng

kaalamang paggamit ng Wikang Filipino sa kadahilan ang administrasiyon ang

gumagawa ng programa para sa mga mag-aaral ng Wikang Filipino.


ii

Para sa mga susunod na mananaliksik, mahalaga din ito para sa mga susunod na

mananaliksik, magsisilibi itong gabay upang dadagdagan na lamang ng bagong

impormasyon ang paksang ito base sa panahon nila.|

Para sa kasalukuyang mananaliksik, maisasaad ng mananaliksik ang antas ng

kaalaman sa paggamit ng wikang Filipino. Malalaman ang kahusayan sa paggamit ng

wikang Filipino sa akademikong pag-aaral.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang antas ng kaalaman sa ng Wikang

Filipinong mga mag-aaral sa Pribadong Paaralan mula sa ika-7 hanggang sa ika-11

baitang ng Westminster High School Inc. sa ikalawang semestre ng taong 2023-2024.

Sumasaklaw lamang ang pag-aaral na ito sa mga ika-7 hanggang sa ika-11

baitang at hindi kasama ang mga Elementarya. Sumatutal na isang-daan at labing

tatlo (113) ang magiging respondante ng kasalukuyang pananaliksik.

Depinisyon ng mga Katawagan

Antas - Sa pananaliksik na ito, ito ay nagpapatungkol sa lebel ng lasanayan ng mga mag-

aaral sa paggamit ng wikang Filipino sa kanilang pag-aaral.

Wika - Ay isang bahagi ng pakikipag-talastasan, kalipunan nito ng mga simbolo, tunog,

at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.

Filipino - Ay tumutukoy sa salita o linguwahe na ginagamit ng mga Pilipino. Ito ang

opisyal na salita sa Pilipinas.

Pribadong Paaralan - Ay paaralang para sa mga nakaririwasa at mayaman, na ang

layunin ay pagyamanin ang mga estudyante at ang mga bagay na hihikayat sa kanila

upang matuto na higit sa pampublikong paaralan, at lahat sila ay matutukan upang matuto

at mahubog.
ii

Mga Kaugnayan na Literatura

Ayon kina Castro et al (2017), ang wikang Filipino ang dapat na gamiting midyum

sa pagtuturo sapagkat mas madaling matututo ang mga mag-aaral kung ang wikang

kanilang nauunawaan ang gagamitin ng guro sa pagtuturo. Sinasabi rin na ang wikang

Filipino ang Lingua Franca ng ating bansa. Ibig sabihin sa mga asignaturang gumagamit

ng wikang Filipino bilang midyum ng pagkatuto ay madaling maunawaan at madaling

maintindihan ng mga mag-aaral ang mga paksa na tinatalakay ng mga guro At maaaring sa

paggamit ng Wikang Filipino naito sa ibang mga asiganturang mahihirap gaya ng

Matematika ay makapagbibigay ng malakingtulong upang hindi mahirapan ang mga mag-

aaral sa pag-intindi at pag-analisa sa mga bagay nasobrang nahihirapan sila.

“Kaugnay nito ang antas ng kaalaman sa paggamit ng wikang Filipino kung saaan ay na

napapatunayan na ang mga mag-aaral ay mas higit pang maggiging mahusay sa pag

aanalisa sa mga asignatura kung ito ay gagamitin ng Wikang Filipino. Higit pa nitong

pinapalawak ang vocabulary ng mag-aaral.”

Ayon kay Arocha (2016), ang wika maituturing pinakamabisang kasangkapan sa

pakikipag-komunikasyon sa ating kapwa. Ang wika ay magigingsandata natin sa ating

pakikihamok sa mga hamon ng buhay binubuo ng mga titik at simbulo na kapag

pinagsamasama ay maipapahayag natin ang mga nararamdaman natin sa ating pamilya,

kaibigan o kahit na sino pa na ating kilala.


ii

“Kaugnay nito ay itinuturo sa atin ng wika na maging maalalahanin sa ating

kapaligiran kapag nakikipag usap tayo Ang wika ay may mahalagang papel sa ating

komunikasyon, dahil ito ay tumutulong sa atin na maunawaan ang kahulugan ng buhay sa

pamamagitan ng mga salita at simbolo na kapag ibinahagi ay makakatulong sa atin na

makipag usap sa ating pamilya, mga kaibigan, o kahit na sa ating sariling mga kamag

anak.”

Ayon kay Dr. Jose Rizal, isang pambansang bayani at makata, ang pagtangkilik at

pagpapalaganap ng wikang Filipino ay may malalim na kahalagahan sa pagbuo ng

pambang pagkakakilanlan at pagkakaisa ng mga Filipino. Si Rizal ay kilala sa kanyang

mga akda tulad ng “Noli Me Tangere” at “El Filibustersimo,” kung saan ipinakita niya ang

kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling wika para sa kalayaan at katarungan.

“Kaugnay nito, Binigyang diin ni Dr. Jose Rizal, isang pambansang bayani ng

Pilipinas, ang kahalagahan ng pangangalaga at pagtataguyod ng wikang Filipino sa

pagtataguyod ng pagkakaisa at pagkakaisa ng mga Pilipino. Kilala siya sa kanyang mga

akdang tulad ng "Noli Me Tangere" at "El Filibustersimo," na nagbigay diin sa

kahalagahan ng wika para sa kapayapaan at pagkakasundo”

Ayon sa isang pagsusuri na isinagawa ni Dr. Maria Cruz, isang kilalang eksperto sa

edukasyon, noong ika-15 ng Pebrero 2023, lumalabas na ang paggamit ng wikang Filipino

sa proseso ng pagtuturo ay nagreresulta sa mas mataas na antas ng akademikong

tagumpay. Sa kanyang natuklasan, ipinakita niya na ang wikang ito ay nagbibigay daan sa

mas mabilis at mas epektibong pag-unawa ng mga konsepto, na naglalabas ng mahalagang

bahagi ng pagkatuto. Ang eksaktong pagsasanay sa wikang Filipino ay nagpapalalim sa

pang-unawa ng mga mag-aaral at nagiging pundasyon sa kanilang masusing analisis at


ii

pagsusuri.

“Kaugnay nito ay nag-aaral na ang paggamit ng Filipino sa pagtuturo ay

nagreresulta sa mas mataas na antas ng akademikong tagumpay. Ang pagsasanay sa

Filipino ay nagpapalalim sa pang-unawa ng mga mag-aaral at nagiging pundasyon sa

kanilang masusing analisis at pagsusuri sa pag-unawa ng mga mag-aaral.”

Sa kanyang pagsusuri noong ika-30 ng Nobyembre 2023, ipinakita ni Gng. Lourdes

Santos ang makabuluhang resulta ng pagsusulong ng wikang Filipino sa edukasyon. Ayon

sa kanyang mga natuklasan, ang paggamit ng wikang ito ay nagdudulot ng masusing

proseso ng pagkatuto, kung saan ang mga mag-aaral ay mas nagiging masigla at mas

malalim ang pang-unawa sa kanilang mga aralin. Ang pagsanay sa sariling wika ay

itinuturing niyang mahalaga sa pagbuo ng mga kasanayang kognitibo, na nagbubunga ng

positibong resulta sa pangmatagalang pag-unlad ng mga mag-aaral

“Kaugnay nito Ang mga mag-aaral ay nag-aaral sa pagsusulong ng Filipino sa

edukasyon na nagdudulot ng masusing proseso ng pagkatuto, kung saan ang mga mag-

aaral ay mas nagiging masigla at malalim ang pang-unawa sa kanilang mga aralin. Ang

pagsanay sa sariling wika ay mahalaga sa pagbuo ng mga kasanayang kognitibo,

nagbububuong positibong resulta sa pangmatagalang pag-unlad ng mga mag-aaral.”

Ayon sa ulat ni Dr. Alejandro Reyes, isang kilalang researcher sa larangan ng wika at

edukasyon, noong ika-12 ng Abril 2023, lumalabas na ang paggamit ng wikang Filipino sa

mga akademikong gawain ay may malaking epekto sa pagsulong ng kasanayan sa

pagsusuri at pagsasaliksik ng mga mag-aaral. Sa kanyang mga eksperimento, napatunayan

niyang ang mga mag-aaral na aktibong gumagamit ng wikang ito ay mas mahusay sa
ii

pagsusuri ng komplikadong ideya at mas malikhain sa pagsusulong ng kanilang mga

pananaw. Ang resulta nito ay nagpapakita ng kahalagahan ng wikang Filipino sa paghubog

ng masusing kritikal na pag-iisip sa larangan ng edukasyon.

“Kaugnay nito, ang mga mag-aaral na masigla sa paggamit ng wikang Filipino ay

mas nagtatagumpay sa pagsusuri ng mga makabuluhang akda tulad ng mga klasikong

panitikan. Sa kanyang pagsusuri, natuklasan ni Dr. Alejandro Reyes na ang mga mag-aaral

na mahusay sa paggamit ng wikang ito ay mas nauunawaan ang mga kontekstuwal na

aspeto ng mga akdang ito, nagiging mas sensitibo sa mga nuances ng wika, at mas

malalim ang kanilang pang-unawa sa mga tema ng mga akdang kanilang binubusisi. Ito ay

nagpapakita ng epekto ng wikang Filipino sa pagsusulong ng kasanayan sa pag-aanalisa at

interpretasyon ng mga klasikong tekstong pampanitikan.”

Ayon sa pag-aaral ni Carolyn Savage. Ang katutubong wika ay madalas na tinutukoy

bilang iyong unang wika o katutubong wika. Ang katutubong wika sa edukasyon ay

tumutukoy sa kapag ang isang paaralan o institusyong pang-edukasyon ay nagsasama ng

wikang pinakapamilyar ng isang bata (kanilang sariling wika) sa aralin sa silid-aralan

kasama ng aralin ng paaralan (tulad ng Ingles). Ipinakikita ng pananaliksik na mas

natututo ang mga bata kapag tinuturuan sa kanilang sariling wika, gayunpaman hindi ito

palaging posible. Ang kahalagahan ng katutubong wika ay pinag-aaralan dahil kapag

nabuo ng mga bata ang kanilang sariling wika, sabay-sabay nilang pinalalakas ang isang

buong host ng iba pang mahahalagang kasanayan, tulad ng kritikal mga kasanayan sa pag-

iisip at pagbasa. Kilalang-kilala rin na ang isang matibay na pundasyon ng mother tongue

ay nagbibigay sa mga bata ng mga kasanayang kailangan nila upang matuto ng mga

karagdagang wika, na nagpapahintulot sa kanila na ilipat ang kanilang pang-unawa sa

istruktura ng wika sa ilang mga bagong wika. Ang natuklasan ng pag-aaral na ito ay ang
ii

Mother tongue ay nagpapadali para sa mga bata na kunin at matuto ng iba pang mga wika.

Ang katutubong wika ay nagpapaunlad ng personal, panlipunan at kultural na

pagkakakilanlan ng isang bata. Ang paggamit ng sariling wika ay nakakatulong sa isang

bata na mapaunlad ang kanilang kritikal na pag-iisip at kasanayan sa pagbasa. Ipinakikita

ng pananaliksik na ang mga bata na natututo sa katutubong wika ay nagpapatibay ng mas

mahusay na pag-unawa sa kurikulum.

“Kaugnay nito, ang mga studyante na aktibong gumagamit ng kanilang sariling

wika ay maaaring magkaruon ng mas mataas na kakayahan sa pagsusuri ng masalimuot na

ideya at paglago ng kanilang kritikal na pag-iisip. Ang pag-unlad na ito ay maaaring

magtaglay ng malaking impluwensiya sa pangkalahatang pag-unlad ng mga mag-aaral sa

larangan ng edukasyon.”

You might also like